webnovel

Chapter 33: Evilness

ARIF'S POV

"Sayang naman at natapos agad ang concert. Sobrang saya 'no, bakla?" si Jedda. Nandito pa rin kami sa may pwesto namin.

"Tumpak! May ipo-post na naman ako sa IG ko. He-he!"

"Luna, nag-enjoy ka ba?" tanong ni Jedda.

"Oo naman."

"Paanong hindi mag-i-enjoy eh ultimate crush niya 'yong isa sa nasa loob kanina," pabirong turan ni Doc Von.

"Ito'ng si Ara nag-enjoy din ito eh, di ba?"

"Opo naman, Doc."

"Siya nga pala may kailangan lang kami'ng kausapin pa. Paano, see you again, bro?"

"See you again, doc."

"Ingat kayo pauwi."

"Thanks, doc."

"Bye, Ara!"

"Bye po doc." Paalam din ni Ara. Tiningnan ko si Luna na ngumiti sa akin.

"Bye!"

"Sige. Thanks for today." Halata ang pagkantyaw ng mga kaibigan niya.

"Bye, Ate Luna!"

"Bye, Ara! See you sa Marinduque."

"See you din, Ate. Bye po sa inyo!" Paalam niya pa kay na Je at Paulo.

"Bye-bye!" si Je.

"Babush! Ingats kayo pauwi."

"Mauna na kami." Nag-wave lang sa isa't isa saka nauna na rin kaming umalis.

Pagkadating sa bahay nagtuloy agad ako sa kwarto ko. Napahilamos ako sa mukha at naupo muna sa may tapat ng study table. Muntik na ako kanina.

FLASHBACK

"Ara," tawag ko sa kapatid ko'ng napakaingay. Napatingin naman siya sa akin nang kudlitin ko siya.

"Why kuya?"

"Punta lang ako ng comfort room."

"Okay." Nagpaalam din ako sa kanila saka umalis na. Nagtuloy ako sa comfort room. Wala namang tao dito maliban sa akin pero maya-maya napalingon ako dahil pakiramdam ko hindi ako nag-iisa dito. Hinayaan ko na lang at nagpatuloy sa pagbabanyo.

Nang palabas na ako ay biglang may humila sa braso ko at namalayan ko na lang na nakasandal na ako sa pader dito sa comfort room for female. Napatingin ako sa humila sa akin. Isang babae pala. Maganda siya pero hindi ko siya type. Tiningnan niya ako ng pangmalandi at sinubukang akitin. No way! You're not Luna.

"Hi, handsome!" Bigla akong nainis sa babae'ng 'to.

Kinalma ko ang sarili ko dahil baka mapatay ko pa 'to. "Let me go."

"I won't. Kakaiba kasi 'yang kagwapuhan mo eh, nakakaakit. Kanina pa nga kita pinagmamasdan sa loob eh mabuti na lang nakahanap ako ng tyempo." Mas lumapit pa siya sa akin, 'yong tipong parang hahalikan na ako.

"Bitawan mo na ako habang mabait pa ako sa'yo, miss."

"I said I won't." Saka niya ako hinalikan. Nagtiim-bagang na ako sa sobrang inis. Tinulak ko siya kaya halos mapasandal ito sa pader. Agad ko siyang nilapitan at sinakal sa leeg.

"Sinabi na ngang bitawan mo ako, di ba?"

"A-Aray!" Mas diniinan ko pa ang pagsakal sa kaniya.

"Bi-Bitawan m-mo 'ko!"

"Bagay lang 'yan sa malalanding katulad mo. Bwisit ka!" Halos hindi na siya makahinga sa ginagawa ko.

"T-Tulong!" Napangisi ako.

"Humanap ka ng magliligtas sa'yo."

"T-Tulungan niyo 'ko." Hinaltak ko siya sa loob ng isang cubicle.

"Help!" Sinakal ko ulit siya.

END OF FLASHBACK

Nararapat lang sa kaniya 'yon. Ang nakapagtataka bakit parang alam ni Luna ang ginawa ko?

