webnovel

CHAPTER 6 "TO SEE HER AGAIN"

KINABUKASAN ay masiglang pumasok sa eskwela si Daniel. Alam naman kasi niya kung bakit, excited siyang makita si Ara. Pero dahil nga sa masyado siyang maaga ay naisipan niyang mag-stay muna sa library para doon magbasa-basa.

At iyon na lamang ang kaligayahan na naramdaman niyang biglang nanuot sa puso niya.

Pagbungad kasi niya sa baggage counter ng library ay nakita niya doon ang magandang mukha na sa buong gabi ay naging laman ng kaniyang isipan.

Awtomatiko siyang matamis na napangiti saka malalaki ang mga hakbang na nilapitan ang baggage counter kung saan naka-duty ang babae. Student assistant pala ito sa library at iyon ang palagay niyang dahilan kaya malapit ito kay Jason.

Well, lalo tuloy tumibay ang kutob niya na hindi ito nobya ng kaklase niya kaya kung sakali, pwede pala niya itong ligawan, na siya naman talagang plano niya.

Nakita niyang abala sa pag-aayos ng kung ano ang babae sa mga estante ng lagayan ng bags sa counter kaya hindi nito marahil napansin ang paglapit niya. Kung hindi pa siya tumikhim ay hindi ito haharap sa kaniya.

"Good mor---," anitong natigilan pa at nakita niyang nanlaki ang mga mata na halatang nagulat sa pagkakakita sa kaniya.

"Oh, bakit naman ganyan ang reaksyon mo at para kang nakakita ng multo?" ang natatawang tanong ni Daniel sa babae na nanatiling nakatingala sa kaniya.

"S-Sorry," ang tanging isinagot nito na ang magandang ngiti sa mga labi ay agad na napalis saka siya sinimangutan sa halip.

Lalong nakaramdam ng matinding amusement si Daniel sa nakitang naging reaksyon ng dalaga. Nagbuka siya ng bibig para magsalita pero napigil iyon nang biglang bumukas ang glass door ng library at iniluwa si Jason.

Agad na tumango sa kanya ang lalaki bilang pagbati na tinugon rin naman niya sa kaparehong paraan. Pero hindi niya maiwasan ang makaramdam ng bahagyang kurot sa kaniyang dibdib nang makitang kung gaano katindi ang pagsimangot sa kanya ni Ara ay kabaligtaran naman sa ginawa nitong matamis na pagngiti nang lapitan ito ni Jason.

Nang makaalis si Jason ay noon siya hinarap ng babae para iabot ang number tag na duplicate ng inilagay nito sa kanyang bag.

"Ah, ako nga pala si Daniel," pakilala niyang ngiting-ngiti saka pinakatitigan ang magandang mukha ng dalaga saka iniabot rito ang kaniyang kamay.

Pero iyon nalang ang pagkapahiya na naramdaman niya nang sa halip na tanggapin ang pakikipagkamay niya ay tiningnan lang iyon ng babae saka ito pormal na nagsalita. "Bawal po kaming makipagkwentuhan sa mga estudyante kapag oras ng duty," anitong inirapan siya pagkatapos.

Hindi napigilan ni Daniel ang matawa ng mahina sa katarayan ng babaeng nasa kaniyang harapan. "Ang taray mo naman, kunsabagay, alam ko naman na ang pangalan mo, formality nalang ang pakikipagkilala kong ito," ang confident niyang sagot.

Nakita niyang nagtaas-baba ang dibdib ni Ara dahil sa obvious na nararamdaman na nitong inis para sa kaniya. "Really?" ang sarkastiko nitong tanong.

Halatang ipinakikita nito ang lantarang pagkainis sa kaniya at nagtataka siya kung bakit wala siyang maramdaman na iba nang mga sandaling iyon maliban sa matinding amusement.

"Yeah, actually. Ngayong pormal na magkakilala na tayo huwag mong kakalimutan ang pangalan ko ah? Daniel is the name! Okay?" aniya pang kinindatan ito pagkatapos.

*****

LALONG nagtumindi ang inis na nararamdaman ni Ara nang sa ikalawang pagkakataon na nabiktima na naman siya ng tila ba makamandag na kindat ng lalaking ito na Daniel pala ang pangalan.

Magpasalamat ka at naka-duty ako, kung hindi baka kanina pa kita nasampal!

