webnovel

Chapter 48: Lawrence

LUNA'S POV

Mabuti na lang maagang nagsitulugan ang mga ka-boardmate ko. Lumabas na ako ng kwarto nang mag-aalas nueve na ng gabi. Dahan-Dahan pa ako dahil baka magising ko si Paulo. Mukhang napagod yata siya sa kaluluto kanina. Nang nasa labas na ako ng dorm nagpalinga-linga ako at hinanap si Arif pero wala pa siya. Naglakad-lakad ako sa may gilid.

"Nasaan na siya? Hindi kaya siya seryoso sa deal namin kanina?"

"Sino'ng may sabi sa'yo?"

"Ay kalabaw ka!" Natawa si Arif sa reaksyon ko. Bigla ba naman siyang sumulpot sa likuran.

"Fair enough. Ginulat mo rin ako kanina eh." Napangisi pa siya.

"Akala ko hindi ka darating."

"You really don't know me yet. Kahit kailan hindi ako sumira sa usapan."

Naupo kami sa may gilid.

"Ano ba talaga ang kailangan mo sa akin?" Inilahad ko ang kamay ko sa harap niya.

"Luna." Tiningnan niya lang sandali.

"Arif." Inabot niya ang kamay ko at nakipag-kamay. Binawi ko rin agad ang kamay ko.

"Ikaw ba talaga si Arif?"

"Yes."

"Naalala mo pa ba kung paano ka... n-namatay?" Napatingin siya sa ibang direksyon.

"In a car accident. I was with my friend that day. We had a fight about Maxine and then biglang nag-init agad ang ulo niya. He drove the car in a high speed... tapos biglang nawalan ng preno kaya sumalpok kami sa isa pang sasakyan. Nagkagulo na. Nawalan na ako ng malay. Wala na akong alam sa sunod na nangyari. Nagising na lang ako na ganito na ako... isang kaluluwa." Nakatingin lang ako sa kaniya.

"Sino 'yong kaibigan na sinasabi mo?"

"Si Lawrence."

"Lawrence." Alam kong narinig ko na ang pangalan na ito. Parang medyo nagiging pamilyar na sa akin si Lawrence kaso hindi ko pa rin siya kilala.

"Lawrence?"

FLASHBACK

"Aksidente?"

"Bakit? Huwag mong sabihing hindi mo rin alam."

"Taga-MSU ka ba talaga?"

"Ibig mong sabihin naaksidente pala si Arif? Kailan pa?"

"Mahigit isang buwan na yata ngayon simula nang mangyari 'yong aksidente na 'yon. Lahat nga kami dito nagulantang eh maliban na lang siguro sa'yo."

"Wala namang...namatay sa aksidente na 'yon, di ba?"

" 'Yon na nga ang malungkot eh kasi namatay 'yong bestfriend ni Arif na si Lawrence. Tapos si Arif naman kaunting gasgas lang ang..."

"Sandali. Lawrence ba kamo? Lawrence ang pangalan ng bestfriend ni Arif?"

"Oo. Bakit, kilala mo siya?"

"Parang... Para kasing narinig ko na ang pangalang 'yan sa kung saan pero hindi ko lang matandaan."

"Baka narinig mo lang diyan sa tabi-tabi."

END OF FLASHBACK

Pakiramdam ko hindi ko lang sa kanila narinig ang pangalang 'yon eh.

"Lawrence. Hindi ko alam kung narinig ko ba 'yon o nabasa."

"Marami din naman ang may kilala kay Lawrence baka sa kanila mo lang narinig."

"Tingin ko nga." Direkta akong napatingin sa kaniya na nakatingin sa ibang direksyon.

"Siya nga pala may mas mahalaga akong itatanong sa'yo." Napatingin siya sa akin. Hinintay niya lang ang sasabihin ko.

"Alam mo ba na may isa pang Arif na nabubuhay ngayon? Ano'ng kaugnayan mo sa Arif na kilala ko?" Nakita kong napatiim-bagang si Arif. Iniwas niya ang tingin sa akin. Maya-maya napatingin ulit siya sa akin at bahagyang ngumiti.

"Tulungan mo muna ako kay Max."

"Huh?" Napatayo na siya.

"Magkita na lang ulit tayo bukas before lunch sa harap ng SBM Building. May ipapagawa ako sa'yo." Napatayo na rin ako.

"Teka sagutin mo muna 'yong tinatanong ko."