LUNA'S POV

"Bago tayo umuwi may gusto munang makipagkilala sa little sis ko." Napatingin ako kay Kuya.

Nangunot ang noo ko. "Sino naman, Kuya Von?" Nangibit-balikat lang naman sina Je at Paulo. Halatang wala din silang ideya. Kumukunti na ang mga tao dito.

"Malalaman mo mamaya. Let's go?"

"Okay." Sumunod na lang kami kay Kuya. Sa pagkakaalam ko sa tinatahak namin ngayon ay papunta kami sa may backstage. May biglang pumasok sa isip ko pero imposible naman 'yon. Alangan namang close si Kuya ang BoybandPh, di ba?

Huminto kami sa isang saradong pinto. Tiningnan ako ni Kuya at nginitian.

"Are you ready, little sis?" Dahil hindi ko naman talaga alam ang sinasabi ni Kuya kaya napatango na lang ako.

"Better." Hinila ako ni Kuya pauna sa may pinto. "Paulo, ikaw magbukas ng pinto. Ikaw naman little sis I need to cover your eyes with my hands." Napatawa ako.

"Ano'ng gimik 'to Kuya?"

"You'll know it very soon." Tinabunan na ni Kuya ang mga mata ko.

"Do it, Paulo."

"Okay Kuya Von." Wala na akong alam sa nangyayari pero naririnig ko naman sila.

"Lakad ka lang, Luna." Ginawa ko lang ang inutos ni Kuya. Hanggang sa naramdaman ko na nakapasok na kami sa isang kwarto.

"Kuya, ano na ba'ng nangyayari dito?" Naku-curious na talaga ako.

"Luna, tatanggalin ko na ang kamay ko, huh. Ready?"

"Yeah."

"One. Two. Three... Surprise!" Korus ni Kuya, Paulo at Je sa huling salita. Pagbukas ko ng mata ko parang gusto ko'ng mahimatay. Pero hindi pwede dahil nasa harap ko ang BoybandPh ngayon. Nakangiti silang lahat sa akin lalo na si Niel na nasa gitna. Siya talaga ang madalas nasa gitna kasi siya ang maliit sa grupo. Peace! Pumikit ulit ako kasi baka nananaginip ako eh. Pero pagmulat ko nasa harap ko pa rin sila. Dahil hindi pa rin ako kuntento kaya kinurot ko ang sarili ko pero napangiwi lang ako sa sakit. Narinig ko silang nagtawanan. Binalingan ko si Kuya.

"Kuya, totoo ba 'to? Nasa harap ko na ang BoybandPh? Hindi ako nananaginip?"

"Of course you're not dreaming, little sis." Tiningnan ko ulit ang BoybandPh.

"H-Hi!" Naiilang ko'ng bati sa kanila na sinamahan ko pa ng wave ng kamay.

"Hi, Luna!"

"Hi, N-Niel!" Ang gwapo niya.

"Hello! Sabi ni Doc puno na raw ng pictures and poster ko at ng grupo ang kwarto mo. Totoo ba?" Bigla akong nahiya. Binalingan ko si Kuya.

"Kuya, bakit mo ako binuking?"

"Totoo naman eh."

"Doc Von, ang ganda naman pala ng kapatid mo eh," biro ng isang member na si Joao Constancia. Sumang-ayon din naman ang mga kasama.

"Bolero din pala kayo?" Nagsitawanan kami.

"Doc, siya pala 'yong madalas mo'ng ikwento sa amin dati?" tanong ni Ford.

"Oo siya nga ang nag-iisa ko'ng kapatid na babae."

"Pwede ba akong magpa-picture sa inyo?" Maya-maya'y tanong ko.

"Of course, Luna." si Russel.

"Ikaw pa malakas ka sa amin eh." si Tristan. Until now hindi ko pa rin ma-imagine na kaharap at kausap ko na sila. Inabot ko kay Kuya ang phone ko saka tumabi kay Niel. Matapos ang ilang shots nagsalita naman ang dalawa.

"Pwedeng kami rin?" si Paulo at Je.

"Of course." Hindi ko na mabilang kung ilang shots na ang kinuha ni Kuya. Sulitin na diba? Kinuha ko 'yong solong poster ni Niel at saka isang poster na para sa buong members.

