webnovel

CEO, Unstoppable Love

Urban
Completed · 227.4K Views
  • 5 Chs
    Content
  • ratings
  • N/A
    SUPPORT
Synopsis

A multi-billionaire cold hearted CEO. Siya ang klase ng lalaking hindi lubusang maisip na magmamahal ng isang ordinaryong babae. Isang babaeng mamahalin niya na handang ibigay ang lahat makuha lamang ang pagmamahal na inaasam. Dahil sa karanasan at pinagdaanan sa buhay ni Laura, naging matigas ang kanyang puso sa mga taong nakapaligid sa kanya. Siya ang klase ng babae na handang maging bato ‘wag lamang muling masaktan. Tunghayan natin ang isang tapat, wagas at walang hanggang pagmamahal ni Syd para kay Laura. Matututunan kaya ni Laura na buksan ang kanyang puso at mahalin si Syd? Hanggang saan nga ba aabot ang pagsusumikap nilang makamtan ang pagmamahal ng bawat isa.

Tags
3 tags
Chapter 1Chapter 1

LAURA'S Point of View

Pupunta sana ako ng library pagkatapos ng klase, kaya lang naalala ko na may kailangan pa 'kong kunin na files sa dorm kaya naman napag-desisyunan ko na umuwi na lang. Malapit lang ang dorm sa university kaya nilalakad ko lang iyon.

Limang palapag ang dorm at nasa pangatlong palapag ang kwarto ko. Nasa pintuan na ko at pakatok sa pinto ng biglang may kung anong ungol akong naririnig. Para pa akong tanga na nag-usisa at tinapat ang tainga sa pintuan.

"Si Mandy talaga! Sino na naman kayang lalaki ang kasama niya ngayon?!" tanong sa isip ko. Roommate ko si Mandy simula pa ng first year college at tinuturing ko na din itong isang matalik na kaibigan.

Aalis na sana ako nang narinig ko ang pamilyar na boses na tumawag sa pangalan ni Mandy. Sinubukan kong buksan ang pintuan dahil sa pag-uusisa ng aking isip. Nagulat ako dahil hindi iyon naka-lock. Ayoko sana gawin ito dahil privacy ng dalawa ito, ngunit hindi ko alam kung bakit inu-udyukan ako ng aking isip at puso na buksan iyon.

Pagbukas ko ng pinto ay nanlaki ang aking mga mata . Si Mandy nakapatong sa ibabaw ni Gabby. Si Gabby na boyfriend ko. Si Gabby na minamahal ko.

Napatingin sa akin ang dalawa, pero muli kong isinara ang pinto ng makita nila ako. Umiiyak at nanghihina ako habang palabas ng dorm. Natuliro ako sa mga nakita ko at wala sa isip ko kung saan ako pupunta. Napaupo na lang ako sa isang tabi habang nakapasabunot sa buhok ko.

"Bakit Gabby?! Bakit mo nagawa sa akin ito?" bulong ko sa aking sarili. Alam ko wala akong pagkukulang sa kanya at ganun din naman siya sa akin. Araw-araw pinaparamdam sa akin ni Gabby na mahal at mahalaga ako sa kanya. "Bakit nagawa niya ito sa akin?"

Tumayo ako. Naglakad-lakad sa kawalan ng may madaanan akong isang bar. Pumasok ako roon at nag order ng alak. Hindi ako sanay uminom, pero para kalimutan ang sakit na nararamdaman, gagawin ko.

I was lost at hindi ko na alam ang aking ginagawa. Pasuray-suray na ako mag-lakad. Nabigla pa ako ng may makabungo akong lalaki. Naaninagan ko ang mukha nito pero ilang segundo ko pa lang siyang tinitignan ay nawalan na ako ng malay.

"Arayyy!" mahinang bigkas ko.

Nakaramdam ako ng kakaibang sakit sa aking katawan. Maliwanag na ang sikat ng araw ng magising ako. Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata at tinignan ang buong silid. Nanlaki pa ang mata ko sa sobrang laki at ganda nito. "Paano ako napunta sa lugar na ito?" tanong ko sa aking sarili.

Mabilis akong tumayo, sinuot ang mga damit at palabas na ng pintuan ng biglang bumukas ang pintuan sa banyo. Marahan akong napapikit habang nakatalikod. Ilang beses akong napabuntong hininga dahil iniisip ko kung di-diretso na ba akong aalis without saying goodbye o haharapin ko ba ito.

Napalunok ako ng marinig kong magsalita ito. Bumuntong hininga ako bago nagkaroon ng lakas loob na harapin ito. Nagulat pa ako ng makita kung sino ang kaharap ko.

"Wa- Mr. Syd Walton?!" gulat na sambit ko.

Yes! Kilala ko siya dahil kapatid siya ni Erl. Ang tinuturuan kong estudyante. Wala akong gaanong alam sa pagkatao nito bukod sa pagiging CEO ng kanilang sariling kumpanya.

Nawala ako sa sarili nang makita ang makisig na katawan nito habang pinupunasan niya ito ng tuwalya. Napalunok ako at napatitig sa kanya. Bumalik lang ako sa ulirat ng magsalita ito.

