webnovel

Chapter 29

Ngayon ang araw ng pinakahihintay ng lahat: ang sports meet. Halos lahat ng laro ay gaganapin sa Henderson University. Punong-puno ng mga manlalaro mula sa iba't ibang universities ang buong unibersidad at kahit tirik na tirik ang araw ay patuloy pa rin ang pagdagsa ng mga tao at ang kani-kanilang mga sasakyan. May mga naka-sports car, van, pero ang karamihan ay bus. Hindi rin nagpahulit ang kani-kanilang mga tagasuporta na halos ang mga ingay nito ang siyang namumutawi sa paligid ng campus.

Maaga pa ay abala na ang bawat manlalaro sa pagrerehistro ng kani-kanilang mga pangalan sa sport na kanilang lalahukan. May mga nag-uusap, nagwa-warm-up at kung ano-ano pa.

Napahinto lamang ang lahat sa kani-kanilang mga ginagawa nang biglang dumating ang isang bus ng Henderson University at isa-isang lumabas ang mga manlalaro ng women's volleyball team. Napuno ng bulungan ang paligid nang hulitng lumabas ang team captain na si Ashley Grey. Diretso lang ang tingin nito at seryoso ang mukha. Kahit na may laban ito, ang isip nito ay na kay Kale.

Sumunod namang dumating sina Ian at Allison para sa swimming team at si Johansen mula sa taekwondo team. At ang pinakahulit ay ang agaw-pansin na pitong sports car na sunod-sunod na pumarada at sabay-sabay nitong iniluwa ang tennis team ng Henderson University na walang iba kung di ang The Elite Seven.

Mangha-mangha ang lahat ng mga nakakakita sa mga manlalaro mula sa Henderson University. Hindi rin nagtagal ay nagsimula na ang lahat.

***

"Team, you know the drill. Don't let them get in our way. Always give your best shot as if it is your last. And don't forget to enjoy the game. '''Di pa man nagsisimula ang game niyo, panalo na kayo sa 'kin," nakangiting saad ng coach ng tennis team.

"Okay guys! Let's pray, let's pray," si Reign at pumabilog na sila ng puwesto at nanalangin.

Nang matapos silang manalangin ay nagsalita ulit ang kanilang coach. "Bago ko makalimutan, ito ang lagi niyong tandaan, always watch your back at mag-ingat lagi lalo na ngayon. Ayoko ng maulit ang nangyari no'ng nakaraan." Tumingin ito kay McKenzie. "Lalo ka na Henderson. Isang sabotage ang nangyari sa 'yo. Huwag kayong mag-alala, naayos na namin 'yon pero isa lang ang tiyak namin kung ba't nangyari 'yon. At ang may pakana no'n ay marahil isa sa mga makakalaban natin."

Nang marinig 'yon ng tennis team ay sa halip na mag-alala at kabahan ay mas naging determinado sila upang manalo. Tinapik naman nila si McKenzie upang ipakita na huwag itong mag-alala at nakasuporta lamang sila sa kanya.

Pumuwesto na sila at ang una nilang makakalaban ay ang Southwood's Hustlers. Sa unang game ay sabay ang singles at doubles na sina McKenzie, Reign at Tyler. Naghanda na sila at pumasok na sa kanya-kanyang court. Nagkaroon muna ng kaunting panimula at pakilala sa pagitan ng players bago tuluyang magsimula ang laro.

"Himala at makakapaglaro ka pa ngayon, McKenzie Knight Henderson. Akala namin matutuluyan ka na. Sayang naman," mahina at nakangising saad ng kalaban ni McKenzie mula sa Southwood na si Emma bago tuluyang pumuwesto. Napahigpit na lang ang hawak ni McKenzie sa kanyang raketa at pumuwesto na rin.

"Emma Davis, to serve. Ready. Play." Pagkasabing 'yon ng chair umpire ay nagsimula na ang laro.

"Fifteen-love," tawag ng umpire. Pasok ang unang service ni Emma at hindi man lang nakagalaw si McKenzie. Palakpakan agad ang mga taga-Southwood. Kasisimula pa lang ay mainit na agad ang laban.

***

"Ashley Grey," tawag dito nang makaiskor ito matapos maka-spike kontra sa St. Helena's Aces. Lamang ngayon ng anim na puntos ang Henderson's Lady Strikers. Kahit nangunguna ay hindi pa rin sila nagpapakampante dahil unang set pa lang at marami pang posibleng mangyari.

