Ilang araw lang akong nanatili sa bahay ng aking mga magulang. Kinailangan ko ng bagong simula sa lahat ng mga bagay-bagay sa buhay ko.
Salamat sa aking mga magulang marami rin akong mga bagay na binalikan sa akin sarili. Ang mga bagay sa aking pagkatao na nawala na dahil sa impluwensiya ng iba.
Umuwi ako sa aking bahay na may dalang ginhawa at ligayang nakausad na ako sa lahat ng aking dinadamdam.
Naglalakad na ako sa harap ng bahay nila Jeremy. Kakaiba ang tahimik. Hindi na nalinis ang loob ng kanilang bakuran. Halatang matagal na wala ang mga naninirahan dito dahil wala rin ang kotse sa harap ng bahay. Hindi ko maiwasang manabik sa kanila ni Dexter.
Nang makarating ako ng harap ng aking bahay. Tinitigan ko maigi ang bawat detalye nito. Nagbabalik ang lahat ng aming mga sandali ni Raffy, Jeremy, Dexter, at Harold.
Isang buntong hininga ang kumawala sa aking dibdib. Nanghihinayang na wala na silang lahat.
"Oh well... that's life Joseph..." ang sabi ko sa aking sarili habang binubuksan na ang paglock sa tarangkahan ng aking bahay.
Agad kong tinungo ang mga labahan sa likuran ng bahay at dun ko inilagay lahat ng mga marumi kong damit na dala. Napatingin ako sa labahan kung saan kami nagkukulitan ni Raffy habang naglalaba ng aming mga damit. Nalala ko rin na ganoon din ang ginawa namin ni Harold doon ngunit mas kakaiba ang sa amin dahil sa kami ay magnobyo.
Tinungo ko ang aking silid upang magpahinga na muna. Sa aking pagtungo doon habang mabagal na naglalakad ay ibinabalik sa akin ng bawat sulok ng aking tahanan ang makukulay na sandali na kasama ko silang lahat.
Mabigat ang aking mga paang umakyat sa hagdan tungo sa aking silid.
Nasa harap na ako ng pintuan ng aking silid. Natigil lang ako sa tapat nitong hindi pa rin ito binubuksan. Maraming maliligayang sandali ang aking maaalala sa oras na buksan ko ang pintuang iyon.
Napakapit lang ako sa door knob. Pinipilit ang aking sariling umayos at tangapin kung ano man ang magbabalik sa akin sa oras na makita ko ang lagay ng aking silid.
"Sana... bumalik na sila... " ang nasambit ko sa aking sarili.
Bumungad ang aking silid at tulad ng aking inaasahan. Nagbalik ang lahat ngunit hindi ako naiyak. Pinilit kong ngumiti sa kabila ng lahat.
Dahan-dahan akog lumapit sa aking kama na nakalagay ang bedsheet na unang nilabhan namin ni Raffy ng sabay dahil sa kanyang binuhos na kalat dito.
Humiga akong nakatihaya at ninanamnam ang sarap na nakahiga na ulit ako sa malambot kong kama. Nakatitig lang ako sa kisame mula noon at di ko na namalayang nakatulog na lang pala ako sa pagod marahil dahil sa layo ng aking binyahe.
Nagpatuloy akong mag-isang namumuhay hanggang sa tuluyan ko nang natanggap ang aking buhay na ganito.
Minsan habang nasa hapagkaininan akong nagtatrabaho. Nang ako'y medyo tamarin sa aking ginagawa ay naisipan kong buksan muli ang aking mga emails. May email si Raffy sa akin at ang subject ay "BABY BRO SA IYO NA ANG JOURNAL KO. GAMITIN MO".
Hindi ko na binuksan ang aking email ni Raffy. Agad akong tumayo sa aking upuan at tinakbong inakyat ang aking silid. Nagmamadali akong binuksan ang aking tukador kung saan ko itinago ang pulang journal.
Hindi na ako nagdalawang isip na buksan ang journal sa pgakakataon na ito. Maraming napilas na mga naunang pahina nito. Ang unang natirang pahina ay may sulat ni Raffy para sa akin.
