webnovel

Clan Announcement

Chapter 12 - Clan Announcement

Matapos magsaya nina Zeuz sa tuktok ng burol ay bumaba na sila ng burol upang tahakin ang daan pabalik sa kanilang maliit na bahay.

Kasulukuyang sumusunod sa kanya ang kanyang Guardian Beast habang si Munting Squeek naman ay nasa kanyang balikat.

Hindi niya pa binabalik sa Summoning Grimoire sina Xiao Yin at Xiao Yang dahil hindi pa naman siya nawawalan ng soulforce para panatilihin sila.

Habang nasa daan sila pabalik sa kanilang munting bahay nakita ni Zeuz si Melissa na nakatalikod sa kanila. Tinawag niya ito.

"Melissa!"

Nang marinig ni Melissa ang pangalan niya ay lumingon siya sa kanyang likuran nagulat siya ng nakita si Zeuz. Nakita kasi ni Melissa na pababa na si Zeuz kaya umalis na siya ng mabilis dahil ayaw niyang makita siya ni Zeuz na pinapanood niya ito. Ngunit hindi niya inaasahan na maaabutan siya nito.

"Ah Eh Zeuz, Magandang Umaga!" kahit gulat siya ay binati niya pa rin si Zeuz.

"Magandang Umaga rin, Melissa. Saan ka galing?" tugon naman ni Zeuz kay Melissa.

"Galing ako sa bahay mo pero hindi kita naabutan doon kaya nagikot-ikot na lamang ako"

"Ganoon ba? Hinahanap ba ako ni Lolo Dan? Kailangan niya na ba ng tulong ko?" tanong ni Zeuz kay Melissa ng malaman niya kung saan ito galing.

Kaya mabilis na binalik ni Zeuz sina Xiao Yin at Xiao Yang sa kanyang Summoning Grimoire.

Samantala si Melissa ng makita niyang nilabas ni Zeuz ang Summoning Grimoire niya at binalik ang kanyang Guardian Beast ay nagulat siya dahil sa nakitang Guardian Beast ni Zeuz.

Ibang iba ito sa kanyang pagkakaalala, ang alam niya na guardian beast ng kaibigan ay maliit hindi ganitong umabot na ito ng dalawang talampakan.

Ngayon Lang napansin ni Melissa ang beast sa tabi ni Zeuz dahil nakatingin lamang siya sa kaibigan at hindi napagtuonan ang nakapaligid sa kaibigan.

"Hindi ka pa kailangan ni Lolo Dan. Pumunta ako sa bahay mo para ibigay ito" kahit nagulat si Melissa tinugon niya pa rin ang tanong kaibigan at tsaka inabot ang hawak niyang lagayan ng pagkain. "Iyon na ba ang iyong guardian beast? Napakalaki na ng pinagbago niya"

"Ah, Oo nagbago ang kanyang itsura ng pinakain ko ang ibinigay ni Lolo Dan na Blue Ocean Turtle Grass. Nagabala ka pang magdala ng pagkain, pero salamat! tara sa bahay at kumain" Sagot at tugon ni Zeuz sa kaibigan.

Hindi niya na tinanggihan ang inaalok nitong pagkain dahil kilala niya na ang kaibigan alam niya na hindi ito titigil hangga't Hindi niya tinatanggap ang binibigay nito sa kanya. Si Munting Squeek naman ay nagpapasalamat at hindi tinangihan ni Zeuz ang inaaloka na pagkain ni Melissa sa kanya. Para sa kanya ay 'Food is Life'

Sabay tinungo ni Zeuz at Melissa ang bahay ni Zeuz. Narating nila ang munting bahay.

Pagpasok nila inayos agad ni Zeuz ang lamesang pagkakainan nila at hinain ang pagkaing dala ni Melissa'ng pagkain.

Ang dala niya ay may gulay, kanin at karne ng isang Non-Stage Pig Beast. Ang Non-Stage Beast ay isang uri din ngàa beast na hindi pa nakakatungtong sa 1st-Stage of Bronze-Rank. Ang mga Non-Stage beast karaniwan ang inaalagaan ng mga ordinaryong pamilya ng bawat clan. Ang mga non-stage beast ay maaari ring maging isang ganap na 1st-Stage beast kung may sapat silang essence of nature at maform nila ang kanilang core kung saan nila iniipon ang essence. Karaniwan sa ibang beast ay nagmula sa pagiging non-stage beast.

Naging maayos ang pagkain nina Zeuz at Melissa pati na rin ang maliit na itim na dagang si Munting Squeek.

Matapos nilang kumain sabay na rin silang nagtunggo sa tahanan nila Melissa at Tandang Dan.

Ilang saglit lamang ay narating na nila ang harding puno ng spiritual herbs. Nakikita na rin nila ang kanilang Lolo Dan na nakangiting tinitignan ang naggagandahang spiritual herbs na nakatanim sa hardin sa harap ng kanilang bahay.

"Magandang Umaga, Lolo Dan" sabay na bati ni Melissa at Zeuz sa matanda.

"Magandang Umaga rin" tugon ng matanda na hindi man sinulyapan ang dalawa bagkus nakadikit pa rin ang mata nito sa mga spiritual herbs.

Dahil nakatuon lamang ang paningin ni Tandang Dan sa mga spiritual herbs hindi na inabala pa ni Zeuz at Melissa ito. Pumasok sila sa bahay na gawa sa kahoy upang simulan ang kanilang gawain. Pumasok sila sa isang silid kung saan puro kagamitan sa Alchemy ang mga ito. Mayroong dalawang cauldron ang isa kay Tandang Dan at ang isa ay ginagamit ni Melissa, mayroon ring mga gamit panhalo gawa sa kahoy, mga vial na lagayan ng mga pills, iba't ibang spiritual herbs at iba pang kagamitang pang Alchemy.

