Alex's POV
Nakasakay na ako sa kotse ni Stan. Pauwi na kami.
Nangangati na yung dila ko na sabihin kay Stan yung pinag usapan namin kanina nila Georgia. Kaso nauunahan ako ng hiya.
"Alex? Ok ka lang?"
"O-Oo."
"Bakit parang lutang ka?"
"W-Wala 'to."
"Ahh. Nga pala. Malapit na 'yung birthday ni James, magbabar na lang daw kami."
Ito na nga ba yung naiisip ko kanina eh.
"Wag."
"Ha?"
Hindi makalingon ng matagal sa akin si Stan kasi nagdadrive sya.
"W-Wag kang sumama."
"Bakit naman? Birthday nya 'yun eh. Hindi ako pwedeng mawala."
"Ehh. Basta hindi ka pwedeng sumama."
Tinabi ni Stan sa gilid yung kotse nya at humarap sa akin.
"Alex.. Tell me. Anong nasa isip mo?"
"K-Kasi."
"Kasi ano?"
"Paano kung pumunta ka ng bar tapos may babaeng naghubad sa harap mo? Tapos may nangyari sa inyo. Tapos nabuntis mo sya? Tapos makikipag hiwalay ka na sa akin. Tapos--"
Hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi bigla akong hinalikan ni Stan. Sh*t! Masawap!
"B-Bakit mo ginawa 'yun?"
"Ang dami mo kasing sinasabi eh."
"K-Kasi.. Hindi kita mapag bigyan paano kung sa iba--"
Hindi ko na ulit natapos yung sinasabi ko dahil hinalikan nya ulit ako. Masawap talaga!
Napakagat ako sa ibabang labi ko.
Nakita ko naman syang ngumiti.
"B-Basta hindi ka sasama."
"Alex. May tiwala ka ba sa akin?"
"O-Oo."
"Eh 'yun naman pala eh."
"May tiwala ako sayo kung hindi ka naka inum. Remember nung nasa bar kayo? Hinawak-hawakan ka nung girl tapos hinayaan mo lang?"
"Yun ba? Sinusubukan kasi ako nung babae eh. Pero Alex, trust me. Sayong-sayo lang ako. Hindi ko magagawang maghanap ng iba, dahil sapat ka na."
Kiniss nya ako sa noo.
"I trust you."
6.45am ng makumpleto kaming lahat. Nakasakay na kami sa bus. Nasa bandang hulihan kami. Katabi ko sana si Amanda, kaso 'tong si Stan nagpumilit na tabi daw kami.
Tumayo ako at tumingin sa likod. Tinignan ko ng masama si James, magkatabi kasi sila ni Amanda.
"Amanda kapag naramdaman mong may gumagapang na kamay, sabihin mo agad sa akin ah?"
"Ahh. O-Oo Alex."
"Good. James, I'm watching you!"
Bigla naman akong hinila ni Stan paupo.
"Ano ba Stan?"
"Pabayaan mo na sila Babe."
"Papabayaan ko sana kung hindi si James ang katabi eh. Kung matinik ka, mas matinik si James."
"Grabe ka naman sa akin Alex!" Narinig kong angal ni James.
"Grabe talaga ako James!" Sigaw ko sa kanya.
"Babe naman." Sinandal ni Stan yung ulo nya sa balikat ko.
Nag cross arms na lang ako, wala na akong magagawa.
"Guys!" Sigaw ni Coach sa unahan.
"Hindi na ako makikipag siksikan sa bus! May dala kaming kotse ng jowa ko, dun na lang kami."
'Madaya!'
'Akala ko ba walang magdadala ng kotse?'
"Eh kasi baka ma-overloaded na tayo dito! Diba Manong driver?"
"Palusot mo Coach! Baba na! Shoo~" Sigaw ko sa kanya. Bawi-bawi rin kapag may time! Haha.
Mukhang nagets naman ng mga kasama namin sa bus ang gusto kong mangyari kaya nagsigawan din sila.
'Oo nga! Coach dun ka na sa Jowa mo!'
'Labas!'
"Ang sama nyo ah! Oo na! Bababa na!"
Napuno ng tawanan ang bus.
Lumipas na ang ilang minuto simula ng umalis kami sa school. Ang boring!
3 hrs. daw ang byahe. Inaantok na ako, pero hindi ako makatulog ng naka upo.
Napatingin ako sa katabi ko. Ayun! Ang sarap ng tulog. Naka patong pa rin ang ulo sa balikat ko. Buti pa sya.
Ginawa ko na ang iba't-ibang posisyon ng pag-upo. Pero wala pa rin.
"Hmn.. Alex? Hindi ka ba inaantok?" Nagising ko sya.
"Hindi ako makatulog ng nakaupo."
"Kawawa naman ang babe ko." Bigla nya akong kiniss sa lips. Ayiee! Ang sweet! "Teka lang ah?"
Tumango na lang ako.
Tumayo si Stanat pumunta sa dulo. Sinilip ko sya.
"Hoy Jc!"
"Hmmn."
Ginigising ni Stan si Jc, nakahiga kasi sya sa dulo, dun sa mahabang upuan.
"Bumangon ka na! Si Alex naman pahigain mo."
Mabilis na bumangon si Jc at pagewang-gewang na umupo sa ibang upuan.
Inalalayan naman ako ni Stan para makapunta sa dulo.
Naupo sya sa sulok.
"Higa na." Tinapik nya yung lap nya.
Haah~~ Ang sweet talaga!
Humiga na ako at umunan sa lap nya. At viola! Inaantok na ako!
May kumakalabit sa akin? Antok pa ako.
"Babe.."
"Hmnn." Tanging sagot ko.
"Nandito na tayo. Gising na."
Dahan-dahan kong dinilat ang mata ko. Sh*t! Ang liwanag!
Lumabas na kami sa bus. At WOW!! Ang ganda ng dagat! Lalo na't natatamaan ito ng sinag ng araw!
Pumasok na kami sa lobby ng hotel na tutuluyan namin.
"Ok Guys. Sa isang room ay 3 girls ang magkakasama, at sa boys naman ay 2 lang. Kayo na mamili ng katabi nyo.
Nilapitan ko kaagad si Amanda.
'Coach hindi ba pwedeng babae ang partner?' Sigaw ni James.
"Tumigil ka James! That's a No.No!"
"Coach paano naman ang mag-asawa?" Tanong naman ni Stan.
Napuno ng hiyawan ang lobby.
Tinignan ko lang sya ng masama. Napatingin naman ako kay Jc at James na mukhang may sinasabi. Tinitigan ko ng mabuti. They mouted na word "Honeymoon" Lintek na mga lalaki 'to.
"Ano Mrs. Martin? Ok lang ba sayo?" Pagpapa alam sa akin ni Coach.
"Ayoko po." Mahinang bulong ko kay Coach.
Pero biglang may umakbay sa akin.
"Coach pwede na bang makuha ang susi namin?"
"Yes Martin!" Sigaw naman ng coach nila. At agad na inabot kay Stan ang susi.
Bago pa ako makapag protesta ay agad na akong hinila ni Stan.
Room.
Naupo ako sa kama.
"Loko-loko ka talaga Stanley."
"Bakit? Ayaw mo ba akong makatabi?"
"Ewan ko sayo."
At dahil inaantok pa ako ay nahiga muna ako.
"Matutulog muna ako Stan."
"Sige. Aayusin ko na lang yung mga damit sa closet."