"Pa-authograph na din, huh?" Pinirmahan naman nila ang posters na dala ko. Nagpa-picture din ako kasama lang si Niel ko. Sobrang happy ko talaga.

"Salamat. Super fan niyo kasi talaga ako eh. Ang gagaling niyong kumanta saka palagi ko'ng pinapanood ang mga Music video niyo."

"Totoo 'yan. Adik nga sa inyo 'yang si Luna eh."

"Kuya!" saway ko kay Kuya. Nagkatawanan na lang kami.

"Guys, thank you sa inyo, huh. Salamat at pinagbigyan niyo ang request ko."

"All the time, Doc Von." Akala ko hindi na mapuputol ang mga sandaling ito pero nagpaalam na rin kami sa kanila kasi napagod yata ang mga ito sa sunod-sunod na performances kanina. Anyway, success ang pagpunta ko sa concert na 'to. Syempre pasalamat na rin ako kay Kuya Von ko.

SOMEONE'S POV ('Yong guard kanina)

"Buddy, magra-round check lang ako." Paalam niya sa isang kasama.

"Sige." Umalis na ito at nag-patrol. Hanggang sa makarating ang guwardiya sa may comfort room. Nagulat ito nang buksan ang cubicle at makita ang isang babaeng nakahilata na sa sahig. Agad siya'ng lumapit dito at sinaklolohan.

"Miss! Miss!" Pinulsuhan niya ang babae at nalaman nitong may buhay pa naman ito. Nagtawag na siya ng kasama sa radyo'ng dala.

LUNA'S POV

Nakarating na kami sa bahay. Nilapitan ko si Kuya.

"Oh, bakit?"

"Thanks, Kuya." Niyakap ko kaagad siya.

"Ang sweet naman." Narinig kong turan ni Paulo.

"You're always the best Kuya ever. Sobrang saya ko sa pa-surprise mo kanina."

"Alam mo namang love na love ka ni Kuya eh."

"I know. Thank you." Pinakawalan ko na si Kuya.

"Akyat na ako sa kwarto."

"Okay. Hindi ka na ba kakain?"

"Busog pa ako." Umakyat na ako.

"Kayong dalawa?"

"Ako kakain muna ewan ko kay Jedda."

"Samahan na kita."

"Ikaw doc Von?" aya ni Je.

"Go ahead. I'm still full."

Mabuti na lang nag-dinner na kami kanina kasi tinatamad na rin naman ako kumain. Tinabi ko na muna ang poster ni Niel. Nagbihis lang ako ng pambahay at sumampa na sa kama. Napangiti ako nang maalala ko ang concert at ang pa-surprise ni Kuya. Masaya akong uuwi ng province nito. Kinuha ko ang phone sa bag at muling tiningnan 'yong mga pictures ko kay Niel at sa iba pang members.

Kaya lang natigilan ako sa pagtitingin ng mga pictures noong maalala ko 'yong narinig ko kanina. Sino kaya 'yon? Napabangon ako ng higa at itinabi na muna ang cellphone.

KINABUKASAN. Katatapos ko lang maligo. May lakad kami ni Kuya ngayon kasi sinabihan niya ako kaninang kumakain kami ng breakfast na may imi-meet daw kami mamaya. Hindi ko kilala kung sino pero hindi naman ako nako-curious. Mamayang hapon na kami aalis pauwing province. Bumaba na ako matapos akong makapagbihis. Dinala ko lang ang sling bag ko para lagyan manlang ng cellphone at iba ko pang personal na gamit.

"Ano'ng plano niyong dalawa?" tanong ko kay Je at Paulo na narito at nakaupo sa salas habang kumakain ng ubas.

"Lalabas kami ni bakla mamimili kami ng kunting pasalubong." Naupo muna ako sa tabi ni Paulo. Sa kabilang sofa kasi nakaupo si Je.

"Saan kayo pupunta ni Doc?" tanong ni Je.

"Hindi ko nga alam eh basta ang sabi niya may imi-meet daw kami."

