webnovel

Chapter 19: Aksidente

LUNA'S POV

Nanonood kami ng movie dito sa study area gamit lang ang laptop ni Chendy. Mukhang sila lang pala 'yong naka-focus sa panonood kasi kahit kanina pa ako nakatunganga dito sa harap ng laptop wala naman ako'ng naiintindihan. Iniisip ko 'yong Grim Ripper issue na 'yan.

Napansin ko si Paulo na tunayo na.

"Matutulog ka na?" tanong ko sa kaniya.

"May kukunin lang ako sa kwarto." Umalis na siya.

Tiningnan ko 'yong tatlo at nakatunganga lang sa laptop.

Ano kaya'ng ginagawa ni Azine ngayon? Tsk! Bakit ko ba iniisip ang multong 'yon?

"Luna," nagulat pa ako sa nasa tabi ko na palang si Paulo.

"Bakit?"

"Halika nga sandali."

"Bakit nga?" Hindi na ako nakapagsalita no'ng hilahin niya na ako papunta sa kwarto. Binitawan niya na rin ako.

"Ano ba 'yon?" Lumapit siya sa may table sa harap ng bulaklak.

"Saan 'to galing? Napakagandang bulaklak naman nito pero parang ngayon lang ako nakakita ng ganitong klaseng bulaklak. Bakit naman sa vase mo nilagay tapos may lupa pa? Ang wierd, baka mamatay ilipat natin sa-"

"'WAG!" Inilayo ko kaagad siya no'ng akma niyang hahawakan.

"'Wag mo'ng hahawakan bawal hawakan 'to."

"OA? Hahawakan lang eh."

"Paulo, 'wag mo 'tong hahawakan kung hindi malalagot ka sa akin."

"Eh, di pagmamasdan na lang. Saan mo ba kasi nakuha 'yan? Sino nagbigay sa 'yo?"

"Basta." Umakto siya na nag-iisip.

"Hmm! I know na. What if picture-ran natin 'yan tapos i-post natin sa internet baka mahal na bulaklak 'yan eh di kikita tayo." Inilabas niya ang cellphone at kukuhanan na sana ng larawan no'ng agawin ko sa kaniya ang cellphone.

"Hindi pwede, bawal 'tong kunan ng picture, Paulo."

"Bakit?"

"Basta nga. Hay naku! Lumabas ka na nga at 'wag mo'ng ipagsasabi ang tungkol dito, huh! Shoo!"

"Luna, isang shot lang naman eh."

"I said no."

Hinila ko na siya palabas at sinara ang pinto. Bumalik ako sa harap ng bulaklak at pinagmasdan ito. Hindi na siya nakabukadkad ngayon dahil gabi na. Napangiti ako. Hindi na ako lumabas at inihanda ko na lang ang mga gagamitin ko bukas sa school.

"Luna." Si Aling Emilda. Napatayo ako sa kamang kinauupuan ko.

"Aling Emilda. Kumusta na ho kayo? Balita ko naghahanap na rin ho kayo sa anak niyo. 'Wag po kayong mag-alala tutuparin ko po ang pangako ko na tulungan kayo sa paghahanap sa kaniya."

"Maraming salamat, Luna. Hanggang ngayon nga hindi ko pa rin siya..." Nangunot ang noo ko nang mapansin ko'ng matigilan siya. Nakatingin lang siya ng diretso sa bulaklak.

Gaano ba kahalaga ang bulaklak na 'to?

"Bakit ho, Aling Emilda?" Hindi niya ako sinagot at lumapit lang sa bulaklak. Napangiti siya ng maluwang maya-maya.

"S-Saan mo nakuha ang vase na ito, Luna?" Napatingin ako sa vase saka muling bumaling kay Aling Emilda.

"Nabili ko ho sa bayan namin. Bakit ho?"

"Mukhang nakita mo na ang anak ko, Luna."

"Po?"

