webnovel

Devil 36: The Party 2

Warning! Never mind the translation dahil may sarili akong translator🤣 wag nyo na i-google dahil baka mag-iba ang interpretation kaya kung ano ang nakasulat dyan. Yan na yun!🤣

Enjoy reading😊

*****************************************

Someone's Pov

Matapos sipatin ang sarili sa salamin ay lumabas na ng kanyang kwarto si Jack.

Naabutan niyang naghihintay sa labas sina Shane at James na parehong nakaformal attire.

Iyon kasi ang motif ng parting pupuntahan nila.

"Jack, what are you wearing?" Di makapaniwalang bulalas ni Shane ng makita siya.

"Any problem?" Tanong niya.

"Of course there is. Oh my God! Sinabi ko na kasi sayong ako na ang bahala sa susuutin mo pero di mo ako pinakinggan." Ani Shane na sinipat ang suot ni Jack.

Napatingin naman sa kanyang suot si Jack.

"What's wrong with my attire? This is formal right?" Walang ganang tanong niya.

"Yeah, too formal na dinaig mo pa ang aatend ng meeting de avance ng school. Jack, party yung pupuntahan natin hindi senate hearing." Naparoll eyes na turan ni Shane.

"Tss, this will do. Besides, I'm not important to this party." Aniya at akmang aalis na nang harangan siya ni James.

"What?" Kunot noong tanong niya.

"Shane's right. Mas magiging nakaw pansin tayo kapag tumuloy tayo na ganyan ang suot mo. It's old fashion Jack" Anito.

Napataas ang isa niyang kilay kay James at binigyan ito ng 'Ano namang alam mo sa fashion?' look.

Hilaw na napangiti naman si James nang marealized ang sinabi sa kaharap.

"Ah, ha.ha. Shane, please let her change." Ani James sa kapatid dahil baka bigla na lang siyang bigwasan ni Jack.

Napabuntong hininga naman si Jack at napatingin sa relo.

"Fine." Walang nagawang turan niya saka binalingan si Shane subalit bigla siyang natigilan nang may masense na paparating.

Mabilis siyang napatingin sa pinto.

"Get hide, Now!" Malakas na turan niya sa dalawa na noon ay biglang nataranta.

Mabilis siyang kumilos at isang kisap mata lang ay nasa gate na siya ng kanilang bahay habang nakatingin sa paparating na sasakyan.

Mabilis niyang in-on ang kanyang auto-watch na syang nakaconnect kay Raygun.

"Raygun, come here." Aniya rito.

Ilang sandali pa at nasa harap na niya si Raygun at mabilis niya itong sinakyan. Medyo nahirapan siya sa suot niyang palda kaya naman walang pagdadalawang isip niyang pinunit ito.

Mabilis niyang pinaharurot si Raygun at nang ilang metro nalang ang layo niya sa paparating na unidentified visitor ay tumigil siya at humarang sa daanan nito.

Ipinikit niya ang mga mata upang maactivate ang scanner sa lens niya. At ini-scan ng paparating na hindi rin pangkaraniwang sasakyan.

Isa lang ang sakay nito ngunit napataas ang kilay niya nang makilala ito.

Napaarko ang gilid ng labi niya at inihanda ang sarili.

Nang malapit na ang sasakyan ay tumigil ito at bumaba ang sakay na nakasuot ng helmet.

Naglakad ito sa harap ng sasakyan nito na noon ay nakabukas pa ang ilaw.

"Who are you?" Kunwa'y tanong niya.

"You'll know when you beat me!" Sagot nito at wala pang ilang segundo ay mabilis itong sumampa sa harap ng sa sasakyan nito at parang ibon na lumipad palapit kay Jack.

Napangisi si Jack at hinintay na makalapit ito. At nagsimula na silang mag pambuno.

Magaling itong makipaglaban at aaminin ni Jack na nag improved ang fighting skills nito mula nung huli niya itong nakalaban.

