webnovel

Chapter 31

Hindi ko alam kung bakit kailangan kong umiyak sa harapan niya sa oras na 'to. Hindi ko alam kung bakit nagkita ulit kami sa isang lugar nang hindi sadya. Hindi ko alam na makikita ko siya all of the sudden, after those pain and healing years that I have been through he's here again in front of me ready to crush my heart for one more time.

Parang kahapon lang ang lahat nang nangyari saakin, saamin. Yung iniwan at kinalimutan kong pait at sakit bumaik ulit, walang kwenta 'yung limang taon kong pagkawalay sa kanya, bakit ba ganun ang buhay? Ang unfair naman ata nito sa part ko? Ang unfair naman, matapos mong napagtagumpayan yung sakit at paghilom, sumakit ulit.

His piercing eyes are like a dagger na tutok na tutok saakin, halo-halong emosyon ang bumabalatay sa kanyang mga mata ang sakit, galit, inis at pagkasabik? Pero ipinagsawalang paki ko iyon dahil puno rin ako nang galit sa oras na 'to.

Galit ako sa nakaraan namin dahil alam kong kakainin ko ang mga sinabi ko noong mga panahon lugmok ako dahil nasaktan ako. Pinangako ko pa noon sa sarili na kakalimutan ko na siya at hindi na muling iiyak, pero putek naman e! Bakit hanggang ngayon umiiyak ako at nasasaktan? Bakit! Bakit kailangan pa naming magkita muli? Balak ko na siyang kalimutan pero bigo ako dahil ngayon pa ngang nasa harapan ko siya mukhang walang pinagbago, bumalik lang ang lahat ng alaala naming dalawa, the waves of memories.

"Why?" his strong voice filled my ears. Mabuo at sobrang hina na siyang nagbigay nang takot sa kalamnan ko. "Why did you leave me?" madiin niyang tanong.

Napapikit ako at umiling wari pinipigilan ang sarili na huwag mahulog ulit sa kanya. But to be honest, I missed his voice, I missed his presence. I love... I still love....

"No!" instead na isaisip ko lang iyon bigla kong naisigaw.

Ito na naman ako sa mga iniisip ko, gusto kong matawa pero hindi ko magawa dahil umiiyak ako.

Hindi ko siya kayang harapin, nakita ko na naman kasi ang singsing na nasa kamay niya. Nasasaktan ako nang sobra sa oras na 'to. Ano pa ba ang kailangan naming pag-usapan? Wala na kami matagal na at nakatali na siya sa iba. Ayan na yun! May singsing sa kamay niya, kailangan ko pa bang sagutin ang tanong niya?

"Ran-"

"Don't!..call me by my name" I shouted just to stop him from calling my name.

Mababaliw ako nito kapag nagpatuloy pa siya. Ayoko rin marinig ang boses niya habang binibigkas ang pangalan ko.

Nang balakin niyang lumapit umatras ako wari parang takot mapaso, nakita ko ang sakit na bumalatay sa kanyang mga mata. Bakit naman sakit ang mararamdaman nito kung sa umpisa palang dapat masaya na siya dahil matagal na kaming wala, iba ang mahal niya.

The man I loved become more handsome and super manly. Nadagdagan din ang laki nang katawan niya, ang lusog niyang tignan, hindi siya mukhang haggard, samantalang ako... siguro maayos siyang inaalagaan ng asawa niya. Ang swerte niya pala kung ganun dahil hindi siya pinagkulang bagkus sobrang alaga pa nito sa kanya.

Nakakainggit... Ako kaya? Kailan ako sasaya katulad niya?

Napahawak ako sa puso ko, ito na naman ang sakit na parang sinasaksak ng kutsilyo. Nanunuot hanggang kalamnan yung pait na nararamdaman ko. Kagat labing yumuko dahil sobra na talaga yung nararamdaman ko e. Kailangan ba talagang ipamukha saakin 'to? Kailangan ba talaga akong umiyak sa harapan niya para ipakitang okay na siya at ako ito parang binagsakan ng katutuhanan?

"There you are Ran! Hinahanap kita kanina pa dahil ipapakilala sana kita sa kaibigan ko-" sabi ni Samuel sabay kapit nang dalawang kamay niya sa bewang ko habang nakaharap saakin.

