webnovel

Chapter 24

Araw ng Sabado ngayon, kasama ni Kale ang kanyang dalawang kaibigan. Nasa bahay sila ni dude. Mag-isa lang ito dahil may pinuntahan ang mga magulang nito. Nagkayayaan silang tumambay at dahil mapilit ang mga ito ay pumayag na rin siya. May gagawin pa sana ako eh, sabi niya sa isip. Kasalukuyan silang nasa kwarto ni dude.

"Kupal! Nasa'n ka na?! Bumili ka na ng san mig at soju, samahan mo na ng juice at yakult pati ice! Bili ka na rin ng pulutan natin!" sigaw na utos ni Yan.

"Taragis Yan! Sa'n ang pambili at bibili na ako! Akala mo kung sinong chix kung makautos. Mukha namang inahin!"

"Dalian mo na nang makapag-session na tayo! Nix, bigyan mo ng pera si kupal, wala akong dalang pera eh."

Nag-abot na si Kale ng pera. "Dude, bili ka nga ng street foods like isaw, bbq, or gizzard basta ikaw ng bahala. Pandagdag sa pulutan natin. Maanghang na may suka ha dude," bilin ni Kale at bago umalis si dude ay nag-middle finger muna ito kay Yan. Wala na talaga akong masabi sa kanilang dalawa.

Ang aga-aga naman naming mag-session. Tanghaling-tapat. 'Di bale sila lang naman ang iinom.

"Mahal, buksan mo nga 'yong tv pati na 'yong aircon. Ang init eh."

"Okay po mahal na prinsesa." Umupo na si Kale sa gilid ng kama pagkatapos. Si Yan ay nasa kaliwa. Kasalukuyan siyang naghahanap ng movies. Ilang saglit pa ay bumukas ang pinto at iniluwa nito si dude na dala ang mga pinabili nila. Agad niya itong tinulungan.

Minura na naman ni dude si Yan nang mapansin nito na prente lang na nakaupo ang huli at nakangisi sa kanya.

Nanguha si dude ng mat habang si Kale naman ay nag-set-up nang maliit na table dahil sa lapag sila mag-iinuman. Nakaayos na ang lahat.

"Hoy Yan, bumaba ka na nga diyan sa kama ko! Tingnan mo ang dugyot na! Huwag ka diyan uminom, ihahampas ko talaga sa 'yo 'tong ice tutal wala akong pang-crack!"

"Pakyu kupal! Ang kapal mo naman at FYI, mabango at malinis ako. Baka ako pa ang madumihan dahil sa kama mo!"

"Uy dude, ang sarap nitong binili mong isaw at bbq," singit ni Kale sa kanilang pagbabangayan. Napatingin tuloy si Yan sa kanya. Bahala sila. Basta ako, kakain na.

"Hoy Nix! Teka lang! 'Di ka naman naghihintay!" Kumain na rin ang dalawang kasama niya at naglagay na ng alak sa baso na may yelo.

Nagsimula na silang uminom habang si Kale naman ay abala sa pagkain ng mga ihaw-ihaw at kung ano-ano pang binili ni dude. Inaalukan siya ng mga ito ng alak pero tumatanggi siya. Wala ako sa mood saka bihira lang din naman akong uminom.

"Kupal, may netflix ka ba? Nood tayo," tanong ni Yan habang lumalaklak at lumalamon ng sitsirya.

"Manahimik ka diyan Yan. Kita mong nag-iinuman tayo, kunwaring makapanood ka. Magsasayang ka lang ng kuryente eh. Magkuwentuhan na lang tayo. Alam mo na, 'di ba dude?" Nagkibit-balikat na lamang si Kale habang ngumunguya.

"Wait guys, may hindi ba kayo sinasabi sa 'kin ha? Kung makapagsalita kayo parang kayong dalawa lang ang nakaka-relate ah!"

"Wala naman Yan. Usapang lalaki lang 'to. Inom ka na lang diyan. Dami pang satsat eh," banat ni dude. Namumungay na ang mga mata nito.

"Anong usapang lalaki ka diyan, kita mong babae 'yang si Nix. 'Yong totoo lasing ka na ba ha kupal? Napakahina mo talagang nilalang kahit kailan!"

