webnovel

Chapter 38

Now playing: Binibini by Zack Tabudlo

Alice

"Hoy! RAVEN!" Sigaw ng isang pamilyar na boses mula sa may di kalayuan dahilan upang mabilis na muling maghiwalay ang aming mga labi.

Kapwa kami nagulat noong makita namin si Lila kasama ang kanyang asawa na si Sarah na naglalakad palapit sa amin.

What are they doing here?! Bakit hanggang dito nasundan parin nila ako?

"Bago ka mag propose sa kaibigan namin, pwede bang sa amin ka muna mag paalam?! Aba! Ang bilis mo naman yata." Dagdag pa nito noong tuluyan na silang nakarating sa aming harapan. With matching taas pa ng kanyang kilay bago napa cross arms.

Habang si Sarah naman ay blangko lamang ang expression ng mukha.

Noon din biglang sumulpot at umakbay si Billy kay Raven na hindi ko alam kung saan nang galing.

"Ayos ka rin ha. Hindi lang balikan ang nangyayari, gusto agad kasal. Ang totoo? Saan ka kumuha ng lakas ng loob--"

"Ako ang may gusto ng kasal, pwede ba?" Sabat at putol ko kay Billy na tinitignan si Raven nang may halong pagbabanta.

"Huwag nga ninyong ginigisa si Raven, ako ang pakakasalan hindi naman kayo." Sabay hablot ko sa braso nito at hinila ito mula kay Billy.

Bigla na naman kami nakarinig ng isang malutong na pag tawa mula kay Adriana na ngayon ay kadarating lamang, ngunit halatang narinig ang aking sinabi.

"Tumatanda na kasi kaya nagmamadali nang maikasal. Pumayag na kayo." Panunukso pa nito atsaka napatango kay Raven.

"Okayyyyy." Chorus naman nang tatlo habang napapatango.

"BUT." Bigay diin na muling sambit ni Adriana. "Stop that thing right now, dapat pinaghahandaan ang pag popropose hindi ganyan!" Lumapit ito sa amin atsaka mabilis na hinigit si Raven mula sa akin.

Hindi na ako nakapag protesta pa dahil agad na pinandilatan ako nito ng kanyang mga mata.

"Kailangan mo muna kaming talunin..." Muling sambit ni Adriana kay Raven.

"Sa inuman." Dagdag pa niya. Agad na napatawa si Lila at Sarah ganoon din si Billy.

"Adriana's right." Pag sang-ayon naman ni Breeze na ngayon ay parang hinihingal pa sa paglakad kasama ang kanyang asawa, habang naka buntot naman sina Sommer at Ivy sa kanila.

Sina Aerin at Rae lamang ang wala rito ngayon at hindi nakasama sa amin dahil masyadong abala ang mga ito sa ganitong season. Si Aerin na kaliwa at kanan ang mga kompanya, habang si Rae naman ay mayroong nakakasakal na schedules at mall shows.

Hindi nakaligtas sa aking paningin ang pagtitig ni Adriana kay Raven nang masama. Awtomatiko naman na napalumok si Raven dahil dito.

"Sa amin ka muna dadaan bago mo tuluyang maging asawa si Alice. Get's mo?" Napatango na lamang ang kawawang Raven sa kanila.

Napatawa na lamang din ako dahil sa cuteness ni Raven. Ngunit hindi parin nawawala sa aking dibdib ang nararamdamang inis sa aking mga kaibihan.

Napapailing at napahilot ako sa aking noo na muling nagbaling ng tingin kay Adriana.

Kahit kailan talaga panira sila ng moment.

"Teka nga, bakit ka ba kasi kayo nandito?" Tanong ko sa kanila at isa-isa silang tinignan sa kanilang mga mukha. "Atsaka paano ninyo natunton na narito kami ni Raven?"

Makahulugan at defensive na tinignan ng mga ito si Billy na ngayon ay kunwaring nagpapalinga-linga sa paligid.

Agad naman na nakuha ko ang ibig nitong sabihin.

