webnovel

DEREF CHAPTER FOUR

Jairus POV

"Ma andito napo kami." Sigaw ko pag kapasok sa loob ng aming tinitirhan.

"Kuya wala ata sila mama patay yung ilaw e." Sabi ni julienne.

"Baka umalis lang sila tara pasok na tayo." Dahan dahan kong binuksan yung pinto. Sobrang dilim naman dito hinanap kaagad ng kamay ko ang pindutan ng ilaw kaso diko makapa nasan naba yun. At ilang saglit pa nahanap kona kaagad ko itong pinindot at nanlamig sa aking kinakatayuan. Si mama at papa naliligo sarili nilang mga dugo.

"HINDEEE!!!" sigaw ko. Nakarinig naman ako ng mga yabag at ilang saglit pa bumukas yung pintuan.

"Anak anong nangyari okay kalang?" tanong ni mama.

Nagulat sya dahil sa biglang pagyakap ko sa kanya ng mahigpit naramdaman ko nalang yung mainit na likido na bumababa sa aking mga mata naiyak lalo ako nang hagurin ni mama yung likod ko.

"Ma nanaginip po ko ng masama. Ma wag nyo po kaming iiwan ni papa."�Nanginginig na sabi ko.

"Shh panaginip lang yon di kami mawawala ng papa mo shhh tahan na. Di bagay sayo." Sabi ni mama na ikinataka ko.

"Po? Di bagay?" Sabi ko.

"Oo anak ampanget mo pala umiyak." Imbis na mainis natawa nalang ako.�Nagtanong naman ako kay mama ng ilang mga bagay. Oo nga pala pag ka uwi naming magkakapatid humiga pala kaagad ako kaya diko namalayang dinalaw nako ng antok.

Masisisi nyo bako e napagod ako kay baklang suma tyaka sa mga kampon nya.

Sabay sabay kaming kumain pagkatapos kong umiyak nag kwentuhan naman kami at naikwento ko yung sa away akala ko magagalit sila pag katapos ko kaseng mag kwento na bakla pala yung suma nayon tawa sila ng tawa sisiga siga e daig pa pala yung nalantang gulay.

...

Kasalukuyan akong nakahiga dito sa aking kama at naiinis.

"Anak ng tekwa naman kanina pako chat ng chat ayaw mag reply hirap talaga kapag maganda yung nililigawan madaming kaagaw." Naiinis na sabi ko sa sarili ko.

Ibababa kona sana kaso parang gusto kopang mangulit. Yari ka sakin.

"Hey kamusta kana." Pagtitipa ko sabay send.

"Huy kumain kana ba?"

"Nandito nako sa bahay kanina pa sabi mo mag chat ako kapag nakauwi nako." Natatawa kong chat hehe wala naman syang sinabi eh.

Nagulat ako ng mag reply sya.

"Inaantok kalang itulog mo yan."- luvs/hazel ko.

"Yiee concern ka?" Tanong ko.

"Oo, baka mamatay ka bigla dahil sa sakit ampayat mo pa naman." Sagot ko. Abat tignan mo to o maghubad kaya ko sa harap nya bukas ng makita nya ang aking katawan nice jairus, nice idea.

"Magpahinga kana gabi na bukas mo nalang ako kausapin." Pamatay kong sabi.

"Wow ikaw nga tong istorbo e." Sagot nya. Nag vm ako sa kanya para maging maayos ang pagtulog nya. Tapos pinatay kona yung dapat patayin at akoy pumikit na bahala sya kiligin don.

Hazel POV

Binaba kona yung cellphone ko at naligo nako pa vm, vm pang nalalaman abno talaga. Naglinis nako ng katawan at pagkatapos humiga nako sa kama at tinignan uli yung cellphone ko then pinindot ko yung vm nya.

"Ilove you luvs/hazel inaantok nako e sensya sa istorbo love you mwuah."- bwisit. Bwisit nilagay kong nickname sa kanya.

Abnormal talaga. Pinikit ko na yung mata ko at hinayaang dalawin ng antok.

...

Jairus POV

"Mukang maganda gising ni kuya ah." Sabi ni jasel. Pano banaman kanina pako pasayaw sayaw. Masisisi nyo bako pagka gising ko nakita ko kaagad yung react nya sa vm ko. angry lang naman ANGRY MEN ANGRY diba nakakatuwa.

"Hayaan mona ang kuya mo minsan lang yan sumaya." Sabi ni mama. Nga naman. Dahil dyan may five star ka sakin mamaya.

