Jairus POV
Tatlong araw na magmula nung mangyari yung gulo na napasukan ko nung date namin ni luvs/hazel sa mall.
Hinabol kami nila kahit kana motor kami pero sadyang magaling ako at naisahan ko sila.
At ngayon nandito ako room namin at nakatulala sa bintana nakatanaw sa labas at malalim ang iniisip.
Kanina kase nabalitaan kong may camping yung mga grade 11 at tatlong araw din yun at syempre kasama si luvs/hazel.
*Flashback*
Kakapasok ko palang at sobrang ganda na ng ngiti ko pano nakapag videocall kami nung nakaraang gabi.
Halos lahat ng nadadaanan kong kapwa kong estudyante nginingitian ko.
At syempre pinandidilatan ko ng mata yung iismiran lang ako. Dapat happy guys happy.
"Ganda ng ngiti ah muntanga." Salubong ni raymond sakin at sabay sabay naman silang tumawa.
"Pare nakapagpaalam kana ba kay hazel?" Tanong ni paolo. Nakapag paalam?
"Para san?" Tanong ko.
"Dahil kami na." Kaagad kong binatukan si jhared at natatawang lumayo saakin.
"Mawawala sya ng tatlong araw magcacamping ang mga grade 11 sa bundok at ngayon ang alis nila." Nagulat ako dahil sa sinabi ni kyle at dali dali kong tinakbo ang building ng seniorhigh.
Bakit?
Bakit ka aalis ng hindi nagpapaalam?
Pagkarating kong building ng seniorhigh tahimik ang paligid.
Dali dali akong pumunta sa room ni luvs/hazel at ng nasa tapat nako ng pintuan ng room nya. Walang pag aalinlangan kong tinadyakan iyon at niluwal nun ang mga upuan.
Nahuli nako. Nakita ko yung gwardya at kaagad ko itong nilapitan.
"Manong nasan po yung mga estudyante?" Tanong ko.
"Nakasakay na ng bus at paal-
Hindi kona tinapos ang sasabihin nya at dali daling tumakbo papunta sa bus sa may parking lot.
Hindi naman ako nabigo dahil nakita ko na ito.
Ngunit ng malapit nako tyaka ito isa isang nag andaran.
" SANDALE!!!" sigaw ko habang tumatakbo. Peste ayaw ihinto hanggang sa bumibilis yung takbo ng bus at bumabagal naman yung takbo ko.
Wala na...
Hindi man lang sya nag paalam.
Bakit dimo ko sinabihan?
Mag kausap kami kagabi pero bakit hindi nya pinaalam...
Talaga bang wala akong halaga sayo.
*End of the flashback*
"Tol gising recess na." Pagyugyog saakin ni covie.
"Gising ako wag mokong yugyugin." Sabi ko. Totoo naman e nakatulala lang ako pero di ako tulog.
"Osige na tara na sa cafeteria." Sabi nya.
Wala nakong nagawa at sumunod sa gusto nila.
Habang naglalakad may mga babaeng napapatingin saamin.
Sila jhared naman pa cute ampt.
Pero hindi yun yung umagaw nung atensyon ko kundi sa babaeng nagsalita.
"Grabe nakita mo yung kanina ang sweet ni myr kay hazel no? Bagay na bagay talaga sila kyaahhh." Kinikilig na sabi nung babae with matching hampas hampas sa mukha nung kausap nya.
"Kaya ba sya hindi nag paalam sakin dahil kasama nya si myr?" Napalingon saakin yung lima dahil sa tinanong ko dun sa mga babae na nag uusap.
Nagulat naman sila dahil sa tinanong ko.
"Excuse me talagang hindi sya mag papaalam pa sayo tignan mo nga yang ityura mo ala pa kay myr na sobrang gwapo." Sabi nung babae.
Napayuko ako dahil dun totoo naman kase yun anlaki ng pagkakaiba naming dalawa.
Sya mukang prinsepe ako mukang lupa.
Sya mayaman ako eto lang.
At higit sa lahat sya parin yung mahal nung babaeng mahal ko.
"Hoy miss akala mo ang ganda mo e muka kanamang ipis."- Raymond.
"Muka kang tilapia." - kyle.
"Muka kang kurimaw." - covie.
"Muka kang aswang."- paolo.
Tinignan naman nung apat si jhared at inaantay kung anong maipang iinsulto.
"A-ah oo tama muka kang tyanak." Sabi nya sabay sabay naman kaming natawa dahil dun.