Mahigpit din ang laban sa taekwondo at swimming ngunit kahit gano'n pa man ay ibinibigay din nina Johansen, Ian at Allison ang kanilang best para manalo.

Ang lahat ng mga nanonood ay hindi magkamayaw sa pagchi-cheer ng kani-kanilang mga pambato at halos napupuno ng hiyawan at sigawan ang bawat lugar ng pinagdadausan ng bawat laro.

***

Makalipas ang ilang oras ay natapos na rin ang mga naunang laro. May mga malungkot, nadismaya at kung ano-ano pa. Halos wala naman ng pagsidlan ang tuwa ng mga nanalong manlalaro pero hindi pa nagtatapos dahil may mga kasunod pa.

"Congrats Kenz! Ang galing-galing mo talaga!"

"Kenzie! Congrats! I'm so proud of you!"

"Congrats captain!"

'Yan ang mga maririnig na bati ng mga ka- teammates ni McKenzie matapos ang laban niya. Paika-ika ito nang lumapit sa kanila at hingal na hingal. May ilang gasgas din itong natamo buhat sa kalaban niyang si Emma dahil nang makalamang si McKenzie sa unang set ay bumawi ito sa second set kung saan naging marumi na ang laro nito. Hindi maitatanggi ni McKenzie na nahirapan at muntikan na siyang matalo kung nagpadala siya kay Emma at sa mga sinasabi nito.

"Congrats din sa inyo guys. Nakalusot tayo sa unang round. Good luck sa 'tin sa susunod," bati pabalik ni McKenzie sa mga kasama. Dahil hindi na niya kinaya ang sobrang pagod ay natumba siya. Buti na lang ay maagap ang kanyang mga kaibigan at nasalo siya.

"Team, ako ng bahala kay McKenzie," kapagkuwa'y sabi ng kanilang coach at ito na ang umalalay kay McKenzie. "Congratulations team, job well done." Nag-thumbs-up pa muna ito sa kanila bago tuluyang umalis kasama si McKenzie.

Nang makaalis na ang dalawa ay inayos na nilang anim ang kani-kanilang mga gamit pati na rin ang kay McKenzie at nagkayayaan na silang mag-lunch break.

"Guys, tutal tapos na rin ang game natin at wala na rin naman tayong gagawin, manood na lang tayo ng basketball game mamaya. Suportahan natin 'yong pinsan ko pati na rin ang buong basketball team. What do you think?" tanong ni Natalie sa mga kaibigan.

"You mean si Jin Morgan? The star player of Henderson's Black Assassins? Magpinsan kayo? '''Di kasi halata. You're so tsismosa kasi," pambabara naman ni Aubrey dito.

"Whatever bitch," at napairap na lamang si Natalie sa sinabi ni Aubrey.

"Eh di kung gano'n pala sabihin mo na rin kay pinsan mo na doon tayo uupo malapit sa bench nila!" excited na sabi ni Reign.

"Oo nga pre! Ganda niyang naisip mo! Ano girls, manonood kami mamaya, kayo ba? Gusto niyo rin bang manood?" yaya ni Black sa tatlo.

"Sure but we'll check Kenzie first if puwede siyang makasama sa pagwa-watch natin later." Nang marinig 'yon ay nagsisang-ayon na sila habang si Natalie ay nakabusangot. Sa isip-isip niya ay napakaarte talaga ni Aubrey at ang daming nalalaman. Kung wala lang sana si Silver ay nabatukan na niya si Aubrey.

***

Alas-dose na ng tanghali nang magising si Kale dahil sa trabaho nito sa bar at inumaga na ito ng uwi. Hindi pa sana siya kikilos nang bigla niyang maalala na mamayang 4pm ang basketball game nila.

'''Di man gaanong masakit ay paika-ika siyang naglakad palabas ng kanyang apartment habang himas-himas ang kaliwang braso niya na medyo sumasakit buhat no'ng nangyaring insidente no'ng nakalipas na araw. Papunta siya sa isang tindahan upang bumili ng yelo.

"Manang, isang yelo nga po." Tumalima naman ang matandang tindera at ilang saglit pa ay dala na nito ang isang yelo at iniabot kay Kale. "Limang piso." Pagkabayad ay bumalik na rin agad ito.

