webnovel

Ikawalong Kabanata: Lihim at Paanyaya

ᜁᜃᜏᜎᜓᜅ᜔ ᜃᜊᜈᜆ

Ikawalong Kabanata

Mahimbing ang aking pagtulog, ngunit sa malakas na sinag ng araw na tumatama sa aking mukha ay lubos na nagpairita sa akin at ilang beses akong nag-iba-iba ng posisyon sa pagkakahiga. Hindi ko pa nais bumangon pero ang init na binibigay sa akin ng silay ng umaga ang siyang nagpabangon sa akin habang nakasimangot.

Nakita ko ang aking sarili sa isang malawak na silid habang nakaupo sa malaking katre na may banig. Wari bang isa itong silid-tulugan ng isang maharlikang tao sa dami ng mga gintong palamuti sa paligid at sa kurtinang matingkad ang kulay na nakagilid sa bintana kaya tumatakas ang sinag ng araw patungo sa loob.

Wala akong maaalala kung bakit ako napadpad dito. Sa mga sandali ay ang tanging nasa isip ko ay ang pagdakip sa akin ng mga karatig-nayon upang bihagin at gawing alipin ang aking mga tao.

Hinilot ko ang aking ulo na bahagyang inaantok pa dahil kakagising lang. Sinubukan kong bumangon ngunit sa kaunting pag-angat ng aking pwetan ay nakaramdam ako ng matindin sakit.

"Aray, mahabagin!"

Nabalisa ang aking sistema. Anong nanyari sa akin?

Pinilit kong inalala ang nangyari kahapon hanggang sa dumaan sa isip ko ang pagkakakakulong ko sa selda. Hindi lang 'yon, pati na rin ang nangyari sa amin ni... sino na nga ba yung mayabang na lalaking iyon. A, basta. Sino man siya ay binigyan niya ako ng kahihiyan at pinagsamantalahan ang panahon ng aking kahinaan.

Ngunit bakit ko nga ba binigay ang sarili ko sa kaniya?! Tama nga siya, hibang din ako.

Sa pagkakaalala ko, naglabas siya ng matinding halimuyak sa paligid na siyang nagdala sa akin ng matinding init. Init na hindi inaaasahan sapagkat ni minsan ay hindi ako nagkagusto sa kaniya kahit kaunti simula noong nakilala ko siya at nagpakita na agad siya ng kayabangan at pang-aakin ng hindi sa kaniya. Para bang ang amoy na iyon ang dahilan kung bakit ako hindi makaangal sa ginagawa niyang pagmamalabis sa akin. Hindi ko din naalala na nagalit ako sa kaniya noong pinilit niyang pagkasiyahin ang malaki niyang 'ano' sa kaawa-awa kong pang-upo.

Grabe, isa ba iyong gayuma na pinaligo niya sa kaniyang katawan?

Napahawak ako sa aking dibdib at hindi malaman ang aking gagawin sapagkat hindi ako makatayo sa sitwasyon. Napa-ungol ako sa pagkadismaya.

Narinig ko ang pagkatok mula sa pinto ng silid na ito. Teka, nakakandado ba ang pinto kaya hindi niya mabuksan at kumatok nalang ang taong ito?

"K-kung sino ka man, pasensya na. Hindi ko kayang pagbuksan ang pinto sa pagkakataong ito," aniko at napakagat sa aking labi.

"Ayos lang po, nais ko lang malaman kung gising na po kayo," sabi ng tao na nasa likod ng pinto.

Bumukas nalang ito kusa at nagpakita ang isang alipin na may dalang bandeha na naglalaman ng dalawang mangkok at isang baso na may pitsel. Lumapit siya sa akin at inilapag niya ito sa aking harapan. Tinignan ko ang laman ng mangkok, ang isa ay naglalaman ng sinabawang gulay, at ang isa naman ay kanin.

Kinuha ko ang pitsel at ibinuhos ang laman nito sa aking baso. Namilog ang aking mata sa kakaibang kulay ng tubig na lumalabas mula rito.

Mukhang napansin ito ng alipin at ipinaliwanag kung anong uri ito ng inumin.

"Iyan po ay pinaghalong tubig at katas ng dalandan, kamahalan. Ang pinuno po namin ang nag-imbento ng ganitong klaseng inumin," aniya at ngumiti bilang paggalang.

Hindi ko alam kung saan ako mabibigla, nung tinawag niya ako kamahalan kahit hindi ako ang pinuno niya, o kung saan gawa ang inumin na ito.

Tumango lang ako bilang tugon.

Sisimulan ko sanang kumain ngunit nandito pa ang alipin sa aking harapan. Inaasahan ko siya na umalis ngunit pumirmi lang siya sa kaniyang kinalalagyan.

"Hindi naman ninanais kong umalis ka ngunit wala ka bang balak na iwan akong mag-isa upang kumain," tanong ko sa alipin.

"Inutusan po ako ni pinuno na bantayan ka. Baka raw po na makatakas kayo," simple niyang sagot. Napataas ang aking kilay. Sa kirot na idinulot niya sa aking pwetan, mukha ba akong makakatakas e kitang pagbangon palang ay nahihirapan na ako.

"Pwede mo na akong iwan," utos ko.

"Hindi po maaari sapagkat mas mahalaga po ang iniutos ni pinuno sa akin," sagot niya na may parehong ekspresyon kanina pa. Kung sabagay, wala akong kapangyarihan na utusan sila, bagay na nakasanayan ko na.