"Mag breakfast muna tayo, then pag-usapan natin ang nangyari." kaswal na tugon nito.

Nanlaki ang aking mata at nag-init ang aking pisngi.

"Hindi na!" agad kong tanggi. "May gagawin pa akong importanteng bagay kaya kailangan ko na umalis." ngiting sabi ko.

"Are you sure? Ayaw mo ba pag-usapan ang nangyari sa atin kagabi?" seryosong tanong nito sa akin.

Ano pa ba ang kailangan pag-usapan? Alam ko na lasing ako at hindi ko alam kung anong mga ginawa ko. Ayoko nang dagdagan pa ang kahihiyan ko kaya dapat umiwas na ako. Baka kasi kung ano lang din ang masabi ko sa kanya.

"Pasensiya ka na! Sobrang nalasing ako kagabi at hindi ko na maalala kung ano ang mga pinag-gagagawa ko." Napahawak ako sa aking batok. "Just let me leave. Okay? Kakalimutan ko na lang ang nangyaring ito. Again, I'm sorry!"

Mabilis akong lumabas ng kwarto. Halos manlumo ako habang naglalakad. Bago ako lumabas ng hotel, nag banyo muna ako sa ground floor. Doon napag-isip-isip ko na ang pinaka i-ingat-ingatan kong isang bagay ay nawala na, "Ang virginity ko!"

"What I have done?" bulong ko sa sarili. Napasampal din ako sa aking dalawang pisngi dahil sa kahihiyan na naranasan ko ngayon. Naguguluhan talaga ako sa mga nangyari at ayaw ko nang isipin ang kahihinatnan nito.

Pagdating ko sa dorm dumiretso ako sa kwarto. Muli na naman bumalik sa isipan ko ang nasaksihan kahapon. Nakahawak ako sa doorknob at may kaba ko itong binuksan. Napakalinaw pa rin ng mga nakita ko kahapon.

Pagkasara ko ng pinto ay napasandal ako roon. Bumungad ang mga luha sa aking mata nang hindi ko inaasahan. Napa-upo ako sa sahig at niyakap ang aking mga binti. Ilang minuto ako sa ganong posisyon bago muli tumayo at kunin ang aking mga gamit. Kailangan ko na din mag madali dahil kailangan ko pang pumasok sa eskwelahan.

Nakaramdam ako ng kirot sa pagitan ng mga hita ko habang naglalakad. Na-out of balance pa ako pababa sa building.

"Damn it! Ano bang ginawa ng lalaking 'yon sakin at naghihirap ako ng ganito?! Sobrang sakit talaga!" naiinis kong salita.

Pagdating ko sa eskwelahan, nakasalubong ko ang isang co-professor. Pinapatawag ako sa Dean's Office. "Kailan ba matatapos ang kalbaryo ng buhay ko?" tanong ko sa sarili. Pagdating ko sa pintuan ay bumuntong hininga ako, pagkatapos ay kumatok.

"Alam mo na siguro kung bakit kita pinatawag?" sarkastikong pagtatanong sa akin ni Dean Lin habang nakapangalumbaba.

"Tungkol na naman po ba ito sa anak niyo?" diretsong sagot ko. Si Dean Lin ay nanay ni Gabby.

"Matalino ka ngang talaga! Nahulaan mo kung bakit kita pinapunta." sabay tawa nito. "Alam mo naman na sa umpisa pa lang ay ayaw na kita para sa anak ko, 'di ba?"

Yumuko ako at hindi na nagsasalita. Simula kasi na malaman nito ang relasyon namin ni Gabby, puro panlalait na lang ang naririnig ko sa matandang ito. Kung noon ay kaya ko pa mag-pasensiya para kay Gabby, ngayon ay hindi na.

"I will give you two option. Ofcourse, related ito sa anak ko at sa career mo." Sambit nito habang may ngiti sa labi. "Mamili ka. Una, tatanggapin kita bilang nobya ng anak ko at tatanggapin iyon ng buong puso. Kapag pinili mo si Gabby, I will reject your application para maging professor dito sa university. Pangalawa, lalayuan mo ang anak ko and you will get your dream work." tumayo ito at naglakad papunta sa tabi ko.

"Mag isip-isp kang mabuti. My son or your dream job?" Inikutan ako nito at hinawi ang buhok ko. "Ulila ka na at sarili mo na lang ang inaasahan mo para mabuhay. Hindi ba't ikaw din ang nagsabi sa akin na pangarap mong maging professor para sa yumao mong nanay? Now! I'm giving you the best option and I hope na gamitin mo naman ang katalinuhan mo sa ganitong sitwasyon."

"Hindi ako ulila," malamig na tugon ko sa kanya. Hindi ko mapakuyom ang mga palad ko dahil sa sinabi nito.

"Oh really? May I remind you wala kang ina. Mas lalong wala ka din ama. Anong tawag mo dun?" pabalang na tugon sa akin.

Hindi ako sumagot sa sinabi niya bagkus tinignan ko ito nang napakatalim dahil sa galit na nararamdaman ko.