Yung ngiti niya habang sinabi iyon biglang nabitin nang makita ang mukha ko. Gumalaw ang kilay niya wari nabigla at nagulat dahil nakita ako sa ganoong pangyayari. He cupped both my chicks using his hands. Hindi niya siguro napansin ang lalaking nasa likuran niya, hindi niya rin iyon mapapansin dahil madilim na bahagi ang kinatatayuan ni Simon.

Si Samuel ay nakaharap saakin samantang ako nakikita ko ang nag-aapoy na mga mata ni Simon kahit madilim ang parting kinakatayuan niya ngayon, para bagang nahuli niya akong gumawa nang karumaldumal na kasalanan at nakikita mismo nang dalawang mata niya at nasaksihan.

"Put away your hands on her face or I will kill you..." he said dangerously. Napalunok ako sa takot dahil doon.

Parang ipinaparating niyang walang ibang dapat makahawak saakin kundi siya lang? His aura for this moment explained how possessive and obsessed he is.

Kumibot ang kilay ko at naging isang linya dahil sa pagtataka, bakit ganun ang ekspresyon niya. Anong karapatan niya para magalit at magbanta?

Hindi pinakinggan ni Samuel iyon, nilingon niya si Simon na hanggang ngayon binibigyan siya ng nakakamatay na titig.

"Excuse me? What?" walang takot nitong tanong kay Simon at sibayan pa nang nakakalokong pagtawa.

Nangangalaiti na sa oras na 'to si Simon at nadagdagan pa iyon dahil sa tanong ni Samuel. Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa.

"Hindi ko na kasalanan kung bingi ka at hindi mo narinig ang sinabi ko. Bitaw!" nagulat ako sa biglaang sigaw nito na hindi naman nagpatinag sa lalaking nasa harap ko at nakuha pang lingunin ako at haplusin ang mukha ko sabay kindat.

"This night is gonna be an interesting night, honey-" napasigaw ako nang bigla nalang humandusay sa damuhan si Samuel at hawak ang pisnging tinamaan ng kamao ni Simon.

"Samuel!" dinaluhan ko siya at napaluhod sa damuhan, hindi pinansin ang nangangalaiting si Simon habang nakatingin saakin. Ramdam ko ang paninitig niya kahit nakatalikod ako sa kanya.

Umuusbong na naman ang galit ko para kay Simondahil sa pagsuntok niya kay Samuel. Bakit na naman niya ginawa iyon? Nanginginig ang kamay ko habang nakatikom, hindi ko alam kung saan ko na kuha ang lakas na tumayo at sinugod ng suntok sa dibdib si Simon pero hindi man lang siya nakaramdam ng sakit. Syempre! Sa laki ba naman niyang lalaki at sa liit ko wala akong panalo sa kanya. Dagdagan pa nang mala Adonis na pangangatawan.

"Gago ka! Bakit mo siya sinuktok ha!" tanong ko habang patuloy na sinusuntok ang kanyang dibdib, hindi man lang niya ako inawat, malakas ko siyang itinulak na ikinaatras niya ng kaonti.

Dinaluhan ko ulit si Samuel na nakuha nang tumayo pero hawak parin ang pisngi at ang panga nitong minamasahe niya. Binalingan ko ulit nang masamang tingin si Simon na saakin lang nakatingin ang kanyang mga matang... nasasaktan? Pero hindi ko hinayaang tangayin na naman ako ng mga matang nanghihipnotismo.

"Okay kalang Samuel?" nag-aalala kong tanong nang lingunin ko siya. Pero nakakalokong ngisi lang ang balik niyang sagot saakin pagkatapos nilagpasan ako ng tingin at kay Simon na ngayon ang atensyon.

"Ang hina naman nang suntok mo Tabone! Hindi ko manlang naramdaman yung sakit." Panunuya ni Samuel.

"Samuel..." pigil ko.

"Do you want me to punch you again? Hard, this time?" hindi naman nagpapaawat ang isang 'to. Napapikit nalang ako dahil napapagitnaan ako nang dalawang nagtatagisan nang yabang...

"Pwede ba tumigil na kayong dalawa?!"