"See you tomorrow." Naglaho na siya agad.

"Sana pala 'yon na agad ang tinanong ko sa kaniya kanina. Tss." Biglang may narinig akong nagro-ronda kaya agad-agad na akong tumalilis pabalik sa dorm. May curfew kasi ngayon baka mahuli pa ako.

Napatingin ako kay Jedda na kumakain ng biscuits. Maaga ko siyang pinapasok kasi may gusto akong itanong sa kaniya. Nasa may mini kami ngayon. Medyo kukunti pa lang ang mga estudyante dito.

"Je." Napatingin siya sa akin.

"Kwentuhan mo nga ako ng tungkol kay Lawrence." Nangunot ang noo niya.

"Lawrence? Sino'ng Lawrence?"

"'Yong kaibigan ni Arif." Napamulagat siya at nangrus pa.

"Sumalangit nawa ang kaluluwa ni Lawrence. Curious ka sa kaniya? Nakakatakot kayang pag-usapan ang mga patay. Mamaya niyan biglang magpakita sa akin dito 'yon eh." Inismiran ko siya.

"Seryoso nga. Sino ba talaga si Lawrence?" Bumwelo lang siya sandali at saka ako tiningnan ulit. Medyo seryoso na siya.

"'Yon nga si Lawrence ang matalik na kaibigan ni Arif Zamora. Hindi sila mapaghihiwalay na dalawa. Kahit saan sila pumunta palaging magkasama ang dalawang 'yon. Magkapatid ang turingan at parehong close nila ang pamilya ng bawat isa. Pagdating naman sa itsura parehong gwapo si Arif at Lawrence kaya naman sikat na sikat sila sa campus natin. Idagdag mo pa na pareho silang magaling pagdating sa academic. Plus magaling sa sports si Lawrence tapos sa Arts naman si Arif. Sa pag-uugali naman medyo mahiyain si Arif pero sobrang bait niya, huh. Wala siyang ini-snub ni isa mula sa mga nagkaka-crush sa kaniya dati."

"Dati?" singit ko.

"Oo. Kasi ngayon iba na siya eh."

"Paanong iba?" takang tanong ko.

"Hindi na siya masyadong namamansin. Saka parang naging misteryoso na siya bigla. At 'yong nakipag-away siya kay Viel? Hindi naman siya gano'n dati eh. As in lahat talaga dito sa campus close niya kahit 'yong iba hindi niya masyadong kilala kinakausp niya pa rin." Seryosong-seryoso na si Je kung magkwento.

"Tapos si Lawrence?" Napahinga muna siya saka nagpatuloy.

"Si Lawrence naman medyo malakas ang hangin no'n sa katawan. Maraming naging girlfriend dito sa campus. Medyo palaaway 'yon eh at saka mainitin ang ulo. Pero marami pa rin ang nagkakagusto sa kaniya. Marami niya pa ring fans kasi MVP siya sa Basketball dati. Sobrang galing niya talagang mag-basketball kaya mas sikat din siya dito sa campus."

"Paano naaksidente sina Arif at Lawrence?"

"'Yong car accident? Bali-balita na may pinag-awayan daw 'yong magkaibigan na 'yon eh pero walang nakakaalam kung ano ang pinag-awayan nila. Ang sabi lang nawalan daw ng preno kaya sila naaksidente."

Dahil kay Maxine. Bakit kaya nila napag-awayan si Maxine no'n? Pareho kaya silang may gusto kay Max?

"Luna."

"Di ba kaibigan din nila si Maxine?" Napaisip sandali si Jedda.

"Si Max? Kababata siya ni Arif kaya naging magka-close na rin silang dalawa ni Lawrence." Napatango-tango ako.

"Tingin mo kaya may gusto si Lawrence kay Maxine dati? Napaisip ulit siya sa tanong ko.

Pareho kaming natigilan nang may mag-text sa cellphone ko.

Unknown number

[ "Hi, Luna. It's Max. Remember our practice later, 9 AM. See you." ]

"Sino'ng nag-text?" tanong ni Je.

"May practice nga pala kami ngayon."

"Volleyball?"

"Oo."

"Good luck."

Nakailang rounds na kami ng practice dito sa gymnasium. Maayos naman ang practice namin pero medyo nakakapagod. Napahinto kami nang pumito si Sir Andrew.

"Lumapit muna kayo dito." Nagsilapitan nga kami sa kaniya.