At yung dalawang babae naman umiyak at nag tatatakbo.
Napangiti ako dahil duon kase may mga kaibigan ako na totoo lalaki kami pero mapa babae wala kaming inaatrasan pag may naagrabyado na isa man samin.
"Teka teka napapangiti natin sila jairus." Sabi ni paolo.
"BESTFRIENDSHUGS" sigaw naming lahat at nag yakapan.
"ANG IINGAY NYO! LABAS!!!" sigaw ng kung sino kaagad kaming lumingon at wrong move kase binabato na kami ng libro nung titser na masungit.
Karipasan kami ng takbo habang tawa ng tawa.
Salamat sainyo dahil napapasaya nyo ko...
...
Kaagad akong nagbihis ng damit pag karating naming magkakapatid galing school.
Pupunta ko ngayon kila tita at tito SA bahay nila luvs/hazel.
Kaagad akong nagpaalam kila mama at papa na kasalukuyang nanunuod ng tv.
At pinayagan naman nila ako at pinaalalahanan na wag masyadong gabihin.
Kaagad akong pumara ng tricycle at tahimik na nakatanaw sa labas at tinitignan ang dinadaanan.
Pero nagtaka ako ng ibang direksyon o mas tamang sabihin na hindi eto yung daan na dapat tinatahak nya.
Tinignan ko yung nag mamaneho nito at laking gulat ko na yung lalaki palang nakaaway ko sa mall nun.
"Kamusta enjoy the ride." Sabi nya at maya maya tumalon sya paalis kahit na umaandar yung kotse.
Naalarma ako dahil nakita kong dumidiretso yung sinasakyan ko kahit walang nag mamaneho.
Damn tinanggal yung preno kaagad kong tinignan yung harap at nagulat ako dahil bangin nayun.
Walang pagaalinlangan kong tinalon palabas ng aking sinasakyan at nag pagulong gulong ako dahil narin sa ginawa ko.
Buti nalang damo ito kundi mag kaka sugat ako neto at lalo akong papangit.
Nang maka recover kaagad akong tumayo at nag pagpag makailang saglit napatakip ako ng tenga ko ng wala sa oras dahil sa narinig kong pagsabog.
Sumabog yung tricycle pagkahulog nya sa bangin.
Kaagad akong naalarma ng may marinig akong mga tumutawa.
Kaagad akong nagpalinga-linga at nakita ko yung mga demonyo na nagtatawanan.
"Ang galing naka ligtas sa bangin, pero makaligtas ka kaya samin?" Tanong nung sinuntok ko sa mall.
"Isa, dalawa, tatlo wow ang onti nyo naman bakit bebente lang kayo? At ano yan puta palo-palo amputa maglalaba ba tayo?" Sabi ko habang natatawa. Mukang nainis naman sya at sabay sabay nila akong sinugod.
Jairus the lastikman.
"TIGNAN KO KUNG MAKATAWA KAPA!!!" Sigaw nung pinuno ata nila sabay hampas saakin nung panlaba nung nanay nya.
Kaagad ko namang inilagan yun at tinadyakan sya sa mukha. Ayun bulagta.
Bigla namang may sumulpot na kasama sya. Tatlo yung humahataw sakin. At yung iba nag aalanganin kung susugod paba.
Napaupo ako ng may pumalo saakin sa likod tangina mo diko pa nga napapasan si luvs/hazel pipilayin muna ko.
Syempre kaagad ko syang binawian at hinawakan si kwelyo at sinuntok suntok ko yung ulo nya.
Ayun para na syang nayuping pakwan. Galing ko talaga kaagad ko sya binuhat patiwarik at walang pag aalinlangan kong initya sa mga nagkukumpulan na kasama nya nasalo naman nila yun at pare-parehong bumagsak.
Sipa...
Suntok...
Headbat...
Buhat...
Balibag...
Huminto ako ng mapagod nako.
"Grabe antitigas ng muka nyo." Sabi ko habang nakatingin sa kanila na kasalukuyang mga nakahiga na.
Nakita kong bumabangon yung pinuno ata nila.
At bago pa sya makatayo ng tuwid tinuhuran ko yung sikmura nya at napaubo sya ng dugo dahil don.
"Lintik ka muntik nakong mahulog sa bangin. Si lastikman ako hindi si superman." Sabi ko napaatras naman sya at hindi nako nag aksaya ng oras at kaagad uli akong sumugod sa kanya.