"Sige ba! Hindi naman kita aayawan e. Baka pagsisihan mo kapag nasuntok rin kita?"

"Really? Try me then! I won't hesitate to crush your face and I'll make sure hihiram ka nang mukha sa aso-"

"Sinabi nang tumigil kayong dalawa!" taas baba ang dibdib ko sa galit pagkatapos ng sigaw kong iyon dahil sa kanila. Pareho ko silang binigyan ng masamang tingin dahil nainis ako sa kayabangan nilang pinapakita.

"What happen here!" ang apoy na umaalab sa pagitan nilang dalawa at maging saakin ay nahinto ng sumulpot ang nagsalita kaya napalingon ako dito.

"Oh, son of a btch! Here again! Don't tell me iisang babae na naman ang pag-aawayan nyo?!"

"Tanga! Nakita mo na nga magtatanong kapa?"

"Huwag nga kayong maingay Nolan at Quintin. Why don't you two try to stop them no? Baka magkakamatayan talaga sila kapag hindi inawat."

"Bakit kami!" sabay nilang tanong.

Hindi ako makapag salita dahil sa gulat. Pinapaligiran ako nang mga lalaking 'to at halos ikaliit ko dahil sobrang tangkad nila. May isa doon ang dumaan sa gitna nilang lahat at naaninag ko ang mukha niya nang makalapit na.

"Long time no see Ran."

Napatakip ako ng bibig dahil hindi ako makapaniwalang makikita ko si Laz dito.

"Omygad!" bulong ko dahil hindi ko inaasahan ang mga nangyayari ngayon.Simula kaninang pagdating naming dito, nang makita ko si Blessica, ang paghila ni Simon at muling pagtagpo namin at ang umaapoy na galit nang dalawa dahil saakin at ang paglitaw nang mga kaibigan nila ngayon.

"It's been year..." lapit niya sabay kuha nang kamay kong nasa bibig at handa nang halikan ng may tumamang kamao sa kanyang pisngi, katulad ni Samuel nakakuha rin si Laz nang suntok mula kay Simon na nangangalaiti na naman at halos nagdidilim ang paningin sa mga kabigian. Para siyang lion na gustong sakmalin lahat nang kalaban mapatumba lang ito.

Hindi ako makagalaw dahil sa pagkabigla. Nanlalaking mga matang tumingin sa kanya habang patuloy na binigigyan nang suntok ang kaibigan, I saw how his monters inside showed, he's totally mad. Hindi siya maawat ng mga kaibigan niya, para siyang bingi at ayaw tumigil.

"I said no one can touch what's mine! No one!"

"Oh,shit! Stop him!" kahit sinusuntok na si Laz ni Simon nakuha pa nitong tumawa na parang nasasayahang makitang naiinis at nag-aapoy sa galit si Simon.

"No one! She's fcking mine! Ran is mine!" he possessively said. Inaangkin ako kahit hindi naman talaga ako kanya.

Ngayon ko lang nakitang ganito si Simon, dahil noong kami pa hindi ko nakikitaan nang anu mang galit ang pagkatao niya. Pero mali pala ako, may hindi pa pala ako alam tungkol sa kanya. Paano ko naman kasi malalaman iyon e hindi nga kami tumagal ng taon. Akala ko lang noon alam ko na lahat nang tinatago niya, akala lang pala.

Nag-uunahan na naman ang mga luha na gustong kumawala sa mata ko. Napapamura ako, ayoko nang umiyak, nakakapagod kasi dahil hindi ko na rin maibabalik ang dati. Useless rin ang sinasabi niya ngayon. Huwag niyang sabihin saakin na kanya ako dahil matagal na kaming tapos. Matagal na at ayokong maging kabit. Ayokong makihati sa taong pagmamay-ari na nang iba.

"Simon! Tumigil ka na nga! Mapapatay mo si Laz!" its Tom.

"No! I will teach this fcker through crushing his face that Ran.is.mine.only! And no one can touch what is mine-"

Malakas ko siyang hinatak paharap sa akin pagkatapos ay sinampal nang napakalakas. I heard them gasped dahil sa pagkabigla. Hindi rin nila inaasahang gagawin ko iyon kay Simon, maging si Simon ay nagulat dahil sa biglaang paghatak at pagsampal ko. Tumabingi ang kanyang mukha at bumakat ang kamay ko sa kanyang pisngi na namumula.

