webnovel

Chapter 34

"Manong, dito na lang po," matamlay na saad ni Kale sa katabing tsuper ng jeep at iniabot ang kanyang bayad. "Salamat po." Pasado alas-otso na nang siya'y makarating sa Henderson University.

Bago pa makarating sa kanyang klase ay tapos na ito at nasalubong din niyang palabas na ang kanilang professor. Nang makita siya nito ay tiningnan lang ang kanyang kabuuan at umalis na. Napayuko na lamang siya at pumasok na.

Wala siyang pakialam sa mga kaklase niyang nag-iingay at umupo na sa bandang likod sabay lapag ng kanyang bag sa sariling desk at chineck ang paa niyang masakit pa rin.

Kailangan ko na atang pumunta sa ospi-argh!

Napasubsob na lang siya sa kanyang bag dahil sa isiping pupunta siya ng ospital ay pang-abala lang ito sa kanyang ginagawa at paniguradong hahanapin na naman siya ni Ashley idagdag pa na napagsabihan na rin siya ni Manager Oli. Ayaw niya munang lumiban sa trabaho dahil masasabihan ulit siyang nag-iinarte ng mapagmahal at thoughtful nilang manager.

"Good morning class."

"Good morning Mrs. Jones."

"Ms. Kale Nixon Oliveros."

Saka lang nag-angat ng tingin si Kale nang kinalabit siya ng kanyang katabi. "Tawag ka ni ma'am," bulong nito.

Nagtatakang tumingin siya sa harap at bumungad sa kanya ang seryosong tingin nito. Si Mrs. Jones ang professor nila sa General Chemistry na isang terror at walang pinipiling oras sa pagpaparecite at gusto ay laging may sumasagot sa kanila.

Huminga muna nang malalim si Mrs. Jones bago nagsalita. Halatang nagpipigil kay Kale. "Again, good morning, Ms. Kale Nixon Oliveros."

Agad naman siyang tumayo at bumati. "Good morning, ma'am."

Muntik ng mapataas ng kilay si Mrs. Jones ngunit pinigilan na lang niya ang sarili. "Every time your professor stepped in to your class, always pay attention and show some respect. You're all old enough to be told about this protocol and I want everyone of you to at least act in a professional way when you're in my class since all of you are going to be professionals someday. Am I clear?" mahabang saad nito ngunit ang tingin niya ay nakabaling pa rin kay Kale.

"Yes ma'am," sabay-sabay na sagot ng buong klase.

"You may take your seat, Ms. Oliveros."

Umupo na si Kale habang nagrarant at kung ano-anong tumatakbo sa kanyang isip. 'Di naman na bago ito para sa kanya dahil imbes na ang kanyang mga professors ang magsawa at mapagod sa kasesermon sa pagiging late niya ay siya ang nagsasawa kaya kung ano ang sabihin sa kanya ay pasok sa kaliwang tenga labas sa kabila. Sa sobrang immune niya sa mga ito ay kabisado na rin niya lahat ng mga pinagsasasabi ng mga ito.

Bored niyang pinagmamasdan si Mrs. Jones na inilabas ang sariling iPad mula sa mamahaling bag nito. Pinanood muna niya kung paano magsalubong ang kilay nito habang kung anong pinagpipindot sa iPad.

For sure, hinahanap na naman niya 'yong Candy Crush o baka nag-iinstall na naman ng ibang laro. Sayang-oras talaga 'tong si Berna Jones.

"Alright class, before we start, I want to tell you that I already got the results of the sports meet event that was held last week. Since all of your professors decided to make exemptions for the upcoming exams to those who would participate and won as champions on the said event, so I'd do the same. Unfortunately, no one in the class got their names listed so I guess you're all be having an..."

With what Mrs. Jones have said, some of her students groaned in frustration while others facepalmed and remained silent. Boredom and stress were evident on their faces with their professor's untimely bad news. Kale on the other hand, wasn't paying any attention except on the ceiling. Unsure if she was fascinated with it or just simply amused to the two lizards chasing each other. Their attention was caught when Mrs. Jones spoke again. Kale didn't bother. Her attention was now on the aircon.

