LUNA'S POV
"Tara na sa counter." Sumunod na lang ako kay Chendy. Nasa pure gold kami ngayon kasi nagpasama itong si Chendy para mamili. Sumusunod lang naman ako sa kaniya kasi wala naman akong kailangang bilhin. Mabuti na lang walang multong sumusunod sa'kin ngayon maliban lang sa lalaking maingay na 'to.
"May pupuntahan pa ba kayo? Bumalik ka na sa school, please."
"Ano ba'ng gagawin ko do'n? Tapos na ang class ko." Mahinang sabi ko baka kasi mapagkamalan na naman akong baliw.
"Nga pala nagpapabili si Aliya ng Shampoo muntik ko pang makalimutan. Dito ka na Luna kukuha lang ako." Umalis na si Chendy. Nasa pangatlo kami sa pila kasi medyo marami ang namimili ngayon. Mga ilang minuto pa napansin ko siya.
"Ate Melissa?" Pagtingin ko kasi sa may exit nakita ko siya. Tiningnan ko 'yong tinitingnan niya na lalaking papalabas na rin. Nakasunod lang siya dito. Maayos ang itsura niya ngayon hindi na siya nakakatakot.
"Huy! Pasaan ka?"
"Diyan ka lang."
"Luna." Narinig kong tawag ni Chendy na hindi ko naman pinansin. Sinundan ko si ate Melissa sa labas. Naabutan ko 'yong lalaking sinusundan niya na papasakay na sa kotse at dahil hindi naman tinted kaya napansin ko na may babae pala siyang kasama. Nakita ko si ate Melissa na nakasakay sa likod ng kotse.
"Ano'ng ginagawa niya do'n?"
"Luna."
"Chendy."
"Ano'ng ginagawa mo dito? Tinatawag kita kanina ni hindi ka lumingon."
"Ah bigla kasi akong nilamig sa loob dahil sa aircon."
"Tara na. Ikaw wala ka bang bibilhin?"
"Wala." Nilakad na lang namin ang sakayan ng tricycle pauwi sa dorm.
"Pumunta ka na sa school." Nakakagulat talaga 'tong multo na 'to. Pagpasok ko kasi ng kwarto bigla siyang sumulpot.
"Bakit ba pilit ka ng pilit na pumunta ako sa school ha? Sinabi na ngang wala na akong klase."
"Sige na kahit maglakad-lakad ka lang don."
"Park ba ang school?"
"Sige na 'pag hindi ka sumama mumultuhin kita." Tiningnan ko siya ng masama.
"Tatakutin. Wahhh!"
"Mas baliw ka pa sa'kin eh."
"Sige na naman Luna."
"Ayoko. Ayoko. Ayoko!"
SCHOOL CAMPUS, MINI FOREST. Pinagbigyan ko na ang kumag na 'to sobrang kulit kasi. Kung hindi lang kaluluwa 'to baka nasapak ko na siya.
"Tama na ang kakakain mo dyan samahan mo 'ko." Kumakain kasi ako ng burger.
"Saan?"
"Maglilibot."
"Mamaya na lang."
"Ngayon na Luna."
"Bibili muna akong tubig."
"Mamaya na lang. Sige na tumayo ka na diyan Luna. Please?"
"Oo na nga. Kapag naimpatyo ako lagot ka sa'kin." Dinala ko na lang ang pagkain ko.
"Yes!" Dito na kami dumaan sa may field. Nakasunod lang naman ako sa kaniya habang kinakain ang burger. Napansin kong sinisilip niya ang bawat classroom na madaanan namin.
"May hinahanap ka ba?"
"Ahm...oo eh."
"Sino? Tao ba?"
"Oo malamang."
"Malay ko ba kung multo din hinahanap mo."
"Hindi."
"Eh, sino nga?" Tumigil muna siya at tiningnan ako.
"Girlfriend ko."
"Girlfriend mo?" Napatawa ako ng bahagya.
"Bakit ka tumatawa?"
"Wala naman natawa lang ako." Kaya pala gustong-gusto niyang magpunta dito.