Hinati na niya ang yelo at binalutan ng bimpo saka inilapat sa kanyang kaliwang braso. Nagkamali siya ng bagsak kaya 'yan siya ngayon. Inasikaso muna ni Kale ang kanyang sarili at pinakiramdaman kung may masakit pa.

Nang okay na ay nagluto na siya ng kanyang pananghalian at kumain na. Pagkatapos niyang maligo at makapaghanda ay nagbasa muna siya ng magazine at ilang saglit na pagmumuni-muni ay nakaidlip siya.

***

Nagising lang si Kale nang maalimpungatan siya. Tumingin siya sa wall clock.

3:30 p.m.

Patay, kalahating oras na lang! anang isip niya.

Nagmadali na siyang kumilos. Nagbihis na siya ng black long sleeve undershirt at black compression pants with knee pads. Huli niyang isinuot ang kanilang black jersey at nagmedyas saka isinuot ang slide sandals niyang itim. Sa itsura niya ngayon ay mukha lang siyang tatambay.

Nang makapagbihis na siya ay isinuot na rin niya ang kanyang black thin headband at beanie. '''Di rin niya kinalimutang ilagay ang mga weights na binili niya.

Tiningnan niya ang sarili sa salamin at nang okay na ang kanyang itsura ay inayos na niya ang mga kakailanganin para sa game. Inilagay na niya ang mga gamit sa kanyang black duffel bag.

At nang kumpleto na ang lahat at ready na siya sa pag-alis ay isinuot na niya ang kanilang team jersey jacket at pants.

Nakakahiya naman kung nakapanglaro na agad ako tapos 'di pala ako palalaruin ni coach, puna niya sa kanyang sarili.

Saktong alas-kuwatro nang makaalis siya. Parang gagala lang siya sa postura niya ngayon at masyado siyang panatag kahit late na siya dahil naka-earphones siya.

Chill muna bago ang sakuna Kale. Palihim naman siyang natawa dahil sa naisip niya.

Nakarating siya ng 4:20pm sa gym dahil naglakad pa siya papasok. Na-late rin siya dahil sobrang traffic.

Pagpasok niya sa gym ay sobrang dami ng tao at dumadagundong ang ingay sa loob. Nagsisimula na ang game at nasa kalahati na ng 1st quarter ng laro. Tiningnan niya rin kung sino ang kalaban at ang score.

Henderson's Black Assassins vs. Bluecrest's Rebels

15-15

Tabla ang laban. Pumunta na siya sa mga ka-teammates niya na medyo paika-ika pa at halos lahat nang nadadaanan niya ay nakatingin lang sa kanya. 'Yong iba nakatitig at nagbubulungan pa.

Nang makarating si Kale sa bench nila ay napatingin ang lahat sa kanya lalo na si coach Ellie na nanlilisik ang mga mata kaya natanggal niya ang sariling earphones ng wala sa oras.

"Kale Nixon Oliveros! Alam mo ba kung anong oras na ha?! Kanina pa kami rito tapos ikaw late! Ugali ba 'yan ng isang responsableng player ha?! Tapos tingnan mo 'yang suot mo! Slippers sa basketball game?! Seriously Oliveros?!" sigaw ni coach Ellie sa kanya habang ang mga ka-teammates niya naman ay tahimik lang, nakatingin at nakikinig.

"Sorry po co—"

"Enough with your apologies! Nakaka-stress ka Oliveros alam mo ba 'yon?! Kahit kailan napakatigas ng ulo mo! Hindi ka masabihan! Buti na lang hindi tayo na-disqualified sa game! Ngayon, umalis at umupo ka na dahil konting-konti na lang makakasapak na talaga ako!" gigil na gigil pa ring sigaw nito kaya ngumisi na lang siya at patakbong umupo sa bench.

"Hoy Oliveros! Ano ba kasing pinaggagagawa mo at na-late ka ha? Alam mong 'yan ang pinakaayaw ni coach sa mga players niya. Kanina pa mainit ang ulo ni coach Ellie tapos dumagdag ka pa," bulong ni Yuri dahil magkatabi sila. Nasa dulo ng bench nakaupo si Kale at mga watergirls na ang katabi nito.

"Nakaidlip ako at na-traffic. 'Di rin ako na-informed na ayaw niya ng late. Kumusta pala ang game?"

