ANG sumunod na mga pananalasa ni Daniel ay totoong malayo sa lahat ng ginawa at ipinakita nitong gentleness kanina.
Ang bawat ulos nito ay totoong makapangyarihan sa paraan na nararamdaman niya ang pagbundol hanggang sa kaibuturan ng kaniyang pagkababae ang dulo ng pagkalalaki nito. Dahilan kaya sa bawat pagtama nito roon ay hindi matatawaran at hindi rin maipaliwanag na kilabot at sensasyon ang paulit-ulit na gumuguhit sa katawan niya.
Hindi niya alam kung gaano katagal pa niya mararanasan ang ganito kasarap na pakiramdam. Alam naman niya na hindi siya ang una ni Daniel, pero hindi naman importante sa kaniya iyon dahil ang mahalaga siya ang panghuli nito. At siya ang pinili nitong pakasalan.
Sa huling naisip ay mabilis na naramdaman ni Ara ang pag-iinit ng magkabilang sulok ng kaniyang mga mata.
Hindi man niya masabi kung paano pero talagang pinupuno ng hindi maipaliwanag na kaligayahan ang puso niya nang mga sandaling iyon. At ang lahat ng magkakahalong positibong pakiramdam at emosyon na iyon ang nagiging dahilan at mismong nagbibigay sa kaniya ng lakas ng loob upang huminga pa ng mas higit pa sa alam niyang kayang ibigay sa kaniya ng binata nang mga sandaling iyon.
"Daniel, please gusto ko pa, huwag kang titigil, masarap," ang halos pabulong niya pakiusap saka buong pagmamahal na dinama ang napakagwapong mukha ng binata.
Maganda ang ngiting pumunit sa mga labi nito saka inilapit ang mukha sa kaniya at hinalikan. "No, I won't stop, not now," sagot nitong hinugot mula sa loob niya ang pagkalalaki nito saka binago ang posisyon ng kaniyang mga binti.
Agad na niragasa ng matinding excitement ang dibdib ni Ara dahil sa ginawing iyon ng kaniyang kasintahan. Alam niyang may gagawin itong ikasisiya niya ng husto at hindi nga siya nagkamali.
Nang isampay ni Daniel ang isa niyang binti sa balikat nito habang ang isa ay naiwan at hinawakan nito sa may kama ay hindi siya nagprotesta. Pero ang sumunod na ginawa ng binata ang naging dahilan kaya muli ay napasigaw siya, ngunit sa pagkakataong ito ay sa labis na kaligayahan na.
Ibang klaseng sarap ang ibinigay sa kaniyang ng posisyon na iyon lalo na simulan ng binata ang mas madalas at buo nitong penetration sa kaniyang pagkababae.
Sinubukan niyang manahimik pero hindi niya nagawa. May pakiramdam pa nga siya na ang gusto talaga nito ay ang mag-ingay siya. At kapag ginagawa niya iyon, para bang mas nagiging mapanganib ang bawat pananalasa ng pagkalalaki nito na hanggang ngayon ay nararamdaman parin niyang galit na galit sa bawat ulos nito.
"Daniel! Hmmm..." wala na yata siyang iba pang pwedeng sabihin o ibulalas kundi iyon. Paulit-ulit, dahil sa labis na kaligayahan na ginagawa ng binata sa kaniya.
Alam niyang mas higit pa rito ang kayang iparamdam sa kaniya ng lalaking pakakasalan niya. At hindi man niya aminin pero ngayon palang ay excited na siya sa mga susunod pa.
Lalo siyang nasabik sa binata, at sa ginawa nito ay lalo siyang napamahal rito. At nararamdaman rin naman niya iyon mula kay Daniel. Nararamdaman niya kung gaano kalalim ang pag-ibig nito sa kaniya. Nakikita niya sa maiitim nitong mga mata ang pagmamahal na iyon kahit pa sabihing nang mga sandaling iyon ay kasalukuyang kakikitaan ng matindi at tila ba mga nagbabagang apoy ang mga bintana ng kaluluwa ni Daniel.
Isang malakas at impit na tili ang biglang pinakawalan ni Ara nang sa hindi inaasahang pagkakataon ay binigla ni Daniel ang muli nitong paghampas sa pagkababae niya. Sa sobrang tindi ng kilabot na naramdaman niya ay parang wala sa sarili pa siyang napapikit habang nanginginig ang mga kamay niyang kumapit sa braso ng binata.
Ilang sandali munang hindi kumilos ang binata at tila ba binibigyan siya ng pagkakataon para makapag-adjust sa ginawa nito. Pagkatapos noon, makalipas ang ilang sandali ay muli na naman nitong inulit iyon, pero sa pagkakataong ito ay dalawa ngunit may pagitan na.