"O-Okay." Nagsimula na ulit siyang maglakad at magpalinga-linga sa mga rooms.
"Hindi mo pa ba siya nahahanap o nakikita?"
"Hindi pa kasi hindi naman ako taga-rito at saka kailan ko lang nahanap 'tong school niyo."
"Taga-Maynila ka?"
"No and I think yes?"
"Ano?" Tiningnan niya ako ulit.
"Pinanganak ako dito sa Pilipinas pero no'ng 13 ako nag-migrate kami sa Canada. Doon na ako lumaki at nitong nakaraan lang kami bumalik dito sa Philippines. Plan ko na dito na sana mag-aral kaya lang namatay naman ako agad. Sad story." Nahabag naman ako sa sinabi niya.
"Ano'ng ikinamatay mo?"
"Miss." Tumabi si Azine at si Arif ang nakita ko kasunod niya.
"Ha?"
"Sabi mo kasi... Ano'ng ikinamatay ko? I'm not dead yet." Nandito na pala kami sa may baskeball court. Pawis na pawis siya kaya tingin ko nagba-basketball ito at nagpapahinga lang. Mabuti na lang wala masyadong babae dito.
"Ahhh... hindi-hindi ikaw ang sinasabihan ko." Napakagat ako sa burger. Napalinga si Arif sa paligid na parang tinitingnan kung sino ang kinakausap ko.
"Ako 'yong kinakausap ni Luna. Bakit problema mo ba ha?" Inismiran ko si Azine.
"May iba ka pa ba'ng kausap dito maliban sa'kin?"
"Na-Nakaalis na." Nahirapan pa akong magsalita dahil puno ng pagkain ang bibig ko.
"Ah okay. Siya nga pala Luna--" Napaubo ako bigla dahil nasamiran ako nitong kinakain ko. Isubo ko ba naman lahat.
"Luna ayos ka lang? Ang takaw mo kasi eh." Tiningnan ko ng masama si Azine. Nang-inis pa.
"Are you okay?" Todo saklolo naman itong si Arif at tinapik ang likod ko.
"Inumin mo 'to." Kinuha ko kaagad 'yong inaabot niyang bottled water at uminon. Mabuti na lang may bitbit siya.
"Kilala mo 'ko?"
"Oo naman. Okay ka na ba?"
"Oo. Sorry ha nainom ko pa tuloy 'tong tubig mo ibibili na lang-"
"Hindi na. It's okay, Luna."
"Bakit mo nga pala ako kilala?"
"Bakit?" Napatawa siya. Cute niya ring tumawa.
"Hindi ko kasi akalain na-na mapapansin mo ako."
"Akala mo siguro ang pinapansin ko lang ay 'yong mga magagandang girls dito sa campus natin, ano?"
" 'Yon nga ang akala ko."
"Then you're wrong, Luna. Alam mo sa tuwing nagkikita tayo palaging involved ang bottled water."
"Oo nga eh pansin ko din."
"Miss bottled water?" Natawa kami pareho.
"HUY!"
"AY KABAYO KA." Bigla ba namang sumigaw 'tong kumag na 'to.
"Nandito pa kaya ako. Kilig na kilig naman 'to oh."
"Ha?"
"Ah wala Arif may lumilipad kasing baka dito."
"Baka? May baka bang lumilipad?" Natawa lang si Azine.
"Ha? Baka ba ang sabi ko? Hindi ipis ang sabi ko takot ako do'n eh."
"Ahh."
"Sige ha alis na ako." Iniwan ko siya do'n na nakangiti. Kaloka ang gwapo niya. Lalo siyang gumwapo sa suot nitong jersey. Naupo ako sa shed dito sa may old School of Engineering. Walang ibang nakaupo dito. Good for me para 'di ako masabihang baliw na naman.
"Kinikilig ka sa lalaking 'yon?"
"Hindi kaya."
"If I know kilig na kilig ka. Ayan oh namumula ka na."