"Magaling kayong lahat pero alam niyo naman na kailangan pa pa rin nating mag-practice kasi magagaling din ang mga taga ibang school. Tayo ang nag-champion no'ng nakaraan kaya inaasahan ko na hindi niyo bibitawan ang title na 'yon."

"Makakaasa kayo sa amin, coach." sagot ni Max. Nakikinig lang naman ako.

"Alam ko 'yan. Anyway, habang pinanonooran ko kayo napansin ko na may dalawang qualified para maging captain ball  this time." Lahat sila nagtaka at nagbulong-bulungan. Nagkatinginan sina Max at ang mga kaibigan niya.

"Mukhang ikaw 'yong isang tinutukoy ni coach, Luna." Napatingin ako sa katabi kong si Santy na bumulong sa akin.

"Hindi naman ako magaling eh."

"Magaling ka kaya. Qualified ka as captain ball namin." bulong din naman nitong si Rica na nasa kabilang gilid ko. Silang dalawa ang naging close ko dito saka 'yong iba pa. Maliban na lang sa mga kaibigan ni Maxine na may galit yata sa akin. Halata ko eh. Kanina pinupuro nila ako sa practice. Hinayaan ko lang naman.

"What do you mean, coach? Papalitan niyo si Max?" Naiinis na tanong ni Reanne.

"That's not what I mean. Pero dalawa ang pagpipilian ko sa magiging captain ball ngayon."

"Who is she, coach? Si Luna ba?" iritableng tanong ni Joyce. Wala namang imik si Max pero nararamdaman ko na hindi siya pabor dahil sa reaksyon ng mukha niya.

"Yes." Napatingin ako kay coach Andrew.

Ako?

"Sabi ko na nga ba eh." si Santy.

"Support kami sa'yo, Luna." si Rica. Hindi naman natuwa ang mga kaibigan ni Max.

"After some practice sasabihin ko sa inyo kung sino ang magiging captain ball. Maxine and Luna galingan niyo pa. Kayong lahat galingan niyo. Good luck. So, let's call it a day. Dismiss." Binati din ako no'ng ibang ka-team namin. Napatingin ako kay Max na lumapit sa akin. Napangiti siya.

"Good luck for the both of us, Luna." Inilahad niya ang kamay sa harap ko na tiningnan ko saglit. Hindi ko alam kung ano talaga ang nasa isip niya. Inabot ko ang kamay niya at nakipag-kamay.

"Salamat." Nagbitaw din kami.

"Mauna na ako sa'yo." Tinanguan ko lang siya na hinarap ang mga kaibigan.

"Let's go, guys." Tinanaw ko na lang sila na papaalis na ng gym. Napatingin ako sa biglang umakbay sa aking balikat. Si Santy.

"Good luck sa'yo, Luna. Hindi magpapatalo ng basta-basta si Max."

"Yeah. Lalo na kung posisyon sa captain ball ang usapan. Sa kaniyang korona 'yon eh." si Rica.

"Luna, huwag kang mag-alala support ka namin." Napatingin kami sa iba pa naming ka-team na narito pa pala.

"Salamat." Sabay-sabay na kaming lumabas. Nagkaayaan kami na kumain.

Papunta na kami ng canteen nang makasalubong namin si Arif. Napatingin sa akin ang mga kasama ko.

"Mauna na kami sa'yo, Luna. Saka ka na lang sumabay sa amin sa pagkain." si Santy.

"Sige." Nagtuloy na sila. Nilapitan naman ako ni Arif.

"Hi, Luna." Tiningnan ko siya.

"Kumusta na 'yong sugat mo?"

"Okay naman na."

"Magla-lunch ka na ba?"

"Oo."

"Sakto hindi pa rin ako nagla-lunch eh. Puwede ba akong sumabay sa'yo?" Naiilang akong napangiti sa kaniya.

"Sige, ikaw bahala." Palakad na kami papunta sana sa canteen nang mapahinto ako. Tiningnan niya ako.

"Why?"

"May kailangan pa nga pala akong puntahan, Arif. Saka na lang ako sasabay sa'yo. Alis na ako." Iniwan ko na siya na wala namang imik. Nagmamadali na akong nagtuloy sa may SBM. Nakita ko si Arif na nakasandal sa may hallway. Nilapitan ko agad siya.

"Saan tayo pupunta?" Napatingin siya sa akin at napatayo na ng maayos.

"Let's go."