Ang nanggagalaiti sa inis niyang bulong sa kaniyang sarili habang pinanlalabanan ang kung tutuusin ay kilig na kaniya naman talagang nararamdaman nang mga sandaling iyon.

Napakagwapo ni Daniel, at mas lalo pala itong nakaka-magnet kung tumitig sa malapitan. Hindi niya maintindihan kung gusto niyang mangalumbaba at titigan nalang ito dahil sa labis na karism na taglay nito na bentang-benta sa kaniya. Pero dahil sa may pagka-presko ang lalaki, ayaw niyang alagaan sa puso niya ang kung anumang nararamdaman niyang iyon sa simula pa lang.

Ang mga katulad nito ay alam niyang ang mga tipo ng nagbibilang ng nobya sa daliri. At alam niya na kahit sabihin pang nakikita niya sa mga mata ng binata ang matinding paghanga para sa kanya ay wala rin namang assurance na seseryosohin siya nito kung sakali.

Sa huli niyang naisip ay biglang natigilan si Ara.

Napakabilis namang tumalon ng isipan niya papunta sa ganoong parte eh nakipagkilala pa lang naman sa kaniya si Daniel at kung tutuusin ay iyon ang una nilang formal meeting.

"Paano, papasok na ako ah?" anito pang itinukod ang siko sa counter saka tila nang-aakit siyang ngitinitian.

Noon parang bumalik sa kasalukuyan ang naglalakbay na diwa ni Ara. Hindi na siya hinintay na sumagot ni Daniel at sa halip ay tinalikuran na siya nito at pumasok na nga sa loob ng aklatan.

Naiiling lang na sinundan ni Ara ng tingin ang binata saka pagkatapos ay kinuha ang mga gamit niya nang matanawan ang kapalitan niyang S.A na susunod na du-duty sa pwestong iyon. May klase na kasi siya in fifteen minutes kaya kailangan narin niyang kumilos para hindi siya mahuli.

"Mauuna na ako," saktong paalis na siya nang lumabas naman ng library si Jason na katulad niya ay tapos narin ang duty.

"Hatid na kita?" tanong pa nito.

Tumawa ng mahina si Ara. "Hindi na kailangan, okay lang ako," aniyang tinapik pa ng mahina ang braso ni Jason bago niya ito iniwan.

*****

MULA sa glass door ng library ay abot ng tanaw ni Daniel ang pagpapalitan ng matatamis na ngiti nina Jason at Ara.

Hindi niya maikakaila na talagang napakaganda ni Ara. Siguro may pagka-masungit lang talaga ito sa umpisa dahil kung ibabase niya sa paraan ng pakikipag-usap nito kay Jason ay mukha naman ito malambing at mabait.

Ilang sandali ang nakalipas at walang anuman niyang sinipat ang suot na relo.

Sandaling minuto nalang pala at magsisimula na ang first subject nila kaya minabuti niya ang tumayo na. Sa may baggage ay doon sila nagpang-abot ni Jason na nakita niyang dala narin ang mga gamit at halatang paalis na.

"Sabay na tayo?" anito sa kanya.

Tumango si Daniel ng nakangiti. "Sige," sang-ayon niya.

Habang naglalakad sila pabalik sa kanilang college department ay noon sila nagkaroon ng pagkakataon ni Jason na mag-usap.

Magaan itong kausap at madali silang nagkapalagayan ng loob, kaya hindi na siya nagtaka nang maging sa loob ng classroom ay sa katabi niyang silya naupo ang lalaking kaklase.

Lunch break nang yayain siya ni Jason na sumabay na ng lunch sa kaniya pero naisip niya na baka kasama nito si Ara. Noon naisip ng binata na baka chance na niya iyon para makausap ng mas maayos ang dalaga. Pero mas nanaig sa kaniya ang alalahanin na baka hindi iyon magustuhan ng dalaga kaya minabuti niyang tanggihan nalang ang alok ng kaklase niya.

Marami pang pagkakataon, at ayaw naman niyang magmukhang ginagamit lang niya si Jason para mapalapit kay Ara. Dahil kahit hindi niya aminin, alam niyang sa ikli ng oras na piangsamahan nila ng kaklase niya, parang isa lang ang magiging ending nila, at iyon ay ang pagiging magkaibigan nilang dalawa.

Next chapter