"Hindi nga sabi. Bakit naman ako kikiligin sa lalaking 'yon?" Nag-ubo-ubuhan si Azine.
"Kilala mo 'ko? Miss bottled water?" Napabunghalit siya ng tawa. Ginaya pa niya 'yong boses ko at ni Arif. Napatayo na ako.
"Saan ka pupunta?"
"Uuwi na."
"Huy!" Hinarang niya 'yong daraaanan ko pero hindi ko siya pinansin at nagpatuloy ako sa paglalakad. Bigla siyang sumulpot sa unahan ko.
"Sorry na nagbibiro lang naman ako eh. Huy! Luna naman eh. Sige na 'di na kita iinisin sa lalaking 'yon basta hinto na. Luna." Napahinto na ako sa paglalakad.
"Humanda ka talaga sa'kin kapag may chance gagantihan talaga kita."
"Kaso walang chance because I'm not alive." Paawa pa 'to eh. Bigla namang may humila sa kamay ko.
"Bakla ka 'lika nga dito sandali."
"Bakit ba Paulo?" Hinila niya ako dito sa may student lounge sa may tapat ng IT building ulit. Hindi ko nabanggit na madalas dito si Paulo dahil malapit lang dito ang room nila tapos nagluluto sila dito sa mini restaurant na nasa likod nitong lounge.
"Maupo ka nga dito."
"Ano? Bakit ba?" Lumitaw naman bigla si Azine.
"Unang-una congrats dahil ang galing mo daw sa volleyball kanina na alam ko naman na. Pangalawa, 'day binigyan ka daw ni Papa Arif ng bottled water? True ba? Gusto kong malaman mula sa'yo dahil hindi ako naniniwala, girl." Napingot ko ang tenga niya.
"Aray." Tinanggal ko rin naman kaagad.
"Hindi ba talaga kapanipaniwala ha? Grabe ka sa'kin."
"So totoo?"
"Oo."
"Ayyy! Ang swerte naman ng best friend ko. Nakakainggit ka. Hmm... Sige na nga kahit masakit magpaparaya na ako para sa'yo. So ano type mo rin siya? 'Wag mong sabihing hindi dahil babatukan kita."
"Type na type niya." Tiningnan ko ulit siya ng masama.
"Joke."
"Aray!" Si Paulo kasi ang binatukan ko.
"Hindi ko siya type."
"Wow! Haba ng hair mo girl. Ikaw na. Si Arif Zamora tinatanggihan mo? Ikaw na talaga."
"Wala ka ba'ng klase?"
"Wala pa. Ikaw?"
"Wala na."
"Eh ano'ng ginagawa mo dito?"
"Sinamahan ko lang siya." Turo ko kay Azine.
"L-Luna. See you later." Tinakbuhan niya na ako.
"Bakit ba natatakot sa'kin ang mga kaibigan mo? Sabihin mo kasi sa kanila na gwapo ako."
"Tumigil ka diyan. Saan ka pa ba pupunta?" Naupo siya sa katapat na bangko.
"Ang totoo niyan hindi ko alam kung saan ko makikita ang girlfriend ko. Alam ko lang na dito siya nag-aaral pero hindi ko alam ang course niya."
"Sure kang girlfriend mo talaga ang hinahanap mo?"
"Oo. Long story pero talagang mahal ko siya at mahal niya rin ako."
"Wow! Eh, akala ko ba sa Canada ka lumaki kaya paano kayong nagkakilala?"
"Nakilala ko siya no'ng unang beses na nagbakasyon ako dito sa Philippines. Nagkakilala kami sa Manila kasi 'yong mama niya friend ng mom ko."
"Paano ka napadpad dito?"
" 'Yong papa niya taga-rito eh dito na raw nagtayo ng negosyo si tito kaya dito na sila tumira. Umuwi ako dito para makita siya kaya lang namatay na ako. Hindi ko man lang nalaman 'yong Address niya ang alam ko lang ay ang school niya. Ang tagal ko ring nahanap 'to ah."
"Ano ba ang ikinamatay mo?"
"Hindi ko alam eh."