Nangangalaiti din ako sa galit dahil sa pagiging makompyansa niya sa sarili at pagdeklarang sa kanya ako. Naiinis ako sa kanya, nagtatagis ang bagang ko sa galit, ang mga kamay ko ay nakatikom sa pagpipigil na huwag siyang masampal ulit.

"I'm not yours Simon. Matagal na tayong tapos..." madiin ang bawat salitang binitawan ko pagkatapos nilampasan siya maging ang mga kasama niya at si Samuel.

Gusto kong umalis sa lugar nayon at tumakas sa gabing yun dahil maraming nangyaring hindi ko inaasahan.

------------------

Kinaumagahan lutang ako at hindi alam ang gagawin. Sarado ang kwarto ko at walang sinuman ang nagbabalak na katukin ang pinto takot lang sila dahil baka maging dragon ako pagnagkataon. Hindi ko rin nakausap si Samuel ngayon dahil naiinis din ako sa kanya, halos nga ata sa kanilang lahat.

Hindi ko lang lubos maisip na magkakilala sila ni Simon. Kaya pala noong magkausap kami parang wala lang sa kanya kapag binabanggit ko ang pangalan ni Simon. Matagal na siguro niyang kilala ito dahil nakuha niyang tawagin sa apelyido ang lalaking yun at wari sobrang tagal na nilang magkakilala.

Noong kami pa ni Simon wala naman siyang binanggit saakin na magkakilala sila ni Samuel, Ni hindi nga sumagi sa usapan namin nung nag-away at nagkabati kami dahil nagselos siya kay Samuel nang makita kami sa labas ng bar.

Napapatakip nalang ako nang kumot dahil sumasagi sa isip ko ang nakaraan na dapat limot ko na noon pa. Nakakainis!

Paikot-ikot ako na parang tanga habang nakahiga sa kama. Ayokong lumabas at makipaghalubilo kila Nay Lusing at kay Samuel. Alam kong wala siyang pupuntahan ngayon. Hindi ko nga alam kung paano ako nakauwi na ako lang e. Basta ang alam ko lang nagising ako kanina na nandito na sa kwarto, siguro dala nang pag-iyak ko kagabi at sa lahat nang nangyari nawala sa isip ko kung paano nakarating dito.

"Ah! Kakakainis!"

Bumangon ako sa pagkakahiga at naupo sa kama. Ginulo ang buhok pagkatapos marahas na namang humiga. Mga sampong beses ko atang ginawa iyon hanggang sa sumuko at pumasok sa banyo dito sa loob nang kwarto.

"Alisin mo sa sistema mo ang mga nangyari kagabi Ran!" kinakausap ko ang sarili sa harap ng salamin habang nagtu-tooth brush.

Nahinto ako at nagmugmog pagkatapos tumingin ulit sa salamin. "Tama! Wala namang magbabago kung iisipin mo pa iyon." Pagkukumbinsi ko sa sarili.

Matapos kong magtooth brush naligo narin ako at nag-ayos nang sarili, wala naman akong makukuha kung magmumukmok ako ditto sa loob nang kwarto ko. Hindi ko na nga natulungan si Nay Lusing sa pagtitinda dahil angbukas kami ngayon ng karinderya at siya lang ang nag-aasikaso. Hindi ko alam kung tinutulungan ba siya ni Samuel ngayon, pero hula ko naman tinutulungan siya nito. Subukan lang talaga ng Samuel na iyon na hindi tumulong at papalayasin ko siya dito sa bahay.

Lumabas ako sa kwarto na sobrang tahimik. Ni wala akong naririnig na bukas na TV or radio man lang. Nasisiguro kong nasa labas silang lahat. Bumaba ako papuntang kusina para tignan kung meron bang natirang ulam para makakain nagugutom narin kasi ako. Kasalanan ko naman kasi kung bakit ako gutom ngayon. Anong oras na rin ako lumabas nang kwarto e.

Nagsasandok ako nang kanin nang biglang may nagsalita sa likod ko.

