webnovel

Chapter 25: The truth shall set you free

Note: Itong Chapter na ito ay currently at R-15 version for the sake of Hermosa Pieza BL Novel Competition. If you would like to read the R-18 or the SPG version 😉 comment lang kayo and I'll post it on my FB page.

Date: December 29, 2020

Time: 5:30 P.M.

Sa panahong ito, gawa na ang laboratory at sinimulan na rin ang pagbuo sa time machine. Si Jin at Rjay lang ang nasa loob ng laboratory sa mga oras na ito dahil umuwi na ang iba nilang mga kasama sa pagbuo nito.

Naisipan na ng dalawa na magpahinga pagkatapos ng mahabang araw na kanilang ginugol para sa pagbuo ng time machine. Nag-unat muna si Jin at napatingin sa kanyang wall clock at tiningnan ang date at oras.

"Malapit na pala mag new year 'no? Ang bilis ng panahon. Kamusta na kaya si Chris? Hindi man lang siya nag-uupdate kung anong nangyari sa kanya." sambit ni Jin.

Biglang nakaramdaman ng inis si Rjay nang marinig niya ang pangalan ni Chris, ngunit hindi niya ito pinahalata kay Jin.

"Baka kinalimutan ka na niya, Jin. Pati ako hindi niya din kinakausap na or ina-update. Kahit Messenger nga nag-deactivate siya. Kahit nga snail mail rin, wala! Tingin ko kinalimutan na tayo ni Chris. Masaya na siguro siya sa bagong buhay niya, hayaan na lang siguro natin siya kasi hinayaan niya na tayo." Sagot ni Rjay.

Nalungkot si Jin at nagbuntong hininga, "Tingin mo ba, mas masaya na siya ngayon?" 

"Oo. Kasi kung ayaw niya talaga doon, gagawa at gagawa siya ng paraan umuwi dito. Malapit na mag new year, kahit magbakasyon man lamang baka nga hindi niya magawa eh." sagot ni Rjay.

"Siguro nga. Kasi naka ilang sulat ako sa kanya, kahit nga snail mail nagbabakasakali ako na may bumalik. Kaso 6 months na nakakalipas, kahit isang letter walang bumalik. Tingin mo ayaw niya na sa atin?" tanong ni Jin.

"Oo, Jin. Hindi na tayo gusto makasama ni Chris. Hayaan na natin siya. Iniwan niya na tayo kapalit ng bagong buhay, kaya iwanan na rin natin siya. Mukhang wala na tayong magagawa, Jin. Basta ako, magsasaya lang ako dito kasama ka. 'Pag nagawa natin itong time machine, pwede nating balikan 'yung mga masasayang moments." nakangiting sagot ni Rjay.

"Buti ka pa, Rjay. Salamat kasi nandito ka pa! Halika nga, Iki-kiss kita!" pabirong sinabi ni Jin at nilalapitan si Rjay para kunwari ay halikan ito.

Tinutulak papalayo ni Rjay si Jin at nagkukunwari na pinipigilan niya ito, ngunit dahil sila lang ang tao ngayon sa loob ng laboratory, ay hindi niya na napigilan ang kanyang sarili at ang kanyang masamang balak.

Biglang tinanggal ni Rjay ang lakas niya sa pagpigil kay Jin, at hindi sinasadya, napalapit ang mukha ni Jin sa mukha niya at naglapat ang kanilang mga labi.

Biglang nahalikan ni Jin si Rjay ng hindi sinasadya. Napatigil silang dalawa nang biglang magkadikit ang mga labi nila. Nakadilat lang si Jin dahil sa gulat habang si Rjay naman ay nakapikit.

Dahan-dahang hinawakan ni Rjay ang mukha ni Jin ng kanyang dalawang kamay, at madamdaming hinalikan ang mga labi nito.

Si Jin naman ay hindi makagalaw dahil sa bilis ng mga pangyayari, tila nakadilat at nakatulala lamang. Habang si Rjay naman ay pinagsamantalahan ang pangyayari na hindi kumikilos si Jin at patuloy niya itong hinahalik halikan.