"Eh ma kami bawal pang mag- you know." Naiilang na sabi ni julienne. Natawa naman ako nung marinig ni papa yung usapan nila.

Pagkatapos naming kumain. Naligo na kami at umalis na ng sabay sabay.

Nang masigurado kong okay na sila at nasa school na yung dalawa naming prinsesa tumakbo kaagad ako sa building ng senior high.

At pinagtitinginan ako ng mga estudyanteng nadaraanan ko tss hirap maging gwapo. Lumapit ako sa isang babaeng nakaupo sa bench at mukang nagulat sya.

"A-anong kailangan mo?" Nauutal nyang tanong see nauutal it means na ga-gwapuhan.

"Nasan yung room ni luvs/hazel hipolito?" Magiliw na tanong ko.

"A-ah sa section A dun sa asul na pinto." Sabi nya. Dyan ka pala nag lalagi ah hige wait for me mababy.

"Sige una nako salamat." Sabi ko teka may nakalimutan ako.

"Ahm kilala mo ba ko?" Tanong ko. Umiling sya bilang pagsagot. Seriously hindi nya ko kilala.

"Ako si jairus grozen boyfriend ako ni luvs/hazel hipolito sabihin mo sakin kung may pumoporma sa kanya dito at ma-samplelan ko lang." Sabi ko. Pero mukang dinya gagawin yon kaya pinandilatan ko sya ng aking malalaking mata mukang effective naman at napalunok nalang sya ng laway at tumango- tango good.

Pumunta kaagad ako sa lungga ni prinsesa at nakita kong may teacher na nagtuturo ng mapahinto sya dahil sa aking mukha.

"Good morning ser excuse ko lang po si hazel hipolito pinapatawag po sya sa english club." Pagsisinungaling ko.

"Hazel hipolito pinapatawag ka."sabi ni ser hehe nice brain. At nakita ko naman si luvs/hazel na mukhang nagtataka at balak nakong kalmutin.

"Pero se- pinutol ko ang sasabihin nya.

"Ser ASAP po kase." Sabi ko tumango naman si ser at wala ng nagawa si luvs/hazel kundi tumayo at pandilatan ako ng mga mata nya.

Nang makalagpas na kami sa room nya.

"SINUNGALING KA!!!" Napangiwi nalang ako sa sigaw nya ganto ba talaga maglambing ang mga babae.

"Hehe may gusto lang sana kong sabihin uhm ano sabay tayong uuwi mamaya aantayin kita sa labas ng gate nyo." Nakita kong namula sya see namula it means kinilig men kinilig.�Mamatay kayo sa inggit mga kuliglig.

"Dahil lang don ilang beses ko bang sasabihin na ayoko sayo? Kelan moba ko tatantanan?" Sabi nya na kinabigla ko grabe ansakit pala kapag galing sa kanya. Napayuko ako dahil don pinapigilan kong maiyak at nagwagi naman ako.

"Teka nagsisimula palang ako patitigilin mona ko hayaan mong patunayan ko yung sarili ko sayo." Sabi ko with matching paawa effect at singhot singhot.

"Bahala ka sa buhay mo." Sabi nya sabay lakad paalis. Pero syempre diko pa nasasabi ang pamatay kong linya. Na tinatawag kong MANGISAY KA SA KILIG.

"Hindi kita pababayaan kase ikaw ang buhay ko." Sabi ko at napahinto naman sya pero ng balak nyang akong lingunin naglakad nako paalis. Wow ano to eksena.

Hazel POV

"Hindi kita pababayaan kase ikaw ang buhay ko."

Kanina pako tulala dahil sa sinabi nya after shock pako dun ah. Diko alam pero anlakas ng tama, grabe malakas na tama nya sa ulo.

"Huy." Nagulat naman ako sa biglang pagsulpot ni ellie.

"Anyare sayo kanina kapa tulala dahil ba sa sinabi sayo ni jairus?" Nagulat ako lalo dahil sa sinabi nya at tinakpan ko kaagad ang boses nya dahil nasa cafeteria kami ngayon.

"Hindi ah bat ko naman iisipin yon e malakas na sapak non sa ulo." Pagdadahilan ko.

"Weh? Ikaw ah aminin nagkakagusto kana sa kanya noh?" Tanong nya na kinabigla ko.

"SYEMPRE HINDI NO!!!" Napatakip kaagad ako ng bibig ko dahil sa biglang pagsigaw ko. Kainis nakakahiya andito nga pala kami sa cafeteria. Nag peace sign nalang ako sa mga tao.

"Defensive ha epekto nga naman kapag magaling mag deny." Sabi nya habang natatawa.