----------------------------------
Baby bro,
Malaking bagay sa akin ang journal kong ito at naisulat ko na dito ang lahat ng aking lihim at saloobin bahagi ito ni big bro mo. Ngayong aalis na ako kasama ang mga pahina nito, gusto ko ang mga pahinang blanko nito ito ay sa iyo na upang sa kawalan ko ay maisusulat mo pa rin ang mga gusto mong sabihin sa akin. Lahat ng mga gusto mong ikwento sa akin. Gusto kong malaman kung ano ang nangyari sa bunso kong kapatid. Babasahin ko lahat ng isusulat mo dito sa araw na bumalik ako ng bansa. Isipin mo na ako ang kinakausap mo pag sumusulat ka dito. Aasahan ko yan at pangako hindi kita kinalimutan magkikita pa rin tayo balang araw.
Raffy
-----------------------------------
Napangiti ako sa aking nabasa. Isang mahalagang bahagi pala ni Rafael ang iniwan niya sa akin upang ako'y pakinggan niya. Kaya naman ala hindi rin siguro nangangamusta ang kumag dahil sa ito ang inaakala niya.
Naghagilap ako ng ballpen sa tukador kung saan ko ito itinago at dinala ang mga ito sa aking pagbalik sa hapagkainan kung saan ako gumagawa ng trabaho.
Nang marating ang aking tukoy ay agad kon ipinatong ang mga ito sa gilid ng aking laptop at binuksan ang email ni Raffy. Wala pala itong laman.
Sinagot ko na lang ang mensahe niya. Habang tumutugtog ang awitin mula sa aking laptop na sumabay sa aking nararamdamang pagtatampo at pangungulila kay Raffy.
-----------------------------------
Big bro,
Sorry hindi ko nabuksan yung journal mo nang makita ko ito after mo umalis. Iginagalang ko kasi ang privacy mo. Hindi mo naman kasi sa akin sinabi eh ayan tuloy.
Raffy... miss ko na kayo... lalong-lalo ka na. Pakiramdam ko wala na akong katuwang ngayon sa buhay. Nasaktan lang ako sa hindi mo pagpaparamdam at lalo na nang ikagulat kong may anak ka na pala. Hindi mo man lang ako inabisuhan na may pamangkin na pala ako sa iyo. Ang tanda na tuloy ng pakiramdam ko. Susulat ko na lang ang ibang gusto ko sanang sabihin sa iyo. Hihintayin ko ang araw na bibisitahin mo rin ako dito kasama ang asawa mo't anak.
Aaminin ko. Nasaktan akong lubos. Ang sakit sakit ng ginawa mo. Bigla kang naglaho at mag-isa kong hinarap ang buhay na walang sinasabihan man lang ng aking mga pinoproblema.
Hindi kita kinalimutan at hanggang ngayon itinuturing pa rin kitang napakabuti na nakatatandang kapatid.
Joseph
-----------------------------------
Pilit kong inayos ang aking sarili. Pakiramdam ko sa mga oras na iyon ay gusto ko na sabihin sa kanya ang lahat. Gusto na kumawala ng lahat ng damdamin ko para malaman lang niya ang kalagayan ko.
Agad na kinuha ang ballpen at journal ni Raffy at isulat ang aking mga itinabing hinanakit, pangungulila, ang mapapait na sandali, ang maliligayang nangyari, at lahat na kasama ang tungkol kay Sybil.
Isa-isang umagos sa aking magkabilang pisngi ang aking mga luha. Pilit ko itong pinupunasan ng aking brasong gamit sa pagsusulat ngunit hindi ko mapigilan ang mga ito na tumulo sa mismong pahina ng journal na aking sinusulatan.
May katagalan din akong nanatiling ganoon ang lagay habang nagsusulat. Tila kumawala lahat ng itinago kong damdamin para kay Raffy. Pilit kong inisip na kunwari ay si Raffy ang aking kinakausap ngayon sa aking pagsusulat.
Umabot na ako sa sampung pahina nang biglang kalabitin ako ni Kevin. Nagulantang ako't nagmadaling isinara ang journal sabay punas ng aking mga luha.
"Anong drama yan tol? Umuwi ka na pala dito buti na lang namisikleta ako dito sa village niyo. Pupuntahan ko sana bahay ni Jemimi at napansin kong bukas ang ilaw ng bahay mo." ang nakangiti niyang sambit sa akin.
"P-pano ka nakapasok?" ang agad kong inanong sa kanya nang maalala kong nilock ko naman kanina yung pintuan ng bahay.
"Ginawa niya na akong care taker ng bahay niyong magpinsan. Babalik ko na sa iyo ang susing ito." ang sagot niya sa akin sabay angat niya ng kanyang keychain na may maraming susi.
"Oo nga pala no? Nasa iyo papala yung isang pair ng susi ko dito sa bahay." sabay kuha ko sa kanya ng susi ng aking bahay.
