Kitang-kita ni Wong Ming ang unti-unting pagkawala ng tubig sa malawak na lawang ito. Para bang may kung anong bagay o nilalang ang may gawa nito.
Hanggang sa hindi namalayan ni Wong Ming na wala na ang mga tubig sa lawang ito. Para bang natuyo na lamang ang buong sapa dahil sa nangyaring ito.
Alam ni Wong Ming na napakapambihira ng pangyayaring ito kung kaya't mabilis niyang ginamit ang Demon Eyes niya kung saan ay tila nahati ang itim na bahagi ng mata nito sa dalawa habang sinusuri nito ang buong lawa.
Doon napagtanto ni Wong Ming na ang sapang ito ay mayroong kakaibang hati o cracks sa pinakagitnang bahagi nito.
Doon ay napansin ni Wong Ming ang kakaibang bagay nakakubli sa ilalim ng lupa.
Hindi aakalain ni Wong Ming ang sarili niyang teorya. Masasabi niyang gawa nga ito ng pambihirang halamang iyon.
Mabuti na lamang at maalam siya noon pa man at alam niya ang klase ng halamang ito na kung tawagin ay Water Sprouting Vines.
Isa itong Magical Plants na maituturing na carnivores. Unang katangian ng Water Sprouting Vines ay kumubli sa lupa hanggang sa tuluyan na itong makaadjust sa masasabing teritoryo nito.
Kumbaga ay two element magical plant ito dahil kaya nitong mag-adapt sa lupa ngunit kaya rin nitong magproduce ng tubig na siyang magiging pain niya sa kung anumang nilalang o mga magical beasts na lulusong at maninirahan sa teritoryo nito.
Bago pa lamang ang mag-asawang Aquatic Flying Snakes na iyon dito kung kaya't hindi napansin ng mga ito ang pag-exist ng Water Sprouting Vines.
Nabuo sa isip ni Wong Ming na hindi din kaagad na makakain ng Water Sprouting Vines ang nasabing mag-asawang Aquatic Flying Snakes dahil sa lason ng tubig na siyang ina-adapt pa ng Water Sprouting Vines na hindi takot sa anumang uri ng lason.
Nang maramdaman nitong napinsala ang mag-asawang Aquatic Flying Snakes ay ito na ang oras upang kainin ito na siyang napagtagumpayan nito.
Sadyang tuso at matalino rin ang Water Sprouting Vines na siyang naging alerto upang kuhain ang pagkakataong iyon upang tapusin ant mabibiktima nito.
Alam ni Wong Ming na hindi simpleng magical plant lamang ang Water Sprouting Vines dahil mayroon itong malaking katawan na siyang nagsisilbing imbakan ng tubig habang mayroon itong isang maliit na bahagi malapit sa roots nito na siyang totoong tiyan kung saan dina-digest lahat ng mga mabibiktima nito.
Isa pa ay alam niyang isang Fifth Grade Magical Plant ito.
Napangiti na lamang si Wong Ming sa kaniyang naiisip. Alam niyang ang kahinaan ng Water Sprouting Vines na ito at iyon ay ang panhon kung saan busog ito. Magmimistulang hihigupin nito ang malalaking mga biktima nito at ang tubig na iniimbak nito sa katawan nitong nasa ilalim ng lupa hanggang sa matapos ang pagda-digest nito sa hapunan nito ay muli na naman itong magre-release ng naimbak nitong mga tubig.
Talagang kakaiba ngunit isang epektibong bagay ito para sa Water Sprouting Vines ngunit hindi maipagkakailang malaki ang bagay na ito upang mabuhay ito sa napakadelikadong lugar na ito.
Walang pag-aalinlangan na nagtungo si Wong Ming sa tuyong lawa at pumunta sa gitnang bahagi nito.
Tila ang pabilog na bagay na lamang ang nakita niyang nakausli sa ilalim ng lupa at walang pag-aalinlangan na pumasok si Wong Ming rito.
Busog ito kung kaya't mananatiling nakatulog ang dambuhalang halimaw na ito sa ilalim kung kaya't walang takot si Wong Ming rito.
Para mapaslang ang dambuhalang halimaw na ito ay sa pamamagitan ng pagpasok sa loob ng tiyan ng halimaw at paslangin ito sa kaloob-looban nito.