"Marahil ay binabantayan niya ang vase na ito. Pero nasaan siya bakit wala siya dito?"

"Si Linda po ba ang tinutukoy niyo?"

"Oo, siya nga. Nasaan siya?" Hindi na mabura ang ngiti ang pagkasabik sa mukha niya.

"Kanina lang ho kasama ko siya pero ngayon hindi ko na alam ko'ng nasaan siya. Anak niyo po pala si Linda?"

"Oo, Luna. Siya ang anak ko."

FLASHBACK

"Sige na tinatawag ka na ng mga kaibigan mo, Luna. Aalis na kami."

"Sige. Salamat sa pag-cheer niyo."

"Good luck sa isa mo pang laro mamaya. Hindi na kami makakanood kasi tutulungan ko pa 'tong si Linda sa paghahanap sa nanay niya."

"Thank you."

"Linda? Parang familiar sa 'kin ang pangalan na 'yon. Saan ko nga ba 'yon narinig?"

PRESENT

"'Wag ko kayo'ng mag-alala narito lang ho siya sa paligid baka may pinuntahan lang. Magakikita na po kayo ng anak niyo."

"Tama ka. Matutupad na ang pangarap ko, makakaakyat na rin kami ng sabay ni Linda." Nginitian ko siya ng maluwang.

Napatingin ako kay Paulo na mahimbing ng natutulog. Napabangon ako at naupo sa harap nf bulaklak. Hindi ako makatulog dahil nagbabakasakali ako'ng dumating si Linda.

"Nasaan kaya siya? Magpakita ka na, please!" kausap ko sa bulaklak.

"Miss na miss mo na talaga ako, 'no?" Napalingon ako sa nagsalita.

"Assuming ka din pala, ano? Hindi ikaw ang gusto ko'ng makita."

"Eh, sino pala?" Naupo siya sa may harap ng salamin. "Wala ka namang ibang gustong makita kundi ako lang, di ba? Huh, deny pa! Ako lang naman ang palagi mo'ng hinihintay na dumating eh." Nakangisi pa siya.

Napatayo ako at hinarap siya ng naka-cross arm.

"For your information, hindi kita hinihintay at hindi ako nagdi-deny, okay? Assuming!"

"Eh, di hindi na kung hindi bakit defensive ka?" Natawa pa siya. Inirapan ko na lang siya at naupo ulit sa harap ng bulaklak.

FLASHBACK

"Ang tinutukoy ko'ng mga kaluluwang may posisyon ay ang mga Grim Ripper, Luna, at ang mga kaluluwang magi-Grim Ripper pa lang. Sila lang ang pwedeng pumasok doon kasama ang mga Bosses namin maliban sa Pinakamataas."

PRESENT

Napabalik ako ng tingin kay Azine.

"Hindi ako miss, huh." Napatighim muna ako.

"Nandito ka na rin lang may itatanong ako sa 'yo?"

"Na ano, kung na-miss din kita? Hmm..." Kinuha ko ang ballpen na nakapatong dito at inihagis sa kaniya. Lumusot lang naman.

"Seryoso nga eh."

"Galit agad eh napakaseryoso naman nito. Ano ba 'yon?"

"Umamin ka saan galing ang bulaklak na 'to, huh?" Nawala na 'yong ngisi niya.

"Di ba sabi ko sa garden nga."

"Saang garden?"

"Bakit ba tinatanong mo pa? Alis na ako may gagawin pa ako eh." Napatayo na siya at tinalikuran ako.

"Sa Hardin ni Eva ba?" Napabalik siya ng tingin sa akin.

"Paano mo nalaman ang tungkol sa Hardin ni Eva?"

"Marami ko'ng friend na multo, okay?"

"A-Ano pa ang sinabi nila sa 'yo?" Napatayo ako at humarap sa kaniya. Pinagmasdan ko lang siya sandali.

"B-Bakit ganyan ka makatingin?" Nailang na siya ngayon.