"Bakit ka nga pala napapunta dito?" ang tanong ko sa kanya.
"Wala lang. Hiniram ko kasi yung kotse ni insan sabihan na lang daw muna kita baka daw kasi isipin mong ninakaw kung nawala yung kotse sa harap ng bahay nila." ang natatawa niyang sinabi sa akin.
"Kayo bahala hindi naman akin yung kotseng iyon." ang sagot ko sa kanya.
"Nag-almusal ka na ba?" ang agad kont itinanong sa kanya habang kumakamot ako sa aking noo.
"Hindi pa nga eh. Wala pa kasi naihandang almusal sa bahay namin." ang sagot niya sabay himas sa kanyang tiyan.
"Sige luto ka lang jan idamay mo na rin ako mukhang nagugutom na rin ako." ang sagot ko sabay balik ang aking atensyon sa aking laptop.
Tinungo na niya ang kusina.
Nakabukas pa rin sa desktop ko ang aking email at napansing may email sa akin si Sybil. Napangiti ako sa aking nakita.
-----------------------------------
My J,
I'll make sure to make you happy today. You'll finally meet me in person sa lugar na hindi mo inaakala. Mahal na mahal kita.
Sana you'll love me even more pag nakita mo na ako. Kilala mo ako kung sino ako at nakita mo na ako.
Sybil
-----------------------------------
"Ano daw?!! Pupuntahan na ako ni Sybil? Bakit naman "least expected place pa?" ang aking nasabi sa pagkabigla. Napahawak ako sa aking dibdib.
Agad ko siyang sinagot.
-----------------------------------
Sybil,
Tama na ang mystery pwede? Nakakasikip ka na ng dibdib. Loko ka talaga. Hindi pa kita mahal no. Asa ka.
Joseph
-----------------------------------
Ang aking sinagot sa kanya habang humahalakhak na nagcocompose ng email.
"Seph nababaliw ka na ba? Kanina iyak ngayon tawa ka naman." ang sigaw ni Kevin mula sa kusina sabay halakhak din.
"Letche!! Wag mo ko pakielaman dito nagmomoment ako!" ang pikon kong sinagot sa kanya sabay balik ng atensyon sa aking laptop.
Ipinagpatuloy ko ang aking pagsusulat habang si Kevin ay nagluluto sa kusina. Ilang sandali lang ang aking hinintay at tinawag na ako ni Kevin.
"Seph ayusin mo na yang mesa kakain na tayo." ang sigaw niya sa akin mula sa kusina.
Agad kong iniligpit ang aking gamit na nakapatong sa hapag.
Nilingon ko ang tarangkahan tungong kusina at nakita kong nakatayo na roon si Kevin na nakaharap sa akin dala ang aming almusal.
"Pasensiya ka na Seph ha? Hindi talaga ako magaling magluto." ang sabi niya sa akin habang inilalapag sa mesa ang omelette na may halong sardinas na nasa magkok na nasa isa niyang kamay at sunod ang banyerang kanin na nasa isa naman niyang kamay.
"Ako na kukuha ng plato at kubiertos natin." ang sabi ko sabay tayo sa aking upuan.
Tumawa ng malakas si Kevin.
"Kubiertos talaga ha? Pareho kayo ni Jemimi. Tawag naman niya sa appliances muebles." ang sabi niya sabay tawa pa uli.
Hindi ko na siya pinansin at tinungo na ang kusina upang kumuha ng aking mga sinabi. Nagdala na rin ako ng dalawang baso ngunit di ko na naisama ang pitsel dahil ang dami ko nang dala.
Nang pabalik na ako sa mesa ay nakatingin sa akin si Kevin.
"Ako na kukuha ng pitsel." ang sabi niya sabay tayo at tinungo na ang kusina.
Dahil sa nagmamadali umalis bumalik si Kevin mula sa kusina ay naipatong na niya ang pitsel sa ibabaw ng mesa bago ko pa maipatong lahat ng aking mga dala.
"Gusto ko tabi tayong kakain ha?" ang sabi niya sa akin nang ilapag ko ang baso niya na natitira kong hawak noon.
Tumango lang ako sa pakiusap niya at iniayos ang aking plato't kubiertos sa bahagi ng mesa na tabi ng kanya.
Nang ako'y makaupo at inaabot ang aking basong naipatong sa kabilang banda ng mesa ay inakbayan ako ni Kevin.
