webnovel

VICE PRESIDENT

GINOVAH SANVER POV

"Gin waittt!"

Natigil ako palabas ng gate ng marinig ko ang sigaw ni Pres. Sasabay na naman sya sakin, psh ihahatid ko na naman sa bahay nila eh sa ibang way ung bahay namin.

"Sabay?" ngiti nyang tanong

"Tara na" kako at ngumiti

Lumambitin naman sya sa braso ko at sabay kaming naglakad palabas ng School.

"Ay nasabi naba sayo?" biglang pagsasalita nya

"ang alin?"

"maghahanap na daw tayo ng new secretary sa council kasi lilipat na si Oxu" Nabigla naman ako

"Bat daw sya lilipat?kasisimula lang ng klase"

"Ah migrate daw" napatango nalang ako

Sana naman matino na ung ipapalit. Tamad din kasi yon katulad nitong isa.

"Sana babae noh?para makaclose ko! new friend" ani nya na parang kinikilig

"Basta masipag" natawa naman sya

Nasanay na kong hinahatid sya dahil maraming tambay banda sa kanto nila kaya minsan pagwala syang kasamang umuwi ay pinagtritripan sya. Kaya napagkakamalan akong syota eh.

Pano kasi ibang way ung kanto namin at kailangan ko pa syang ihatid sa gate ng bahay nila. Hindi naman ako nagrereklamo dahil gustong gusto ko naglalakad pero kasi maraming nagsasabing magsyota raw kami hindi naman sya humihindi pang tinatanong, alangan namang humindi ako edi parang napahiya pa sya.

"Gusto mo ba munang magmiryenda?" alok nya pero umiling nako

Hindi nako papasok sa bahay na yan.

"Hindi na, hinatid lang talaga kita sige na" nagbabye nako sa kanya at tumalikod

"ingat kaa" pahabol nya pero diko na nilingon

#

Andito nako sa kanto pero dito ako dumadaan sa gilid para magbukas ng ilaw ng poste. Mga tamad kasi tao dito at ayaw ng ilaw.

"Sabay"

Napatingin naman ako sa likod ko ng mamakita ng babae. Hindi ko sya naramdaman.

"tangina" ani ko natawa naman sya

"Bakit ba kada nakikita moko napapamura ka?" natatawang tanong nya

"anong ginagawa mo dito?"

"what?duh kalilipat lang namin dito! nakita lang kita eh" ngising ngisi syang tumabi sakin

"oh?" walang kwentang ani ko

"Anong oras na vice ah?ngayon ka lang uuwi?wow?uwi ba ng matinong lalaki yan?" asar nya umiling nalang ako

"may hinatid pako" bakit ba kailangan pa nyang malaman

"ay may jowa ka?" agaran nyang tanong

"tsk wala, kaibigan lang" napangiwi naman sya

"Girl Bestfriend?sayang ka naman" what

"sayang?" tanong ko at tumugil para tignan sya

"sayang! crush pa naman kita" natawa naman ako

"kanina mo lang ako nakita?crush mona?wow love at first sight huh?"

"kapal ang sabi ko crush lang nasa love kana. Excited?" napaismid nalang ako

"Tsaka hindi lang naman kita kanina nakita! Taong bahay ka kase! Dalawang buwan nako dito sa subdivision tapos nakikita lang kita pagbibili sa tindahan o kaya don sa burger na 24/7" nagulat naman ako

"totoo?matagal kana dito?bat dika naghi sakin?" amp

"Ha?bat ako magha-hi?ampota eh muka ka ngang nakapatay ng tao kada lalabas dyan sa bahay mo eh, tapos magha-hi pako?" natawa nalang ako

"edi takot ka pala sakin?"

"hindi, kasi mas nakakatakot ako" ani nya sabay hagalpak ng tawa napailing nalang ako at nakisali sa tawa

"Pero sino ung hinatid mo?"

"Bakit kailangan mong malaman?"

"kasi nagtatanong ako" galing magsalita neto

"ayoko sagutin"

"bakit?" anoba

"bakit ba?"

"dapat sagutin mo! crush na nga kita eh" what the

"ano naman?" ani ko hindi kona sya pinansin dahil andito nako sa gate ng bahay namin

"anong ano naman?!" reklamo nya

Humarap ako sa kanya habang asa tabi na ng gate. Halata sa muka nya ang pagkainis natatawa ako pero hindi ko nilabas.

"pake ko sayo?" ani ko at pumasok na sa bahay namin

Hindi kona alam kung nakaalis naba sya dahil hindi ko naman sya maramdaman. Nang makapasok ako sa kwarto don palang ako natawa at tumakbo papunta sa bintana para silipin kung nakaalis naba.

#

"good morningg ginn" napangiti naman ako dahil si President na naman ang unang nakita ko bago makapasok sa school

"hmm morning" bati ko pabalik at hinayaan syang nakalambitin na naman sakin

"ay ngayon na yata ipapakilala ung bagong sec natin" napatanga ako

"bakit ngayon?kasasabi mo lang non kahapon ah?" bilis naman

"ah kasi hindi na daw papasok si Oxu kaya minadali na ung papalit, kaso nagalinlangan ako kasi transferee sya" kwento nya

"tsk, lahat naman kaibigan mo" usal ko natawa naman sya

Lahat ng estudyante dito sa school ay kaibigan nya. Lalo na pagmagkasama kami ay hindi sya nawawalan ng babatiin o ngingitia-

"Good morning Pres! and Vice!"

"Good morning Yai" bati ni Pres nginitian ko nalang

"Morning pat!"

"Morning Tenten"

"Morning Sav!"

Napailing nalang ako dahil halos lahat ng dumadaan ay ginood morning nya at alam nyapa lahat ng name. Makikita naman sa id namin yon pero ung iba nakatalikod tapos kakalbitin pa nya.

"Good Morning Sir" bati namin Vice Principal sya kasi ung magpapakilala sa New Secretary ng council

"Oh! Good morning! ang aga nyo, nagtext ung New Secretary nyo at on the way na sya. Upo muna kayo, Nagbreakfast naba kayo?" tumango naman kami

"Ahm ma'am bakit sya po pala napili nyo?" tanong ni Pres

"Ah With high kasi sya don sa last school nya iha! kaya naisip ko sya nalang dahil muka naman syang matino. Aba nung nakausap ko abay sobrang bait!" napangiti naman kami.

sino naman pong hindi babait pagkayo ang kaharap?

"Baka sya na magiging Bestfriend for life ko!" ani ni Pres

Napatingin naman kami sa pinto ng may kumatok don. Pumasok din naman sya agad, biglang nangunoy ang noo ko dahil kilala ko sya.

"Hii po, Good morning" bati nya at ngumiti samin

"Ayann, This is our President of the Council "Seah Mendiz" and this is our Vice President "Ginovah Sanver"" pagpapakilala samin

"And guys! I would like you too meet Our New Secret of the council! Akesha Lopez" ngumiti naman sya

"Nice to meet you" masiglang bati sa kanya ni Seah

Ngumiti nalang din ako at ngumiti din sya pero ang lumabas para sakin ay ngisi. Sya ung babaeng nakakuha ng picture sakin sa likod ng Building, sya din ung kahapon na sumabay sakin.

Sya ung may crush sakin.

___________

WELCOME AKESHA LOPEZ!