"Grim Ripper ka na ba ngayon?" Napatingin siya sa akin.

"Nalaman mo rin kaagad?"

"Kaya pala sabi mo magiging busy ka na. Ano ba'ng maganda sa pagiging Grim Ripper? Masama ang tingin sa inyo ng mga tao."

"May dahilan ako kaya ko 'to ginagawa. Mabilis lang 'to, Luna. Maghintay ka lang."

"Ano'ng ibig mo'ng sabihin?"

"Mabuti pa matulog ka na kasi may pasok ka pa kinabukasan. Siya nga pala bukas ganap na ako'ng isang Grim Ripper. Bibisitahin na lang ulit kita. Goodnight!" Pinagmasdan ko na lang na maglaho siya. Pinagmaadan ko ang bulaklak.

SCHOOL CAMPUS.

"Hi, Luna!" salubong sa akin ni Glyde.

"Hi!"

"Luna!" Napatingin ako sa tumawag na si Je.

"'Lika na dito." Lumapit na ako sa kaniya at inilapag ang bag ko saka naupo.

"Kumusta weekend?"

"Gano'n pa rin naman. Ikaw?"

"Same."

Nagkwentuhan lang kami ng kung anu-ano at mga ilang minuto pa ay dumating na rin ang propesor. Nag-focus na lang kami sa discussion. Maya-maya pa...

"Luna! Luna!" Napatingin ako sa nagsalita. Si Princess na aburido at parang takot na takot.

"Ano'ng nangyari?" Mahinang tanong ko.

"Si-Si Linda!" Nangunot ang noo ko. Napatayo ako habang kinakabahan.

"Ano'ng nangyari kay Linda?"

"Sumama ka sa akin bilis!"

"What's wrong, Ms. Del Mundo?" si Prof.

"Luna, bakit?" si Je na nagtataka.

"Wala ng oras Luna, sumama ka na sa akin." Tinanguan ko si Princess.

"Sir, excuse me lang po." Saka ako nagmamadaling sumunod kay Princess. Narinig ko pa'ng tinawag ni Je ang pangalan ko pero hindi ko na lang pinansin.

"Ano ba ang nangyayari?"

"Malalaman mo kapag nando'n na tayo, Luna."

Mabilis kaming nakalabas ng campus at isang bahay na may dalawang palapag ang pinasukan namin dito lang sa tapat ng campus. Nakasunod lang ako pero habang papataas ay binubundol ng kaba ang dibdib ko.

"Linda, tigilan mo na 'yan," sigaw ni Princess kay Linda.

Nasa isang metro pa ang layo namin sa kaniya. Pagtingin ko sa gilid may nakita ako'ng isang babae na umiiyak at sumisigaw. Binalikan ko ng tingin si Linda.  May isang lalaki siyang sinasakal at ngayon ay hirap ng makahinga. Nakaluhod ito kaya mas mataas si Linda. Pinagmasdan ko si Linda na masama ang itsura at may halong galit. Sa tingin ko mapapatay niya na ang lalaki.

"Linda, bitawan mo siya," sigaw ulit ni Princess pero balewala lang kay Linda.

Galit na galit siya sa lalaki. Bakit kaya? Ano naman ang nagawang kasalanan nito sa kaniya? Mas diniginan pa nito ang kamay sa leeg ng lalaki at kita ko'ng bumabaon na ang kuko niya doon.

"Luna," Napatingin muna ako kay Princess.

"Tulungan mo ako'ng makumbinsi si Linda kung hindi alam mo ang magiging consequences kapag napatay niya ang taong 'yon."

"Oo, Princess dahil hindi ko kayang makakita pa ulit ng kaluluwang papatayin ng Grim Ripper. "  Binalingan ko si Linda.

"Linda, makinig ka sa akin mag-usap muna tayo. Bitawan mo siya! Linda, alam ko na kung nasaan ang nanay mo, gusto ka niyang makita."