"Wait...except for one student..." She finally stopped scrolling on her iPad while her students were waiting with anticipation. The entire room was quiet and the only noise was the ticking of the clock.

"The only student who is exempted from my exams is Kale Nixon Oliveros."

Napatingin ang lahat kay Kale habang si Mrs. Jones ay gayundin na medyo hindi makapaniwala but an agreement is an agreement and that's it. She congratulated her at nagsimula na silang magklase.

Habang nagdidictate si Mrs. Jones sa kalagitnaan ng kanilang klase ay biglang may kumatok kaya napahinto si Kale sa pagsusulat at napatingin sa pinto.

Sana wala ng pasok. Exempted naman na ako sa isang exam.

Nagdoodle na lang siya ng kung ano-ano sa kanyang notebook habang naghihintay. Naputol ang kanyang ginagawa nang bigla siyang tinawag ni Mrs. Jones.

"Ms. Oliveros, Ms. Montoya wants to see you in her office now. You're excused," saad nito habang hawak ang isang excuse slip.

Ms. Montoya? Ano naman kayang kailangan sa'kin no'n? Maglalakad na naman ako pero saan nga ba ulit 'yong office niya?

Inayos na ni Kale ang kanyang mga gamit at bago umalis ay kinalabit niya muna ang kanyang katabi upang tanungin kung saan ang office ni Ms. Montoya. Nang malaman niya ay dahan-dahan na siyang lumabas ng room.

Pagdating sa tapat ng office ni Ms. Montoya ay alanganin siya kumatok at nang may marinig siyang boses ay pumasok na siya.

Nadatnan niyang nakaupo sa swivel chair si Ms. Montoya habang abala ito sa mga papers sa desk na siyang ichinecheck nito. Sa tabi nito ay nakabukas din ang laptop.

"Good morning ma'am. Ipinapatawag niyo raw po ako?" pukaw ni Kale sa professor.

Nang makita siya ni Ms. Montoya ay mabilis itong tumayo at niyakap siya nang mahigpit.

Nagulat naman siya sa ikinilos nito na muntikan pa siyang ma-out of balance dahil sa kanyang paa.

"I missed you, Kale. How are you?" bulong nito habang nakayakap pa rin sa kanya. Bigla rin siyang kinabahan dahil nawiwirduhan siya sa mga pinagkikikilos nito.

Hinayaan na lang muna niya ito at hindi na sumagot pa. Hinintay na lamang niyang humiwalay ito sa kanya at huminga nang malalim kaya naaamoy na niya ang pabango nito dahil sa lapit nilang dalawa.

"Congrats on your game," nakangiting bati ni Ms. Montoya nang humiwalay ito sa kanya. "Why so quiet Kale? Do you have something on your mind or...maybe we could continue where we left off, hmm?" nakakaakit na sabi nito sabay haplos sa pisngi niya.

"Ms. Montoya, may k-klase pa po a-" Hinila na siya nito paupo sa couch ngunit hindi siya sumunod kaya napalingon agad ito sa kanya.

"What's wrong? May problema ba-let's go to the clinic," pag-iiba nito matapos mapansin ang kalagayan ni Kale. Ang kaninang mapang-akit niyang boses ay napalitan ng pag-aalala.

"Good morning Ms. Montoya. Is there something-"

"Check her asap," utos nito sa nurse kaya nagmadali itong sumunod at lumapit na kay Kale.

"Kale, I need to go. May klase pa ako. I'll see you once I'm done. Nurse, ikaw ng bahala sa kanya," paalam ni Ms. Montoya saka nagmamadaling umalis ng clinic.

"May lagnat ka, Kale," sabi sa kanya ng nurse matapos siyang suriin at tingnan ang thermometer na inilapat nito sa kanya.

"Ma'am, may klase pa po ako." Paalis na sana siya nang mapahawak siya sa mesa dahil nakaramdam siya ng pagkahilo at medyo mainit ang kanyang pakiramdam.

Agad siyang inalalayan ng nurse. "Huwag ka munang umattend sa mga klase mo at magpahinga ka na lang muna. Hindi mo pa kaya at baka ano pang mangyari sa'yo sa hallway."