"Sa wakas lumabas ka rin sa lungga mo." Muntik ko nang mabitawan ang plato dahil sa tenga ko mismo bumulong nang sasabihin si Samuel. Naipalo ko tuloy ang sandok na may kanin kaya ayan kumapit ang iilang kanin sa damit niya.

He cursed. "Ang dugyot mo Ran! Alam mo bang kakapalit ko lang nang damit tapos dudumihan mo lang?" aniya habang tinatanggal ang nakakapit na kanina sa damit niya, medyo marami pa naman.

"E kung hindi ka kasi baliw hindi yan mangyayari sayo! Sino ba naman kasi ang hindi magugulat , sa tenga ko pa talaga ikaw nagsalita!"

Kung makapag bangayan kaming dalawa dito sa kusina parang walang nangyari kagabi. Normal parin akong kinakausap ni Samuel, alam kong alam niyang may hindi magandang nagyarai kagabi pero hindi niya pinaalala saakin. Kahit naman ako hindi ko makuhang ipaalala sa kanya dahil baka magalit na naman ako.

Natapos lang ang isang araw na hindi niya pinaalala iyon, hindi ko narin nakuha pang mag-usisa dahil gusto ko nalang ding kalimutan. Ayoko nang ma stress dahil dun, ayokong sayangin ang oras ko kakaisip, tinuring ko nalang na isang panaginip ang gabing iyon. Hindi narin naman kami siguro magkikita ni Simon dahil hindi naman niya alam kung nasaan ako sa Naga. At malabong sabihin ni Samuel kung nasaan kami dahil magkagalit sila.

'Sana nga hindi na kami magkita.'

Pero bakit parang pinipihit ang puso ko at nanghihinayan na hanggang doon nalang ang pagkikita namin?

"O ghad! Don't tell me Ran na taliwas ang sinasabi mo sa oras na 'to?" napakagat ako sa sariling kumot habang nakahiga sa kama.

Matamang dilat at hindi makatulog dahil hindi ko magawang ipikit ang mata ko sa sobrang pag-iisip. Sinabi ko na ngang huwag nang stressin ang sarili pero hindi ko naman maiwasan.

Ayokong isipin si Simon kung kamusta siya pagkatapos nang nangyaring iyon. Kasama kaya nito si Anastasia? Hindi ko kasi siya nakita doon sa party na 'yun e. Pero hula ko kasama siya ni Simon, mala slang at hindi kami nagkita, nasisiguro kong magagalit din iyon dahil ang asawa niya nakuhang manuntok nang kaibigan para lang saakin. At kung narinig siguro ni Anastasia ang mga walang kwentang binitawan ni Simon nang gabing iyon, panigurado mag-aaway sila at nasisiguro ko na ako ang dahilan niyon.

"Jusko. Ayoko na nang gulo!" frustrated kong bulong. "Ayokong maging dahilan nang away nilang dalawa kaya sana hindi malaman ni Anastasia yun." Pangungumbinsi ko sa sarili.

Dahil nga ako makatulog at paikot-ikot lang ako sa kama, napagpasyahan kong lumabas nang kwarto at pumunta ulit sa kusina para uminom nang tubig.

Nagdala ako nang snack at tubig tapos umupo sa couch ditto sa sala, binuksan ang tv at pinahinaan ang volume baka maka storbo ako sa mga natutulog, baka magising ko sila Nay Lusing at maging si Samuel.

Hindi ako makatulog e kaya manunuod nalang ako para dalawin nang antok habang nanunuod. At least doon maiwawaksi ako ang mga iniisip, maitutuon ko sa ibang bagay yung atensyon ko.

Bandang ala una nang madaling araw gising parin ako, hindi ko talaga makuhang matulog, may sariling isip ang mata ko maging ang katawan ganun din, may sariling desisyon kung kailan sila matutulog o kung kailan hindi.

Nahimigan ko naman mula sa labas ang huni nang sasakyang kakaparada lang kaya naman pumunta ako sa bintana para sumili. Medyo malayo at hindi ko makita kung sino, kakapatay lang nito nang ilaw nang kotse at dumilim ulit ang paligid. Hindi rin ako umalis dahil minamatyagan ko kung sino ang may-ari nang kotseng pumarada mismo sa gate naman. Hindi naman ito si Samuel dahil tulog na ang lalaking iyon sa kanina pa at ang kotse ay nasa loob nang garahe.