"Ang init ng mga labi ni Jin. Ang sarap sa pakiramdam na halikan mo ang taong gusto mo. Pero bakit hindi siya pumipiglas? Ibig sabihin ba gusto niya itong nangyayari? Hindi siya kumikilos at lumalaban, pero okay lang. Itutuloy ko lang ang paghalik sa mga labi niya. Hindi ko alam pero may kakaiba akong nararamdaman sa katawan ko. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko, nasasarapan ako. Jin, patawad, pero gustong gusto talaga kita." nasa isip ni Rjay.

Hindi pa rin gumagalaw si Jin at tuloy tuloy pa rin ang pag halik ni Rjay sa kanyang mga labi. Tinanggal ni Rjay ang kanyang mga kamay sa mukha ni Jin at niyakap niya ito upang mapalapit ang katawan nito sa kanya. Tinuloy lang ni Rjay ang kanyang ginagawa dahil hindi ito pumipiglas at hindi rin ito gumagalaw.

Pagkatapos niyang halik-halikan si Jin sa mga labi, hinahalikan niya ito sa cheeks habang tinitingnan niya kung ano ang reaksyon nito at kung nasasarapan ba ito. Nakita niya na biglang pumikit si Jin at namumula na. Para kay Rjay, hudyat na nagustuhan ni Jin ang kanyang ginagawa.

Nilapit ni Rjay ang kanyang mukha sa kanang tainga ni Jin at binulungan ito.

"Gusto mo ba, Jin? Mas kaya pa kitang pasayahin. Hindi 'to kayang ibigay ni Chris sa'yo, pero ako kaya ko ibigay lahat sa'yo... kahit pa buong pagkatao ko."

Muling hinalikan ni Rjay ang mga labi ni Jin at sa pagkakataong ito, nagsimulang kumilos ang mga labi ni Jin na siyang ikinatuwa ni Rjay.

Nakapikit lamang si Jin, ngunit nagsimula nang tumulo ang kanyang mga luha. Tumigil sandali sa paghalik si Rjay at muling bumulong,

"Jin, mahal kita higit pa sa kaibigan. Matagal na akong may lihim na pagtingin sa'yo. Wala na si Chris, ako na lang ang nandito sa tabi mo."

Nakakunot na ang noo ni Jin, ngunit nakapikit pa rin siya at lumuluha. Hindi pa rin alam ni Rjay ang tunay na nararamdaman nito pero para sa kanya, tuloy lang ang kanyang masamang balak.

Muling hinalikan ni Rjay ang mga labi ni Jin dahil hindi pa rin umaalma ito.

Nagsimula nang isara ni Jin ang kanyang dalawang kamao at tila nanginginig na ito… nanginginig na sa galit. Bigla siyang dumilat at bakas sa kanyang mga mata ang lungkot. Ang tanging nararamdaman niya lamang sa mga oras na ito  ay disappointment para sa sarili at pakiramdam niya ay may ginawa siyang hindi kaaya-aya at pinayagan niyang gawin ito sa kanya ni Rjay.

Biglang umiyak ng matindi si Jin na siyang ikinagulat si Rjay kaya napatigil ito sa paghalik.

Napaluhod si Jin tila nanghina ito at biglang humahagulgol, kaya bigla siyang niyakap ni Rjay dahil nagaalala ito para sa kanya.

Hindi niyayakap pabalik ni Jin si Rjay at nakatakip ang kanyang mga kamay sa kanyang mukha na tila ayaw niyang magpakita dahil sa kahihiyan.

Kinakahiya ni Jin ang kanyang sarili.

"Hindi ko sinasadya! Hindi ko sinasadya! Chris, Patawarin mo ko! Hindi ko 'to ginusto! Ayoko 'yung mga nangyari! Hindi ko na alam, pasensya na talaga! Hindi ko na mapapatawad ang sarili ko nito. Pakiramdam ko binaboy ko na sarili ko para sa'yo, Chris. Patawarin mo ko! Ikaw ang iniisip ko noong hinalikan ako ni Rjay! Hindi ko alam! Nalilito ako! Nahihirapan ako! Chris, patawarin mo ko! Hindi ko 'to ginusto! 'Wag mo ko kamumuhian! Ikaw lang ang mahal ko, sa'yo ko lang gusto gawin ito. Bumalik ka na, please!" sinisigaw ni Jin sa kanyang isip.