Iginiya na siya nito sa kama at nanguha muna ito ng gamot na kanyang iinumin. Nang matapos ay pinahiga na siya at ilang saglit lang ay nakatulog na.

Nang magising si Kale ay tanghali na. Bumungad sa kanya ang nakangiting mukha ng nurse at chineck ulit siya.

"Kailangan mo munang magpahinga dahil mainit ka pa rin. Kumain ka na rin para makainom ng gamot. Ako na ang mag-aasikaso ng excuse slip mo at ibibigay ko na lang kay Ms. Montoya para excuse ka sa mga klase mo," bilin ng nurse kay Kale at inabutan siya ng RTE food na available sa kanilang cafeteria.

Alanganin naman niya itong tinanggap at nagsalitang muli ito bago umalis. "Ipinapatawag ka ni Dean Morgan sa office niya."

Umayos na ng upo si Kale at inilapag agad sa gilid ang pagkain at isinukbit na ang kanyang bag upang umalis na.

Hindi ko na kayang magtagal pa rito dahil marami pa akong dapat gawin at asikasuhin. Lagnat lang 'to, kaya ko pa naman.

Dahan-dahan at maingat lang siya sa paglalakad upang hindi mapansin ng nurse. Nang makarating siya sa pinto ay narinig niya ang pagtawag ng nurse ngunit hindi na siya lumingon pa at tuluyan nang umalis patungong office ni Dean Morgan.

Nang makarating siya sa office ni Dean Morgan ay kumatok muna siya at mabilis siyang pinagbuksan nito.

"Good afternoon, Ms. Oliveros. It's been a while. How are you?" mabait na bati nito sa kanya.

"I'm fine, dean," tipid at mahina niyang tugon.

Nginitian na lamang ni Dean Morgan si Kale. "As much as I want to have a little chat with you, we need to go now. I have urgent meetings but before that I'll need to escort you to the grand office so, shall we?"

"Sa'ng office po, dean?"

"You'll know once we arrived there," at nauna na itong umalis.

Habang papunta sila sa grand office ay nakasunod lang si Kale kay Dean Morgan nang bigla itong tumigil na ipinagtaka niya lalo nang lumapit ito sa kanya.

"Put your left arm over my shoulder, Ms. Oliveros."

Naguguluhan si Kale kay Dean Morgan at dahil parang wala siyang narinig ay si Dean Morgan na mismo ang nag-akbay ng kanyang braso rito. "Your foot. What happened to it? Always take care of yourself and be careful."

Lalong nakaramdam ng hiya si Kale dahil akay-akay siya ni Dean Morgan at lalo na't may ibang taong tumutulong sa kanya ngayon.

"Injury po Dean mula sa basketball game."

"Basketball? One of my favorites. Kaya ayoko na ring paglaruin si Natalie ko ng tennis dahil sa mga injuries na ganyan. I don't want to see my daughter getting hurt because of that."

Itinuon na lamang ni Kale ang atensyon sa daan at hindi na nakinig kay Dean Morgan at ilang saglit lang ay nakarating na sila sa grand office.

"Finally, we're here at the office of the founders of Henderson University." Bago sila makapasok ay may mga light beams na umiscan sa kanilang dalawa at nang ma-identify silang dalawa ay may pinindot at in-input muna si Dean Morgan at tuluyan nang nagbukas ang entrance door ng office.

Muli ay sinamahan siya nito. Gumamit sila ng elevator para mapabilis ang kanilang pagpunta. Wala pang ilang minuto ay nakarating na sila sa main office.

"So, Ms. Oliveros, see you around," at umalis na ito. Naiwan si Kale sa tapat ng pinto kung saan ang buong pangalan na RALPH AUGUSTUS O'SULLIVAN HENDERSON ay naka-gold plated sign.

Tinitigan muna ni Kale ang pinto at iginala muna ang paningin sa kabuuan ng office. Pinag-aaralan ang pagkakadisenyo ng buong building.

High ceilings, glass windows to get ample natural light, spacious and a chandelier? May tao ba sa gabi rito?