Lumuwag ang kapit niya sa leeg ng lalaki at parang nabawasan ang galit sa mukha niya.

"Bitawan mo siya, Linda. Hinihintay ka na ng nanay mo. Sumama ka sa akin." Mahinahon ko'ng sabi.

Binitawan niya na ang lalaki. Lumapit na ako sa kanila. Hindi pa rin nagbabago ang itsura niya.

"Salamat, Linda."

"Dadalhin kita ngayon din sa kaniya. Halika na."

Hinawakan ko ang kamay niya at akmang aalis na sana nang magsisigaw ang lalaki sa sobrang takot. Marami na palang kaluluwa dito at binubuyo ang lalaki.

"Tigilan niyo siya." Hindi naman sila nakinig. Sobrang takot na no'ng lalaki kasi kahit ako nga nakaramdam din ng takot sa mga multo'ng 'to.

"Layuan niyo ako! Lumayo kayo sa akin! Ahhhhhhhhhh!" Napatakbo siya.

"Sandali! Huminahon ka!"

Binitiwan ko si Linda at hinabol ang lalaki pero hindi ko na siya naabutan. Napamulagat ako sa nangyari. Lahat kami ay natigilan. Ako naman ay nakadukwang lamang sa gilid at tinanaw ang nahulog na lalaki.

"DAN! DANNNNN!"

Tanging sigaw lamang ng babae ang umalingawngaw sa tainga ko. Nagkagulo ang mga tao sa ibaba at at tinanaw ako na may halo pa'ng pagturo.

"DAN! Diyos ko asawa ko!"

Nasa tabi ko na pala ang babae at tinanaw din ang lalaki na nakabulagta na sa semente. Panay ang iyak nito. Binalingan ko si Linda at Princess na nagulat din sa nangyari. Ilang sandali pa may mga guard ng school na dumating. May mga estudyante at outsider na rin na umakyat.

"Ano'ng nangyari dito? Sino'ng tumulak sa lalaki?" Si Kuya Guard.

"Kuya guard, siya ang hulihin niyo mukhang 'yan ang tumulak eh. Siya ang nakita namin kanina." Turo sa akin ng isang lalaki'ng tricycle driver wari.

"Hindi ako." Lumapit sa akin ang mga guwardya at magkabila ako'ng hinawakan sa braso.

"Kailangan ka naming dalhin sa presinto, miss."

"Bakit ho? Hindi ako ang tumulak. I-Itanong mo pa ho sa kaniya." Binalingan ko ang babae'ng umiiyak pa rin. Wala naman siya'ng naging tugon.

"Sa mga pulis ka na lang magpaliwanag. Estudyante ka pa mandin ng MSU. Sumama ka na sa amin, miss."

"Bitawan niyo ako!" Nagpumiglas ako sa dalawang guard na may hawak sa akin.

"Sumama ka rin sa amin, miss. Sa police station na kayo magpaliwanag," sabi nitong isang guard na nasa kaliwa ko.

"Luna." Tawag ni Princess sa akin. Wala namang imik si Linda pero ramdam ko'ng nagi-guilty din. Nagpatianod na lang ako sa mga guard.

JEDDA'S POV

"Je, ang cute nitong dress, look." si Glyde. Hilig kasi nito mag-Lazada. Tiningnan ko ang tinutukoy niya.

"Maganda nga pero parang mas maganda 'tong isa."

"Tingin mo?"

"Oo. Daming mura ngayon ah. Makabisita rin nga."

"Jedda!" Lahat kami ay napatingin sa kadarating lang at humihingal na si Luisa. Kaklase namin. Napatayo ako kasi bigla ako'ng kinabahan.

"L-Luisa, bakit?"

"Si... Si Luna."

"Ano'ng nangyari kay Luna?"

"Nagkakagulo na sa labas. Bilisan mo si Luna." Napatakbo na ako sa sobrang pag-aalala. Ano na naman kaya ang nangyari ngayon?