Kinuha ko ang sinabawang gulay at inihalo ang ilang nilalaman nito sa kanin. Kinuha ko ang mangkok ng kanin at ang kutsara at inilapag ito sa aking dantayan. Nais ko munang tikman ang inumin na kaniyang inihanda dahil sa matinding pagkakuryoso.

"Wala ka bang ibang gagawin sa mga oras na ito? Baka nakakaabala lang ako mula sa tunay mong gampanin..." tanong ko at habang nalalagok ng paunti-unti ang inumin. Ito na yata ang pinakakakaiba ngunit masarap na inumin na natikman ko. Hindi ko alam na pwede pala haluan ang tubig ng kahit anong prutas.

"Hindi po. Ayos lang po sa akin. Bantay po talaga ako sa selda ngunit may ibang inatasan sa araw na ito upang gawin iyon. Ito lang po ang unang beses na tumigil ako sa pagbabantay doon."

Bigla kong naibuga kaniyang hubad na dibdib at tiyan ang inumin na kasalukuyang nasa bibig ko pa.

"N-naku... Pasensya na," sabi ko nalang sa kaniya.

Naghanap ako ng tela sa paligid hanggang sa nakakita ko ng isa na nakasabit sa pader. Kinuha ko ito at ipinunas sa kaniyang basang dibdib at tiyan. Nanatili lang siya sa kaniyang posisyon. Nangingitab ang kaniyang balat sa kulay nitong pantay na kayumanggi. Pinunasan ko ito hanggang sa matuyo ito.

Tumingin ako sa mukha niya at nakita sa kaniyang reaksyon ang pagkabigla.

"Ayos ka lang," tanong ko.

Napakurap siya ng ilang beses na wari bang gumigising sa katotohanan at nagtaas-baba ang kaniyang lalamunan na para bang nilunok niya ang kaniyang laway, bago tumango bilang tugon. Gusto kong humingi ng pasensya sa nagawa kong paghaplos sa kaniyang dibdib gamit ang tela ng walang paalam, ngunit inisip ko rin na napakababaw no'n.

"K-kagabi ka pa ba nagbabantay?"

"Opo," simple niyang sagot.

Naramdaman ko ang matinding pag-init ng aking pisngi. Narinig kaya niya ang ginagawa namin ng pinuno niya sa selda? Binabalot ako ng matinding kahihiyan. Hindi ito maaari!

"K-kung ganoon..."

Hindi ko kayang dugtungan ang aking sasabihin. Kinagat ko ang aking labi na para bang naagtitimpi.

"Ha-hayaan niyo po, kamahalan. Bukas po ang isip namin sa mga ganoong uri ng tagpo."

"Namin?!"

"N-narinig din po kasi ng mga preso na nakakulong malapit sa inyo."

Napahinto ang aking paghinga.

"S-sige, kamahalan. Doon muna ako sa labas ng pinto upang bantayan ka pa rin. Mukhang nais mong kumain ng walang nanonood sa'yo."

Pagkatapos no'n ay agad siyang tumungo sa labas.

Dahan-dahan kong kinain ang pagkain habang nakatingin sa kawalan. Sa maiksing panahon lang ay labis na akong napapahiya sa iba't ibang mga bagay. Mahabaging langit, ano itong nangyayari sa akin?

Nang natapos na akong kumain ay tumayo ako ng dahan-dahan. Humina na kasi ang kirot. Nilapag ko ang bandeha sa pintuan habang iniiwasan kong tingnan ang alipin. Agad kong sinarado ang pinto. Hinayaan ko nalang siya na damputin ang pinagkainan ko dahil hindi ko nais na ibigay ito ng diretso.

Kakakain ko lang ngunit padapa akong humiga sa kama at hinayaan ang sarili kong maging komportable sa ganoong posisyon. Sa katunayan ay nais ko nang lamunin ako ng lupa kung may bunganga ito. Ang pinakauna kong mainit na tagpo ay hindi lang pala naisiwalat kun'di may mga nakarinig nito sa personal. Parang pinipiga ang aking ulo sa panlulumo.

Kahit sabihin pa nilang ililihim nila angg tungkol dito, hindi ko mapigilang mabalisa.

Maya-maya pa ay narinig ko ang pagbukas muli ng pinto. Hindi ito kinatok bilang respeto sa kung sino man ang nasa loob ng silid, kaya inisip ko na hindi ito alipin. Alam ko na kung sino ito.

"Isa ba itong paanyaya na makita ito sa aking harapan."

Agad akong lumingon sa kung sino ang nagsalita at hindi ako nagkakamali na ito ang mayabang na pinuno na pinagsamantalahan ako kagabi. Nakatingin siya sa aking nakasilip na pwetan dahil sa pagkakahawi ng aking bahag. Bigla ko itong inayos upang matakpan.

Nakakairita ang kaniyang kalokohan.

Lumapit siya sa akin at umakyat din sa kama. Ikinulong niya ako sa pagitan ng kaniyang mga braso't hita. Napatihaya ako sa kaniyang ginawa.

"Ano? Gagawin ba natin ulit?"

Mabuti nalang at nasa katinuan ako ngayon, hindi tulad kagabi.

Agad ko siyang binuntal sa tiyan.

Next chapter