"Wala ka nga talagang alam Oliveros. Hindi ka kasi mahagilap kanina. 'Di ka rin makontak. Ang kalaban natin ngayon ang Bluecrest Rebels. Sila ang pinakamatindi naming nakalaban last season. To be exact, sila ang nakalaban namin sa finals last year. Lahat sila magagaling at sila ang rival ng university natin. Kilala sila bilang The Dangerous Rebels dahil wala silang pinapalampas na players lalo na kung alam nilang hahadlang ito sa kanilang pagkapanalo. Buti na lang kami ang nanalo ng championships noon," mahabang paliwanag nito kaya medyo naging interesado si Kale.

"Talaga ba Yuri? Ba't parang ang hihina naman nila?"

"Sira ka ba ha, Oliveros? Sobrang dikit ng laban. Walang gustong magpatalo. Kahit ang Big Four natin ay medyo nahihirapan dahil may katapat rin na apat na magagaling na players mula Bluecrest ang ating Big Four."

"Ah, okay." Wala na uling pakialam si Kale.

Binatukan naman siya ni Yuri nang malakas kaya napasapo siya sa kanyang ulo.

"Ang yabang mo Oliveros! Akala mo talaga nakaka-shoot ka kaya manahimik ka! FYI, walang players ang hindi nagkaka-injury kapag kalaban ang Bluecrest dahil medyo marumi silang maglaro lalo na kapag nalalamangan sila. Kaya ikaw, umayos at mag-iingat ka kapag ipapasok ka na ni coach," paalala nito.

"Ikaw din Yuri. Galingan mo pala para manalo tayo," panunukso naman ni Kale.

"Baka nakakalimutan mo Oliveros, may pangako ka pa sa 'kin," nakangisi nitong saad sa kanya.

"Meron ba?" patay-malisya niyang tanong kahit naalala niya pa ang mga sinabi niya rito.

Hinampas naman siya nang sobrang lakas kaya muntikan siyang matumba at natabig pa niya ang ilang bote ng energy drinks dahilan para mapatingin sa kanilang dalawa si coach Ellie na nakabusangot at salubong ang kilay.

"Oliveros! Yamazaki! Kayong dalawa, hindi kayo maglalaro! Dumadagdag ka na rin sa sakit ng ulo ko Yamazaki! Last na 'to! Kapag hindi pa kayo tumahimik diyan, tanggal kayo sa team!" sigaw naman nito sa kanila.

Kinurot pa ulit siya ni Yuri at masamang tumingin sa kanya habang siya nama'y ngumising lalo kaya mas sumama ang mukha ni Yuri.

Bumalik na ulit si coach Ellie sa kanyang puwesto habang si Kale naman ay dinaldal si Yuri.

"Yuri, ba't ang sungit-sungit ni coach? Wala naman akong ginagawa ah," pukaw niya sa katabi.

"Puwede ba Oliveros, tumahimik ka na! Nadadamay ako sa 'yo eh. Saka ito makinig kang mabuti kaya ganyan si coach dahil baka kinakabahan din siya dahil sa laro. Panoorin mo 'yong team natin, pagod na pagod na sila maging ang kalaban nila. Kasi ayon sa pagkakaalam ko, galing Germany ang coach ng Bluecrest at bago ito tapos 'yong assistant coach nila ay isang German kaya iba ang laro ng Bluecrest ngayon," mahabang salaysay ni Yuri.

"Ano bang meron kung galing Germany o German ang isang coach? Madadagdagan ba 'yong lamang nila sa score natin?" katwiran naman ni Kale.

"Napaka-stupid mo talaga kahit kailan. Malamang, advantage nila 'yon. Tulad ng sabi ko sa 'yo, may mga nanonood na elite coaches dito ngayon mula Germany dahil nag-i-scout sila ng mga players na kukunin nila para maglaro sa isang prestigious at elite team sa Germany. Kaya si coach Ellie ay pursigido na manalo ang kanyang team dahil malaking advantage din ito sa kanya bilang isang coach. May chance siyang ma-promote. One-time opportunity lang 'yon at suwerte niya kung marami sa team natin ang mapipili."

"Good luck na lang pala." Tumahimik na si Kale.

Mayamaya ay natapos na ang 1st quarter at lamang ng isa ang Henderson's Black Assassins.

"Good job ladies. Pero kailangan pa nating pagbutihin ang game. Ibang-iba ang laro nila noon kumpara ngayon. Kailangan nating manalo dahil ticket ito para makasali tayo sa Germany," sabi ni coach Ellie sa limang players niya. Ang Big Four at si Sam.