Mabilis ako'ng nakarating sa labas at halos mapuno ng tao ang kalsada.

"Kawawa naman 'yong lalaki."

"Nahulog ba?"

"Hindi, parang hinulog yata eh."

"Talaga? Grabe naman. Nakakakilabot." Naririnig ko'ng usapan ng mga nagkukumpulang mga estudyante.

Sumingit na ako at laking gulat ko sa nabungaran ng mata ko. Napatabon ako ng bibig. May lalaking nakabulagta sa semento at halatang patay na. Sapu-sapo siya ng isang babae na panay ang iyak. Mukhang nalaglag yata ito sa mataas kaya parang bali-bali ang katawan. Maraming dugo ang umagos na sa kalsada. Mas nagulat ako nang makita ko si Luna na hawak ng mga guard ng MSU.

"Luna." Nilapitan ko kaagad siya.

"Luna." Mangiyak-ngiyak na si Luna nang makita ako.

"Je."

"Ano'ng nangyayari dito? Bakit hawak niyo ho si Luna?"

Natigilan kami pare-pareho nang may mobile na dumating. Agad nilang ininspeksyon ang paligid. May lumapit sa bangkay at isa sa pwesto namin.

"Ano'ng nangyari dito?"

"Wala sir nakakaalam sa totoong nangyari. Nagulat na lang kaming lahat nang may malaglag mula diyan sa itaas," sagot nitong nasa kaliwa ko'ng guwardya.

"Ito at saka 'yon lang sir ang naabutan namin sa itaas," pagpapatuloy niya.

"Wala ho akong kasalanan. Maniwala ho kayo sa akin, sir."

"Kailangan mo'ng sumama sa amin, miss, doon ka na lang magbigay ng statement."

"Luna." Hinawakan ko ang kamay ni Luna na ngayon ay umiiyak na. Takot na takot siya. Hawak na siya ngayon ng pulis.

"Cardenas," tawag nitong pulis na may hawak kay Luna sa kasama niyang pulis.

"Sir?"

"Alalayan mo 'yong babae sasamahan ko lang muna sa estasyon. Sumama ka na rin muna sa akin. Rosales, kayo na ang bahala dito, mag-report kaagad kayo mamaya."

"Yes, sir!"

"Luna, don't worry naniniwala ako sa 'yo. Sir, sasamahan ko po 'tong kaibigan ko."

"Ikaw bahala." Paalis na sana kami nang matigilan si Luna.

LUNA'S POV

Natigilan ako nang may puting usok na lumabas. Ilang segundo pa ay naging tao na ito na ako lamang yata ang nakakakita.

"Sky?" Medyo nakatalikod kasi siya sa akin kaya hindi ko alam kung si Sky o si Cloud ba ito. Napanganga ako nang humarap ito sa akin.

Azine?

Nakatingin lang siya sa akin. Naka-fully white si Azine. Ibang-iba ang itsura niya ngayon. May lumabas ulit na puting papel kung saan nakasulat ang pangalan ng namatay. Kinuha ni Azine at nilapitan ang kaluluwa ng lalaki na humiwalay na pala sa katawan niya.

"Danny Lim, 36, years old. Born on April 5, 1984. Date and time of Death, September, 14, 2020. Sumama ka sa akin." si Azine. Para lang siyang si Sky at Cloud.

May itim na usok na lumitaw at sinundan ko lang ng tingin. Bakit? Ano'ng ibig sabihin ng itim na usok na 'yon? Si Linda.

Si Sky ang nakita ko. Doon siya sa itaas nagpunta. Hindi pwede. Tiningnan ko ulit si Azine na nakatingin lang sa akin. Napailing ako.

"Azine, ano'ng ibig sabihin no'n? Bakit nandyan si Sky? Azine, walang kasalanan si Linda."

