webnovel

Ka-ibigan - Chapter 23

Hindi ako nakapagsalita sa sobrang pagkabigla. Nabitiwan ko na lang kutsarang hawak ko sa aking kanang kamay na kumuha naman ng atensyon ni Kevin. Hindi ko napigilang lumuha at kitang kita ng aking kaibigan ang agos nito sa aking mga pisngi at tuloy-tuloy na tumulo sa aking kinakain.

Bumakas agad ang pag-aalala sa mukha ni Kevin at agad tumigilsa pagkain upang haplusin ang aking likuran.

"Seph okay ka lang?" ang kanyang tinanong sa akin. Hindi ko siya sinagot.

Mula sa kabilang linya ay dinig kong hindi agad nakasagot si Harold sa tanong ni Marco sa kanya.

"Ah... yaan mo na yan babes... shower muna tayo..." ang dinig kong mahinang boses ni Harold sa kabilang linya.

"Honey... kausapin mo nga tong malanding to!" ang sagot naman ni Marco sa kanya. Medyo nailayo ko ng kaunti ang telepono sa aking tenga dahil sumigay si Marco kay Harold.

Matapos ang saglit na katahimikan.

"Hello?... Sino sila?" ang tanong ni Harold na parang hindi niya kilala ang kinakausap niya.

"Harold... si Seph to... ano tong ginawa mo?.... bakit?... anong pagkakamali ko sa iyo para gawin mo sa akin ito?" ang humahagulgol ko nang sinabi sa kanya.

"Ang drama! Ex mo ba yan honey?" ang tanong ni Marco bigla matapos ko magsalita. Nakaspeaker pala ako sa kabila.

"Seph... kunin ko na lang mga gamit ko diyan bukas. Bukas na lang din tayo mag-usap..." ang sinabi sa akin ni Harold. Hindi siya umiiyak at walang bakas ng pagsisisi ang boses ni Harold na nakadagdag ng sakit sa aking damdamin. Parang hindi naging kami.

"Boyfriend ko si Marco... kasama ko ngayon sa Tagaytay... may party siya dito sa rest house nila. Gusto mo pumunta ka dito para makapag-usap tayo?" ang sabi niya sa akin na parang wala lang ang lahat.

"S-sige... s-saan ba yan?.. alas otso pa naman... may masasakyan pa ako papunta diyan. Hindi ko na alam ang aking gagawin. Gusto ko lang makita si Harold at gusto ko na rin marinig ang kanyang paliwanag ngunit hinding hindi ko siya patatawarin sa pagtataksil na ginawa niya. Gusto ko lang sigurong matapos kami ng maayos muna.

"Seryoso ka? Aalis ka ngayon Seph?" ang agad na itinanong sa akin ni Kevin nang marinig niya ang aking isinagot kay Harold.

"Kung gusto mong pumunta dito hanapin mo kami... malapit lang kami sa simbahan..." ang nanunuyang sinabi sa akin ni Marco.

"M-maraming s-simbahan sa Tagaytay... s-saan doon?" ang tanong ko sa kanya.

"Sa Tagaytay?!! Seph!! Yaan mo na umuwi na lang dito si Harold wag ka na pumunta doon baka may mangyari pa sa iyo!" ang nag-aalalang sinabi sa akin ni Kevin ng pabulong ngunit may halong diin sa kanyang mga kataga.

Hindi ko naririnig si Kevin. Nawawala na ako sa sarili ko sa sakit at pagkalito sa mga nangyayari.

"S-sige.... hintayin niyo po ako diyan... aalis na ako dito sa bahay para pumunta diyan..." ang sinabi ko sa kanilang nasa kabilang linya. Halakhak lang ni Harold at Marco ang ibinalik nila sa aking sagot at agad na ibinaba ang tawag.

Natulala ako sa kawalan habang si Kevin ay napapalakas na ang yugyog sa akin na kanina'y tila haplos lang ng pagkalinga.

"Kevin... pasensiya na... iwan mo na lang yung kinainan mo sa lababo... kailangan ko na umalis..." ang sinabi ko sa kanya habang tulala at marahang tumatayo sa aking upuan.

Gusto kong mag-isip ngunit tila nawala ang aking utak sa mga oras na iyon at tanging wasak na wasak ko na lang na damdamin ang nananaig na sinusunod ng aking katawan.

Inilagay ko ang kutsara at tinidor ko sa ibabaw ng aking platong mayroon pang pagkain at dinala ito sa lababo. Tuloy tuloy ang pag-agos ng aking mga luha. Parang lumulutang akong tinungo ang aking silid at kinuha ang aking wallet at susi matapos ay bumalik sa sala upang lumabas na ng bahay.