"Ah, I got it. Someone tracked where I was through gps connected to my cellphone. Am I correct?"

Mabilis na muling napalingon si Billy sa akin.

"Worried lang kami. Hindi namin alam kung nasaan ka, akala namin tuloy baka may kumuha na sayo. You know---fine! Sorry." Biglang paghingi nito ng tawad sa huli dahil tinignan ko siya ng masama.

"Tama na nga 'yan." Biglang awat ni Breeze bago nito ibinaling ang kanyang paningin kay Raven. "You'll come with us."

"But--"

"No buts no ifs." Aangal pa sana ako nang mabilis akong putulin ni Sommer. "Kailangan niyang makisama kung ayaw niyang tuluyan na hindi ka na maging asawa." Dagdag pa nito.

"TAMAAAA!!" Pag sang-ayon naman agad ng iba.

Walang nagawa na napapabuntong hininga na lamang ako dahil sa kakulitan nilang lahat. Nakakainis lang! Sana naman bigyan man lamang nila muna ako ng privacy, hindi ba?

Ngayon na nga lang kami ulit nagkita ni Raven eh. Tapos ganito ang mangyayari? Ang sama-sama ng loob ko.

Masyado silang protective kahit na hindi ko naman na kailangan dahil matanda na ako. Hays!

---

Matapos ang tatlong araw na pamamasyal sa Cebu ay nakabalik na kaming muli ng Manila. This time, kasama na namin si Raven dahil ayaw rin itong tantananan ng mga kaibigan ko.

Eh kung sila nalang kaya ang magpakasal kay Raven? Hanip din eh! Gusto ko lang din naman na maikasal sa babaeng mahal ko, katulad nila ha?

Pero kung anu-anong kalolohan pa ang inuuna nila kaysa sa nararamdaman ko.

Ilang araw ko nang kinikimkim itong sama ng loob sa dibdib ko dahil sa kanila. Ni hindi ko makausap si Raven nang hindi sila kasama. Hindi ko siya ma solo. Palaging si Adriana at Billy ang nasa tabi niya imbis na ako. Ang saya diba?

At ngayon nga, buong araw na silang magkakasama pero hanggang ngayon eh hindi parin nakakabalik. Malapit nang maghating gabi, pero kahit anino ng mga ito ay hindi ko parin matanaw.

Hindi ko magawang tawagan si Raven upang kumustahin o itanong kung nasaan ba sila dahil kahit cellphone nito ay naka turn-off.

Nag-aalala lang naman ako kasi baka kung napano na 'yon. Baka may ginawa na silang hindi maganda.

"I can't wait anymore!" Naghihikahos na bulyaw ko kay Rae habang pumaparoon at parito mula dito sa loob ng opisina ko.

Pinapunta ko siya rito dahil kailangan ko ng makakausap, dahil kung hindi, parang masisiraan ako ng bait. And so is Aerin na ngayon ay kapapasok lamang ng pintuan, kasama nito sina Catherine and Ivy.

See? Mga asawa lang nila ang nandito. Habang iyong mga kaibigan ko, hindi ko alam kung saang lupalop hahanapin.

"Who knows, baka mamaya kung saan na nila dinala si Raven. Or baka naman may ginawa nang masama si Billy sa kanya, napaka impatient pa naman ng babaeng 'yon at ganoon din Adriana." Patuloy lamang ako sa paglabas ng sama ng loob.

Napahilot si Rae sa kanyang sintido.

"Well you please calm down. Hindi nila 'yon gagawin. Why? Kasi oras na ginawa nila ang bagay na iyon eh hindi mo sila mapapatawad." Pagpapakalma nito sa akin.

At sa wakas ay natigilan din ako bago tuluyang naupo sa tabi nito. Pinapagitnaan ako ngayon nina Rae, Aerin at Ivy habang si Catherine naman ay sa aming harapan naupo mula sa isang pahabang couch.

"Rae's right." Singit ni Aerin habang napapangiti ng nakakaloko. Bagay talaga sila ni Billy, parehas na maloko. Hmp!