"I will choose the second option. 'Wag kayo mag-alala, lalayuan ko na ang manloloko ninyong anak. Hindi ko ipagpapalit ang pangarap ko para sa isang walang kwentang lalaking katulad niya." mahinahon na tugon ko.

Nakita ko ang pagkagulat at pagtataka sa mata nito. Siguro ay iniisip nito na pipiliin ko ang anak niya. Well, noong pwede ko pang ipaglaban si Gabby pero ngayon, hindi na."

"Don't get back on your word and stay away from my son, understand?"

"Kung wala kayong tiwala sa akin at natatakot kayo na magbago ang desisyon ko, I can make an agreement na makikipag-hiwalay na ko sa inyong anak."

"That's great! In this past 2 years, I give you enough face at hindi ko hinadlangan ang pag-iibigan niyong dalawa. Ngayon na ga-graduate ka na, hindi ko na kailangan pang makipag-plastikan sa'yo. Matalino at wais ka ngang talaga." ngising sabi nito.

"I know!"

Nang lumabas ako sa Dean's Office, malakas ang ulan. Sumugod ako doon at tumakbo palabas ng gate. Kailangan kong magmadali, dahil may tuturuan pa akong estudyante. Part-time job ko ang pagtu-tutor.

SYD'S Point of View

Pag-pasok ko pa lang sa bar namukaan ko na ang isang babae. Napatitig ako dito dahil kahit malayo, nakilala ko na ito. Lumingon ako sa paligid upang malaman kung may kasama ba ito, pero ni isa ay walang lumalapit at tumutulong sa kanya. Gumegewang-gewang na ito ng papalapit sa akin. Medyo nakapikit na rin ang mata nito dahil siguro sa kalasingan. Gustuhin ko 'man itong iwasan ay bumunggo ito sa akin. Malamig ko pa ito tinignan dahil sa pagkakatitig nito sa aking mukha. Kinikilala niya ako but she can't recognize me dahil lasing siya. Sa amoy pa lang nito ay masasabi ko na marami ang nainom nitong alak. Napasalo ako nang bigla itong nawalan nang malay.

"Shit! Iinom-inom 'di naman pala kaya ang sarili." reklamo ko sa sarili ko.

Binuhat ko ito palabas ng bar at isinakay sa kotse ko. Kilala ko ito dahil siya ang tutor ng kapatid kong si Erl. Hindi ko alam ang tirahan niya kaya naman dinala ko siya sa isang hotel na pag-aari ko. Pagdala ko sa kanya sa kwarto ay inihiga ko ito sa kama. Bibitawan ko na sana ito ng biglang tumulo ang luha sa mga mata niya sabay hikbi. I was wondering kung anong nangyari sa kanya at bakit ito umiiyak pero hinayaan ko na ito.

Muli ay sinubukan ko itong bitawan ngunit nabigla ako sa ginawa nito. Pinulupot nito ang dalawang kamay sa aking leeg at hinalikan ako. Hindi naman ako nakainom, pero nakaramdam ako nang init ng katawan. 'Di ko napigilan ang sarili ko na tugunan ang halik nito. Umpisa pa lang ay pinipilit ko ng iwasto ang aking pag-iisip pero hindi ko nagawa.

Sa buong magdamag ay ilang beses kong inari ang kanyang katawan dahil siya mismo ang nagpaubaya sa kanyang sarili.

Pagkagising ko ay putok na ang araw. Bago ako tumayo ay muli kong sinilayan ang mukha ng babaeng katabi ko. Napangisi ako dahil mahimbing pa rin itong natutulog.

Paglabas ko ng banyo ay nakita ko na itong palabas sa kwarto na pinagtataka ko. Bakit aalis siya? Wala 'man lang paalam o hindi man lang ba siya magtatanong?" Naglakas ako ng loob na magsalita.

"Gising ka na pala! Where are you going?" seryosong tanong ko.

I am glad as a man na ako ang unang lalaki na nakakuha ng kanyang pagka**bae. I just want to make a deal with her, kaya lang ay umiiwas ito. Wala din siyang kahit na anong gusto bukod sa kalimutan ang nangyari sa amin dalawa. Napataas ako ng kilay at napabulong sa sarili ko. "May babae pa palang katulad ni Laura." Usually, ang mga babae na nakakasiping ko sa kama ay gusto akong perahan o mag demand ng kahit anong bagay. Kaya naman naisip ko sa sarili na iba siya sa lahat ng mga nakilala ko.

Napangiti ako at naisip na tawagan ito.

"Since you don't want anything, just let me know kung may maitutulong ako sa iyo sa ibang bagay. I will not hesitate na tulungan ka just to pay on what you've lost!"

"You mis-understood me, Sir. Hindi ko binebenta ang puri ko!" pagalit nito sabay baba ng tawag.

Napataas ang kilay ko sa sagot niya. Nangibabaw pa ang inis ko ng busy tone na ang narinig ko sa kabilang linya.

"You dare to hang up first, huh?! You'll see!" Inis kong sabi sa sarili.

You May Also Like