"Saan?" Hindi na niya ako sinagot at naglakad na papalabas. Sinundan ko na lang siya. Napahinto siya sa isang tricycle saka ako binalingan.

"Sumakay ka na." Sinunod ko na lang siya.

Ipinahinto niya ang tricycle sa labas ng isang bahay. Bumaba na ako at nagbayad. Napatingin ako sa bahay. Malaki ito at maganda. Binalingan ko si Arif.

"Kaninong bahay 'to?"

"Sa amin." Tinanaw ko ulit ang bahay.

"Dito ka nakatira? Mayaman ka pala."

"Let's go." Naglakad na ulit siya at lumampas na lang sa gate.

"Huy! Paano ako? Arif." Bumalik siya sa akin.

"Multo ba ako?" Pinasaringan niya na lang ako.

"Dito ka muna titingnan ko lang kung may tao sa loob." Umalis na ulit siya. Ako naman ay naghintay na lang sa kaniya. Maya-maya bumalik na rin si Arif.

"Ano? Meron ba?"

"Wala sina mom and dad. Halika na sa loob."

"Saan ako dadaan?" Nagpalinga-linga siya sa paligid.

"Umakyat ka na lang kaya."

"Huh? Seryoso ka ba diyan?" Nagulat pa ako sa sinabi niya.

Wala akong nagawa kundi akyatin na lang 'yong pader kasi mababa lang din naman.

"Humanda ka sa aking multo ka. Ikaw lang ang nag-utos sa akin ng ganito." Naka-pants naman ako kaya keri naman. Nakahinga ako ng maluwang nang makapasok na ako sa loob.

"Let's go."

"Sandali lang naman kakababa ko lang eh. Muntik na akong mahulog." Sa likuran niya ako dinala kasi nakasara ang main door nila.

"Wala ba kayong maid dito?"

"Wala."

"Wala? Sa laki ng bahay niyo walang katulong?" Hinarap niya ako.

"Keep quiet!"

"Wala namang tao dito eh." Natigilan ako nang mapadaan na kami sa salas. Natuon ang atensyon ko sa may kabilang gilid ng wall kung saan naka-display ang mga magagandang paintings and drawings. Napalapit muna ako doon at pinagmasdan ang mga ito.

"Wow. Ang galing. Ikaw ang nag-drawing nito?" Nasa may gilid ko na siya at pinagmamasdan din ang mga paintings.

"Wala ng iba."

"Pansin ko nga may mga signature mo eh. Ang galing mo pala nag-drawing."

"Of course."

Hindi rin siya mayabang. Ha-ha.

"Sumunod ka na sa akin."

Dinala niya ako sa itaas ng bahay nila. Nahinto kami sa isang silid.

"Pumasok ka." Pinihit ko 'yong doorknob at hindi naman pala naka-lock kaya nakapasok ako. Naikot ko ng tingin ang buong silid. Malaki ito pero simple lang ang mga disenyo.

Nakuha ng isang picture frame na nasa side table ang atensyon ko. Agad ko itong nilapitan at kinuha. Pinagmasdan ko ito.

"Sino 'to?" Nilapitan ako ni Arif at tiningnan ang frame. Medyo nangunot din ang noo niya pero nawala din agad.

"Si Lawrence." Napatingin ulit ako sa picture.

"S-Si... Lawrence?" Pinagmasdan ko siya. Gwapo nga ito. Bakit kaya hindi siya pamilyar sa akin? Hindi ko man lang ba 'to nakasalubong sa hallway o sa gate kahit minsan? Siguro talagang wala lang akong pakialam sa mga nangyayari sa campus dati. Minsan lang din ako gumamit ng social media dati.

"Ito pala ang itsura niya."

"Why? It seems that you haven't known him before?"

"Hindi nga eh kahit ikaw at saka si Maxine. Hindi nga ako aware na famous pala kayo sa campus." Napangiwi siya.

"Tss. Maybe you're from outer space." Napangisi na lang ako sa kaniya.

"So, bakit mo ako dinala dito?" Hindi niya ako sinagot. Parang may hinahanap siya. Napayuko pa siya sa may kama saka napatayo ulit.

"Mukhang wala na dito."

"Ano ba 'yon?" Hindi na naman niya ako sinagot at lumabas na. Sinundan ko na lang siya. Sa kabilang silid kami tumuloy. Parang stockroom lang yata 'to.

"Dito ako gumagawa ng mga obra ko."