Napairap lamang ako sa kanya ngunit pinagtawanan lamang ako. "I'm serious, Alice. Maghintay nalang tayo. At kapag lumipas pa ang isang oras na wala paring tumatawag mula sa kanila, ako mismo ang magrereport nito sa mga pulis. I promise!" Pagbibigay nito ng assurance sa akin.

Narinig kong napatawa si Ivy at Catherine.

"Irereport mo talaga sila?" Tanong ni Ivy.

"Even your wife?" Dagdag ni Cat. Mabilis na napatango si Aerin.

"Yes! Irereport ko sila ng kidnapping." Pagkatapos noon ay sabay-sabay kaming napatawa dahil sa kasagutan niya.

Ibang klase talaga itong mag-asawang ito.

Hindi pa man ako tapos sa pag tawa dahil kay Aerin nang siya namang biglang pagtunog ang cellphone ko.

Mabilis na tinignan ko kung sino ang caller, halos mapatalon ako sa tuwa nang makita ang pangalan ni Lila sa screen.

"Where the hell are you?! Alam mo ba kung anong oras na it---"

"Alice, calm down. OKAY?!" Pagtaas nito ng boses mula sa kabilang linya.

At siya pa galit?!

Nag-uunahan sa pagtaas baba ang aking dibdib bago muling napatayo at napasabunot sa aking buhok.

"I need you to come to this address. ASAP." Bigay diin nito sa huling sinabi. Pagkatapos noon ay may text message na dumating sa aking phone.

Mabilis kong tinignan ang text at galing iyon kay Lila na naglalaman ng address kung saan ako dapat pumunta.

Napalunok ako. "Wait, at ano naman ang gagawin ko rito ng ganitong oras?" Nagtataka na tanong ko sa kanya.

"Just be there. Raven's waiting for you."

Mas lalo pa yatang lumakas ang kabog sa dibdib ko noong banggitin nito ang pangalan ni Raven.

"Lila, kapag may ginawa kayong masama sa kanya, I swear! I fcking swear to you---"

"Pwede bang pumunta ka nalang?" Putol nito sa akin at pagkatapos ay binabaan na ako ng tawag.

Ayt? Kita mo ugali nito.

Nagtataka at kunot noo naman na pinanonood lamang ako nang apat. Tinignan ko sila isa-isa atsaka mabilis na kinuha ang aking bag.

"Where are you going?" Biglang tanong ni Catherine dahil nagmamadali na ako sa paglabas ng aking opisina.

"I'll call you later." Iyon na lamang ang tanging nasabi ko dahil may pakiramdam ako na hindi magandang nangyayari ngayon.

Lihim din na nananalangin na sana ay okay lang si Raven sa mga sandaling ito. Jusko! Gusto ko pang maikasal sa kanya, gusto ko pang magkapamilya kasama siya. Gusto ko pa siyang makasama ng mahabang panahon.

Kaya sana naman nasa katinuan pa ang mga kaibigan ko dahil kapag may nangyaring masama kay Raven. Hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sa kanila.

Mabilis na ipinarada ko ang aking kotse pagdating sa University kung saan nagsimula kami ni Raven. Ito ang pangalawang beses na binalikan ko ang lugar na ito, iyong una ay 'yong magkasama kami ni Raven.

Nagmamadali ang mga hakbang at halos takbuhin ko na ang oval field para lamang marating ito kaagad, dahil ang sabi ni Lila doon ako dumiretso.

Pagdating ko roon, muli akong natigilan at napahinto sa pag hakbang dahil sobrang napakadilim ng paligid. Wala akong makita na kahit na ano kung hindi ang iilang building sa may di kalayuan.

Akala ko ba nandito si Raven? Pero bakit wala naman yatang tao?

Sinubukan ko pa ang ihakbang ang aking mga paa, hanggang sa muli na naman akong napahinto. Sa tingin ko eh nasa gitna na ako ngayon ng oval.

