webnovel

Chapter 19

"Nixon! Nixon!"

Patuloy lang si Kale sa mabilis na paglalakad at hindi pinapansin ang pagtawag sa kanya ni Ashley. Nagpupuyos ang loob ko sa galit ngayon dahil sa walanghiyang babaeng 'yon. At itong kasama ko ngayon ay dumadagdag din sa init ng ulo ko.

"Nixon, teka lang. Puwede bang kumalma ka mu—"

Dahil hindi na niya kayang kontrolin ang kanyang galit ay huminto na siya sa paglalakad at hinarap si Ashley. "Ano Ashley?! Ako kakalma? Bullshit! Paano ako kakalma ha, kung ang mismong nag-iisang bagay na pinakaiingatan ko ay nilapastangan na naman ng demonyong babaeng 'yon sa pangalawang pagkakataon? Lahat ng kademonyohan niya pinalampas at tiniis ko pero ito?" galit na galit na sigaw ni Kale kay Ashley habang mas humigpit ang hawak niya sa kanyang kuwintas at iminuwestra sa harap ni Ashley. "Humanda siya."

Mabait ako sa mabait pero kaya kong manakit sa oras na sumobra at wala na sa tama. Hindi porke't ganito lang ako ay sasamantalahin na niya ang pananahimik ko. Baka nakakalimutan niyang hindi niya ako lubusang kilala. Ihanda mo na ang sarili mo Henderson dahil hindi mo magugustuhan ang mga kaya kong gawin.

Hindi namalayan ni Kale na tuluyan nang nakalapit sa kanya si Ashley at mahigpit nang nakayakap sa kanya. At sa yakap na 'yon ay tuluyan nang umagos sa kanyang mukha ang kanina pang nagbabadyang luha mula sa kanyang mga mata.

Ang lahat ng sakit at paghihirap na tiniis at sinarili ko sa nakalipas na tatlong taon ay patuloy pa ring gumuguhit sa buo kong pagkatao. Pagod na pagod na ako Ashley. Bumabalik na naman ang mga alaalang matagal ko ng gustong ibaon sa limot ngunit paano ko gagawin 'yon? Kung kasama siya sa mga alaalang 'yon?

"Nix, nandito lang ako sa tabi mo," bulong sa kanya ni Ashley habang siya ay patuloy na humihikbi sa balikat nito.

Ilang minuto pa ang lumipas bago siya nahimasmasan. Wala rin silang pakialam kung nasa gitna sila ng campus at mainit. "Are you feeling better now, babe?" masuyong tanong sa kanya ni Ashley habang pinupunasan nito ang kanyang luha at sipon. Tumango lang siya bilang sagot at ngumiti naman ito sa kanya.

Nang okay na ang pakiramdam ni Kale ay niyaya na siyang umalis ni Ashley upang tulungan sa nalagot niyang kuwintas. "Babe, tara. Ipaayos na natin 'yang kuwintas mo para maisuot mo na ulit." Medyo may bahid ng lungkot ang pagkakasabi ni Ashley at mabilis na nag-iwas ng tingin. Akmang hihilahin na niya si Kale nang hindi ito nagpatinag.

Dahil sa sinabi ni Ashley ay bigla na namang nag-iba ang mood ni Kale. "Ash, pasensya na pero hindi ko ipapagawa itong kuwintas. Puwede ka ng maunang umalis. May gagawin pa ako. Maraming salamat sa pagdamay at pagpapagaan ng loob ko," seryoso niyang sabi saka ngumiti nang bahagya.

Bigla itong napaharap sa kanya na bakas ang pagkalito at pagtataka sa maamo nitong mukha. "Ha? Bakit naman, babe? Akala ko ba mahalaga 'yang kuwintas

sa 'yo?"

"Ako ng bahala, 'wag ka ng mag-alala. Ayoko kasing ipinapahawak sa iba itong kuwintas." Pagkasambit ni Kale no'n ay naghiwalay na sila ng landas ni Ashley. Umuwi na siya at hindi na nagbalak pang pumasok dahil sa nangyari.