Hinablot ni Kevin ang aking braso nang makasalubong niya ako sa sala.

"Seph! Sasama ako sa iyo." ang sabi niya sa akin. Hindi ko siya tinitignan. Tulala lang akong nakatingin sa kawalan sa aking harapan.

"Wag na Kevin... salamat na lang... dumito ka na lang sa bahay muna... ikaw na lang magbantay ng bahay... baka bumalik na rin mga pinsan natin. Problema ko to Kevin... wag ka na lang maingay muna sa kanila... haharapin ko to..." ang sabi ko sa kanya.

Tinitigan ko si Kevin sa mga mata at humarap sa kanya upang yakapin siya ng mahigpit. Hinaplos niya ang aking bunbunan.

"Sige Seph... basta... mag-iingat ka ha? Sabihan mo si Jemimi ha? Baka hanapin ka namin pag hindi ka umuwi dito bukas." ang sinabi sa akin ni Kevin.

Kumalas na ako sa pagkakayakap sa kanya at nagmamadaling lumabas ng bahay. Mahirap sumakay na nang mga oras na iyon dahil sa kaunti na lang ang sasakyan. Mula sa jeep at bus na aking sinakyan ay hindi ko napigilang umiyak ng umiyak di pansin na nagtitinginan na ang mga taong nakapaligid sa akin kung saan man ako naroon.

Una akong bumaba sa rotonda ng Olivarez upang simulan ang aking paghahanap. Doon kasi ang unang lugar na alam kong maaari kong puntahan na may chapel at pinaliligiran ng mga rest house. Mga 10:00 PM na iyon ng gabi nang simulan ko ang hahanap sa mga bahay-bahay.

"Tao po? Marco? Harold? Tao po..." ang paulit-ulit kong pananawagan sa bawat bahay na aking madadaanan sa paglalakad. Nilunok ko na ang aking hiya at kinapalan na ang aking pagmumukha.

Nangatok at nanawagan ako sa mga bahay-bahay. Wala akong planong tunguhin dahil wala akong alam sa lugar bagaman malapit lang ito sa amin. Nagpatuloy ako sa ganitong gawa hanggang pati sa Mendez nakarating ko na rin at nalililibot ang mga bahay dito.

Maraming aso ngunit tila mas nanaig ang pait ng aking damdamin at pagnanasang makita sila. Madaling araw na at umuulan pa. Hindi ko dinala ang aking telepono kaya hindi ako nag-abala na sumilong muna.

Namaltos ang aking mga paa sa kalalakad. Ang dumi-dumi ko na marahil dahil sa ako'y basa at naglakad na sa maputik na kalsada. Hindi ko pa rin ito pinapansin. Hindi ko na inaalala ang aking sarili.

Madaling araw na at malamig. Hindi na napigilan ng katawan ko ang panginginig ngunit hindi ako napigil nito.

"Nasaan ka na? Nasaan na kayo? Diyos ko... sana makita ko sila... tulungan niyo po ako... bantayan niyo po ako sa aking paghahanap sa kanila... bigyan niyo po ako ng tanda kung saan ko sila matatagpuan..." ang aking ibinulong na panalangin habang naglalakad sa madilim at liblib na lugar ng Mendez.

Wala akong tigil na naghanap. Masakit na at nasugatan pa ang aking talampakan sa mga bubog na aking naapakan sa kalsadang dinaanan.

"Tao po? Marco? Harold? Tao po... Si Joseph to.." ang nanlalambot ko nang pananawag sa aking patuloy na paghahanap sa mga natitirang bahay na di ko pa nadadaanan.

Inabot na ako ng alas nueve na naglalakad sa palengke ng Mendez sa mismong haba ng highway. Tigil na ako sa pag-iyak ngunit namamagang lubos ang aking mga mata sa puyat at pag-iyak. Nakasisilaw na ang liwanag na nagmumula sa araw at mainit na sa balat ang sinag nito.

Pagod na ang aking katawan at nanginginig na. Hindi pa ako umiinom ng tubig, hindi pa ako kumakain, hindi ko nararamdaman ang lahat ng iyon sa tindi ng sakit ng aking damdamin na tila may sibat pa rin na nakasaksak sa aking dibdib. Ni maisip na umupo man lang upang magpahinga ay hindi ko ginawa. Hindi ko naisip na magagawa ko ito sa pagmamahal ko kay Harold upang mahanap lang siya.

Bumitiw na ako sa pag-asa't paghahanap kay Harold. Hinarap ko ang kalsada at pumara ng masasakyan pauwi.

