webnovel

Chapter 23

Pagkatapos ng takbuhang ginawa namin ni Blythe ay bumalik na ako samin at naligo. Hanggang ngayon ay nanlalata parin ako. Dito na ako samin kumain ng almusal saka nagtimpla ng kape pagkatapos. Pumasok ako sa kwarto ko saka sumilip sa bintana. Ilang beses ko munang hinipan yung kape bago humigop doon.

Nakitang kong nasa labas ng bahay yung kambal at pinaliliguan si Max. Parehas silang nakatalungko habang si Brynthx ay sinasabon nang maigi yung aso at si Blythe naman ang may hawak ng hose.

Natawa ako nang biglang lagyan ni Brynthx si Blythe ng sabon sa mukha. Napailing na lang ako nang makita na ganon parin ang suot ni Blythe. Nakaligo nako't lahat siya hindi parin.

Nagulat ako ng tutukan ni Blythe ng hose ang kanyang sarili. Dahil sa kanyang ginawa ay natanggal ang nilagay na sabon ni Brynthx sa mukha nito. Kahit may suot na damit pa si Blythe ay parang wala lang ito sa kanya at tuloy tuloy na binasa ang katawan. Doon na siya sa labas naligo kasama si Max.

Ngumisi naman si Blythe saka itinutok din kay Brynthx yung hose kaya parehas na silang basa, isama mo pa si Max. Ang alam ko yung aso talaga yung nililinis nila pero bakit sila na ngayong magkapatid ang nagbabasaan.

Nagmamadaling inubos ko yung kapeng aking iniinom saka bumaba para lumapit sa kanila.

"Hoy!" tawag ko sa kanila nang makalapit ako

"Why?" "Bakit?" sabay na sagot ng kambal.

"Tama na 'yan" sabi ko sa kanila nang makalapit ako saka pinatay yung gripo. "Hindi ba kayo nalalamigan? Baka magkasakit pa kayo nyan" naiiling na sermonn ko.

Kumuha ako sa tuwalya sa loob ng bahay nila saka inabot 'yon sa magkapatid. Hindi naman pwedeng basta basta na lang silang pumasok sa loob ng basang basa. Baka may madulas pa sa sahig dahil nabasa ito.

Pinunasan ko yung buhok ni Brynthx at ganon din ang ginawa ko kay Blythe. Pinapasok ko na sila sa loob pagkatapos.

PInagpalit ko silang dalawa ng damit tapos ay bumalik sa baba. Mukhang natutulog pa si Tita Kristine at ayaw ko siyang gisingin kaya ako na lang ang magluluto ng almusal nila.

Nagluto lang ako ng bacon, ham, scrambled egg, hotdog at fried rice. Sakto namang natapos ako sa aking ginagawa ay bumaba na si Tita kasabay yung magkapatid. Nagulat pa si Tita nang makita ako.

"Pasensya kana Helia. Tinanghali ako ng gising" sabi ni

"Ayos lang naman po" sagot ko naman. "Kain na po tayo" aya ko sa kanila.

Naupo si Tita Kristine sa tapat ko samantalang balak sanang umupo si Blythe sa tabi kaso mabilis siyang hinila ni Brynthx at doon pinaupo sa tabi ni Tita ang kakambal. Magkatabi kami ni Brynthx habang magkatabi naman ni Tita Kristine at Blythe.

Buti na lang ay tahimik lang yung kambal kaya natapos kami agad. Si Tita naman ay nagpaalam na babalik ulit sa pagtulog dahil sumasakit daw yung ulo niya kaya pinagpahinga ko muna samantalang yung kambal naman ay bumalik na sa kani- kanilang kwarto.

Ilang beses pa humingi ng tawad si Tita dahil baka ako pa daw ang gumawa ng gawaing bahay. Ayos lang naman sakin 'yon lalo na't hindi maganda ang pakiramdam ni Tita saka isa pa ay hindi naman mahirap ang mga naiwang gawaing bahay dito. Sadyang magkakaproblema lang talaga ako sa mga anak niya.

Pagkatapos kong mag urong ng pinagkainan namin ay umakyat ako sa taas para tanungin sila kung gusto ba nila ng ice cream.

"Gusto niyo ng ice cream?" tanong ko kay Brynthx. Sakto namang nandon din sa kwarto si Blythe kaya inalok ko na din siya.

Tumango silang dalawa bilang sagot kaya bumalik ako sa baba. Pinaglagay ko sila sa tasa saka 'yon inabot sa kambal.

"Thanks" pasasalamat naman nila.

Tahimik na kumakain yung dalawa habang ako naman ay ako naman ay nagbabasa ng messages sa phone ng bigla...

"ACHOOO!"

Biglang bumahing si Blythe na nasa tabi ko lang. Sabay naman kaming napatingin sa kanya.

"Tissue" natatarantang sabi nito kaya inabutan naman siya ni Brynthx

"Yan na nga ba ang sinasabi ko 'e. Tsk tsk tsk." naiiling na reklamo ko.

Natiyuan siguro siya ng pawis dahil sa pagtakbo kaninang umaga tapos biglang nagbasa sa labas. Kumuha ako ng tissue saka iyon nilagay sa ilong niya.

"Suminga ka" sabi ko habang hindi inaalis ang pagkakahawak sa tissue na nasa ilong niya.

"Bhwat?" (What?) ngongong sabi ni Blythe dahil may nakarahang sa ilong niya

"Suminga kana. Hwag na mahiya" nag aalangan pa siya nung una pero ginawa din nang tignan ko siya ng masama. Hindi ka mananalo sakin.

Sinilip ko pa ang ilong niya saka pinunasan ulit ito.

"Para kang bata" nakabusangot na sabi Brynthx sa kapatid kaya agad na namula naman ito dahil sa hiya.

Bahagyang natawa naman ako. Hindi naman ako maarte pagdating sa mga ganong bagay. Alangan hindi mo tulungan kahit nakikita mo nang tumutulo na yung sipon. Saka isa pa, kapatid ang turing ko sa kanila at mas matanda ako kaya dapat ko silang tignan nang maigi lalo na't isip bata yung isa.

"Nga pala....." lumingon ako kay Brynthx. "Bakit ang aga naman atang nakabukas yung ilaw sa kwarto mo kanina" tanong ko.

"Diba sabi ni mom bawal na daw akong magpuyat kaya gumising na lang ako nang maaga" sagot naman niya

"Anong oras ka gumising?"

"2:30"

Napatango naman ako. Wait....What?!

"2:30?!" gulantang na sabi ko. "Sobrang aga naman! Edi parang walang nangyari kase hindi ka parin natulog"

"Atleast gumising ako nang maaga" sabi niya na parang normal lang yung ginawa niya.

Napamaang naman ako. Iba din. Iba talaga mag isip ang magkapatid na 'to.

"Ang weird niyo talaga mag isip. Talinong artipisyal, walang halong kemikal" naiiling na sabi ko at bumuntong hininga pa na parang ako ang tunay na Nanay ng dalawang batang ito.

Galing ata kayo sa ibang planeta. Isang isip bata at isang may talinong artipisyal.

Next chapter