"Hindi mo alam?"
"Oo. Namalayan ko na lang na kaluluwa na pala ako."
"Posible kayang na-format ang memories mo dahil naging kaluluwa ka na?"
"It's impossible. Eh 'di sana hindi ko rin naalala 'yong name ng school niyo. At hindi ko rin sana naaalala ang name ng girlfriend ko o name ko."
"Ano ba'ng pangalan niyang girlfriend mo?"
"Maxine. Maxine Panganiban."
"Maxine Panganiban?"
ST. MARIS DORMITORY. Pababa ako ng dorm para bumili ng magic sarap sa tindahan na iniuutos sa'kin ni Paulo ng biglang lumitaw si Mike.
"Nakakagulat ka naman, Mike."
Sorry, Luna." Napansin ko sa mukha niya na parang malungkot siya. Naupo si Mike sa hagdan kaya naupo na din ako sa tabi niya.
"Ano'ng problema?" Hindi niya pa rin ako tinitingnan.
"Mike, ayos ka lang ba? May maitutulong ba ako?"
"Bago ko lisanin ang mundong 'to may kailangan muna akong gawin na makapagpapatahimik ng kaluluwa ko." Sabi niya na hindi pa rin ako tinitingnan.
"Ano'ng gagawin ko para matulungan kita? Sabihin mo lang Mike dahil tutulungan kita. Nga pala hindi ko pa alam kung ano ang ikinamatay mo nagkaro'n ka ba ng malalang sakit o naaksidente ka?" Tiningnan na niya ako pero hindi kaagad siya nakasagot sa tanong ko.
"Nagpakamatay din ako." Natigilan ako sa sinabi niya.
"B-Bakit? Bakit ka nagpakamatay?" Ibinaling ni Mike ang tingin niya sa ibang direksyon. Nakita ko na parang galit na 'yong itsura niya.
"Dahil sa isang taong kumuha ng kinabukasan ko ten years ago. Dahil sa kaniya hindi ako naka-graduate. Namatay din 'yong tatay ko dahil sa nangyari kasi hindi niya matanggap na ang anak niyang Dean's Lister ay hindi makakaakyat ng stage." Seryosong pagkakasabi niya.
"Ten years ago na? Ibig sabihin matagal ka na dito sa... bakit hindi ka naka-graduate noon? Ano'ng naging problema?" Napatayo si Mike na halatang hindi mapigilan ang galit.
"Isa akong engineering student noon dito sa MSU. Nagkaroon kami ng project proposal sa subject nang hayop na professor na 'yon. Ito na ang pagbabasehan ng grade namin kaya pinag-isipan ko talaga ng mabuti ang ipo-propose ko. Hanggang sa maka-isip ako ng isang proposal pero hindi basta-basta 'yong gagawin kong project kaya kinailangan ko ng medyo malaking pera para makabili ako ng mga materyales kaya lang kapos noon sa pera ang mga magulang ko dahil mahirap lang kami kaya wala silang naibigay sa'kin. Nagpart-time ako at nalikom ko naman ang pera na kailangan ko. No'ng araw ng presentation nagkaroon ng emergency ang tatay ko kaya dinala muna namin siya sa hospital at nalaman namin na may sakit siya sa puso. Ginawa ko ang lahat para makabalik kaagad sa school pero pagdating ko nakapag-present na lahat ang mga kaklase ko. Pinakiusapan ko siya na kung maaari ay mag-present pa rin ako ng project kaya lang tinanggihan niya ako. Hindi niya ako pinayagan at...binagsak niya ako sa subject niya. Ginawa ko ang lahat para magbago ang desisyon niya pero nagmistula siyang bingi sa mga paliwanag ko. Binagsak pa rin ako ng demonyong professor na 'yon. Inatake sa puso ang tatay ko nang malaman niya na bumagsak ako sa isang subject at hindi makakasama sa graduation. Namatay siya at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako napapatawad ng nanay ko kahit sumakabilang buhay na rin ito. Hinding-hindi ko napapatawad ang professor na 'yon na sumira sa buhay ko."