"Sino naman kaya 'to? Dis oras nang gabi nasa harap pa nang gate namen?" pagtatakang tanong.

Hindi ko naman pwedeng sabihing naki-park lang ito. Hindi ko rin pwedeng sabihin na baka kotse iyon nang kapit bahay naming dahil may sarili din silang garahe para paglagyan ng kotse?

Attentive ako sa bawat oras at hindi ko inalis ang pagsilip sa bintana. Hanggang sa nakita ko ang pagbukas nang kotse, mahirap aninagin ang mukha nang taong lumabas nang kotse dahil medyo madili na, kung aabutin man nang liwanag na nanggagaling sa garahe naming hanggang gate lang iyon, madilim na sa labas niyon.

But then my shocked define who's the owner of the car that is currently parking sa harap nang gate namin.

"Anong...paanong...bakit..." nalilito ako at hindi makapaniwala. Bigla nalang akong napasandal sa pader at naitakip ang kamay sa bibig.

How Simon did know my whereabouts? Sino ang nagsabi sa kanya? Imposibleng malaman niya ang bahay namin? At ano na naman ang pakolo niyang ito? Sinabi ko na nga ba, kaya tutol ang puso ko nang sabihin kung sana hindi na kami magkita dahil may gagawin at gagawin siya magkita lang kaming muli.

Sumilip ulit ako sa bintana at tinanaw siya. Napamulsa si Simon habang nakatingin sa bahay, gumalaw siya palapit sa gate nang mapansin ang paggalaw nang kurtina, napamura ako dahil nagtama ang mga mata naming, grabe ang kaba ko habang nagtatago. Napapamura ako sa sarili dahil napansin niya ang pagsilip ko.

"Okay Ran kalma... kalma lang." huminga ako nang malalim sabay buga. "Hindi naman siguro siya manggugulo diba?"patuloy kong pangungumbinsi.

Sige lang Ran kumbinsihin mo ang sarili mo sa oras na 'to.

Matagall akong nagtago sa gilid nang bintana at hinintay na umalis si Simon, Siguro naman maiisip nun na ayoko siyang makita diba? Na ayoko siyang makausap baka naman aalis din siya kapag tumagal? Hindi naman niya sasayangin yung oras niya ditto at titigan ang bahay namin? Alam kong hindi niya kayang mag stay nang ilang oras doon, lalamukin siyia pag nagkataon.

Naghintay ako nang kalahating oras bago muling sumilip pero ganun nalang ang kabang naramdaman dahil nandoon parin siya, matatag at halatang ayaw umalis.

Nakunot ang noo ko sa pagtataka dahil hindi man lang siya umalis doon, mag-iisang oras na siya nakatayo sa harap nang gate namin habang nakatingala sa bahay, nakatago ang kamay sa loob ng bulsa.

Dahil hindi ko matiis na tignan siya sa bintana, binuksan ko ang pinto. Doon gumalaw siya, nabuhayan din ang mukha at mayroon nang sigla.

Blanko ang tinging binibigay ko sa kanya habang naglalakad palapit sa gate. But deep inside my heart naghuhurumintado ito dahil magkakaharap ulit kami ni Simon. Hindi ko lang pinahalata at baka mabuwal ako sa paglalakad.

Brace yourself for this moment Ran,face him! Kaya mo yan! Nakaya mo nga nang limang taong wala siya, ngayon pa kaya? Sa isip-sisp ko.

Nang mabuksan ko ang maliit na pinto sa gate at makalabas para harapin siya, nakasunod pala ang tingin niya saakin, sa galaw ko.

"Bakit ka nandito?" malamig kong tanong. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at tinanong kaagad siya. "Paano mo nalamang dito ang bahay ko?"

Wala akong nakuhang sagot mula kay Simon hindi niya pinansin ang malamig kong trato sa kanya, ang atensyon niya ay nasa mukha ko, wari kinakabisado ang mukha nang babaeng dating naging kanya. Napalunok ako at napaiwas nang tingin.