Kakatok na sana siya nang mapansin niyang may button sa gilid kaya pinindot na niya ito. Wala pang ilang segundo ay awtomatikong bumukas ang dalawang pinto.

Nakatalikod na nakatayo si Ralph Augustus at nakamasid sa labas habang may hawak itong glass ng scotch sa kanang kamay. Si McKenzie naman ay nakaupo sa kaliwang bahagi na tapat ng desk ng kanyang Daddy. Nakaside-view ang direksyon niya mula kay Kale.

"Come in, Kale," seryosong wika ni Ralph Augustus pagkaharap niya.

Wala namang kaalam-alam si Kale sa mga nangyayari dahil ilang beses na siyang ipinatawag sa mga office ngayon. Kaya sumunod na lamang siya.

Pinilit niyang maging okay at dahan-dahang umupo sa tapat ni McKenzie. Kasabay no'n ay nakaramdam siya ng panlalamig dahil sa aircon ng opisina kaya napatingin siya sa sahig.

Bumaling na si Ralph Augustus sa anak na hudyat na kailangan na nitong gawin ang kanyang ipinapagawa. Tumango si McKenzie sa kanyang Daddy at tumayo na.

"Kale Nixon," pukaw ni McKenzie sa katapat. Nag-angat naman ito ng tingin sa kanya kaya tiningnan na niya ito sa mga mata at nagsimula nang magsalita.

"I want to say that I am really sorry for what we did to you. It was entirely my fault and that I was all behind this bullying. I'll take full accountability of all our hurtful actions and poor behavior for I had influenced my friends to do it to you. I am really sorry that we mistreated you here in the university to make you leave. It was all wrong and we were all wrong. We made this university an uncomfortable place for you. This won't happen again, ever," she sincerely apologized at walang ano-ano'y lumapit siya kay Kale at niyakap ito.

Bigla namang nanigas sa kinauupuan si Kale dahil sa sunod-sunod na pangyayari. Ramdam niyang sincere at seryoso si McKenzie sa mga sinabi nito kaya hinayaan na lang niya itong yakapin siya. Ilang saglit ay binitiwan na rin siya nito.

"And Kale, thank you for saving my daughter from the speeding car. Hindi ko alam kung ano ng nangyari kay McKenzie kung di dahil sa'yo. As a token of gratitude, take this," at iniabot nito ang isang katamtamang laki na box na nakabalot.

"O-okay na po ako sa simpleng thank you, sir. H-hindi ko po matatanggap 'yan pero maraming salamat—"

"Just take it, Kale. After all the troubles you've been through, sana makatulong ito sa'yo."

Tumango na lamang si Kale para matapos na at 'di rin nakikisabay sa kanya ang kanyang pakiramdam.

"Sir, pwede na po ba akong umalis? May klase pa po kasi ako," kapagkuwa'y paalam niya nang wala ng sasabihin ang matandang Henderson.

"Sure, Kale. I think everything is settled and I need to go also for my appointments. If you have any university-related inquiries or anything that needs to be discussed, just let me know or go to Mr. Brandon Morgan's office."

"Thank you, sir." Dahan-dahan nang tumayo si Kale at nang humakbang siya nang kaunti ay muling nagsalita si Mr. Henderson.

"McKenzie, samahan mo si Kale sa ospital. She needs medical attention dahil pagdating pa lang niya kanina rito ay hirap na siyang maglakad. Don't worry Kale, ako na ang bahala sa pagpapagamot mo," maawtoridad na wika nito at seryosong tumingin sa anak. Umalis na rin ito pagkatapos at naiwan na lang silang dalawa.

"Nixon, pwede ba tayong maging magkaibigan? alanganing tanong ni McKenzie. Kinakabahan at nahihiya.

'Di kumibo si Kale at napapikit na lamang. Huminga nang malalim at pinapakiramdaman ang paligid.

"Nixon?"

Pahakbang na siya nang bigla siyang mapakapit sa braso ni McKenzie.

"Okay ka lang ba—" Bago pa ito makapagtanong ay naglakad na siya paalis.