"Ahh!" Sigaw nito kasabay ang malakas na back side kick nito sa kanya na mabilis naman niyang nailagan.

"Are you just going to dudge it? Why not fighting back Wargon girl?" Nakangising turan nito sa kanya.

Napatiim bagang siya at sinenyasan itong lumapit.

Inis na sumugod naman ito sa kanya at walang pakundangang sunod sunod siyang pinagsisipa.

Mabilis niya itong nailagan at walang hirap na dinaklot sa maliit nitong beywang at inihagis sa sasakyan nito.

Napaigik ito sa sakit dahil sa liit ng katawan nito.

"Ugh! Fuck!" Inis na bulalas nito saka pilit na tumayo.

"Jack!" Humahangos na dumating naman sina Shane at James na may dalang mga armas ngunit natigilan sila nang makita ang sitwasyon.

"What the hell!" Inis na bulalas ni Shane dala ng disappointment.

"Kinabahan pa naman ako, sana pala popcorn ang dinala ko at hindi baril!" Naparoll eyes na saad niya.

Pagak namang napatawa ang taong kumalaban kay Jack na noon ay nagtanggal na ang helmet nito.

"Thanks for the help Shanix!" Nakairap na turan nito kay Shane.

"My pleasure, bitch!" Nakairap ding sagot ni Shane dito.

"Shaney, stop it." Suway naman sa kanya ni James at nilapitan ang babae.

"Jichell, are you alright?" May pag aalalang tanong dito ni James saka ito inalalayang maglakad.

"Yeah, Komawo Oppa." Aniya rito. (Thanks Kuya James)

"Ano bang ginagawa nya dito?" May bahid na inis na tanong ni Shane. Una palang ay hindi na talaga magkasundo ang ugali nila ng bagong dating subalit meron din namang mga bagay na sila lang ang magkasundo.

Napabuntong hininga si Jack.

"Message courier or maybe a guardian." Walang emosyong sagot niya.

Nang makalapit ang dalawa ay napahalukipkip siya sa kanilang bisita.

"What does he want?" Seryosong tanong niya sa babae.

Bahagyang napaigik pa ito mula sa pagkakabagsak saka sumagot kay Jack.

"Geuneun naega dangsingwa hamkke yeogi issgileul wonhabnida." (He wants me to stay here with you.) Anito.

"Dangsin-eun hal su issseubnida!" (You can not!) Walang alinlangang sagot niya.

"Mwo? But I want to stay here." (What?) Anitong bahagyang napanguso.

"You can't stay here and that's final." Ani Jack saka tinalikuran na ito.

"Jack! Bogo sipgo baeugo issseubnida. ssauneun beob-eul se-usibsio." (I miss you and I want to learn from you. Please, teach me how to fight.) Sigaw nito kaya napahinto si Jack.

Napabuntong hininga siya at tumingin dito.

"Just one month." Sagot niya at sumakay na kay Raygun.

Napatalon naman sa tuwa si Jichell sa narinig.

"Omo! Kamsahamnida Sunbenim!" (Oh my! Thank you Jack!) Masayang sigaw nito at napayakap pa kay Shane na agad namang siyang tinulak nito. Benelatan pa ito ni Shane saka nakairap na umalis.

"Don't mind her. Let's go?" Hilaw na napangiti si James at inakay ito pauwi ng bahay.

Nang makarating sa bahay ay pinaupo muna siya ni James sa sofa at akmang kukuha ng gamot nang may biglang ihagis si Jack kay Jichell.

"Drink it. We'll be late for the party." Ani Jack saka tumingin kay Shane.

"What do I have to wear?" Tanong niya.

"Oh yes, wait I'll get you a dress." Ani Shane at akmang aakayat ng pigilan siya ni Jichell.

"No need. I brought Jack's dress." Nakangiting turan nito.

Napataas ang kilay ni Shane dito.

"Really? You brought it all the way from Korea or LA?" Tanong ni Shane showing her bitchy face.