***

Tulad ng nakagawian ni Kale tuwing papasok ay late na naman siya. Marami siyang pinagkaabalahan kagabi at napasarap ang kanyang tulog. Kahit papaano ay medyo umayos na rin ang kanyang pakiramdam mula sa insidente kahapon sa cafeteria. Huwag lang siyang magkamaling magpakita sa 'kin. Baka hindi ako makapagpigil.

Pagpihit niya ng door knob ay siya ring pagtingin sa kanya ng kanyang mga kaklase. Dahil alam na ni Mr. Robles na lagi siyang late sa subject nitong Mathematics in the Modern World ay hindi na ito nag-abala pang lingunin si Kale at ipinagpatuloy na lang ang pagsusulat sa smart board.

Habang nagpapaliwanag ang kanilang propesor ay lumilipad naman ang kanyang isip tungkol sa isang bagay. Ang kagustuhan niyang umalis sa university na ito. Buong oras ng klase ay nagmumuni-muni lang siya at hindi na nakapagsulat ng kanilang lessons.

"I'm sorry for interrupting you in your hallucinations Ms. Oliveros, but the dean wants to see you ASAP." Saka lang siya bumalik sa kanyang ulirat at umalis na para pumunta sa office ni dean.

***

Pagpasok ni Kale sa loob ng office ni Dean Morgan ay siya ring pag-ikot ng swivel chair nito paharap sa kanya at nakangiti ito sa kanya habang ang mga braso nito ay nakadantay sa arm rest ng kinauupuan nito.

Tumingin lang si Kale at magalang na bumati. "Good morning po dean. Pinapatawag niyo raw po ako." Nandito na naman ako sa puro plastikan at walang kuwentang usapan.

"Good morning din Ms. Oliveros. That's right but before we start, let's wait for the other student I called from the other department. You may take your seat." Umupo na si Kale sa upuan na nasa kaliwang bahagi na katapat ng desk nito at naghintay.

Makalipas ang kalahating oras ay narinig ni Kale ang pagbukas ng pinto ng opisina ni dean. Buti naman at may balak pang magpakita kung sino mang estudyante 'yon. Sinasayang lang nila ang oras ko. Masyadong mga paimportante.

"Good morning Tito Brandon. So, what's with the sudden meet—"

Wala sa sariling naikuyom ni Kale ang kanyang mga kamay at ang galit niya ay nag-uumapaw na naman. Kitang-kita niya rin ang mabilis na pag-iiba ng ekspresyon ng taong nakatayo na kasalukuyang nakatitig sa kanyang mga mata. Pasalamat ka at nandito tayo sa opisina ni Dean Morgan kung hindi ay baka hindi ka na humihinga ngayon.

Magsasalita na ulit sana si Dean Morgan nang bigla na namang may dumating.

"Good morning Dean Morgan. I'm sorry for being late. Katatapos lang po kasi ng klase ko."

"That's alright. Please take your seats, Professor Montoya and Ms. Henderson."

May tumawag muna kay dean at may kinuha itong folder at nagpaalam muna sa kanila na babalik din agad. Wala na bang ikagaganda ang araw ko? Lahat na lang ata ng tao sa university na ito ay nakakabuwisit.

Mukhang maghihintay na naman ako ng siyam-siyam kaya ipinasak ko na ang aking earphones at nakinig na ng music. Hindi ko na pinansin ang aking mga kasama baka mag-iba ang paningin ko at samain ang babaeng katapat ko ngayon.

Papikit na sana si Kale nang biglang dumating na ulit si Dean Morgan at nagsimula na sila.

"Before I start with the main reason why the both of you are here, I'll start first with you, Ms. Oliveros." Bumaling ito kay Kale at mataman siyang tiningan saka ulit ito nagpatuloy. "I know that you are aware that you are one of the top students here in our university, right? And what I'm trying to say here is, I want you to help the other students especially those who are under the accountancy department. Based on the survey we conducted, half of their population ay nahihirapan at bagsak. Ayaw naman naming masira ang record ng university dahil hindi basta-basta ang aming standards lalo na sa College of Engineering and College of Accountancy and Finance."