***

Nang magkita-kita sa cafeteria ang The Elite Seven ay maaliwalas na ang mukha ni McKenzie at gumaan na rin ang kanyang loob dahil nakapag-sorry na siya rito.

"Anong meron sa mukha mo Kenz? Ba't ganyan? Nasa mood ka ata pwes ako wala! Sabi ko kasing 'wag na tayong pumasok eh!" bulalas ni Natalie sa grupo.

"Tsismosa kahit kailan! It doesn't concern you kung nasa mood ako at pwede ba tumahimik ka. Napakalaki ng bunganga mo," kontra niya sa kaibigan. Sila lang ang naroroon kaya malaya silang mag-ingay.

"So, kumusta ang araw mo Mc? Mukhang busy ka at tama si Nat, nasa mood ka?" baling naman ni Silver dito habang kumakain ng tacos. Abala rin ang iba nilang kasama na kumakain.

Napahalukipkip na lang si McKenzie sa mga pagbati sa kanya ng mga kaibigan. "Alam niyo, nakakasira kayo ng mood. Anyway, mag-aral na lang kayo para kahit papaano makapasa kayo at ipag-order niyo na ako ng pagkain. Thanks."

Hindi na niya pinansin ang pangtsitsismis ni Natalie at Silver sa kanya at sinarili na lang ang mga nangyari sa kanyang araw lalo na sa kanilang dalawa ni Kale. Napangiti na lamang siya sa isiping 'yon.

Mabilis na lumipas ang panghapong klase at gaya ng dati ay magtatrabaho ang anim habang si Silver ay abala lang sa panonood sa kanila.

"Oh Nat, bilisan mong magwalis! Marumi pa rito oh saka Mc, 'yong pagdidilig pakiayos. Natatalsikan ako! Kayong anim, pinaglilinis kayo kaya ayusin niyo hindi 'yong patamad-tamad kayo! Ano na lang sasabihin sa inyo ng mga professors at ibang staff pati ng mga ibang estudyante," nang-aasar na sigaw ni Silver sa mga kaibigan.

"Fuck you Pilak! Ni hindi nga ako inuutusan ni Daddy sa bahay tapos ikaw napakakapal ng pagmumukha mo! Kenz, akin na nga 'yang tabo—"

"Nice shot Nat! Ipopost ko 'to sa IG bleeh! Sipagan niyo pa mga kawawang nilalang!" Nang mapicture-an na niyan ang mga ito ay mabilis siyang tumakbo bago pa mabuhusan ni Natalie ng tubig.

Pagkauwi ni McKenzie ay tumawag ang kanyang Daddy.

"Hello, Dad?" sagot niya habang inilalapag ang kanyang bag at hinuhubad ang kanyang sandals.

"Hello hija, pumunta na ba kayo sa ospital? Sinamahan mo na ba si Kale?" tugon naman nito sa kabilang linya.

"Hindi pa Dad. I was busy with my schoolworks. Bukas na lang."

"Okay. Just don't forget about it. Bye hija, love you," at in-end na nito ang tawag.

Dahil wala namang gagawin si McKenzie at natapos na siyang mag-review para sa kanilang upcoming exams ay naisipan niyang pumunta ng bar na siya lang.

Pagdating niya ng The Midnight Haven ay agad siyang nagtungo sa bar counter upang malaman kung nandoon ba ang bartender ngunit wala ito. Medyo nadismaya siya na ang manager lang ng bar ang nagseserve doon.

"Mojito please," order niya sa bartender at ilang saglit lang ay iniabot na rin nito ang kanyang order. Inisahang lagok lang niya ito at nag-order pa ulit.

"I want to try your best seller." May ilang customer na lalaki ang tumabi sa kanya at sinusubukan siyang kausapin ngunit wala siyang pakialam. Uminom na lang siya nang uminom. Gusto lang niyang mag-relax at magpalipas ng oras.

"Miss, nakakarami ka na. Gusto mo ako na lang mag-uuwi—what the fuck?!"

"Oh, nadulas sa kamay ko 'yong glass. Natapon tuloy," nakakalokong sambit niya sa lalaking katabi na ngayon ay galit na galit at nagmumura itong umalis.