Mabuti nalang at naisipan kong tawagan ang number ni Lila. Napahinga ako ng maluwag noong sinagot naman nito kaagad.

"Where the hell is she?! Wala namang ka tao-tao rito sa oval field---"

Halos lumuwa ang puso ko sa gulat noong biglang lumiwanag ang paligid. Hindi ako nakahanda kaya para rin akong nabuhusan ng malamig na tubig. At hindi lamang iyon, dahil nakita ko na si Raven na nakatayo sa unahan, ilang hakbang lamang ang layo mula sa akin.

Awtomatiko na ibinaba ko ang tawag.

Napakaway si Raven sa akin habang naka ngiti ng malawak. Habang ako naman eh parang napako lamang sa aking kinatatayuan habang pinagmamasdan siya mula sa malayo.

Hindi ko maintindihan pero bakit tila ba kusa na lamang kaming ibinalik sa nakaraan. Lalo na noong biglang tumugtog ang isang hindi masyadong pamilyar na kanta sa akin, ngunit ang sarap-sarap sa tenga pakinggan.

Nagsimula si Raven sa paghakbang ng kanyang mga paa patungo sa akin.

Dala na rin siguro ng nakakatouch na moment, isama mo na rin na nasa oval field kami ngayon kung saan nagsimula talagang umusbong ang pagmamahal ko para kay Raven. Pati na rin iyong nakakataba sa puso na lyrics ng kanta, ay awtomatiko na nag-unahan sa pagpatak ang aking mga luha.

Mas lalo pa akong naiyak at nanghina ang mga tuhod ko, noong marealize na ang outfit na suot ni Raven ngayon ay ang katulad ng suot nito noong unang beses ko talaga siyang makita. Noong unang beses kong makita ang kanyang kagandahan sa isang convenience store. Kahit na may basag ang labi nito noon, walang ibang nagmamatter sa akin kung hindi ang magandang mukha nito at nakakaakit niyang mga mata.

Napasinghot ako atsaka napakagat sa aking labi noong tuluyan itong huminto sa aking harapan.

Sinalubong niya ako ng kanyang signature smirk bago piningot ang ilong ko.

"Hi, Attorney." Pagbati nito sa akin.

Parang tanga naman na hinampas ko ito sa kanyang braso at mas lalo pang naiyak. As in, iyong iyak na masaya? Iyong iyak na sobrang nadadala ng emosyon, iyong iyak na dahil sobrang thankful ako, iyong iyak na dahil alam kong maswerte ako, dahil sa ilang taon na naghiwalay kami, pilit parin kaming pinagsasama ng tadhana.

Narinig kong napatawa ito ngunit naluluha na rin ang mga mata.

"Stop.." Saway nito sa akin. "You shouldn't be crying, you should be happy."

Ngunit parang bata parin na umiiyak na tinignan ko siya pero napapatawa. Siraulo lang diba?

"I'm crying because I'm happy...huhuhu." Napatawa itong muli bago ako niyakap ng tuluyan. "Bakit kasi 'yang outfit na yan ang suot mo?" Dagdag na tanong ko pa.

Muling kumalas ito sa pagyakap.

"Why? What's wrong with my outfit?" Tanong nito. "I just want to remind you how you met me. At ito, dito mo ako nakilala. Dito mo ako minahal at hanggang ngayon minamahal mo ako." Dagdag pa niya.

Marahan na pinunasan nito ang luha sa aking mga pisngi. Napapahikbi parin ako.

Noon naman nakita ko ang anim na babae na naglalakad sa may unahan, papalapit sa amin. Hindi ko masyadong maaninag ang kanilang mga mukha dahil nanlalabo pa rin ang aking mga mata dahil sa pagluha. And they were wearing their cheer dance uniforms.

Huli na nang marealize ko na mga kaibigan ko pala ang mga ito, nang huminto sila sa aming harapan.

Hindi ko mapigilan ang mapatawa dahil sa mga itsura nila kahit na naiiyak parin ako dahil kay Raven.