"Ah." Nilibot ko ng tingin ang buong silid. Mga gamit sa pagpi-painting at pag-drawing ang ilang bagay na nakita ko. May mga canvas din na nakalagay sa gilid. May mga paintings na nakasabit sa pader at ilang nakadikit na drawings. Napatingin ako sa may bahagi ng table at medyo nagkalat ang ibang gamit. Nilapitan ko ang mga ito at niligpit.

"May nagwala yata dito ah."

"Maybe it's Law... Maybe it's my sister."

"Ah." Matapos kong ligpitin napabaling na ako sa kaniya. Napansin kong napangiti siya.

"Bakit?" Nilapitan niya ang table at may sinilip sa ilalim nito. Nakitingin na din ako.

"Ito bang box ang tinitingnan mo?" Napatango siya. Kinuha ko ito at ipinatong sa mesa. Pagbukas ko mga canvas na nakabalot pa ang nabungaran ko. Kinuha ko 'yong isa at binuksan.

"Wow." Namangha ako sa pagkaka-paint nito. Napakaganda. Maganda rin kasi ang nasa painting na si... Maxine. Tiningnan ko 'yong iba pa at puro si Maxine lahat.

"Gustong-gusto mo talaga si Maxine, ano?"

"Siya lang ang babaeng minahal ko no'ng buhay pa ako." Napatingin ako sa kaniya.

"Buhay ka pa naman eh. Buhay pa ang katawan mo, di ba?" Bigla akong natigilan.

"T-Tama... Buhay ka pa, Arif. Buhay na buhay ang katawan mo. I-Ibig sabihin... Sino ang nasa katawan mo ngayon kung... kung wala ka sa sarili mong katawan?" Sobrang naguluhan ako bigla. Tama. Bakit ngayon ko lang 'to naisip. Nakatingin lang sa akin si Arif.

"Hanggang ngayon ba hindi mo pa rin nakukuha?"

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Sino ba 'yong nakita mo sa kwarto ko kanina?" Nangunot ang noo ko sa tanong niya. Napabaling ako sa ibang direksyon at napaisip.

"Wala namang..." Bigla akong napatingin sa kaniya sa pagkagulat sa mga nalalaman ko. Naalala ko 'yong frame. "S-Si Lawrence?"

Sobra na talaga akong naguluhan. Ang daming biglang pumasok sa isip ko tungkol sa mga nangyayari.

"I-Ibig sabihin... Ibig sabihin 'yong kaluluwa ni Lawrence napunta sa... sa katawan mo kaya ka gumagala ngayon kasi wala kang katawan na mapapasukan. Pa-Paano nangyari 'yon?"

"Simple lang. Inagaw niya ang katawan ko kaya ako pagala-gala ngayon." Napasandal siya sa may wall.

"Bakit? Magkaibigan kayo, di ba? Paano niya nagawa sa'yo 'yon?" Binalingan ko siya.

"Nagkamali din ako ng pagkakakilala kay Lawrence." Napabuntong-hininga siya at saka umalis na sa pagkakasandal.

"Umalis na tayo baka dumating na ang mga tao dito."

"Teka may mga itatanong pa ako sa'yo eh."

"Saka na lang. We have to go, Luna."

"Okay." Nauna na ako sa kaniyang maglakad pero napahinto din nang mapansin kong hindi siya kumibo. Nilingon ko si Arif.

"Akala ko ba aalis na tayo?" Binalingan niya 'yong box na nasa may table. Napatingin din ako do'n.

"M-May balak ka bang ipadala sa akin 'yan?"

"What else? Get this now so we can go." Nilapitan ko na 'yong box at bubuhatin na sana nang may maisip ako.

"Ang mabuti pa isang canvas na lang ang dalhin natin. Kapag kinuha natin lahat 'to baka malaman pa ni Arif... ni L-Lawrence pala na-na may nakapasok at may nangialam dito." Napaisip din siya sa sinabi ko.

"Good idea." Kumuha lang ako ng isa at saka maayos na ibinalik na ang box sa ilalim.

Napahinto kami ni Arif nang makarating kami sa may gate. Hinarap ko muna siya.

"Paano, ibibigay ko na 'to kay Maxine?"

"Yeah." Medyo naiilang pa siya.

"Ayaw mo 'ko samahan?"

"Ikaw na lang."

"Sige. Pasok na ako." Tinalikuran ko na siya pero napabalik din.

"Arif. Ano... Alam mo ba na may boyfriend na si Maxine?" Biglang nag-iba ang reaksyon ng muhkha niya. Medyo nalungkot yata siya.