"Alam mo nako-curious ako diyan." si Paulo na nakangunot ang noo.

"Feeling ko boylet ang imi-meet niyo later. Girl, baka naman isi-set ka ng blind date ni Kuya Von." Napanguso ako.

"Si Kuya pa ba? Mas gusto nga no'n na wala ako'ng jowa eh."

"Tamang hinala ka kasi bakla eh. Luna, baka may gusto kang ipabili sa amin ni Paulo?"

"Oo nga pala buti pinaalala mo, Je." Kumuha ako ng pera sa bag.

"Pabili naman ako ng tikoy. Lahat na 'yan." Inabot ko sa kaniya ang pera pambili.

"Sige."

"Para kay tita Yvonne." Napatango na lang ako sa sinabi ni Paulo. Favorite kasi 'yon ni mama eh.

"Si Kuya?" tanong ko.

"Nasa kwarto pa niya." Biglang nag-ring ang phone ko. Kinuha ko sa bag. Si papa. Sinagot ko naman agad.

"Hi, pa!"

"Hi, Tito!" singit nitong dalawa. Ni-loudspeaker ko na para magkarinigan sila.

{ "Hi, sa inyong dalawa! Kumusta two days vacation?" }

"Sulit na sulit, Tito. Sana nga lang po pwedeng i-extend eh." si Je.

{ "Hayaan niyo at sa pag-uwi ko ay mas mahaba ang bakasyon natin. Dapat sumama kayo, huh?" }

"Sure, Tito, go kami diyan." Nagkatawanan kami. In-off ko na ang speaker.

{ "Luna, pasensya ka na anak at ngayon lang kita natawagan. Masyadong busy ang papa mo dito sa kampo." }

"Ayos lang naman po, papa eh. Pa, inaalagaan mo ba sarili mo diyan?"

{ "Opo naman señora ko. Kailan pala uwi niyo?" }

"Mamaya na po'ng hapon."

{ "Nabanggit sa akin ni Von kagabi na may lakad daw kayo ngayon? Saan ba punta niyo?" }

"Hindi ko nga pa alam eh basta sabi ni Kuya may imi-meet daw po kami."

"Gano'n ba?" Narinig ko'ng may kumausap kay papa.

{ "Anak, I have to go may urgent kaming lakad." }

"Mag-iingat ka pa, huh? I miss you!"

{ "Miss you too, anak." }

"Love you, Papa. Bye!"

{ "I love you, anak. Sige, mag-iingat kayo." } Binabaan niya na ako ng tawag. Binalik ko na sa bag ang phone ko. Saktong nasa stairs na si Kuya pababa. Gwapo as usual.

"Ang gwapo naman, Doc." Medyo kinikilig na turan ni Je. Si Paulo naman ay humirit din.

"Siguro kung ako ang pasyente ni Kuya Von baka hindi na ako umalis ng hospital." Napatawa si Kuya.

"Alam niyo isa 'to sa dahilan kaya madaling gumagaling ang mga pasyente ko." Napanguso na lang ako sa sinabi ni Kuya na ang tinutukoy ay ang gwapo niyang mukha. Totoo naman kasi daming kinikilig sa Kuya ko ewan nga lang kung bakit wala pa 'tong jowa. Binalingan ako ni Kuya.

"Are you ready?"

"Saan ba tayo pupunta, Kuya?"

"Ipapakilala lang kita kay Tita Kriztine." Nangunot ang noo ko.

"Sino 'yon, Kuya?

"You'll know her later." Nangibit-balikat na lang ako. Binalingan ni Kuya ang dalawa.

"Ano oras alis niyong dalawa? Hindi na ba talaga kayo sasabay sa amin ni Luna?"

"Maya-maya lang, doc, after namin maligo ni Paula."

"Okay. By the way, heto nga pala ang duplicate ng susi in case na mauna kayong dumating." Inabot ni Je ang susi kay Kuya.

"Thanks, doc."

"Tawag na lang kayo sa akin kapag may kailangan kayo. Ingat kayong dalawa."

"Yes, Kuya Von." si Paulo. Tumayo na ako.