"Tanga ka talaga kahit kailan! Ang ibig kong—oo nga babae si dude pero pusong lalaki! Kain ka na lang din para magkalaman utak mo!"

Hindi na natapos ang dalawa sa pagbabangayan. Ganyan lagi si Yan at dude sa tuwing magkakasama silang tatlo. Madalas na hindi magkasundo ang dalawa. Hinahayaan na lang ito ni Kale dahil wala naman siyang pakialam sa kung anong trip ng mga ito sa buhay.

Wala pa ring humpay ang mga bibig ng dalawa. Mga lasing na ata.

"Ewan ko sa inyo! So, ano nga? Kumusta na mga lablayp niyo? Meron na ba?"

"Ako Yan may crush, si Mc, 'yong taga-Henderson na kasama natin sa Yellow Cab. Ano sa tingin mo Yan, may pag-asa kaya ako ro'n?" Pataas-taas pa ang kilay nito saka lumagok.

Muntikan nang mailuwa ni Kale ang kanyang kinakain nang marinig ang pangalang 'yon. Sa dinami-rami ng tao Troy, sa monster ka pa nahulog.

Bigla namang lumingon ang mga ito sa kanya. Nagtatanong ang mga mukha. Umiling lang siya at iginiya ang kamay, indikasyon na ipagpatuloy lang ng mga ito ang kanilang usapan.

"Wala kang pag-asa ro'n, feeling ko nga may jowa na 'yon at halatang mayaman kaya ekis tayo diyan, kupal. Sa iba ka na lang. Masyado siyang maganda para sa tulad mo. Try mo si Lilet, patay na patay sa 'yo 'yon," na ang tinutukoy ay ang babaeng may kalakihan ang katawan na kapitbahay ni dude.

Nakatanggap ng isang malakas na hampas si Yan mula rito habang tuwang-tuwa pa. "Gago ka talaga! Magpapari na lang ako kung gano'n!" Bumaling naman ito kay Kale. "Ikaw ba dude, wala ka bang babae o kahit nati-trip-an man lang?"

"Wala."

"Talaga ba dude? Ayan ka na naman sa mga wala wala mo eh. Kung tutuusin kapag magkasama tayo, imbes na sa 'kin maglaway 'yong mga chix eh sa 'yo tumitingin. Grabe dude, ang pogi mo ah!"

"Babaero ka kasi na mukhang bayag kaya walang nagkakagusto sa 'yo! 'Di tulad ni Nix, gentle, caring and thoughtful."

"Ewan ko sa inyo. Basta wala akong pake sa mga babae."

"Hoy dude! Huwag kang magsalita ng tapos! Palibhasa wala pang nakakakuha ng atensyon mo! Ayaw mo kasi kahit fling lang."

"Mag-inuman na lang tayo guys. Hayaan niyo na kung wala akong ganyan."

"Sige titigil kami ni tanga kung papayag kang makipag-fling! You know, socialize gano'n. Puro ka trabaho sa bar tapos bahay lang!"

Hindi pa ba pakikipag-socialize 'tong pagsama ko sa kanilang dalawa?

"Bahala kayo."

"'Yon oh! Hanap na tayo ng chix sa bar simula sa Lunes dude!"

Napailing na lang si Kale at lumabas saglit papuntang kusina upang manguha at uminom ng tubig. Pagkatapos ay nagdala na rin siya ng pitsel at tatlong baso pabalik.

Naabutan niyang nagpapaunahan ang dalawa sa paglagok. Daig pa nila ang mga tambay sa kanto. Inilapag niya ang pitsel sa mesa at sinalinan ang mga baso. Namumula na rin sila.

"Nix, lagi ka nga pa lang itinatanong ni Miss Silver, Miss Natalie at Miss Knight. May gusto ba sa 'yo ang mga 'yon?"

Napahigpit ang hawak ni Kale sa kanyang baso na may lamang tubig at ngali-ngali niya sanang itapon sa mukha ni Yan. Ang daming puwedeng pag-usapan, 'yang mga 'yan pa talaga.

"Anong gawin ko? Lasing ka na Yan. Pasmado na bibig mo eh." Inagaw ni Kale kay Yan ang isang bote ng soju na akmang lalaklakin nito.