"Seph. Ang dami mong pinagdaanan. Sana maging masasaya na ang mga susunod mong araw." ang sinabi sa akin ni Kevin.
Kinilabutan ako sa aking narinig at hindi ko maisip kung bakit niya iyon nasabi bigla sa akin.
"Sana nga Kevin. Salamat ha?" ang sagot ko na lang sa kanya.
Masaya na kaming kumakain ng aming agahan habang pinag-uusapan namin ang tungkol sa kanyang buhay at ang pagsasama nila ni Alex. Kasing tagal na rin pala nila insan ang pagsasama nila Alex. Dahil na nasa call center si Alex at tuwing rest day lang niya sila nagkikita naiisipan na lang niyang dumito sa amin dahil pili lang din pala ang mga kaibigan niya. Madalas daw siyang nababagot sa QC kaya mas mainam para sa kanya ang umuwi muna dito habang may pasok si Alex.
Sa kalagitnaan nanaman ng aming pagkain ay may kumalabit sa aking likuran. Napatingin ako kay Kevin bakas ang pagdududa sa aking mukha.
Napatingin si Kevin sa akin na ibinalik din ang kaparehong titig ng tulad sa akin.
"Oh... ano yun Seph?" ang tanong niya.
"Bakit mo ko kinalabit sa likod?" ang tanong ko sa kanya.
"Hindi ako yun!" ang sagot niya.
Sabay kaming lumingon ni Kevin mula sa likod at nakitang nakatayo si Jeremy at Dexter sa likod namin.
"Jeremy!!!!! Dexter!!!!!" ang sigaw ko sa tuwa nang makita silang muli.
Agad akong tumayo sa aking upuan upang yakapin ng mahigpit si Jeremy na yumakap din sa akin ng mahigpit.
"Sorry insan ha? Dumating na kami kagabi at naisip namin na sopresahin ka nang makita kagabi ni Kevin na bukas ang ilaw dito sa bahay mo." ang sinabi sa akin ni Jeremy habang tumatalon-talon kaming dalawang magkayakap.
Natigil ako sa pagtalon at kumalas sa pagyakap ni Jeremy. Namaywang ako sabay titig ng masama kay Kevin na pabiro.
"Loko ka!!! Pabike-bike ka pa diyan!! Naalala kong wala nga yung kotse nila kahapon pag daan ko pauwi!!! Pasalamat ka hindi ako nagtawag ng pulis kahapon." ang sabi ko kay Kevin na tinawanan nilang lahat.
Inabot ni Jeremy ang magkabila kong mga kamay at ihinarap niya ako sa kanya.
"Insan.... sorry talaga ha? Alam kong ayaw mo ng surprises eh." ang paumanhin niya sa akin.
"Dahil sa sinorpresa mo ko. Kailangan akong i-hug ni Dexter mo." ang sagot ko sa kanya sabay abot ng magkabila kong kamay kay Dexter upang magpayakap.
Niyakap ako ni Dexter ng mahigpit at sabay binuhat. Natatawa si Jeremy sa amin.
"Insan ngayon lang yan ha? Baka gusto mong mag-away ang angkan natin." ang pabiro sa akin ni Jeremy habang kami ay nasa ganoong lagay ni Dexter.
"Ako walang hug?" ang sabi sa akin ni Kevin na nakatayo na rin habang ako nama'y ibinalik ni Dexter upang makatayo at kumalas sa aming yakapan.
Hinarap ko si Kevin at tinarayan.
"At bakit naman kita i-huhug?" ang sagot ko sa kanya.
"Sige na nga wag na lang." ang sagot ni Kevin sabay kamot sa kanyang ulo.
Ipinagpatuloy namin ni Kevin ang aming almusal habang sila Dexter at insan nama'y kama na rin naming nakaupo sa magkabilang gilid namin ni Kevin na aming kakwentuhan.
Nang matapos kami kumain ni Kevin ay dinala na niya ang aming pinagkainan sa kusina upang hugasan habang ako nama'y nanatili sa mesa kasama sila insan at Dexter dahil hindi pa kami tapos sa aming kwentuhan.
Si Kevin ay agad sumalo sa amin sa mesa nang matapos siyang maghugas.
Mga 11:00 AM na ng umaga nang may biglang kumatok sa pintuan ng bahay.
"Joseph?... Joseph..." ang tawag ng isang pamilyar na boses mula sa labas ng bahay.
Agad kong tinungo ang pintuan at sumunod naman ang tatlo sa akin na nakiusyoso.