Sa kakayahan ni Wong Ming ay alam niyang kakayanin niya ito.
Mahirap kalabanin ang Water Sprouting Vines kapag gising ito at gutom na gutom ngunit pag busog na ito ay sigurado siyang mapapaslang niya ito.
Lumangoy si Wong Ming sa loob ng tiyan ng halimaw at puro tubig ito.
Walang pag-aalinlangan na nagtransform si Wong Ming bilang isang Ice Demon at nagcast ng pambihirang skill.
Skill: Ice Shards Domain!
Kitang-kita ni Wong Ming kung paanong nagkaroon ng nagtatalasan at naglalakihang mga Ice Shards sa kinaroroonan ni Wong Ming at ipinabulusok nito ng mabilis sa iba't-ibang direksyon.
Naramdaman ni Wong Ming ang pagyanig ng lupa ngunit hindi siya nangamba. Sa lakas at laki ng mga Ice Shards na ginawa niya ay sigurado siyang hindi na makagalaw pa ang Water Sprouting Vines.
Lumitaw ang sampong Sword Needles at mabilis na pinabulusok ito ni Wong Ming sa iba't-ibang parte ng lugar.
Skill: Ice Demon Swords!
Kitang-kita ni Wong Ming kung paanong nabalutan ng yelo ang bawat isa sa mga ito atrinig na rinig ni Wong Ming ang pagbaon ng mga Sword Needles sa mismong katawan ng halimaw.
Crrrrr!!! Crrrrr! Crrrrr!
Rinig na rinig ni Wong Ming ang pagkakahati ng parteng ito ng Water Sprouting Vines at rinig ba rinig niya ang mga malalakas na pagkayanig ng kalupaan.
EKKKKKKK!
Rinig na rinig ni Wong Ming ang nakakatakot na atungal ng Water Sprouting Vines. Napakalakas din nito dahil kahit ang atungal nito ay nakakadaan sa tubig.
Napangiti na lamang si Wong Ming dahil alam niyang wala na siyang dapat problemahin pa.
Agad na napansin niya ang pagtahimik ng buong lugar na ito hanggang sa tuluyan na naramdaman ni Wong Ming na humihina ng humihina ang enerhiyang nagmumula sa katawan ng halimaw.
Gamit ang kakayahan ng isang Ice Demon ay mabilis na kinontrol nito ang katubigan. Gamit ang tubig ay mabilis niyang binunot ang buong katawan ng Water Sprouting Vines paibabaw maging ang kinaroroonan niya.
Bago pa siya makalimot ay bumalik sa dating anyo nito si Wong Ming.
Napangiti naman si Wong Ming sa kakaibang tagumpay niyang ito. Isa pa ay isang Fifth Grade Magical Plant ito. Kahit na ang defensive ability nito ay maituturing na sobrang hina lamamg ngunit dahil maalam siya sa kahinaan nito at katangian ay mabilis niyang nagapi ito.
Isang Water Dependent ang Water Sprouting Vines kaya natitiyak niyang isang lawa talaga ang lugar na kinaroroonan nito na siyang naging tahanan na nito hanggang sa dito na ito lumaki at lumakas kung kaya't alam niya ang posibilidad na manlaban ito.
Ngunit si Wong Ming ang nakaharap nito kung kaya't wala na itong ligtas pa nang pwersahang ihiwalay ni Wong Ming ang malaking tiyan nito sa dalawang bahagi. Ito kasi ang nagsisilbing imbakan ng tubig at ito rin ang nagsisilbing ilong at tiyan ng halimaw kung kaya't kung wala ito ay mamamatay na ito.
Tunay ngang epektibo ang ginawa ni Wong Ming na siyang ikinasiya nito.
Mabilis na inilagay ni Wong Ming ang dambuhalang katawan ng halimaw na halaman sa kaniyang sariling interspatial ring.
Medyo natakot pa si Wong Ming sa mga naglalakihang mga ugat at mga baging ng Water Sprouting Vines dahil tiyak niyang nakatibay nito at delikadong parte ng katawan ng nasabing halimaw na halaman.
Makikita ang kagalakan sa mga mata ni Wong Ming at nilisan agad ang lugar na ito. Sigurado naman siyang maya-maya lamang ay mapupuno ng tubig ang buong lugar na ito sa natural na pamamaraan ng kalikasan.