"Sinong professor ang tinutukoy mo, Mike? Nasa MSU pa rin ba siya hanggang ngayon?"
"Luna." Napatingin ako sa tumawag sa'kin na si Paulo pala.
"Kanina pa kita hinihintay nasa'n na 'yong pinabibili ko sa'yo? Maluluto na lang 'yong niluluto ko wala pa rin 'yong magic sarap. Kaloka ka bilisan mo na tumayo ka na diyan." Umalis na rin kaagad si Paulo.
"Mike, mag-usap tayo mama-" Naglaho na pala si Mike. Napatayo na ako at nagpuntang tindahan.
Kumakain na kami ngayon ng hapunan. Si Paulo ang nagluto dahil siya naman ang chef dito.
"Ano'ng nangyari sa'yo kanina?" Tanong sa'kin ni Paulo.
"Wala." Tanggi ko.
"Siya nga pala may kilala ba kayong Maxine?" Napatingin sila sa'kin.
"Maxine Magalona?" Nabatukan ko si Paulo.
"Ouch! Maxine ano ba kasi? Paano namin makikilala eh hindi mo sinasabi ang apelyido."
"Maxine Panganiban."
"Maxine Panganiban?" Ulit ni Chendy. Nag-isip sila pareho. Wala si Azine dito ngayon baka hinahanap na naman ang girlfriend niya.
"Sino'ng Maxine ang tinutukoy mo, Luna?" Tanong naman ni Aliya.
"Hindi ko rin kilala eh basta sa school din daw natin nag-aaral."
"Maxine. Ah baka si Maxine na taga-SBM department ang tinutukoy mo." Sabat ni Paulo.
"Ako for sure hindi ko 'yan kilala kasi wala akong pakialam sa iba." Sabi ni Aliya. Oo gano'n talaga siya pero ang totoo palagi naman siyang concerned sa ibang tao.
"Oo nga. May Maxine Panganiban na taga-SBM, Luna." Sang-ayon ni Chendy.
"Ay oo siya nga. Siya 'yong star ng SBM. Kilala ko siya Luna kasi 'di ba taga-SBM ako." Sabat ni Elay.
" 'Yon na nga Elay eh taga-SBM ka tapos si Paula pa ang nakakilala." Pang-aasar naman ni Chendy.
"Eh, sa kumakain pa ako eh. Alam mo naman palagi akong loading kapag may pagkain sa harap ko."
"Taga-SBM department? Ano'ng course?"
"Tourism." Si Elay na ang sumagot.
"Siya ang tinuturing na pinaka-maganda sa department namin at hindi lang do'n kung hindi sa buong campus. Siya 'yong tinanghal na Ms. MSU last year tapos si Arif Zamora naman ang Mr. MSU kaya medyo close silang dalawa. Active member din siya ng mga clubs at volleyball player pati mga barkada niya. Complete package. Matalino, sobrang ganda, mayaman, charming at sabi mabait daw kaya maraming nagkakandarapang mga boys sa kaniya. Pero bali-balita na taken na daw si Maxine kaya hindi niya pinapansin 'yong mga manliligaw niya." Dagdag pa ni Elay.
"Loyal." Napatingin ako sa nagsalitang si Paulo.
"Pero minsan ng na-issue na may relasyon daw sila ni Arif, huh, hindi ko nga lang alam kung totoo." Napa-isip sila.
"Hindi rin natin alam." Kibit-balikat na sabi ni Chendy.
"Grabe ang swerte naman ng babaeng 'yan."
"Sinabi mo pa, Aliya. Kaya nga minsan naiinggit ako sa kaniya kapag nakakasalubong ko siya sa may hallway namin."
"Nangarap ka naman, girl."
"Tama nga si Azine."
"Ano na naman ang binubulong-bulong mo diyan Luna? Natatakot na talaga ako sa'yo ha isusumbong na kita kay Tita Yvonne."
"Sumbungero." Sumubo muna ako bago ulit magsalita.
"Nga pala 'di ba sabi niyo nagpakamatay si Aling Emilda?"