Lalo na si Billy na astig, I can't believe na makikita ko siyang magsusuot ng ganito.

Walang sabi na nag perform sila sa harap ko at sa harap ni Raven. They really dance like a real cheer dancer in front of me. I couldn't help but laugh even more.

Ito kasi ang kauna-unahang nakita kong sumayaw sila ng ganito, hindi naman sila ganito kahit noong high school pa lamang kami. Except Sarah, dahil isa iyon sa mga talent niya. Kaya hindi ko mapigilan ang hindi matuwa sa kanila.

Sandali lamang ang naging performance nila hanggang sa sabay-sabay na tumalikod ang mga ito, na hindi ko alam eh mayroon palang naka print na letters sa mga likod nila.

Breeze - ATTORNEY

Billy - WILL

Lila - YOU

Sarah - BE

Adriana - MY

Sommer - WIFE

And that moment, my world stopped again, especially when Raven suddenly knelt in front of me while holding the ring, a real ring with an expensive blue diamond.

Muli, lumuluha na napayuko ako upang salubungin ang mga mata ni Raven. Kusa na lamang ding nag-unahan sa pagpatak ang kanyang mga luha, ngunit pinapanatili nitong kalmado ang kanyang sarili.

Napalunok siya habang nakangiti sa akin.

"Itinuloy lang namin ang hindi natuloy na plano para sana first anniversary natin noon." Panimula niya bago napatawa atsaka pinunasan ang sariling luha.

"But this time, it's not just you about being my girlfriend, but I'm going to ask you to be my lifetime lover and my wife." Muling napalunok ito at napakagat sa kanyang labi.

Habang ako naman ay napapatulala parin sa kanyang mukha. Sobrang na nagugulat lang kasi talaga ako, kahit na alam kong may balak na siyang mag propose hindi ko pa rin inaasahan ang gabing ito.

"Alice, I can't see my future with anyone but you. YOU are my future. I want to have kids with you, I want you to be the last person I see before I go to bed and the first person I see in the morning." Pagpapatuloy niya.

"You are the one I want to carry my last name and not someone else's. And...I love you, Attorney. You are the only one I want to love until my last breath." Habang sinasabi niya ang mga katagang iyon ay patuloy lamang din na tumutulo ang kanyang mga luha.

I am so speechless at the moment. There is no word that wants to come out of my lips but...

"YES!" Gulat na muling napatitig ito sa akin. "Diba ang sabi ko naman sayo, sa kasalan din naman talaga tayo pupunta. Kaya, oo. Pumapayag akong pakasal sayo, Raven."

Kumikinang ang mga mata na mabilis itong napatayo. "Thank you!" Pagkatapos ay marahan na hinalikan ako sa aking noo.

Kinuha nito ang kamay ko at sa wakas! Naisuot din nito ang singsing na dapat ay noong sa Cebu pa niya naisuot sa akin.

Kasabay noon ang pagsakop nito sa aking labi upang ako ay halikan na agad ko rin naman na ginatihan.

"Ahem!" Rinig naming pagtikhim ni Sarah.

"Oh, please. Don't mind us." Dagdag naman na komento ni Adriana.

"Pipikit lang kami." Saad ni Billy.

"Kaya Raven, tukain mo lang 'yan!" Pahabol naman na sigaw ni Sommer dahilan upang mapatawa kaming lahat.

Love is just a word until someone comes along and gives it meaning.

And it was Raven who gave me the meaning of love.

I never had a chance to love others, but that's fine. Because since I loved Raven, I have no other desire to love but her.

I know in real life nothing exists forever, but in my heart, I will love her...forever.

And I am also forever grateful to my friends. Because they existed in my life, because of them, I also found love that is unique and pure.

From Breeze to Sommer, I saw how powerful love is, which I carried all the way to my own love story.

Something that made me even stronger and one of the things that made Raven and I's story better...

Hey guys, sorry because I had to remove some chapters of this book. The full story can only be read if you purchase a digital copy from me. Thank you so much for supporting my work! :)

Jennexcreators' thoughts