" LINTIK KA MYR INAAGAW MO SAKIN SI LUVS/HAZEL!!!" Sigaw ko sabay talon at nag superman punch sa pinuno nila at bumagsak sya dahil sa impact nun.
Hinawakan ko sya sa kwelyo nya.
"T-tama na suko nako talo nako maawa ka." Nahihirapang sabi nya.
"Pangako di kana namin guguluhin kung gusto mo kaibigan na tayo." Sabi nya ulit.
Kaagad naman akong tumayo...
"PATAYUIN MO SILANG LAHAT." kaagad syang naalarma dahil sa pagsigaw ko.
Kaagad naman silang nag tayuan kahit nahihirapan.
Kaagad kong inilahad sa pinuno nila yung kamay ko nagulat naman sya dahil duon.
"Pasensya na kung nasaktan ko kayo ng sobra mainit lang ulo ko pinapatawad kona kayo." Sabi ko at kaagad kaming nagyakapan.
...
Pagkatapos naming magsuntukan nag kaayos naman kami at inihatid pa nila ako sa bahay ni luvs/hazel.
Kaagad akong nag doorbell at maya maya may nag bukas ng gate iniluwal nun si tita na nakangiti saakin.
"Nako ikaw pala pasok ka." Sabi ni tita.
"Salamat po." Sagot ko. Pumasok nako at naupo sa sofa.
"Pasensya kana at medyo madumi yung bahay." Sabi ni tita.
"Ayos lang ho nasan po si tito?" Tanong ko.
"Wala sya nasa trabaho atyaka nga pala tatlong araw mawawala si hazel dahil may camping sila sa bundok." Sabi ni tita. Opo nga po hindi panga po nag paalam si luvs/hazel.
"Nabalitaan ko nga tita ako nalang po maglilinis ng bahay nyo." Pagpiprisinta ko.
"Hindi na kaya kona to." Sagot ni tita pero diako nag patalo bandang huli ako ang nag wagi.
Inayos ko kaagad yung mga magugulong gamit at nagwalis.
Tinapon ko yung mga kalat.
At nung matapos ay napahiga ako sa sofa.
Pagod.
"Ayan napagod kapa tuloy mag miryenda ka muna." Napabangon Ako dahil sa pagsulpot ni tita.
"Salamat po tita." Nakangiti kong sabi.
Napakunot yung noo ko dahil sa isang box na nasa divider na pumukaw ng atensyon ko.
"Tita ano pong laman nun?" Tanong ko kay tita kaagad nya namang tinignan yung tinuro ko.
"A-ah gamit ng anak ko yan." Nauutal na sabi ni tita. At dahil may lahi kaming pakielemero kaagad kong kinuha iyon at binuksan dala narin ng kuryosidad.
"Tita mga pictures po nya." Tuwang tuwa kong sabi ang gaganda nya dito sigurong high school sya dito.
Nagtitingin tingin kami ni tita dahil sa mga litrato.
Napatigil ako dahil sa litrato na magkasama at masayang masaya.
Napatigil din si tita dahil sa litrato na tinitignan ko.
"A-ahh tara kain tayo nagluto ako ng kare-kare." Paglilihis ni tita ng awkwardness.
"Tita gaano po sila katagal?" Tanong ko at nakita kong natigilan sya dun.
"3 years sila jairus wag kang mag alala matagal na silang hiwalay." Paliwanag ni tita saakin.
Pero nakatingin lang ako sa picture nila na hawak ko.
"Tita bakit po sila nag hiwalay?" Tanong ko dala narin ng kuryosidad.
Umupo si tita sa tabi ko at hinawakan yung kamay ko at hinimas-himas nya yun.
Pinipigilan kong umiyak kase ayokong mag mukang tanga pipigilin ko hanggat kaya ko.
"Niloko nyan ang anak ko jairus." Paliwanag ni tita. Hayop nayon eh bakit lumalapit pa sya e kasalanan naman pala nya.
"Tita mahal na mahal ko po yung anak nyo at wala po akong dahilan para saktan sya." Seryoso kong sabi ko.
Napangiti naman si tita dahil duon.
"Pero ano pong magagawa ko kung yang lalaki nayan parin po ang mahal nya?" Naramdaman ko nalang tumulo yung luha ko at naramdaman kong niyakap ako ni tita.
"Shhh wag mo isipin yon darating ang tamang panahon at alam kong worth it ang ginagawa mo." Tumango-tango ako dahil sa sinabi ni tita.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal akong nakayap kay tita.
Sana nga...
Sana dumating ang panahon nayun.