"Let's go, Kuya. Bye guys!" Nag-wave lang sila sa amin saka kami umalis na ni Kuya. Hindi ko na namalayan ang oras pero medyo mahaba-haba ang binyahe namin bago inihinto ni Kuya ang kotse sa labas ng isang malaking bahay na natatanaw ko kahit nasa loob pa ako. Hindi nga yata 'to bahay eh kundi MANSYON. Sobrang laki at kahit nasa labas pa ako ay alam ko'ng napakaganda ng loob ng mansyon na 'to. Mas malaki pa sa bahay namin sa province at sa bahay ni Kuya Von sa Makati.

"We're here." Napatingin ako kay Kuya na palabas na kaya binuksan ko na rin ang pinto at bumaba. Sa bahay agad ako napatanaw.

"Kuya, sobrang laki naman ng bahay na 'to." Humahanga ko'ng saad.

"Yeah." Napatanaw din sandali si Kuya sa mansyon at saka lumapit sa may doorbell.

"Kuya, diyan ba nakatira ang girlfriend mo? Ipapakilala mo na siya sa akin?" masigla ko'ng sabi at malawak na nakangiti. Naitulak na lang ng mahina ni Kuya ang noo ko. 

"In your dreams." Maya-maya pinagbuksan kami ng isang maid.

"Hello po, doc." Kilala na si Kuya ng mga maid?

"Hi, Aling Gina."

"May kasama po pala kayo, doc."

"Opo, kapatid ko si Luna."

"Magandang araw po, ma'am." Nginitian ko ang ginang.

"Magandang araw din po."

"Pasok na po kayo, doc. Si ma'am Kriztine nasa loob na ho at naghihintay sa inyo."

"Sige po, salamat manang." Sandali ko'ng tinanaw ang garden nila na napupuno ng sari-saring bulaklak at halaman. Grabe, super laki at ganda ng garden nila. Halatang alagang-alaga kasi ito. Hindi naman sa namamangyan ako kundi namamangha lang talaga ako. May garden din naman kami sa province pero hindi siya kagaya nito na may kalakihan.

"Luna, let's go." Sumunod na agad ako kay Kuya. Pumasok na lang kami sa nakabukas na main door. Naikot ko ng tingin ang buong salas nila. Sobrang ganda! Maganda na ang bahay namin pero masasabi ko'ng mas maganda at malaki 'to. Nakakatakot kumilos dito kasi baka makabasag ako ng mga displays kasi halatang mamahalin ang mga ito. Sana naman hindi masungit ang may-ari ng mansyon na 'to.

"Von, ijo." Napatingin ako sa nagsalitang babae.

"Hi, Tita!" Hindi niya ako napansin dahil nasa likod ako ni Kuya tapos kay Kuya Von pa siya nakatingin agad. Teka siya 'yong...

FLASHBACK

"I'm sorry po, ma'am! Sorry po talaga hindi ko ho kayo napansin. Heto ho ang gamit niyo, ma'am."

"Walang anuman, ija, okay lang."

"Salamat po."

END OF FLASHBACK

Siya nga! Bakit siya nandito? Siya ba ang may-ari ng mansyon na 'to? Ang liit naman ng mundo.

"Tita, siya nga pala kasama ko na ang younger sister ko."

"Really?" Saka lang niya ako tiningnan.

"Si Luna tita Kriztine, Luna si Tita Kriztine. Mommy siya ng isang pasyente ko." Nagulat din ito ng makita ako.

"I-Ikaw 'yong..." Bigla na lang niya ako'ng niyakap. "Sa wakas nagkita ulit tayo, ija."

Nagtaka din si Kuya sa naging reaksyon ng ginang. Siya pala si Tita Kriztine na siyang tinutukoy ni Kuya kanina pa. Binitawan na niya ako.

"Luna pala ang pangalan mo?"

"O-Opo."

"Nagkita na po kayo, Tita?" takang tanong ni Kuya.

"Oo, Von. Nag-meet na kami nitong sister mo sa Sala Restaurant." Tiningnan ako ni Kuya.

"Si Tita Kriztine ba 'yong sinasabi mo'ng nakabanggaan mo sa restroom noon, Luna?"