"Relax Shanix, I bought it from here. Besides, it's really suitable for Jack." Anito.

Ilang sandali pa ay may narinig silang busina sa labas. It's Jichell's car na tulad ni Raygun ay automatic din.

"Will you get it for me please?" Pacute na utos nito kay Shane kaya naman nakatikim ito ng pamatay na irap ni Shane subalit sinunod parin nito dahil malapit na silang malate.

"Wow!" Bulalas nilang tatlo nang bumaba si Jack wearing the dress na binigay ni Jichell.

Maging si James ay napanganga din sa itsura ni Jack. Nagmukha kasi siyang tao este babeng babae sa suot niya.

She's like an elegant woman in her dress.

"Too much for the show. Are we still going or you're just going to watch me here?" Saad niya at waring dun lang natauhan ang tatlo.

Hindi sila kaagad dumeretso sa mansion ng mga Montero dahil dumaan muna si Jichell sa hotel na pinag stayhan nito ngunit nagulat sila nang makita si Dr. Snyder na naghihintay sa kanila.

"Father!" Di napigilang bulalas ni Shane at patakbong sinalubong ng yakap ang matanda.

"Shaney!" Masayang salubong naman ng matanda at niyakap ng mahigpit ang itinuring niyang anak.

"I missed you so much Dad!" Naluluhang turan ni Shane dahil parang ama na talaga ang turing niya dito.

"Me too baby, I missed you too." Ani Dr. Snyder at napatingin kina Jack.

Nakangiting lumapit naman sa kanila si James at niyakap rin ang matanda.

"How are you guys doing?" Anang matanda matapos nilang maghiwalay.

"We're fine. It's just that.." Hindi naituloy ni James ang sasabihin dahil napatingin siya kay Jack na noon ay matamang nanonood lang sa kanila.

Nang walang nakuhang reaksyon mula kay Jack ay saka siya nagpatuloy sa pagsasalita.

"We've met a few shadow hunters here." Ani James.

Napanganga ang matanda at agad na bumalatay sa mukha ang pag-aalala.

"Then why are you still here? Why didn't you tell me sooner? Why didn't you look for another place to live right away?" Takang tanong nito.

"Because I said it." Sagot ni Jack. Sandaling natahimik ang lahat.

"Why?" Tanong ng matanda kay Jack.

"You know why Simon." Seryosong sagot ni Jack.

"Are you telling me that you're still looking for him? I told you he might not here anymore. He must've been dead-!"

"IT'S NOT YOUR DECISION TO MAKE whether I stay here or not." Galit na putol dito ni Jack.

Saglit na natigilan ang lahat sa pagtaas ng boses niya.

Alam nilang hindi magandang ideya kapag nagalit siya. Ngunit napabuntong hininga siya upang ipaalam sa lahat na walang mangyayaring masama.

"But aren't you worried that Shane and James might get harmed if you stay here?" Maya maya'y tanong ng matanda.

"You can always bring them back to your place if you want Simon." Aniyang expressionless ng mukha.

"Dad please, stop it. It's not only Jack's decision why we're still here." Agap ni Shane sa matanda.

"And we decided to face them than to keep running away from them." Ani James.

Napabuntong hininga si Dr. Snyder.

"Alright. I understand. But are you sure about this? They're not a simple enemy like they used to be." Anang doctor habang nakatingin kay Jack.

"I know. And I already know how to reversed the code they're using to make a shadow hunter." Ani Jack.

"I'll trust them to you Jack." Anito saka hinawakan ng mahigpit sa kamay si Shane.

"And by the way. I'll leave you my other daughter too so I hope you can help her with her fighting skills. She always says that you're her best mentor." Anito at sumulyap kay Jichell.

"I already gave her a month. Let's see what she can do after that." Ani Jack.

"Thank you. And I'm sorry, Jack. I shouldn't tell you about -!"