"Coach, ang hirap nilang kalaban ngayon. Pagod na pagod kami. Pero gagawin namin ang lahat para maipanalo ang game," pasipsip naman na sabi ni Sam.

"Coach Ellie, kaya namin... ang kalaban at medyo nababasa ko na ang tactics nila. Pero hindi kami magtatagal kung wala kaming... kapalit na players," hinihingal na sabi naman ni Jin kay coach Ellie kaya napatingin ito rito.

"Sabagay naisip ko rin 'yan Jin pero hindi ko talaga alam kung may balak talaga siyang magseryoso ngayon. Tingnan na lang natin mamaya team kung tama ba 'yong choice na ginawa ko," sabay tingin nito kay Kale.

"Just trust her coach. Alam kong may itinatago lang siya kaya ganyan siyang kumilos. Besides, di pa natin nakikita ang totoo niyang ugali sa loob ng court kaya 'wag tayong panghinaan ng loob," pagpapalakas-loob naman na sabi ni Hail.

"I agree coach. So tuloy pa rin 'yong plano natin coach ha? 'Wag kang mag-alala coach, mananalo tayo. For sure, kapag naipasok mo na siya mamaya, mag-iiba ang takbo ng game," nakangiti namang pahayag ni Abi dito.

"Okay ladies. That's it. I trust you at alam kong alam niyo na ang gagawin niyo sa 2nd quarter. Nasabi ko na sa inyo ang strategy natin. At sa sinabi mo Jin, I'll give her one last chance. Huwag na huwag lang niya akong bibiguin," seryosong sabi ni coach Ellie.

Nag-usap-usap pa sila at mayamaya ay sama-sama ang buong team at nakapabilog na nagtaas ng kamay at sumigaw ng 'Go Black Assassins' habang si Kale naman ay nakaupo lang at nakatingin sa kanila.

"Coach Ellie, sure na sure akong mananalo tayo ngayon. Magtiwala ka lang lalo na sa kanya. Kaya coach, chill ka na lang at manood," huling sabi ni Jin at nakangiting tumingin kay Kale bago tumalikod at bumalik na sa court.

Nagsimula na ang 2nd quarter at tulad ng dati ay mahigpit pa rin ang laban pero ang Black Assassins ay nilalaro-laro na lang ang laban. Ine-enjoy na lang nila ang paglalaro samantalang ang mga kalaban naman ay gano'n pa rin.

Si coach Ellie naman ay kalmado na at nakaupo na lang habang nanonood. Ang mga ibang players naman ay hindi mapakali. Mukhang mga kinakabahan.

Nagpi-flip lang ng bote si Kale dahil tinatamad siyang manood. Mayamaya ay pumito ang referee dahil foul ni Abi kaya may dalawang free throws ang kalaban. Parehas pasok ito.

Lamang ang Bluecrest sa score na 30-35. Patuloy lang ang laban at mas lumalakas ang pagchi-cheer ng mga tagasuporta ng Bluecrest.

Go Rebels!

Talunin niyo ang Black Assassins!

Boo Black Assassins! Losers!

Umuwi na kayo! Kami ang mananalo!

Grabe namang mga tagasuporta 'to. Parang sure na sure silang mananalo ang team nila, komento ni Kale sa kanyang isip.

Ilang minuto pa ang lumipas at gano'n lang ang takbo ng laro. Puro takbo't agaw ang kanilang team kahit pagod na pagod na ang mga ito. Pilit ding humahabol ang mga ito pero mukhang bibigay na sila. Kahit gano'n ay nakaka-shoot din ng three points ang kanilang team captain. Tumawag si coach Ellie ng time-out.

"Team, huwag kayong sumuko. Kaya natin 'to. Matagal pa ang game, may 2nd half pa. Tuloy lang ang laban. Isipin niyo lagi ang pangarap natin na makapaglaro sa Germany. We can do this team! Fight, fight, fight!" paalala nito sa kanyang players.

"Yes coach! Mananalo tayo! Huwag kang mawawalan ng pag-asa coach. Kaya ng team 'to, 'di ba team?" sigaw naman ni Jin sa mga kasama.

"Yes captain!" sabay-sabay nilang sigaw.

"Kung gano'n Jin, tuloy natin ang next plan. Si coach na ang bahala sa huli kung gagawin niya o hindi ang huling plan," dagdag naman ni Lily.