"Oo at sabi nila sa cr diyan sa kabila siya nagpakamatay." Sagot ni Aliya. Kaya pala do'n ko siya nakita.
"Hindi ba 'yang si Aling Emilda na 'yan ang dating naglilinis dito sa dorm natin?" Tanong ni Chendy.
"Oo siya nga." Si Aliya ulit ang sumagot. Siya kasi ang mas matagal dito dahil senior high school pa lang ay dito na siya nagbo-board.
"Bakit daw siya nagpakamatay Aliya?"
"Na-depressed daw dahil namatay 'yong nag-iisa niyang anak."
"Bakit dito pa kaya nagpakamatay si Aling Emilda? Nakakatakot tuloy gumamit ng cr diyan sa kabila."
"Nakakatakot talaga Paulo at hindi mo gugustuhing makita si Aling Emilda."
"Luna naman eh. Pwede ba 'wag na kayong mag-usap about diyan? Saka kumakain tayo oh."
"Ang bakla talaga nito." Nagsitawanan na lang sila at tinapos ang pagkain. Tinapos ko na rin ang paghuhugas dahil ako ang assigned ngayon. At matapos ang lahat ng gawain ko kasama na ang evening beauty routines pumasok na ako sa kwarto para makapagpahinga naman. Nakahiga naman si Paulo habang nagsi-cellphone. Nakita ko si Aling Emilda na nakatayo sa may harap ng salamin. Wala siyang reflection sa salamin. Multo nga naman.
"Aling Emilda. Andiyan po pala kayo." Napatingin si Paulo sa may salamin at agad na napabangon. Pumunta siya sa may likod ko.
"An-Andito si A-Aling Emilda?" Utal-utal na tanong niya.
"Oo."
"Paulo! Bumalik ka dito." Lumabas kasi kaagad siya ng kwarto.
"Pasensiya na po kayo sa kaibigan ko ha matatakutin po eh."
"Naiintindihan ko sila kasi sino ba naman ang hindi matatakot sa multo, 'di ba?" Naupo ako sa kama.
"Aling Emilda, nagpakamatay po ba talaga kayo dahil namatay 'yong anak niyo?"
"Oo, Luna. Hindi ko matanggap ang pagkawala ng anak kong si Linda. Siya na lang ang bumubuhay sa'kin kaya no'ng namatay siya hiniling ko na rin na mawala sa mundong 'to."
"Pero bakit po hindi pa rin kayo natatahimik hanggang ngayon? Patay na po kayo tapos 'yong anak niyo kaya bakit..."
"Dahil hindi ko pa nahahanap ang anak ko. Akala ko kapag namatay ako makakasama ko na siya pero hindi ko makita ang kaluluwa ni Linda. Hindi ko alam kung nakatawid na ba siya o hindi pa kaya naman hindi pa ako umaalis dito. Gusto ko magkasama kaming aalis ng anak ko."
"Susubukan ko pong hanapin ang anak niyo." Iniwanan niya lang ako ng simpleng ngiti at agad na rin siyang naglaho. Bigla akong nakaramdam ng lungkot. Ngayon hindi lang mga buhay ang nakikita ko pati mga patay na rin. Mga kaluluwang hindi pa nahahanap ang liwanag. Nakakalungkot lang isipin na kailangan pang mamatay nang isang tao.
"Bakit ganyan ang mukha mo? Lalo kang pumapanget." Sarap namang i-double dead nitong multo na 'to. Nagmo-moment ako eh.
"Ano nahanap mo na ba girlfriend mo?" Medyo nalungkot naman siya.
"Hindi pa nga eh."
"Hmp! Alam ko na kung sino siya. Sandali." Tumayo ako at kinuha ang cellphone ko. Nagbukas ako ng Facebook at hinanap si Maxine. 'Di kami friend.
"Siya ba 'to?" Napamulagat naman siya.
"Oo. Siya nga 'yan, Luna. Paano mo siya nahanap ha? Ang galing mo talaga." Niyakap na naman niya ako.