May laman ang bawat titig niya, hindi ko makuhang titigan siya katulad nang paninitig niya.

Nang balakin niyang lumapit kagabi nang gabing iyon, umatras ulit ako. Kung ano ang bumatay na sakit nang gabing iyon ganun din ngayon. Mas naaninag ko ngalang ang mukha niya sa oras na 'to kumpara nung gabing magkita kami.

"Sagutin mo ko, bakit ka nandito? Sinong nagsabi sayo ha?" hindi ko maiwasang maging bastos sa harap niya dahil umuusbong na naman ang galit ko.

"I just need to know your whereabouts Ran." Simple niyang sagot na ikinainis ko.

At anong gusto niyang iparating sa sinabi niya? Kailangan niyang malaman para ano? Walang buhay ako natawa sa sinabi niya at sinamaan siya nang tingin.

"O tapos?" walang kwenta kong saad.

"Can you be nice to me Ran?" malumanay at nagmamakaawang sabi nito saakin.

I gritted my teeth because he's asking me to be nice towards him. Maging ang kamao ko ay naitikom ko.

"Ang kapal din ng mukha mo para sabihing maging maayos ang pakikitungo ko sayo, sino kaba?" now I can see how his expression turn into something, he is mad at the moment. Kung kanina malamlam ang tinging ibinibigay saakin ngayon madilim na ang mukha nito, wari ayaw tanggapin ang sinabi ko.

"Umalis kana." Ani ko at tinalikuran siya ngunit hinigit niya ang kamay ko at hilahin ako palapit sa kanya. Napasinghap ako nang maramdaman ang yakap niya mula sa likod ko, nanigas ako sa kinakatayuan.

"I miss you so much Ran" he whisper. Nakikiliti ang tinga ko dahil doon maging ang balahibo ko sa kamay ay nagsitayuan. "I really miss you, really." Dagdag niya na ikinapikit ko, ninanamnam ang oras na nakayakap siya saakin.

Wala siyang nakuhang sagot mula saakin, hindi ako makagalaw dahil sa higpit nang yakap niya, mas siniksik pa nito ang katawan saakin na parang ayaw akong pakawalan dahil kapag pinakawalan niya ako baka mawala ako na parang bula.

Wala ni isa sa aming dalawa ni Simon ang nagsasalita, tanging ang tunog nang pagbuntong hininga naming dalawa ang siyang nangingibabaw. Ang kanyang mga braso sa ibaba ng dibdib ko ay mas humigpit pa, sabik na sabik sa tagal nang pagkawalay at pinapahiwatig na ayaw ako paalisin na magpatuloy kami sa ganitong posisyon hanggang umaga.

Pinapatakan ni Simon nang halik ang buhok ko pagkatapos ay isisiksik ang mukha sa aking leeg, mga ilang ulit ata niyang ginawa iyon, makailang irap din ang ginawa ko.

'Pagbibigyan kita ngayon dahil alam kong matagal din tayong hindi nagkita. Pagbibigyan kita dahil hindi pa tayo nahuhuli nang asawa mo. Pagbibigyan kita Simon... pero pagkatapos nito tatanggalin na kita sa sistema ko.' Sa isip-isip ko.

Nang tumilaok ang manok hudyat na iyon para sabihing inabot kami nang alas kwatro nang madaling araw. Napansin ko ang pagbukas nang ilaw sa sala kaya nataranta ako.

"Bitawan mo na ako Simon." Pilit kong tinatanggal an gang nakapulupot niyang mga braso sa ibaba nang dibdib ko.

"Don't do this to me Ran, please?" malambing ang boses nito, pinigilan kong huwag magtangay. Pilit ko paring tinatanggal at pilit niyang binabalik. "Please Ran!" kagat labi akong nagpipigil dahil nagmamakaawa siyang huwag kong sirain ang sandaling 'to.

"Bitaw na Simon, tama na 'tong kabaliwan mo. Wala na tayo para gawin itong mga ginagawa mo ngayon." Pigil huwag pumiyok habang sinasabi iyon, pinipigilan ko rin na huwag umiyak dahil pagnagkataon ako ang talo.