"Oh, please, gawin mo ulit, it's so good!" aniyang nagdilat ng paningin saka tinitigan si Daniel.
Noon niya nakitang umangat ang sulok ng labi nito at sumilay ang isang makamandag at mapanganib na ngiti. Pagkatapos, makalipas ang ilang sandali ay katulad ng kahilingan niya ay inulit ni Daniel ang ginawa nito kanina.
"Bilis, please, bilisan mo pa," nang maramdaman ni Ara sa sarili niya na kaya pa niyang i-tolerate ang mas madalas at malalalim na ulos ay iyon ang kusang nanulas sa kaniyang mga labi.
Gusto naman talaga niya ang sinasabi ni Daniel at sa tingin niya ay wala naman siyang dapat pang ikahiya rito.
At katulad narin ng hiningi niya ginawang mas mabibilis ni Daniel ang sumunod nitong naging paghampas sa kaniyang pagkababae. Binigyan siya nito ng tatlong mababaw na ulos at ang panghuli at pang-apat ang totoong muling nagpasigaw sa kaniya ng binigla nito at nilaliman ng husto ang sumunod nitong ginawa na katulad kanina ay naramdaman niyang tumama sa loob niya.
Pero masasabi niyang iba ang ginawang iyon ni Daniel. Dahil bigla ay naramdaman niya ang paglapit niya sa tila ba kabilang dimension na parang siya lang at ang binata ang nakakakita. Nang muli ay inulit nito ang ginawang paraan ng pag-angkin sa kaniya kanina ay muli na naman gumawa ng ingay si Ara.
"Ready sweetheart?" ang narinig niyang winika ni Daniel.
Noon siya napatitig sa gwapo nitong mukha. "W-What? Hmmm..."
Nginitian muna siya ni Daniel bago siya nito niyuko ang hinalikan. Pagkatapos ay ibinaba na nito ang binti niyang nasa balikat nito kanina saka siya ibinalik sa kaninang ayos niya na sa pagkakaalam niya ay tinatawag ng missionary position.
"I will claim you the way that I know you will never forget," ang makahulugan nitong sabi na inulit ang sinabi niya rito kanina.
Humaplos sa puso ni Ara ang sinabing iyon ni Daniel lalo na nang makuha niya kung ano ang ibig nitong sabihin.
"K-Kapag ba nabuntis mo ako, pakakasalan mo talaga ako? Hindi mo ako iiwan?" tanong niyang nangilid pa ang mga luha.
Narinig ni Ara ang isang amuse at mahinang tawa na pinakawalan ni Daniel dahil sa tanong niyang iyon. Kasabay pa niyon ang marahan nitong paghaplos sa kaniyang mukha habang mataman siya nitong pinagmamasdan.
Nakikita niya sa mga mata ni Daniel ang kaligayahan na hindi niyang kayang pangalanan. Bukod pa roon ay bakas rin sa mukha nito ang kaparehong emosyon na iyon. Kaya naman nang magsalita ito ay hindi na siya nasorpresa sa isinagot ng binata sa tanong niya rito kanina.
"Mula nang gabing sagutin mo ako, para sa akin asawa na kita, kasi noong araw na iyon mismo ipinangako ko sa sarili ko na gagawin kitang pinakamasayang babae sa buong mundo, at hindi magbabago ang pangakong iyon, kahit mawala man ako," anito.
Tumango si Ara saka matamis na nginitian si Daniel bilang tanda ng kasiyahang inihatid sa kaniya ng lahat ng sinabi nito. Pagkatapos noon ay inihanda na niya ang muling pananalasa nang binata sa kaniya nang maramdaman niya ang ulo ng pagkalalaki nitong sinisimulan na nitong ikiskis sa basa niyang hiwa.
"Oh!" aniyang sinimulang maghabol ng hininga nang ipagpatuloy ni Daniel ang ginagawa sa tila ba nanunuksong paraan. "i-it's so gooood!" daing niya nang hindi makatiis. "please, get inside me," nang hindi na makatiis ay minabuti na ni Ara na sambitin ang mga salitang iyon.
Parang iyon lang din naman ang hinihintay ni Daniel na gawin o sabihin niya dahil pagkatapos niyon ay mabilis na nitong pinatuloy ang napakakisig nitong pagkalalaki sa lagusan ng kaniyang hiyas. At muli, katulad kanina ay nagsimula na namang gumawa ng ingay si Ara dahil sa matinding kaligayahan na ibinigay na naman sa kaniya ni Daniel.
Hindi niya alam kung dahil ba iyon sa init na nararamdaman niya o dahil narin sa pagiging agresibo ni Daniel subalit sa banayad na paraan dahil hindi nagtagal katulad ng sinabi nito ay ibinigay nito sa kaniya ang klase ng pag-angkin na alam nitong hindi niya makakalimutan kahit na kailan.