"I know. I know everything about her, Luna. Gano'n pa man gusto ko pa rin na malaman niya kung ano ang totoong nararamdaman ko. Ayoko ng magsisi pa ulit. Alam mo ang dami kong natutunan sa mga nangyari sa akin. Unang-una dapat palagi kang maging totoo sa sarili mo at 'wag mong pigilan ang puso mo na magmahal. Hanggat may pagkakataon ka pa at hanggat nabubuhay ka sabihin mo kaagad sa taong gusto mo ang nararamdaman mo. Kasi kapag patay ka na imposible mo ng magawa 'yon."

Naglalakad na ako at lahat paloob sa campus ay pabalik-balik pa rin sa isip ko ang mga sinabi ni Arif. Parang bigla akong tinamaan sa mga sinabi niya. Napahinto muna ako. Sa pagkakataong ito gusto ko sanang makita at makausap si Azine. Gusto kong malaman niya kung ano talaga ang nararamdaman ko para sa kaniya. Kaya lang may pagkakataon pa kaya ako?

Kinuha ko ang cellphone at tinawagan si Maxine. Sinagot din naman niya kaagad.

"Magkita tayo may kailangan lang akong ibigay sa'yo." Binabaan ko na siya. Nasa may canopy raw sila ngayon kaya naglakad na ulit ako at nagpunta doon. Ang canopy ay nasa tabi lang din ng mini forest.

Natanaw ko kaagad sina Max kasama ang mga kaibigan niya na nakaupo sa may gilid na mga bangko. Nilapitan ko na siya.

"Luna." Napatayo ito at hinarap ako. Napatingin lang saglit sa akin ang mga kaibigan niya.

"Puwede ba tayong mag-usap saglit?"

"Sure." Medyo lumayo-layo kami ng kunti mula sa mga kaibigan niya.

"Ah. Maxine, may itatanong lang sana ako sa'yo tungkol kay... tungkol kay A-Arif."

"What is it?" Naghintay lang siya sa sasabihin ko. Nakikinig naman siya ng maayos.

"Hindi ba magkababata kayong dalawa? No'ng naaksidente siya ano ba'ng mga napansin mong pagbabago sa kaniya?" Napaisip din siya sa tanong ko at maya-maya ay muli akong tiningnan ng diretso.

"He changed a lot after the accident. Halos hindi ko na nga siya makilala as Arif. Parang bigla siyang naging ibang tao. I don't know why." Naguluhan na rin si Maxine.

Dahil siya na si Lawrence, Max.

"May napansin pa ako kay Arif." Natuon ang atensyon ko sa kaniya.

"There's a lot of coincidence na si Arif para siyang si Lawrence. I don't know. Maybe... Maybe because they are so close enough before that's why nagagaya nila ang attitude ng bawat isa."

Napansin niya rin pala.

"Ah. May gusto pa sana akong itanong sa'yo, Max eh."

"Go ahead. I don't mind, I will answer it." Bumwelo muna ako.

"Alam mo ba na may gusto sa'yo si Arif?" Nagulat siya sa sinabi ko.

"W-What?"

"Matagal ka na niyang gusto, Maxine. Mahal na mahal ka ni Arif. Ikaw lang ang babaeng minamahal niya hanggang ngayon."

"B-But... I don't know. At saka look at him ikaw ang gusto niya, Luna."

"Dahil hindi siya... Max, hindi ko masasabi sa'yo ngayon pero darating ang araw na malalaman mo rin ang lahat-lahat."

"What are you trying to say, Luna? May dapat ba akong malaman?"

"Siya nga pala." Iniabot ko sa kaniya ang canvas.

"May nagpapabigay nga pala sa'yo nito. Maxine, mangako ka sa akin na 'wag mong babanggitin kay Arif na ako ang nagbigay sa'yo nito. Ang Arif na totoong nagmamahal sa'yo ang gumawa niyan para sa'yo."

"Hindi ko naintindihan ang sinabi mo, Luna." Bahagya ko siyang nginitian. Inilagay ko sa mga kamay niya ang canvas na kinuha din naman nito. Wala pa rin siyang reaksyon. Tinalikuran ko na siya at umalis na. 

_______________________________________________________

Napa-AHHH din ba kayo? Ha-ha. So, nakilala niyo na si Lawrence ngayon.

See you next chapter... 💙💙💙

Next chapter