"Coach, umaasa po kami sa 'yo. Ikaw na pong bahala kahit risky 'tong gagawin namin," singit naman ni Abi.

"Okay team, balik na kayo sa court. Galingan niyo." Bumalik na ulit ang mga ito.

Nagsimula na ulit ang game. Halos lahat ay tutok na tutok. Masyadong intense ang laban dahil ilang minuto na lang ay matatapos na ang 1st half.

Pero ang 'di inaasahan ng lahat lalo na si Kale ay ang paglobo ng lamang ng Bluecrest sa kanila. Sobrang layo na ng score. Mas dumadagundong na ang ingay at puro taga-Bluecrest ang naghihiyawan. Samantalang ang mga tagasuporta ng Henderson ay nawawalan na ng pag-asa at kaunti na lang ang nagchi-cheer.

Mayamaya ay tumunog na ang buzzer hudyat na tapos na ang 1st half.

40-61

Ito ang final score sa first half. Lamang ang Bluecrest.

Malungkot ang mga ka-teammates ni Kale habang si coach Ellie ay nauna nang pumunta sa kanilang dugout. Mga nakayuko lang ang mga players habang si Kale naman ay nakangiti lang at napansin ito ni Yuri kaya hinampas at tinulak na naman siya nito. Napatigil naman si Kale at napasapo sa kanyang kaliwang braso. Muntikan na niyang mabitiwan ang kanyang duffel bag at nauna na ang kanyang mga kasama habang siya ay naiwan.

Nang makarating sila sa dugout ay napansin ni Kale na napakatahimik ng lahat kaya tinanggal niya ang kanyang earphones. Dahan-dahan siyang umupo sa isang bakanteng upuan at inilapag ang kanyang duffel bag.

Halos mabibingi sila sa katahimikan at tila nagpapakiramdam ang lahat kung sino ang unang magsasalita. Biglang nagsalita si coach Ellie kaya bigla ring kinabahan ang buong team maliban kay Kale na abala sa kanyang kaliwang braso.

"So team, ano ng balak natin? You gave me no choice lalo ka na Jin Morgan. Maganda na sana 'yong laro niyong lima kanina kaso biglang nagbago no'ng 2nd quarter. Hindi ko alam kung anong gusto niyong mangyari," dismayadong sabi nito sa kanila.

"Pero coach may reason kami kung bakit namin ginawa 'yon. Besides, andiyan si Oliveros, idagdag mo na rin 'yang si Yamazaki," pahayag naman ni Jin.

"Cap, sigurado ka ba diyan kay Oliveros? Tingnan mo nga ang itsura niya. Naka-slippers pa sa sitwasyon natin ngayon idagdag mo pa 'yong paglalaro niyang sablay," kutya ni Sam kay Kale.

"Puwede ba Samantha huwag kang mangialam sa plano ni Jin. Akala mo talaga nakakatulong ka kanina. 'Wag kang magsalita ng tapos kaya tumahimik ka na lang kung wala kang sasabihing maganda," nanggigigil na sabi ni Lily dito.

"Uy girls, tama na 'yan. Nagkakainitan na naman kayo. Tumigil na kayo dahil may 2nd half pa para bumawi ang team natin. Makakahabol pa tayo," pagpapalakas-loob na sabi ni Hail.

"Ano na po coach ang plano natin?" si Abi.

"Dahil wala naman na akong choice, I'll go with Jin's plan. Kapag 'to pumalpak, tatanggalin ko kayo or better humanap na kayo ng bago niyong coach," iiling-iling na sabi ni coach Ellie.

"Thank you, coach! Buti naman at pumayag ka na coach Ellie! 'Di ka magsisisi coach," masayang sabi ni Jin at niyakap ang kanilang coach.

Nagtaka naman si Kale dahil mukhang siya lang ang hindi nakaka-relate sa kanila at bigla pang tumingin ang mga ito sa kanya nang seryoso.

"What?" cold na tanong ni Kale at ibinaling na ulit ang atensyon sa kanyang braso.

"Magbihis ka na Oliveros. Tanggalin mo na 'yang jersey jacket at pants mo. Magsapatos ka na rin," tipid at seryosong utos ni coach Ellie.

"Coach, puwede bang 'yong jersey pants ko na lang muna ang tanggalin ko? Nilalamig po kasi ako eh," katwiran niya. "At hindi rin po ako makakapaglaro nang maayos. Pasensya na po."