Alam ko'ng nagtataka sila'ng lahat na nakakakita sa akin maging ang mga pulis na palinga-linga at hinahanap ang kausap ko. Wala na akong pakialam sa iisipin nila.

"Luna." si Jedda.

"Sino'ng kinakausap mo, ija?" tanong nitong pulis na may hawak sa akin. Walang sumagot sa tanong niya.

"Sumama na kayo sa amin bago pa tayo magkasiraan ng ulo dito."

"Azine! Azine, tulungan mo si Linda," sigaw ko pa. Hinila na ako ng pulis at isinakay sa mobile.

PAULO'S POV

"Paulo!"

"Bakla ka, anyare sa 'yo at para ka'ng hinahabol ng multo?" Ang aking baklitang kaklase.

"'Yong... 'Yong kaibigan mo'ng si-si..."

"Sino? Hay, umalis ka nga muna diyan at ako'y magri-review pa, bakla. Kapag ako talaga bumagsak ikaw sisisihin ko."

"SI LUNA DINAMPOT NG PULIS!"

"Ano?"

"Kanina pa nagkakagulo sa labas. MAY NAMATAY SA LABAS." Naagaw na namin ang atensyon no'ng ibang student.

"WHAT? ANO'NG NANGYARI? SABIHIN MO, BAKLA!" Napahawak ako sa dibdib ko dahil parang mawawalan ako ng uliran.

"Bakla, hindi ngayon ang oras para mawalan ka ng malay. Si Luna need ka niya, okay?"

"O-Oo nga."

"Tara na."

SKY'S POV

May lumabas ng itim na papel ng kamatayan. Kinuha ko ito at binuksan.

"Walang kasalanan si Linda. Hindi niya pinatay 'yon." Pagtatanggol nitong kasama niyang multo.

"Hindi nagsisinungalin ang libro ng kasalanan." Tiningnan ko ang nakasulat sa papel.

"Ana Linda Mar-" Nagtaka ako nang biglang maglaho ang papel na itim.

"Ano'ng nangyari."

"Wala nga siya'ng kasalanan. Si Luna, siya ang napagbintangan sa nangyari. Kawawa naman siya."

LUNA'S POV

POLICE STATION. Nakaupo kami dito sa harap ng lamesa ng police na nagdala sa amin. Lumapit sa akin si Je.

"Tinawagan ko na si Paulo saka si Tita Yvonne, Luna. Papunta na sila dito. Sobrang nag-aalala sa 'yo si Tita pero sinabi ko namang ayos ka lang." Naupo na siya sa tabi ko.

"Ano'ng pangalan mo, ija?" Binalingan ko ang pulis.

"Maria Luna Del Mundo ho."

"Ilang taon?"

"20 po."

"Taga-saan?"

"Sir, hindi ko ho tinulak ang lalaking 'yon. Ma'am," binalingan ko ang babae na nakaupo sa tapat ko lang.

"Magsalita ho kayo sabihin niyo'ng wala ako'ng kasalanan sa nangyari." Wala itong reaksyon at umiiyak lang.

"Sagutin mo na lang ang mga tanong ko, miss. Ako ang may hawak sa kasong ito kaya makipag-cooperate na lang kayo." Natigilan kami nang mag-ring ang telepono nila. Si Sir Cardenas ang sumagot.

"Marinduque provincial police station, ano'ng maipaglilingkod namin sa inyo? Sir!"

"Taga-saan ka, miss?"

"Gasan ho."

"Chief," Lumapit si Sir Cardenas dito sa nag-i-interview sa akin at may binulong. Pagkatapos ay napatingin ito sa akin. Napatighim pa siya bago magsalita ulit. Medyo nailang na siyang tumingin sa akin.

"Anak ka pala ni General Zacharias Del Mundo?"

"Opo, sir."

"Oo nga pala. Sir, tatawagan ko muna ang papa ni Luna." Akmang tatayo na si Je nang pigilan siya nito.

"Hindi na kailangan, ija, kakatawag lang ni general."