"Enough! I don't wanna hear it again." Putol niya sa sasabihin ng doctor.

"Мне жаль." I'm sorry. Anang doctor. Bakas ang pagsisisi sa mukha nito.

Hindi naman sumagot si Jack bagkus ay tumingin lang siya sa kanyang relo.

"It's getting late. The Montero's are waiting for you. They already knew that you've been James's mentor but we said that it's just for a short time. Try to act less close to each other and be more ready for something about to happen." Ani Jack at nagpatiuna nang lumabas ng kwarto.

"Don't worry about her Dad. I assure you that Jack is better now than ever. You'll be surprised when you see it." Ani Shane sa matanda na bahagyang nagpaexcite rito.

At dahil hindi sila pwedeng makitang magkasama ay magkahiwalay silang pumunta sa party ng mga Montero.

Zero's Pov

"F*cked! I think I have a new crush dude!" Ani Cody na waring natulala din.

"Back off, she's mine!" Mabilis kong asik sa kanya ngunit agad din akong natigilan nang marelized ang sinabi.

What the hell am I saying??

"What? Iyo agad? Gusto mong patayin ni Jack? Magkasama lang sila dude oh. Ganda ganda ni Jack pinagtataksilan mo." Natatawang turan ni Cody.

"Pinagsasabi mo?" Asik ko sa kanya saka muling napatingin kay Jack subalit nawala na siya sa dating pwesto kaya naman napatingin ako sa paligid upang hanapin siya. At sa aking paglingon ay nagtaka pa ako sa nakita.

Heart? Takang napatitig ako sa babaeng nakatalikod sakin habang nakakapit sa braso ng lalaking kasama nito.

Hindi niya ako dinalaw kahit saglit nung nasa ospital ako dahil ang sabi nya ay may sakit din sya. Kaya akala ko ay di sya makakapunta dito ngayon.

What is she doing here then? And who is she with?

"Sandali lang guys, I think I saw Heart." Paalam ko sa dalawa saka umalis upang sundan si Heart na noon ay naglalakad na din kasama ang di ko kilalang lalaki.

Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng selos lalo na at parang hindi man lang ako hinahanap ni Heart gayung nasa bahay ko lang sya.

Huminto sila sa isang table na waring purong mga business man kaya lalo akong nagtaka. Hindi naman nya daddy ang kasama nya at wala din syang kapatid na lalaki at hindi rin naman ito ang kapatid ni Ashley.

Akmang tatawagin ko na ito nang may biglang humawak sa kamay ko at bago ko pa ito makita ay hinila na ako nito sa kung saan.

"Hey! What are you doing?" Asik ko rito dahil bigla akong hinatak sa dilim. Ngunit agad din akong natulala nang bigla siyang lumingon sakin at nagkasalubong ang aming mga mata.

Dugdug...dugdug...dugdug..dugdug..

Napalunok ako ng sunod nang matitigan ang purple niyang mata na waring nang aakit sa tuwing titingnan ko ito. Ang magaganda at malalantik niyang pilik na lalong nagpaganda sa mga mata niya.

Salamander!

Dahan dahang gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi at di ko naiwasang mapanganga dahil lalo siyang gumanda sa paningin ko.

"The look in your eyes were telling me that I am the most beautiful woman you've seen tonight." Anas niya habang hindi inaalis ang tingin saking mata.

Hindi agad ako nakasagot bagkus ay para akong nababaliw at iniisip kung pwede ko ba syang halikan kahit sandali lang.

Napalunok akong muli nang marinig ang mahina niyang pagtawa na para bang may nakita o narinig na nakakatawa.

"You know you can always kiss me Natsu." At bago pa ako nakahuma ay siniil na niya ako ng halik sa labi.

Nagulat ako sa ginawa niya subalit nang maramdaman ko ang malambot niyang mga labi ay unti unti akong napapikit at tinugon ang matamis niyang halik.

This devil is driving me crazy!

--

Next chapter