"Siya nga kuya."

"What a coincidence!"

"Talagang itinadhana kaming magkita ulit ng kapatid mo, Von. Ija, alam mo ba na no'ng una mo pa lang akong mapatawa no'n sa restaurant alam ko agad na parang may koneksyon tayong dalawa. 'Yon pala ikaw ang kapatid ni Von na ikinukwento niya sa akin dati."

"Masaya po ako na napangiti ko kayo, ma'am."

"Ano'ng ma'am? Tita, Tita Kriztine." Napangiti ako.

"T-Tita Kriztine."

"Very good."

"Tita, maiwan ko muna kayo ni Luna dito. I'll go check Nizu first."

"Sige, ijo."

"Luna, maiwan muna kita dito sandali." Tinanguan ko lang si Kuya.

Sino naman kaya 'yon? Baka ang patient na tinutukoy ni Kuya. Pero bakit dito naka-confine?

"I'm super thankful to your brother, Luna. He's doing all his best just to take care of my son."

Anak niya pala. Ano kaya'ng nangyari do'n?

"Gano'n po talaga si Kuya. Gagawin niya ang lahat para sa pasyente niya.

"You're right, ija. Siya nga pala have a seat, ija. Sorry, na-excite kasi ako nang makita kita eh." Natawa na lang ako. Ang bait niya pala talaga.

"Salamat po."

"You're welcome. Gusto mo ba ng maiinom, Luna?"

"Hindi na po, salamat."

"Ikaw bahala. Ay, sandali at ipapakilala kita sa asawa ko. Magtingin-tingin ka muna diyan tatawagin ko lang siya."

"Sige po." Napatayo na kami.

"Huwag kang mahihiya, huh?"

"Opo."

"Sige, sandali lang ako."

Umalis na rin ito at umakyat sa may kahabaan nilang hagdan. Nagtingin-tingin na lang ako ng mga paintings na nakalagay sa wall. Grabe ang gaganda at for sure mamahalin mga 'to.

Napadako ako sa may mga picture frames. 'Yong iba mga awards and certificates. Nay mga trophies din na naka-display. Tiningnan ko 'yong mga pictures. Mostly mga baby pictures at malamang ay anak 'to ni Tita Kriztine. Dalawang lalaki lang ang halos nasa mga pictures. Baka dalawa lang ang anak nila. Napatingin ako do'n sa batang hawak ni Tita Kriztine dito sa isang frame. Nangunot ang noo ko. Para kasing may kamukha 'to eh hindi ko lang matukoy. Nagtingin pa ako ng mga pictures. May nakita akong binata na silang dalawa. Nakikita ko ang mukha nitong isa na malamang ay ang panganay sa anak nila kaya lang itong isa nakatabon ang mukha. Nagtingin pa ako at halos lahat ng pictures niya ay may tabon ang mukha. Kinuha ko ang solo picture nito na nasa frame. Nakaharang na naman ang kamay sa mukha. Takot ba 'to sa camera? Napatawa ako ng bahagya.

"'Yan ang bunso ko'ng anak, ija." Medyo nagulat pa ako ng marinig ko'ng magsalita si Tita mula sa likuran ko.

"Sorry po tita napakialaman ko po ang gamit niyo." Binalik ko kaagad ang frame. 

"No, its okay, ija."  Lumapit si Tita sa may frame na hinawakan ko at kinuha. Sandali niya'ng pinagmasdan.

"Ito ang anak ko'ng si Nizu na ubod hiyain. Alam mo ba kung ano ang pinaka-ayaw niya?"

Ibig sabihin ito pala ang patient ni Kuya na nasa itaas.

"A-Ano po?"

"Ayaw na ayaw niya na kinukuhanan siya ng pictures." Napatawa pa ito kaya medyo napatawa rin ako.

"Kita mo naman halos lahat ng pictures niya dito may tabon ang mukha."

"Napansin ko nga rin po eh."