"Ellie alam mong sya parin yung gusto ko kaya kahit anong gawin ni jairus wala syang mapapala sakin darating ang ilang linggo hihinto din sya." Paliwanag ko at tumango tango naman sya.

Sana nga. Sana nga tumigil na sya.

...

Hazel POV

Uwian na namin ngayon at naglalabasan na ang mga kaklase ko.�Ako heto nag-aayos ng gamit sa bag.

"Bes antagal mo naman." Reklamo ni ellie. Habang nag-aayos ako naalala kong susunduin pala ako ni bwisit.

"Bes mauna kana dito ko dadaan sa likod." Sabi ko nagulat naman sya dahil don.

"Bat dyan e mapapalayo kapa." Sagot nya.

"Inaantay kase ko ni jairus sa labas ng gate. Ayokong malaman nya kung san ako nakatira." Sabi ko.

"Sige pero magiingat ka ah text moko kapag nakauwi kana." Sabi nya tumango naman ako at naglakad nako paalis.

Pinagbabawalan kaming dumaan dito kase madilim daw atyaka madaming tambay kaya no choice ako.

Habang naglalakad ako hinawakan kong mabuti yung bag ko at nilabas ko yung cellphone ko para may konting liwanag.

Nakikita kona yung kalsada ang kaso may naramdaman akong matalim na nakatutok sa tagiliran ko. Unti unti nakong pinagpapawisan ng malamig.

"Holdap to miss bigay mo sakin yan." Sabi nya sabay turo nung bag ko.

"Kuya parang awa mona wag ako iba nalang wala namang laman to e puro notebook lang." Kinakabahan kong sabi. Mukang nagalit naman sya lalo. Hala katapusan kona. Pls kung sino mang nandyan mapa engkanto o espirito iligtas ako. Nagsimula nakong magkipag agawan ng hilain nya yung bag ko.

"Akin na yan!!!" Galit na sabi nya.

"Bat moba inaagaw e sakin to." Sigaw ko. Naramdaman kong nahila ko yung bag tapos pag harap ko sa kanya nanlaki yung mata ko ohh no!!! Yung patalim winawasiwas nya sa kamay nya katapusan kona nga at napatili nalang ako nung lumapit sya. Pero ng imulat ko yung mata ko nakabulagta na yung holdaper at ng tignan ko kung sino yung anghel na nagpabagsak sa kanya mas lalo akong nagulat.

"Myr" sambit ko.

Jairus POV

Kanina pako nag aantay dito kaso hindi ko sya makita bat antagal nya nagsisimula nakong kabahan.

"Tol kanina pa tayo nag aantay bat wala pa sya." Reklamo ni covie.

"Kinakabahan ako tol parang may mali." Sambit ko napatingin naman silang lima sakin dahil sa sinabi ko.�Maya maya nagulat ako dahil may hinaltak na babae si kyle.

"Ellie nasan si hazel?" Nagulat yung ellie dahil sa sinabi ni kyle.

"A-ah nasa ano-

" NASAN!?" sigaw ko namutla naman sya dahil don e sa na papraning nako e.

"D-di sya sumabay sakin tas dumaan sya sa likod." Paliwanag nya pero hindi kona sya pinansin at dali daling tumakbo ako papunta sa likod at narinig ko yung mga pagsigaw nila sa pangalan ko pero alam kong susundan nila ako kaya hindi kona sila nilingon. Nang matanaw ko ang lumang gate sa likod kaagad kong tinalon yun boom talo kopa si superman.

Hindi ko pinansin yung kadiliman na bumabalot dito shit dito sya dumaan.

Makailang saglit nagulat ako at napahinto sa aking nakita.

Si hazel.

May kayakap na lalaki. Naramdaman kong hinawakan nila ako sa aking balikat para pigilan.

Mga ungas wala naman akong balak na guluhin sila dahil wala akong karapatan.

Mas gugustuhin ko pang tumayo dito at kumbinsihin ang aking sarili na kalimutan at itakwil sa aking isipan ang nakikita ko ngayon kase kapag diko nagawa yon baka kahit si superman di ako mapigilan kapag nag wala ako. Baka umiyak yon kapag nalaman nyang may tatalo sa kanya.

Liningon ko sila at nakita ko sa mga mata nila ang pag aalala pero binigyan ko lang sila ng pilit na ngiti at tango pero kahit di sila sang ayon nauna nakong maglakad palayo at naramdaman kong nakasunod sila saakin.

Ansakit grabe yung wonderwoman ko may kayakap na wolverine ngayon. Di hamak naman na mas gwapo si lastikman don.

Next chapter