Labis na nagalala si Rjay para kay Jin dahil sa pagiyak nito na tila hirap na hirap na ito at tila halo halong emosyon ang nararamdaman.

Tinanggal ni Rjay ang mga kamay na nagtatakip sa mukha ni Jin at nilapit niya muli ang kanyang mukha upang halikan ito. Nang malapit na maglapat ang kanilang mga labi, bigla siyang sinapak ni Jin sa mukha dahil sa galit na nararamdaman nito. Napaurong ang buong katawan niya at tumumba sa sahig. Naramdaman niya na nagdugo ang kanyang labi dahil sa natamo niyang sapak mula kay Jin.

Tiningnan ni Rjay ang mukha ni Jin na umiiyak ngunit galit na galit at kita sa mga kanyang mga mata ang lungkot. Takot na takot siya nang makita niya ang kakaibang mata ni Jin na punong puno ng galit at lungkot. Biglang nanginig ang buong katawan niya at hindi na alam ang kanyang gagawin. Pinunasan niya ang labi niya na matindi ang pagdudugo dahil sa sapak na kanyang natamo.

Tumayo si Jin at tumakbo palabas ng laboratory. Umiiyak at balisa siya nang umalis at iniwan niya si Rjay.

Tila gumuho ang mundo ni Rjay at iniisip na baka kamuhian na siya ni Jin habambuhay. Napaluhod na lamang siya at balisang balisa sa mga nangyayari.

Papasok pa lang si Jon sa laboratory nang makita niya na lumabas si Jin at hindi siya pinansin nito. Ngunit nakita niya na umiiyak at galit na galit habang tumatakbo papalayo sa kanya.

"Anong nangyari sa kanya? Bakit parang galit siya? May nangyari kaya?" bulong ni Jon sa kanyang sarili.

Pumasok si Jon sa laboratory at nakita niya si Rjay na nakaluhod at umiiyak. Pinuntahan niya ito, at umupo siya sa tabi nito. Kinuha niya ang kanyang panyo at pinunasan ang nagdudugong labi nito.

"Anong nangyari, Rjay? Bakit nagdudugo 'yung labi mo? Bakit umalis na galit si Jin?" tanong ni Jon habang pinupunasan niya ang labi ni Rjay.

Umiiyak pa rin si Rjay at hindi alam ang gagawin. Kaya bigla niyang niyakap si Jon na siyang kinagulat naman nito.

"Patawarin mo ko! Hindi ko sinasadya! Hindi ko napigilan sarili ko! Please! Patawarin mo ko! Hindi ko kakayanin kung lumayo ka sa akin! Hindi ko na uulitin, please! 'Wag mo ko lalayuan, Jin!" umiiyak na sinabi ni Rjay habang niyayakap niya si Jon ng mahigpit.

Nagtataka si Jon sa sinasabi ni Rjay. Hinawakan niya ang mga balikat ni Rjay at nilayo kaunti ang katawan ni Rjay mula sa pagkakayakap at tiningnan niya ito ng masinsinan.

"Teka teka teka, hindi ko alam 'yung nangyari. Bakit ka nagsosorry? Tsaka anong tawag mo sa akin? Jin? Hindi ako si Jin. Nag away ba kayong dalawa?" tanong ni Jon.

"Wag mo ko iiwanan, please, 'wag mo ko lalayuan! Dito ka lang sa tabi ko! Hindi ko kaya na mawala ka, Jin! Lahat gagawin ko para sa'yo!" patuloy na paghihinagpis ni Rjay.

Hinawakan ni Jon ang mukha ni Rjay at iniharap ito sa kanya at kinausap.

"Hindi kita maintindihan. Anong sinasabi mo?" tanong ni Jon.