"No! Don't be so hard on me, please?" namamaos ang boses niyang nagmamakaawa, mas lalo pang ibinaon ang mukha sa leeg ko at pinatakan ako nang mumunting halik, pero pilit ko iniiwas ang leeg ko."I really miss you. It's been years but I can't stop myself thinking of you, your whereabouts and your relationship with other man out there. Para akong baliw kakahanap sayo alam mo ba 'yun? Para akong tangang umaasa na babalikan mo matapos ang hiwalayang 'yun Ran!"

Huwag kang magpapatangay Ran please lang! Alalahanin mo wala na siyang karapatan pa sayo dahil kasal na siya! Mag-isip ka naman nang maayos!

Hindi ko makuhang magsalita dahil hindi niya ako hinayaan, nagpatuloy siya sa mga eksplinasyon niya.

"Bakit mo nga ba ako hiniwalayan noon?" madiin niyang tanong, wari hindi tanggap ang ginawa ko. "Bakit iniwan mo ako sa ere na mag-isa? You're unfair, you know?" bahid nang magkahalong emosyon ang kanyang boses. Nakaramdam ako nang tila mainit na tubig sa dumadalo sa leeg ko. Gusto ko siyang balingan nang tingin ngunit hindi ko magawa dahil nakabaon ang mukha nito sa leeg ko, mumunting hikbi ang naririnig ko mula sa kanya.

"Simon..." hirap banggitin ang pangalan niya.

Parang tinutusok ang puso ko nang karayom dahil ang lalaking nakayakap saakin ngayon ay umiiyak. Hindi ko alam ang gagawin dahil maging ako hindi narin kayang tiisin ang luhang kanina pa pinipigilang kumawala.

"Bakit mo ako hiniwalayan hmm? You know how crazy I am when you break up with me? Halos magwala ako sa loob ng eroplanong minamaneho ko dahil hindi ko matanggap na hiniwalayan mo ako, Ran." Puno nang sakit niyang sinabi iyon.

"Simon, tumigil kana. Matagal na yun at kailangan nang kalimutan. Maging masaya nalang tayo sa kanya kanyang buhay natin."

Para siyang napapaso nang bitawan ako na pinagsisihan ko parang gusto ko uli siyang hatakin para yakapin ako. Ganun nalang din kabilis ang paglingon ko sa kanya. Bakas sa mukha nito ang pagtutol at hindi pagsang-ayon. Ayaw niyang tanggapin ang sinabi ko, bakit? Gusto nya ba akong umiyak at magmukmok habang siya masaya sa asawa niya? Bakit ba ganito siya?

"I won't do that Ran! Paano mo nasasabing kalimutan nalang ang meron tayo noon? Paano mo nasasabi ang mga yan ha?! You know I won't be happy without you-"

"Nahihibang kana!" halos mawalan ako nang boses dahil sa mga sinasabi niya.

He tsked. "I may be crazy but that's the truth Ran. I won't be happy without you in life." In every words na binibitawan niya para akong sinasaksak nang paulit-ulit. "I'm fine outside but deep inside I'm fcking miserable because you left me and break up with me." Tagos lahat sa puso ko. "You know what the worst part is? I'm planning to surprise you, to propose to you so that I can call you mine. Fcking mine Ran!" nasapo ko ang bibig dahil sa gulat at pinipigilang huwag humagulgol sa iyak.

"I fcking love you until now!" tuluyan na akong napaupo dahil nanghina ang mga tuhod ko sa nalaman mula sa kanya.

Bakit ngayon ko lang 'to nalaman? Pero paano si Anastasia kung mahal niya pa ako? Umiling-iling ako sa mga bagong nalaman mula sa kanya. Hindi kayang tanggapin nang isip at puso ko ang mga nalaman sa oras na 'to.

"Be mine again, please." Napasinghap ako nang lumuhod siya sa harap ko.

"Simon!" hindi makapaniwala sa ginawa niya.

"Be mine again, babe please?" humagulgol niyang saad habang nakaluhod at matamang nakatingin sa mata ko.

Para akong nabibingi at umiinit ang buo kong katawan pero alam kung patuloy parin ang pagbuhos nang luha sa mga mata ko maging ang pakiramdam ko, halo-halong emosyon ang bumalatay na hindi ko mapigilan.

"Ran!"

Next chapter