Sa mga sumunod na oras ay nanatili lang siya sa bar counter at patuloy lang sa pag-iinom. Hindi na rin siya nag-abalang tumayo pa para sumayaw sa dance floor. Dahil naparami na siya ng inom ay nanlalabo na ang kanyang paningin at napasubsob na sa bar counter.

Dumating si Kale sa bar counter nang pasara na sila. Gusot-gusot ang damit habang nakalislis ang ang white sleeves nito. Magulo ang buhok at mapupungay ang mata. Bakas sa itsura nito ang matinding pagod buhat ng maraming kumuhang customer sa kanya sa VIP lounge.

"Bata, kilala mo ba 'tong babae? Kanina pa 'yan, nakatulog na ata at mukhang 'di na makakauwi. Pwede bang ikaw na ang mag-uwi o maghatid sa kanya? Pasara na tayo, ako na sana ang maghahatid kaso naghihintay na si misis. Pasensya ka na ha bata," pakiusap ni Kuya Mario na abala sa pagpupunas ng mga mesa.

Wala ng nagawa si Kale kung di mapabuntonghininga at nilapitan ang tulog na si McKenzie.

Ano pa nga bang magagawa ko, alas dose na ng hatinggabi. Wala ng masasakyan, delikado pa. Bahala na.

Masama man ang pakiramdam ay pinilit niya kahit nag-aatubili nab aka siya naman ang bumigay.

Maingat niyang kinapa kung may dala ba itong wallet o purse. Nang may makapa sa suot nitong jeans ay binuksan niya ang wallet dahil baka may dala itong ID. 'Di naman siya nabigo at may susi rin itong dala.

"Kuya Mario, pwede po bang pa-assist akong buhatin siya?" Tumalima naman agad si Kuya Mario habang nauna na siyang lumabas patungong parking lot.

"Maraming salamat Kuya Mario. Ako na pong bahala sa babae. Ingat sa pag-uwi, kuya," kapagkuwa'y paalam niya sa katrabaho.

"Ingat ka rin bata, lalo na sa pagmamaneho." Pagkaalis ng katrabaho ay binuhay na ni Kale ang makina at tumingin muna siya sa rear-view mirror upang siguruhin na ayos lang ang lagay ni McKenzie. Nang okay na ang lahat ay pinaharurot na niya ang sasakyan.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na sila sa isang malaki at mataas na gusali—ang The Sunrise Knight Palace kung saan nakatira si McKenzie.

"Excuse me miss, sino ho sila? Bawal ho ang 'di residente rito," pigil sa kanya ng security habang akay-akay niya si McKenzie.

"Ihahatid ko lang po si Ms. Henderson," sabay turo niya sa kasama.

"Si Ma'am McKenzie ho ba 'yang kasama niyo? Ako na ang maghahatid sa—"

"No, I can manage. Pa-check na lang no'ng kotse niya," mariing sabi niya sa security guard at pumasok na sa loob. Baka ano pang gawin niya rito.

Nang mahanap ang elevator ay inakay na niya si McKenzie papasok. Napabuga na lamang siya ng hangin nang makasakay na sila. Habang naghihintay ay wala sa sariling napatingin siya rito ngunit kanina pa pala ito nakatingin sa labi niya.

Mabilis siyang nagbawi ng tingin at humiwalay ito sa kanya ngunit sa pagkagulat ni Kale ay mabilis siyang isinandal nito at sinunggaban ng halik sa labi.

Nanlaki ang mga mata ni Kale dahil sa paglapat ng kanilang labi sa isa't isa at bago pa umabot kung saan ay pinilit niyang itulak ito ngunit ipinilupot nito ang mga braso sa batok niya upang palalimin ang kanilang halikan. Tumagal pa ang pag-iisa ng kanilang labi kaya napapikit na lamang siya dahil lalong uminit ang kanyang pakiramdam. Saktong humiwalay lang ito sa kanya nang bumukas na ang elevator.

Inalalayan na niya si McKenzie papasok sa penthouse suite nito. Nang ihihiga na niya ito sa kama ay bigla na lang siyang nag-collapse.

Next chapter