"Thank you talaga, Luna. Bukas sasamahan mo ako sa kaniya ha."
"Oo na basta 'wag ka lang makulit, okay?"
"Okay. Promise."
"Oh sige na umalis ka na para makatulog na ako. Shoo!"
"Samà mo." Bigla siyang naglaho at namalayan ko na lang na nakahiga na siya sa kama. Napatayo ako.
"Bumangon ka diyan, Azine. Matutulog na ako eh."
"Eh 'di matulog ka na." Tinapik niya pa ang hihigain ko na katabi niya.
"Nababaliw ka ba? Ako matutulog kasama ka? Subukan mo na lang hanapin ang girlfriend mo ngayong gabi."
"No need. Andyan ka naman eh ikaw ang magdadala sa'kin kay Maxine." Naismiran ko na lang siya at lumabas. Nasalubong ko si Aliya paglabas ko.
"Oh Luna."
"Nakita mo si Paulo?"
"Nasa kwarto namin. Kung anu-ano nga kinukwento sa'min nababaliw na yata. Kukuha lang ako ng tubig."
"Sige." Pumunta na ako sa room nila na katapat lang naman nitong kwarto namin. Nakita ko si Paulo na nakahiga na.
"Paulo tara na matulog na tayo." Napabangon siya at tiningnan ako.
"Dito na muna ako matutulog Luna ha. Goodnight!"
"Paulo." Pumasok ako at hinila siya.
"Takot sa mga multo na kasama mo Luna. Alam mo namang bakla 'yan eh." Natatawang sabi ni Chendy.
"Please Luna dito muna ako matutulog."
"Hay naku pagbigyan mo na Luna baka bangungutin pa 'yan sa kwarto niyong dalawa." Nakabalik na pala si Aliya. Wala na akong nagawa.
"Ngayon lang ha."
"O-Oo saka bu-"
"Hep! Ngayon lang. Goodnight sa inyo." Lumabas na ako at bumalik na sa kwarto ko. Hindi ko na nakita dito si Azine. Mag-isa lang akong matutulog ngayon? Nakaramdam na ako ng antok kaya sumampa na ako sa kama. Napatagilid ako ng higa at humanday sa unan.
"Goodnight, Luna." Nagulat pa ako sa biglang pagsulpot ni Azine. Nakahiga siya at nakaharap sa'kin.
"Akala ko umalis ka na eh." Bigla akong napatalikod ng higa. Bakit bigla akong nailang? Kaluluwa lang siya Luna. Para kasing totoo siya eh tapos nahahawakan ko pa siya.
"I told you hindi ako aalis sa tabi mo."
"Matutulog na ako." Pinikit ko na ang mga mata ko para hindi na siya mangulit.
"Okay. Let's sleep together." Hinarap ko ulit siya.
"Sabi ko-" Natigilan ako no'ng ma-realized ko na sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa. Nakatingin lang din siya sa'kin. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Ngayon ko lang 'to naramdaman. Baliw na yata talaga ako.
"Ang ganda mo pala sa malapitan." Napabangon na ako.
"Umalis ka na muna dito." Natawa lang siya sa'kin.
"Ayoko. Dito ako matutulog." Napahiga na lang din ako dahil inaantok na talaga ako kanina pa.
" 'Wag kang maingay ha."
AZINE VERGARA'S POV
Napatabon na lang ako ng tenga. Grabe 'wag daw akong maingay eh siya pala itong malakas humilik. Paano ako makakatulog nito?
"Luna. Hey!" Pinagmasdan ko na lang si Luna. Napangiti ako ng bahagya.
"Goodnight, Luna." Nahiga na rin ako at sinubukang matulog. Bukas makikita ko na ang girlfriend ko.
__________________________________________________
Thank you so much, guys. Love ya'll 💙💙💙
Anyways,' wag ninyong kalimutan na mag-FAN sa' kin, VOTE, and SPREAD THE STORY.
Please, mahalaga po ang VOTE niyong lahat.
MARAMING SALAMAT! ☺️