Napakuyom na ang dalawang kamay ni coach Ellie, nagtitimping suntukin siya dahil sa katigasan ng kanyang ulo. Pumikit muna ito at tila pigil na pigil sa kanya bago nagsalita ulit.

"Stop with your fucking nonsense bullshits. Tandaan mo talaga 'to Oliveros, last na last na last na talaga 'to. Umayos ka na talaga kung hindi, 'di ko lang alam kung makalabas ka pa ng buhay."

"Susubukan ko po." Alam niyang galit na galit na sa kanya si coach Ellie at kaya lang naman siya hindi nagseseryoso ay dahil masyado ng nape-pressure ang mga kasama niya at ayaw niya ng gano'n. Gustuhin man niya pero may iniinda siya kaya susubukan niyang pilitin.

Biglang kinuha ni coach Ellie ang upuan sa gilid at akmang ihahampas nang mabilis itong inawat Jin. Muntikan pang matawa si Kale dahil sa mukha nito.

"Oliveros!" sigaw sa kanya ni Jin at pinandilatan ng mata kaya wala na siyang nagawa kung 'di magbihis at maghanda.

Nakatingin lang ang buong team sa kanya. "Let's go team. Tapos na ang 1st half. Good luck sa 'tin. Oliveros, ang bilin ko sa 'yo," seryosong paalala nito sa kanila lalo na kay Kale at nauna na itong lumabas. Sumunod na rin ang ibang players.

Nang makaalis na ang lahat ay si Kale at Jin na lang ang naiwan.

"Oliveros, malaki ang tiwala ko sa 'yo kaya huwag na huwag mo akong bibiguin lalo na ang team. Una pa lang kitang nakita alam kong may something kang itinatago kaya malakas ang kutob ko na matutulungan mo ang team. Good luck Oliveros. Nandito lang kami," mahabang sabi nito at tinapik siya sa balikat bago siya tuluyang iwan nito sa dugout.

Ano bang pinagsasabi ni captain? Ang gugulo naman nila.

Sumunod na rin si Kale sa kanila habang dala ang kanyang duffel bag at pagdating niya sa bench ay naghihintay na sa kanya ang iba at nakaline-up na ang ibang players.

"Salamat lumabas ka rin Oliveros. Ikaw na lang ang kulang sa line-up kaya mag-ready ka na," seryosong sabi ni coach habang nakahalukipkip.

Sasagot pa sana si Kale ngunit nakakatakot ang mga tinging ipinupukol nito sa kanya kaya sumunod na siya. Inilapag na niya ang kanyang duffel bag sa bench at kinuha ang kanyang white mouth guard at isinuot ito. Uminom din siya nang sarili niyang inumin.

Nang okay na ay humarap na siya sa court at pumikit.

Good luck my one! I know you can win the game and you can do it. Just always remember the techniques I taught. Always remember the reason why you play. I'm always here, watching and supporting you. No matter what the result is, I'm always your number one fan and your only partner. I love you my daredevil one!

Bigla niyang naalala ang mga katagang kailanma'y 'di niya malilimutan. Mga salitang nagpapalakas ng loob sa kanya sa tuwing may laro siya. Mga katagang matagal na niyang hindi naririnig. Sa tuwing naalala niya ang mga 'yon ay naririnig nito ang boses ng taong 'yon.

Ang taong matagal ko ng inaasam na makasama muli. Ang babaeng una kong minahal.

"Oliveros! Ano pang ginagawa mo?! Magsisimula na ang game! Hubarin mo na 'yang jacket mo!" sigaw ni coach Ellie dahilan para matauhan siya sa kanyang pagbabalik-tanaw.

Tinanggal na niya ang kanyang jacket at papunta na sana sa court nang bigla ulit siyang pigilan ni coach Ellie.

"Wait, tanggalin mo rin 'yang beanie mo! Magkakaroon pa tayo ng violation diyan!" Kaya tinanggal na rin niya agad ito at inihagis sa bench.

Bago tuluyang pumunta sa court ay lumingon muna si Kale ng nakangisi kay coach Ellie at bigla itong namutla at tila gulat na gulat nang matanggal ang kanyang beanie. Hindi ito gumagalaw at nakatulala lang. Tumakbo na siya papunta sa kanyang mga kakampi.

Next chapter