Nagpunta si Melissa sa kanyang sariling cauldron, ang kanyang cauldron. ay kulay pilak at ang kay Tandang Dan naman ay kulay itim. Ang gagawin ni Melissa ay isang Tier-1 pill ang [Strength Boosting Pill] na kapag ginamit ay nadadagdagan ang lakas mo ng 10%.

Si Zeuz naman ay pumunta sa cauldron ni Tandang Dan para ayusin ang mga herbs na kailangan ni Tandang Dan. Sinabi na sa kanya ni Tandang Dan ang gagawin nitong pill ang [Rank Breaking Pill] na ginagamit ng summon beast para magbreakthrough sa next rank. Ang gagawin ni Tandang Dao ay para sa mga summon beast na may affinity ng fire at Silver to Gold-Rank. Sinabi na ni Tandang Dan sa kanya ang mga ingredients para sa pill kagaya ng beast core ng Gold-Rank beast, Fire Essence Fruit, Red Volcanic Grass at iba pa.

Nang maayos niya ang mga kailangan ni Tandang Dan may nilabas siya sa kanyang bag na papel, ang iba sa mga papel ay may mga sulat na pinunta ni Zeuz sa pahinang walang sulat at isinulat ang ingredients na kailangan sa [Rank Breaking Pill] na para sa beast with fore affinity.

Lahat ng inaayos niyang mga ingredients na ginagawa ni Tandang Dan ay nililista niya. Samantala si Melissa ay abala sa paggawa ng pill, sinulyapan niya ang kaibigan at nakitang nagsusulat ito napangiti siya sa nakita dahil sa isip isip niya gusto rin ni Zeuz maging isang Alchemist.

Habang ginagawa nila ang mga gawain nila ay pumasok si Tandang Dan na may dalang bagong pitas na kulay dilaw na bulaklak. Nilapag iyon ni Tandang Dan sa tabi ng kanyang cauldron at sinabing idadagdag ito sa pill na gagawin niya, Isa iyong Pure Yellow Hibiscus. Alam niya kasing naglilista si Zeuz ng mga ingredients sa iba't ibang pills. Ang Pure Yellow Hibiscus ay ginagawang puro ang alchemical ng 10%. Ang Hibiscus-type beast na meron si Melissa ay iba sa Hibiscus na uri my spiritual herbs. Ang mga plant-type beast ay mga spiritual herbs na nagkaroon ng conciousness.

Nagsimula ng gawin ni Tandang Dan ang Rank Breaking Pill habang nililista naman ni Zeuz ang mga procedure. Habang abala ang tatlo sa paggawa ng pills may narinig silang tinig.

"Divine Tortoise Clan, sa mga bagong Summoner ngayong taon inaanyayahan kayong magtungo sa clan hall upang makinig sa announcement."

Ang tinig ay narinig sa buong Divine Tortoise Clan, ang tinig ay nagmula sa isang Elder, si Elder Yuna. Gumamit siya ng isang Sound Transmission Skill para marinig siya kahit siya ay nasa malayo.

Narinig ito ng mga awakener noong nakaraang Awakening maging si Zeuz at Melissa ay narinig ito kaya nagsitungo ang mga kabataan sa clan hall. Si Zeuz at Melissa ay nagsihanda na rin ant lumabas ng bahay para magtungo rin sa clan hall.

Narating nila ang clan hall ng ilang minuto lamang, ang clan hall na ito ay ang lugar rin kung saan naganap ang Annual Summoner and Guardian Beast Awakening ng Divine Tortoise Clan.

Naroon na ang dalawanpung bata kasama sina Matteo, Yuno at Azi. Lumapit rin sila Zeuzam at Melissa sa mga ito. Matapos nilang makalinya sa mga kabataan.

Mula sa upuan ni Grand Elder Matt ay tumayo siya at humarap sa mga bata.

"Ngayon narito na ang lahat ng mga bagong summoner ng Divine Tortoise Clan hindi ko na papatagalin pa ang announcement. Ang announcement na ito ay galing sa Academy ng Primal Beast Continent na sinabing ang akademya ay tumatanggap na ng mga estudyante sa iba't ibang clan. Kaya sa mga nais mag-aral sa akademya ay bukas din kasama ng ilan sa clan guards ay maglalakbay patunggo sa Academy"

Anunsyo ni Grand Elder Matt sa mga kabataan.

Dahil sa announcement na iyon marami ang nagkagulo. May masaya, may kinakabahan at iba pang pakiramdam na dapat nilang maramdaman. Ngunit mas nananaig sa mga puso ng mga bata ang pag-asa, pagasa na balang araw sa tulong ng academy maging isa silang malakas na Summoner at pahalagahan ng clan.

Doon natapos ang clan announcement, dala ng mga kabataan na ordinaryong miyembro ng clan ang isang pag-asa na pinaniniwalaan nilang magaangat sa kanila sa pinakatuktok ng pagiging Summmoner.

Ganoon rin ang nararamdaman ni Zeuz nae-excite siya na parang hindi niya na maantay ang bukas.

"Heto na, heto na ang unang hakbang ng hagdan para sa pinakatuktok ng aking pangarap. Papa, Mama, para sa inyo ito".

Mahinang bulong niya sa kanyang sarili habang ang mga kamay niya nakatiklop.

Next chapter