"Jin, mahal na mahal kita. Please 'wag mo kong lalayuan!" sagot ni Rjay.

Nagulat at nanlaki ang mga mata ni Jon sa mga isinambit ni Rjay. Hindi siya makapaniwala sa mga narinig niya.

"Huh? Mahal mo ko? Hindi ba bilang kaibigan? Pero bakit sa akin mo sinasabi?" nasa isip ni Jon, "Rjay, hindi kita maintindihan. Anong mahal ang sinasabi mo? Tsaka, hindi ako si Jin." hirit ni Jon.

Tinanggal ni Rjay ang mga kamay ni Jon sa kanyang mukha at nagsalita siya.

"Alam ko ang tungkol sa inyo. Alam ko na ikaw talaga si Jin." malungkot na sagot ni Rjay. 

Nagulat at natulala si Jon sa nalaman niya.

"Jin, patawarin mo ko please! Hindi ko na uulitin, ayokong magalit ka sa akin! 'Wag mo ko kamumuhian! Kung makabalik ka sa oras mo, please, 'wag mo kong lalayuan. 'Wag mo ko pandidirian. Patawarin mo ko!" paulit-ulit na sinasabi ni Rjay at muli siyang umiyak.

"Ano bang nangyari? Anong ginawa mo?" tanong ni Jon.

"Ginawa ko ang hindi nararapat. Dahil dito, hinding hindi na ko kakausapin ni Jin kahit kailan. Hindi ko napigilan sarili ko, nagkamali ako. Tulungan mo ko! Ibalik mo si Jin sa akin. Mahal na mahal ko si Jin, hindi bilang kaibigan pero gustong gusto ko na maging akin si Jin!" naiiyak na sinabi ni Rjay

"Mahal mo si Jin? Gusto mo na maging sa'yo siya? Pero alam mo kung sino ang gusto ni Jin, 'di ba?" tanong ni Jon.

"Oo! Alam ko na ang gusto mo si Chris! Hindi pwedeng maging kayo!" naiinis na sinabi ni Rjay habang naiiyak

"Anong ibig mong sabihin na hindi pwede maging kami?" nagtatakang tanong ni Jon.

Pinunasan ni Rjay ang kanyang mga luha at nagsimula nang umamin.

"Sabihin mo 'to sa isa pang Jin, hindi kayo pwedeng maging masaya ni Chris at hindi kayo magiging masaya." hirit ni Rjay.

Medyo nanggingil at nainis si Jon sa sinasabi ni Rjay, ngunit nagtimpi siya at gusto niya marinig ang paliwanag nito.

"Anong ibig mo sabihing hindi kami magiging masaya?" tanong ni Jon.

"Dahil habang magkasama kayo, laging may gugulo at gugulo sa inyo. Alam ko ang totoo. Alam ko ang baho ni Chris at ng pamilya niya!" sinigaw ni Rjay.

"Anong ibig mo sabihin, Rjay?"

Biglang napangisi si Rjay at tila natawa siya at dahan dahang nagshift sa pagiging seryoso. Tiningnan niya si Jon ng masinsinan sa mga mata nito.

"Hindi kayo magiging masaya ni Chris, kasi, siya at ang pamilya niya ang dahilan kung bakit nawasak ang pamilya mo at nawalan ka ng magulang!" biglang isiniwalat ni Rjay, "'Di ba ang akala mo sa sakit namatay ang parents mo? Nagkakamali ka! 'Yun ang alam mo! Pinapatay sila ni Mr. A.!" hirit ni Rjay habang nakatingin siya sa mga mata ni Jon at natatawa na tila para na siyang nababaliw.

Si Jon naman ay nagulat at naghahalo-halo na ang mga iniisip niya. Patuloy naman nagsalita si Rjay at nagkwento.

Mula sa kwento ni Rjay, ibinahagi niya kay Jon na ang pamilya nito ang pinakamalakas at makapangyarihan noong nabubuhay pa ang parents nito. Ang pamilya nila ang nangunguna at pangalawa lang ang pamilya ni Mr. A. Sinabi niya na marahil ay wala ng natatandaan si Jon dahil bata pa siya ng mga panahon na iyon at wala pang kamuwang-muwang sa mga pangyayari.