Nagulat ako sa aking nakita nang buksan ko ang pintuan na pagkalaki-laki na kahit silang tatlo na nasa likuran ko lang ay nakita rin kung sino ang nasa labas ng bahay.
"Ano yan?... Para saan yan?... Para saan pa itong ginagawa mo?... Peace offering?" ang galit na galit kong sinabi kay Harold na natiling nakatayo sa labas ng bahay. Isang nanlilisik na mga titig ang ibinigay ko sa kanyang mga mata.
May bigbit siyang Cathedral Window Gelatin at isang box ng Cookies and Cream na polvron. Namumugto ang kanyang mga matang nakatitig sa akin. Tila humihingi ng unawa at kapatawaran. Hindi siya makapagsalita.
Tila kuryenteng mabilis na dumaloy sa aking buong katawan ang matinding poot kay Harold ng muli ko siyang makita.
"Ang cheap mo ha!!! Baduy mo Harold!! Putang ina mo!!" ang sigaw ni Jeremy mula sa aking likuran.
Lumuhod si Harold sa aking harapan at nagmamakaawang iniabot sa akin ang kanyang mga dala tila para akong bathala na binibigyan niya ng alay. Masikip na nagbalot ang aking mga kamao sa gigil sa kanya.
Bumuhos ang mga luha ni Harold sabay titig sa sahig.
"I'm so sorry Cookies ko... I was wrong... words aren't enough for you to forgive me.... Sana bigyan mo ako ng pagkakataon ipakita sa iyo na nagsisisi ako at mahal na mahal pa rin kita." ang pagmamakaawa niya.
"Tinanggap kitang tao, minahal kita bilang ikaw at buong puso kong ibinigay ang lahat ng sa akin at ginago mo ako sa kabila ng lahat. Ayoko na makita ang pagmumukha mo. Dapat alam mo na hindi ako madaling magalit pero pagnagalit ako sa isang tao I consider them dead na. Why are you here and you're doing this? I asked for your explanation before you left me but you even physically hurt me. Kapata-patawad ba ang ginawa mo sa akin? Did you even stopped for a moment to talk to me to explain everything when I was still willing to listen to you?" ang nangigigil kong sinabi sa kanya.
Hindi siya nakasagot at nanatili sa kanyang lagay. Nanginginig na ang kanyang balikat at humahagulgol.
"Sagutin mo kong puta ka!!! Sumagot ka!!!" ang galit na galit kong pasigaw na utos sa kanya.
Talagang sinubukan ni Harold ang aking galit nang hindi pa rin siya sumagot.
Hinablot ko ang inaabot niya sa akin. Binuksan ko ang Cathedral Window Gelatin at hinampas ito sa kanyang ulo. Nagkalat ang gelatin sa kanyang ulo, mukha, at katawan. Nagulat lang siya sa aking ginawa at hindi lumaban. Hagulgol lang ang kanyang nagawa.
Binuksan ko ang isang box ng polvoron at nagbukas ng lima upang ibuhos din ito sa kanya sabay bato ng buong box sa kanyang dibdib.
Nanatilig umiiyak si Harold.
"Hindi ko akalain na balang araw mangyayari ito sa atin. Matagal ka nang patay sa akin kaya bumalik ka na sa hukay!!! Lumayas kang peste ka!!" ang sinigaw ko sa kanya sabay taboy sa kanya at napahiga siya sa sahig.
Nagmamadali siyang inayos ang kanyang sarili at tumakbo paalis.
"Insan tinalo mo ko!! Ikaw na!!" ang sigaw ni Jeremy sabay yakap mula sa aking likuran.
Palakpakan naman ang dalawang magpinsan.
"Tara na! Tutulog na ako. Pakilock na lang ang pinto." ang sabi ko sa kanilang lahat sabay tungo sa aking silid iniwan sila.
Bigat na bigat na ang aking katawang umakyat ng hagdan.
Nang makarating ako sa tabi ng aking kama ay agad akong bumulagta ditong pahilata.
Nakatitig ako sa kisame at kakaibang saya ang aking naramdaman. Hindi ko maipaliwanag.
Nasa ganoong lagay ako nang biglang tumunog ang aking telepono na noo'y nasa aking bulsa lang.
Agad ko itong tinignan at may mensahe mula sa isang number na hindi ko pa naidadagdag sa aking phonebook. Sa preview lang ng message sa locked screen ng iphone nabasa kong nakalagay dito:
"This is my number - Sybil"