Nang huminto ito sa pagsasalita ay si Kale naman ang nagsalita. "But with all due respect dean, I am an engineering student and it's impossible for me to grant your request for that is beyond my field of knowledge."

Kinilatis muna siya ni Dean Morgan pagkabitaw niya ng kanyang argumento. Pansin niya sa kanyang peripheral vision na nakahalukipkip si Henderson habang seryosong nakatingin sa kanilang dalawa ni dean. Si Professor Montoya naman ay tahimik lang sa tabi ni Henderson.

"I see but I'm not yet done with what I'm saying. That's why Ms. Henderson is with us now. You and her will collaborate in helping the other students." Biglang nagpantig ang kanyang tenga nang marinig niya ang sinabing 'yon ni Dean Morgan at muntikan pa siyang mapamura at pati ang hawak niyang Walkman ay muntikan na rin niyang maihampas sa desk.

Bigla namang tumayo si Henderson at malakas na hinampas ang desk ni Dean Morgan.

"Are you out of your mind Tito Brandon? This is absolutely absurd! Me and that les— oh god! No way tito that I'll be working with that fuckhead!" nanggigigil na sigaw nito habang dinuduro si Kale.

"McKenzie Knight Henderson, watch your language!"

Hinayaan na lang ni Kale ang dalawa at hinintay ang mga itong kumalma. Nang humupa na ang sigawan ay saka ulit siya nagsalita.

"Dean, I agree with Ms. Henderson. I think it's better if you assign another student to cooperate with her. We are out of each other's league. And one more thing Dean, ituturn-over ko na po ang aking scholarship dito."

Parang kidlat sa bilis na tumingin kay Kale ang tatlo. Si Dean Morgan ay biglang napasandal sa kanyang swivel chair at maging si Montoya ay napatayo.

Hinilot muna ni Dean Morgan ang kanyang sentido at halata ang pagpipigil ng inis sa mukha niya. "Just tell me the truth, Ms. Oliveros. May kinalaman ba ang pambubully ni Ms. Henderson at ang anim niyang kaibigan kaya mo ibabalik ang scholarship?"

Hindi makapaniwala ang reaksyon ni Henderson sa sinabi ni Dean Morgan. Tahimik lang si Kale at seryosong nakatingin kay dean. Desidido na ako sa aking gagawin.

"Gusto ko na pong mag-drop out sa university na ito. Mahirap po para sa 'kin ang pag-aaral dito. At kung ano man po ang nakasaad sa scholarship ay babayaran ko na lang po dahil sa pagbabalik ko po nito."

"But Ms. Oliveros, I'm in charge of your scholarship. Hindi gano'n kadali ang gusto mong mangyari at mahihirapan kang makalabas ng Henderson University dahil kailangan mong bayaran ang lahat ng fees na covered ng scholarship mo," mariing kontra ni Montoya kay Kale.

"Just let her leave from our university if that's what she wants. She doesn't belong here," nang-uuyam sambit ni Henderson at nginisian siya.

Dahil punong-puno na si Dean Morgan ay hindi na rin nito napigilang mapatayo at hampasin nang malakas ang kanyang desk. Galit na galit na rin ito.

"Get out now, McKenzie! Suspension for three days! I'll tell the dean of your

college." Umirap lang si Henderson saka padabog na tumayo at tinapunan pa si Kale nang masamang tingin bago tuluyang lumabas ng office.

Parang aatakihin na sa puso si Dean Morgan at stress na stress na ito. Si Professor Montoya ay tumabi naman kay Kale at seryoso ang mukha.

"And as for your concern Ms. Oliveros, I will discuss it first with Professor Montoya and once we have the decision, we will inform you immediately. One day suspension for you. You may go now," dismayadong saad ni Dean Morgan sa kanya. Nagpaalam na si Kale at umalis na.

What a shitty day. Buti na lang at na-suspend ako. I need a break from this inferno.

Next chapter