Ikinuwento niya rin kay Jon na ang parents niya at ni Chris ay matalik na magkaibigan simula pa noon, ngunit  sa hindi inaasahang pagkakataon, dahil sa estado ng pamilya, nagkaroon ng matinding galit si Mr. A.

"Pinabagsak niya ang pamilya mo, Jin. Hindi totoong namatay ang mga magulang mo sa sakit. Planadong pagpatay ang ginawa ni Mr. A. sa pamilya mo. Ang totoo, binalak niyang lasunin kayong lahat at ipalabas na nag suicide kayong buong pamilya. Pero hindi siya nagtagumpay. Nakatakas ka at ikaw lang ang namumukod tanging nakaligtas sa pamilya mo, ngunit hindi ito alam ni Mr. A. Ang buong akala niya, patay ka na din. Isipin mo, na ang pamilya ni Chris ang dahilan kung bakit mag-isa ka lang sa buhay ngayon! Hindi siya karapat-dapat para sa'yo. Sisirian niya lang lalo ang buhay mo, Jin!" kwento ni Rjay.

Nakatitig lamang si Jon sa inilahad ni Rjay. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaction niya. Blanko lamang siya at walang pumapasok sa isip niya.

"Tingin mo ba magiging masaya kayo habambuhay? Alam na ni Mr. A. na buhay ang kaisa-isang anak nina John at Althea. Lahat gagawin niya para hindi siya masira. Hindi magiging ligtas si Jin sa oras na 'to habang magkasama sila ni Chris." dagdag ni Rjay.

Hindi pa gaanong nagsisink-in sa utak ni Jon ang lahat ng mga nalaman niya. Ngunit may mga maliliit at maiiksing memorya ang biglang pumapasok sa isip niya tungkol sa mga ikinwento sa kanya ni Rjay. Bigla niya naalala ang huling picture sa photo album na nakita niya kung saan kumakain sila kasama ang kanyang mga magulang at ito ang huling beses na nakita niya ang mga ito.

Habang nakatingin si Rjay kay Jon, ay biglang sumara ang pintuan ng laboratory at napakalas ng pagkakasara nito na siyang umagaw sa attention ng dalawa.

Narinig lahat ni Jin ang kinuwento ni Rjay. Pabalik na sana siya sa loob ng laboratory nang marinig niya ang paglalahad ni Rjay tungkol sa pagkamatay ng parents niya. Nang marinig niya ito, tila pakiramdam niya ay kinukurot na ang puso niya at dinudurog. Pakiramdam niya mababaliw na siya dahil sa mga nangyari sa kanya.

Halo halo ang emosyon ni Jin, nalilito, naiinis, nagagalit, nalulungkot at higit sa lahat, pakiramdam niya ay pinagkaisahan siya at niloko ng panahon.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ang pamilya ni Chris ang dahilan kung bakit nawalan ako ng pamilya? Si Mr. A. ang nagpapatay kina mama at papa? 'Yung pamilya ng taong mahal ko ang sumira sa pamilya ko? Ang sakit lang isipin, bakit ngayon ko pa nalaman 'to! Bakit sa ganitong paraan pa? Hindi ko na alam ang mararamdaman ko. Kailangan ko maliwanagan!" nasa isip ni Jin habang naglalakad sa kawalan.

Tinawagan ni Jin si Mr. Jill dahil ito na lang ang paraan na naiisip niya.

"Mr. Jill, Pwede ko po ba kayo makausap? Kung pwede po sa ibang lugar po?"

"Sige, Sir Jin, sabihin mo sa akin ang lugar kung saan tayo magkikita."

"Mr. Jill, tulungan niyo po ako, Kayo na lang ang pagasa ko."

"Sir Jin, anong ibig mong sabihin?"

"Tungkol po to sa pamilya ni Chris... at sa pamilya ko."

End Chapter 25

Next chapter