"Tara na!" tawag sakin ni Mama mula sa baba
"Bababa na po!" sagot ko naman habang nagmamadaling magsuot ng sapatos.
Isang linggo na lang kasi bago magpasukan kaya kailangan na naming mamili ng mga school supplies. Buti na lang ay walang pasok si Mama ngayon kaya masasamahan niya ako sa pamimili. Ayos lang naman sakin na mag isa bumili pero iba parin talaga kapag may kasama ka.
Sinabihan ko na sila Tita Kristine na hindi ako makakapunta sa kanila ngayon dahil nga aalis kami.
Naiisip ko pa lang na bibili na kami ng school supplies ay naeexcite na 'ko dahil bagong paaralan na yung papasukan ko. Bago na lahat kaya alam kong maninibago ako at hindi maiiwasang mag adjust pero ayos lang naman sakin dahil maraming akong makikilalang tao.
Pagkatapos kong makapagsuot ng sapatos ay nagmamadaling bumaba na 'ko dahil kanina pako iniintay ni Mama.
Hindi naman nagtagal ang byahe at nakarating na agad kami sa aming pupunta. Pumunta lang kami sa isang mall. Pumasok na kami sa loob pagkatapos iparada ni Mama yung sasakyan.
Eto din yung mall na pinuntahan ko nung nakaraan. Yung mga panahong iniwan ko si Brynthx na mag isa tapos tumawag siya sakin kaya akala ko may nangyari nang hindi maganda pero nalaglag lang pala niya yung garapon ng asukal. Natatawa na lang ako kapag naaalala ko yon.
Marami kaming nakitang store na nagtitida na ng mga school supplies, dahil siguro ay malapit na din ang pasukan.
Sinundan ko lang si Mama saka kami pumasok sa isang store. Kumaha na agad ako ng push cart dahil panigurado ay ako na naman ang pagdadalhin ni Mama ng lahat ng gamit na madampot niya.
Pagdating pa lang sa notebooks at papel ay ang dami na agad na kinuha ni Mama. Akala mo namang mauubusan. Lahat ata ng klase ay kinuha niya. Yung iba ay mukhang hindi naman kailangan kapag college pero kinuha parin niya.
Hinayaan ko na lang muna si Mama na magtingin tingin ng mga gamit na gusto niya tutal hindi naman ako ng magbabayad niyan. Nilibot ko ang paningin ko sa buong lugar hanggang sa naagaw ng atensyon ko ang isang pencil casa na may design na controller at nitendo switch.
Hindi ko alam pero unang pumasok sa isip ko ay si Brynthx nang makita yung pencil case. Lumapit ako don saka 'yon kinuha. Tumingin tingin pa ko ng iba dahil may iba't ibang design ang nandon.
Napangiti ako nang makakita ng pa ng pencil case na may design na chibi na nakadila. Si Blythe naman ang naisip ko ngayon.
Ano kaya ang ginagawa nila ngayon?
Napatanong na lang ako sa aking sarili na para bang hindi kami magkakasama kahapon.
Kinuha ko yung dalawang pencil case saka inilagay 'yon sa push cart na tulak tulak ko. Kulay black yung kay Brynthx habang kulay white naman yung kay Blythe. Baka kasi magtampo Blythe kapag si Brynthx lang yung binigyan ko. Isip bata pa naman yung isang 'yon
Hindi ko maintindihan yung sarili ko ngayon pero trip kong ibigay sa kanila 'yon. Mapagbigay ako ngayon pero kung ayaw nila edi hwag nilang tanggapin. Madali naman akong kausap.
Pagkatapos kong kunin yung penil case ay sumunod na ulit ako kay Mama saka tumuloy sa pamimili.
Nasa cashier na sana kami para magbayad nang mapansin kong pamilyar yung nasa nasa harap namin na nagbabayad ngayon.
Likod pa lang ay kilala ko na sila. Sinong mag aakala na hanggang dito ba naman ay magkikita kita parin kami.
Nagulat pa yung kambal nang magkaharap harap kaming tatlo.
"Helia?!" halatang gulat na sabi ni Blythe. Malakas ang pagkakasabi niya nito kaya mabilis na pinagtinginan kami ng mga taong nasa cashier.
Sinunggo naman ni Brynthx ang braso nito senyales na hinaan ang boses ng kakambal.
"Kanina pa kayo dito?" tanong saka lumapit sa kanila.
"Oo, kayo ba?" tanong naman pabalik ni Blythe kaya tumango naman ako bilang sagot.
Pagkatapos non ay inintay na kami nila Tita Lyn na makapagbayad saka sabay sabay na umalis sa store na 'yon.
Katulad ng aking inaasahan, iniwan na naman ako ng Nanay ko at sumama sa bestfriend niya. Nakakapit pa si Mama sa braso ni Tita Kristine na akala mong mga bata pa sila. Napailing na lang ako dahil hindi man lang ako tinulungan sa pagdadala ng mga napamili namin. Apura pa naman ang dampot niya ng mga gamit kaya tuloy ang dami kong bitbit.
Nauunang maglakad sila Tita at Mama habang nasa harap ko naman yung kambal. Naghaharutan na naman sila.
Himala na sumama ngayon si Brynthx. Madalas kasi ay hindi siya sumasama sa mga gala at nagpapaiwan na lang sa bahay nila para maglaro.
Inaasar na naman ni Blythe yung kapatid niya na nakabusangot na ang mukha. Buti na lang ay pinagpapasensyahan siya ni Brynthx dahil kung hindi ay baka batok at hampas na ang inabot ni Blythe.
Nakangising binubunggo bunggo ni Blythe si Brythx. Syempre hindi naman magpapatalo si Brynthx kaya binunggo niya din si Blythe hanggang sa nagharutan na naman sila. Pati dito ay walang gustong magpaawat.
Natatawang pinanood ko lang silang magharutan. Buti na lang ay kakaunti lang ang mga taong nakakasalubong namin dahil siguradong may matatamaan yung kambal sa ginagawa nilang kagaslawan.
Patuloy lang silang naghaharutan hanggang sa napalakas yung bunggo ni Brynthx kay Blythe dahilan kung bakit nawalan siya ng balanse pero mabilis na nahawakan naman ni Brynthx yung kapatid niya.
Nakita kong napahawak naman si Blythe sa dibdib niya na parang aatakihin dahil sa gulat. Pati ako ay nagulat din kaya lumapit na ako sa kanilang dalawa.
"Parang awa niyo na at maglayo na kayong dalawa bago pa kayo magkasakitan." awat ko sa kanila saka ako pumagitna para hindi na sila magharutan ulit.
Nararanasan kong atakihin ng wala sa oras kapag kasama ko ang kambal na 'to.