"Ewan ko ba sa batang 'to kung bakit takot sa camera. Pero alam mo ba na sa dalawa ko'ng anak itong si Nizu ko ang pinakamalambing. Sobrang mapagmahal sa magulang at kapatid. Kaya nga nang mangayari ang... ang aksidente sa kaniya halos ikamatay ko rin." Nalungkot ako para kay Tita. Ngayon alam ko na kung bakit malungkot siya nang magkita kami sa restaurant.

"Muntik na siyang kunin sa amin mabuti na lang nando'n ang kapatid mo. Si Von ang nagsibling angel ng anak ko. Hanggang ngayon hindi niya pa rin pinapabayaan si Nizu ko." Napangiti lang ako ng bahagya. Napatingin ako sa picture ni Nizu. Parang gusto ko siya'ng makita at makilala.

"Hi, girls!" Napatingin kami sa lalaking dumating.

"Julio." Hinarap nila ako.

"Ija, this is Julio, my husband. Honey, siya si Luna younger sister ni Von."

"Hello po sir!" Inabot ko ang kamay ko para makipagkamay sa kaniya na tinanggap naman nito.

"Just call me Tito Julio, ija. Kapatid ka ni Von so you're a family. Nice to finally meet you, ija." Binitawanan niya na ang kamay ko.

"Nice to meet you din po, T-Tito." Natawa pa sila sa pagkailang ko. Ang babait pala nila eh for sure mababait din ang mga anak ng mga 'to.

"Napakagandang bata pala nitong si Luna eh. May boyfriend ka na ba, ija?" Boyfriend?

"Uhm...

FLASHBACK

"Luna... manhid ka ba? Nagkakaganito ako dahil nagsiselos ako sa Arif Zamora na 'yon. I'm jealous! Naiinis ako kapag hinahawakan ka niya. Naiinis ako kapag kinakausap mo siya. Naiinis ako kapag nakakarinig ako ng usapan tungkol sa inyong dalawa. Naiinis ako kapag tinutukso ka ng mga kaibigan mo sa kaniya kasi baka ma-fall ka sa lalaki'ng 'yon tapos wala akong magawa. Hindi mo ba nararamdaman, Luna?"

"Kapag hindi ka tumigil hahalikan kita."

"May itatanong ako kaya dapat masagot mo ng tama dahil kung hindi alam mo na ang consequences."

"Can you be my girlfriend?"

"Can you be my girlfriend, Luna?"

"M-May girlfriend ka na..."

"You responded to my kiss, Luna, it means you're already my girlfriend."

END OF FLASHBACK

"Naku, kitang-kita sa ngiti mo na may nagpapasaya na sa'yo," pabirong sabi ni Tito Julio. Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako.

"Hindi po may naalala lang po ako."

"'Yong boyfriend mo 'no?"

"Ano ka ba naman Julio pati bata pinagkakatuwaan mo. Natural lang sa kaniya na magkaroon ng boyfriend eh sa ganda ba naman nitong si Luna. Halika doon tayo sa sofa maupo kasi may itatanong lang ako sa'yo, ija." Hinila na niya ako paupo sa may kahabaang sofa nila. Nakasunod lang naman si Tito sa amin.

"Ano po 'yong itatanong niyo, Tita?" Sandaling nag-isip si tita.

"Kasi ija no'ng nagkita tayo sa restaurant may nabanggit ka sa akin na kaibigan natatandaan mo pa ba?" Inalala ko 'yong napag-usapan namin doon.

"Ah... opo naalala ko. Bakit ho?"

"Gusto ko sanang malaman, ija, kung buhay pa ba 'yong tinutukoy mong kaibigan?" Naiilang na tanong ni tita. Bakit ko ba nabanggit pa sa kaniya 'yon?

"P-Patay na ho siya." Halata ang pagkagulat nilang mag-asawa.

"Na-Nakakakita ka ba ng mga spirits, ija?" Napatango na lang ako.

"'Yong sinasabi mo'ng kaibigan, bakit hindi niya alam kung paano siya namatay?"

Paano ko ba sasagutin ang tanong ni Tita? Para tuloy ibinubulgar ko na ang mga sekreto ni Azine.

______________________________________________________

Thank you so much!!!💙💙💙

Next chapter