Nang makarating ako sa harap ng bahay nila Jeremy habang naglalakad ay nakita kong wala roon ang kanilang kotse. Marahil hinahanap na nila ako.

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad na kinakaladkad ang aking mga paa tungo sa loob ng aking bahay matapos buksan ang nakalock na pinto sa harap ng bahay.

Nang lungunin ko ang sofa ay nakita kong doon natutulog si Kevin nang nakahilata. Nakadantay ang kanyang braso sa kanyang noo at ang isa naman ay nasa likod niya na kanyang inunanan.

Tinawag ko siya ng tatlong beses upang magising. Bigla siyang napabagon at pupungas-pungas na tumingin sa akin.

"Ikaw pala yan Seph. Nakatulog ulit ako. Kaninang umaga pagkagising ko agad kong pinuntahan sila insan upang sabihan na hindi ka pa umuuwi at naikwento ko lang sa kanila ang narinig ko sa iyong mga sagot sa kausap mo kagabi sa telepono. Umalis sila kaninang mga alas otso para hanapin ka. Iniwan mo pala ang phone mo dito sa bahay." ang kwento sa akin ni Kevin matapos niyang umupo ng maayos sa sofa.

"Hindi ba ako tinawagan o nagtext man lang si Harold?" ang una kong tinanong sa kanya.

"Wala Seph..." ang ikinalulungot niyang sinagot sa akin.

Dinampot ko ang aking teleponong naipatong ni Kevin sa center table. Tinawagan ko ang numero ng aking pinsan.

Matapos ang ilang ring.

"OOOOOIIISSSTTT!!! Insan??!!! Nasaan ka na?!!!! Worried kami lahat sa iyo!!" ang sigaw ni Jeremy sa akin mula sa kabilang linya.

"S-s-sorry na Jeremy... nasa bahay na ako kasama ko si Kevin ngayon... Insan... ang sakit!!!" ang aking sagot sa kanya at di na napigilan na bumuhos uli ang aking mga luha.

Nang makita ako ni Kevin ay agad niya akong nilapitan at hinaplos ang aking likuran.

"Uwi na kami ni kuya diyan. Hintayin niyo kami ni Kevin. Insan... nandito kami... sige lang... iiyak mo muna lahat niyan." ang huling sinabi ni Jeremy at ibinaba na niya ang aking tawag.

Nangungulila ako ay gusto ko lang umiyak ng umiyak. Humarap ako kay Kevin ay umyak sa kanyang dibdib nang matapos niya akong yakapin.

"Sige lang Seph... iiyak mo lang yan. Mamaya na natin pag-usapan?" ang sinabi niya sa akin dama ang matinding awa.

Hindi ako sumagot at pinagpatulog lang ang aking hikbi at hagulgol na mga iyak na unti-untiang pumupukaw sa magdamag kong dinalang sakit ng malaking sugat sa sa aking puso.

May katagalan kaming nanatili sa ganoong pusisyon ni Kevin bago ito kumalas sa kanyang yakap sa akin. Niyuko niya akong tinignan ang aking mukha habang ang mga kamay niya ay pinipiga ang aking mga pisngi.

"Tignan mo mukha mo ngayon Seph. Namamaga mata mo tapos ang yagit yagit mo na. Amo something nasty ka na." ang pabirong sinabi niya sa akin habang pinagmamasdan ang aking mukha. Natitig lang ako sa mga nangungusap na mata ni Kevin at natawa.

"Gago ka.... maglulupasay na nga ako iintindihin ko pa ba yan? Pinagtaksilan na nga ako ni Harold iintindihin ko pa ba sarili ko?" ang sagot ko sa kanya.

"Oo... magtira ka kasi ng pagmamahal para sa sarili mo huwag mo ibigay ang lahat." ang pangangaral naman niya sa akin. Binalikan ko na lang siya ng isang pilit na ngiti.

Habang nasa ganoon kaming lagay ay biglang tumunog ng malakas ang kumakalam ko nang sikmura at natawa kaming pareho sa aming narinig na tunog.

"Nagugutom ka na. Gusto mo ipagluto muna kita ng kung anong meron sa kusina mo habang nagpapahinga ka dito sa sofa?" ang alok niya sa akin. Natawa lang ako sa idea niya.

"Ikaw na nga itong bisita ako pa pagsisilbihan mo. Pasensiya na ha? Ako na bahala saluhan mo na lang ako kumain." ang sabi ko sa kanya.

"Ipagluluto kita at sasabay talaga akong kumain sa iyo dahil hindi pa nagalmusal yung mga pinsan natin hindi ako nakakakapag-almusal pa rin." ang natatawa niyang sinabi.