Baka nag-aalala na ang papa ko ngayon.

"Hintayin lang natin ang mama mo para masundo ka na dito."

"Hindi niyo na ho ikukulong si Luna, sir? Hindi na ho kayo magtatanong ng kung anu-ano?"

"Hindi naman kami pwedeng magkulong ng basta-basta, ija, hanggat hindi napapatunayan na siya talaga ang tumulak kay Mr. Lim. May mga tanong pa kaming dapat masagot ni Ms. Del Mundo pero sa ngayon mas mabuting umuwi muna siya. Kilala naman namin ang papa niya kaya walang magiging problema. 'Wag kayong mag-alala dahil mag-iimbistiga ang mga bata ko ng maayos."

"Sir, pwede na ho ba akong umalis? May kailangan pa ho akong puntahan."

"Hindi pwede kailangan ko pa'ng makausap ang mama mo bago kita paalisin."

"Sir, ano ang mangyayari sa asawa ko? Kailangang may magbayad sa nangyari sa kaniya. Kasalanan nila 'to." Humagulhol na naman ito ng iyak.

"Misis, alam ko ang nararamdaman ko. Alam ko po'ng nagdadalamhati ka pero alam niyo po na wala ako'ng kasalanan sa pagkamatay ng asawa niyo. Sinubukan ko pa nga siyang iligtas di ba pero bigla na lang siyang tumalon."

"Dahil sa mga multo'ng kasama mo. Pinatay nila ang asawa ko."

"Ano'ng ibig mo'ng sabibin, misis?"

"Sir, kasi may third eye ho itong bestfriend ko. Siguro gustong patayin ng multo itong si Mr. Lim at dahil sa sobrang takot kaya naisipan niyang  tumalon. Hindi kaya gano'n ang nangyari, sir?"

"Gano'n na nga ang eksaktong nangyari, sir. Maniwala ho kayo nagsasabi po ako ng totoo."

"Multo ang dahilan kaya tumalon at namatay itong si Mr. Lim. Mahirap paniwalaan 'yang ganiyang statement, ija. Don't worry kami na ang bahala sa kaso. Misis Lim, kailangan niyong makipag-cooperate sa amin ng maayos. Magsabi kayo ng totoo kung gusto niyong umusad itong kaso ng asawa niyo."

"Luna!" Napatingin kaming lahat sa bagong dating. Si Paulo at isa pa. Lumapit kaagad siya sa amin at niyakap ako ng mahigpit. Humahagulhol na ito sa balikat ko.

"Bakla ka ano'ng nangyari? A-Akala ko kung ano na ang nangyari sa 'yo eh."

"Ayos lang ako." Binitawan niya na ako.

"May kinalaman na naman ba ang mga multo dito, huh? Bakit kasi tinutulungan mo pa sila eh."

"Hindi alam ni mama ang tungkol dito kaya pwede ba'ng 'wag na lang nating banggitin sa kaniya."

"'Yan ang hindi na ako makakapayag. Kailangan ko ng sabihin kay Tita Yvonne ang nangyayari sa 'yo."

"Luna, anak!" Napatingin na naman kami sa dumating na si mama.

"Mama." Napaiyak na din ako nang makita ko si mama. Agad siyang lumapit sa akin at mahigpit ako'ng niyakap.

"I'm glad you're fine, sweetheart."

"'Ma, wala ako'ng kasalanan."

"I know. I know, sweetheart. Don't worry nandito si mama, okay? Calm down."  Binitawan na ako ni mama.

"Don't cry."

Pinunasan niya ang luha ko. Kinalma ko naman na ang sarili ko.

__________________________________________________

Thank you so much, guys. Love ya'll 💙💙💙

Anyways,' wag ninyong kalimutan na mag-FAN sa' kin, VOTE, and SPREAD THE STORY.

Please, mahalaga po ang VOTE niyong lahat.

MARAMING SALAMAT! ☺️

Next chapter