"Grabe, ang sungit mo ata ngayon. Babago lang 'yan ah." Tumahimik muna ito at saglit na tiningnan si Kale. "Lagi ka nilang hinahanap lalo na raw si Miss Knight kapag wala ka. Nakailang beses na. Nahulog na ata sa 'yo 'yon eh."

"Ay sorry Yan. 'Di ko sinasadya." Naisaboy ni Kale sa mukha nito ang malamig na tubig.

"Hoy tanga, anong pinagsasabi mo diyan? Malabo 'yon dahil mukhang straight si Mc," singit ni dude at nag-shot ulit.

Hindi na sila pinansin pa ni Kale dahil mga lasing na ang mga ito. Umupo na siya sa kama at nakinig na lang sa kanyang Walkman. Ilang minuto ang lumipas ay nakaidlip siya.

***

Paggising ni Kale ay hapon na. Taob na ang dalawa niyang kasama. Nagkalat rin ang mga pinagkainan at pinag-inuman. Bumangon na siya at nag-ayos na.

Una niyang iniligpit ang kanilang mga pinagkainan. Sumunod ang mga bote at baso. Pinunasan na rin niya ang mesang basa at itinupi ito.

Nang ayos na ay lumabas na siya at itinapon ang mga pinagkainan. Iniligpit na rin niya ang mga baso.

Bumalik ulit siya sa loob at inayos ang dalawang kaibigan. Una niyang binuhat si Yan at inihiga sa kama saka kinumutan. Sumunod naman ay si dude na may kabigatan kaya medyo nahirapan siya. Ini-lock niya ang pinto mula sa loob at inakay ito hanggang sa sala at doon inihiga. Ayokong pagtabihin silang dalawa. Mahirap na dahil lasing sila.

Nang sa tingin ni Kale ay okay na ang dalawang kaibigan, gumayak na siya paalis. Alas-cinco na ng hapon. Nag-iwan na lang siya ng note sa mesa. Ini-lock rin niya ang pinto mula sa loob at tuluyan nang umalis.

***

Nasa kanyang apartment na ngayon si Kale at dumiretso na siya sa banyo para maligo. Ang lagkit ng pakiramdam ko. Nang matapos siya'y napagdesisyunan niyang pumunta ng mall. Sumakay siya ng jeep.

Pagdating niya sa mall ay naglibot-libot lang siya. Pumunta muna siya sa bookstore pati sa arts and crafts shop para mamili ng panibagong art materials. Namili rin siya ng mga kakailanganin niya para sa kanilang engineering drawings.

Sa kanyang paglalakad ay bigla siyang napahinto nang mapagtanto niya kung sino ang kanyang masasalubong.

Ang mga bullies.

Pagtalikod niya ay may isang tumawag sa kanya.

"Kale!"

Imbes na lumingon ay nagmamadali siyang naglakad palayo bitbit ang kanyang mga pinamili. Patuloy lang siya sa paglalakad nang biglang may humawak sa balikat niya dahilan upang mapahinto siyang muli. Paglingon niya ay ang hinihingal na si Silver. Ngayon ko na lang ulit siya nakita.

"Teka Kale, ang bilis mong maglakad. Iniiwasan mo ba kami? Baka gusto mong sumabay sa a—"

"I need to go now." 'Di ko niya na ito hinintay pang magsalita at marahas na tinanggal ang kamay nito sa balikat niya at lumakad na ulit palayo.

Palabas na sana si Kale nang mapadaan siya sa isang magazine stand at nahagip ng mata niya ang isang magazine na may isang cover model na matagal na niyang iniidolo.

Lancia Elise Lastra, a young socialite and world- known international model from Germany, ang nakasaad sa magazine.

Mabilis niyang kinuha ang magazine at binayaran. Nag-iisa na lang kasi ang hawak niyang magazine.

Habang palabas siya ay may namataan na naman siyang dalawang pamilyar na pigura.

Si Ms. Montoya at si bakla.

Magkasama.

Magkabigkis ang mga braso.

Nagbubulungan.

Napangiti si Kale sa kanyang naisip at umuwi na.

Next chapter