Pilit sumanggi nanaman sa akin ang ginawa sa akin ni Harold kaya't mabilis na nahila ng kalungkutan ang aking damdamin. Nahalata ito ni Kevin.

"Ikaw na lang Kevin..." ang sabi ko.

"Pilitin mo kumain! Para pag nakipagsuntukan ka kay Harold mamaya malakas ka na." ang sabi niya.

"Seyoso Kevin... ayoko muna kumain. Wala akong gana. Maliligo lang muna ako." ang huli kong sinabi kay Kevin at iniwan siyang nag-iisa sa ibaba ng bahay upang kunin ang aking pamalit na dami mula sa aking aparador.

Nang patungo na ako sa palikuran na kaharap lang ng kusina ay napansin kong abalang naghahanda na ng almusal si Kevin. Hindi ko na siya pinakialaman at pumasok na lang sa palikuran upang makaligo.

Tinangal ko agad ang aking mga damit matapos kong isara ang pinto. Nang makatayo ako sa tapat ng shower ay itinapat ko ang aking mukha sa tubig na bumubuhos mula dito. Tila bumabalik ang alaala na kagabi lang lumipas habang ako ay nasa Mendez na basang basa sa ulan.

Tila isang mabigat na bagay ang dumagan sa aking dibdib habang nanatili ako sa ganoong lagay. Hindi ko napigilang umiyak.

Alam kong dinig ni Kevin sa labas ang aking pagtangis. Itinakip ko sa aking mukha ang aking mga kamay at umupo na lang sa sahig na aking kinatatayuan dahil hindi ko na rin makayanan ang panlalabot ng aking mga tuhod. Nanlulumo ako at naaawang lubos sa sarili.

"Ano ginawa ko kay Harold para pagtaksilan niya ako? Bakit niya ako niloko? Anong meron siya na wala ako?" ang mga tanong na umiikot sa aking isipan.

Ang bawat pagpatak ng tubig sa aking balat ay nakikisama sa aking pighati ngunit hindi nito mapukaw ang apoy na dala ng galit sa kataksilan ni Harold.

Tatlong katok sa pintuan ang aking narinig ang humila agad sa aking katinuan.

"Seph! Malapit na maluto ang almusal natin kain na tayo!" ang masiglang anyaya ni Kevin sa akin mula sa labas.

Tumayo ako sa sagit at iniabot na ang sabon upang ituloy ang aking paligo.

"Oo... sadali na lang Kevin. Pasensiya na matagal lang talaga ako maligo!" ang palusot ko kay Kevin na isinigaw upang marinig niya ito sa labas.

Hindi na siya sumagot.

Matapos maligo ay agad na akong nagbihis sa loob ng palikuran upang makasalo na si Kevin sa almusal.

Mula sa harap ng puntuan ng banyo ay tanaw ko nang naihanda ni Kevin ang lahat sa hapag at nakaup na itong naghihintay sa akin. Nakatingin siya sa akin habang nakangiti at tinatapik tapik ang upuan ng silyang katabi niya na parang iniimbitahan akong sa tabi niya ako umupong kumain.

Sinuklian ko na lang siya ng isang pilit na ngiti. Hindi ako makatingin ng maayos dahil hindi ko na maidilat pa ang maga ko nang mga mata.

"Ang lalim ng eyebags mo tapos pulang pula na yang gilid ng mata mo Seph! Kain na tayo!" ang pabiro niyang sinabi sa akin nang ako'y nakalapit na sa upuan sa tabi niya.

Napansin kong simpleng omelette at pritong hotdogs lang ang niluto niya.

"Hindi na ako nagsaign ha? Sayang yung kanin natin kagabi." ang natatawang pauna niya bago ko pa napuna ang malamig na kanin.

Natawa ako nang mapatingin ako sa banyera ng kanin.

"Okay lang yon madalas kong gawin yan. Salamat sa hinanda mo Kevin ha? Okay na ako." ang sabi ko sa kanya. Hindi na siya sumagot sa halip ay nilagyan niya ng kanin ang aking plato.

"Ang lambing mo ha. Pareho kayo ni Dexter. Nahirapan siguro si insan mamili sa inyong dalawa noon." ang sabi ko kay Kevin na sinugklian lang niya ng isang pigil na pagtawa.

Habang nasa ganoon kaming lagay ay biglang bumukas ang pintuan at dali-daling pumasok si Harold. Napatingin lang kaming dalawa sa kanyang tumungo sa aking silid.

"Ay gago yun ah!" ang nasabi ni Kevin sa inis at halata ang galit sa kanyang mukha.

Next chapter