webnovel

Chapter 27

IT'S BEEN 5 YEARS.

Kamusta kaya ang manila? Marami kayang nagbago? May mga bago bang pasyalan na ipinatayo? Matagal-tagal rin pala akong namalagi sa ancestral house namin dito sa Naga.

Marami siguro akong namiss na mga pasyalan. Nawalan din ako nang komonikasyon sa mga kaibigan ko. Kamusta kaya sila? Paniguradong may anak na ang mga iyon maliban sa isa, si bakla.

Siya kaya?

Ipinilig ko ang ulo ko. Hay, malamang masaya na siya ngayon sa babaeng mahal niya. Aasahan ko pa bang single siya matapos kong makipag break sa kanya dahil sa.... Ipinilig ko ulit ang ulo.

"Masaya na siya Ran..." kumbinsi ko sa sarili. "Dapat maging masaya kana lang para sa kanya. Masaya ka, tandaan mo yan." Pilit kong itinatatak sa isip at tumango tango.

Inihinto ko na ang pag-iyak noon. Matapos kong malamang engaged siya sa iba tinapos ko narin ang ugnayan naming dalawa.

Oo, ako.

Ako mismo ang pumutol sa relasyon namin. Alam ko naman kasing doon din papunta yun. Alam kung hihiwalayan niya ako ng oras na'yun, sigurado ako dun.

Day by day I've cried walang tigil.Nakakaatawang balikan ang pangyayaring iyon sa buhay ko. Nagsayang pala akonang luha imbis na inilaan ko sa mga bagay na makakatulong sakin, sa walangkwentang pagmumokmok ko pa inilaan. Napapailing nalang ako.

For 5 years without communicating with my friend hindi ko na alam ang mga nangyayari sa buhay nila maging kay Blessica. Pagkatapos ng video call na yun, umalis din ako sa condo ni Blessica. Iniwan ko silang tatlo ng hindi nagpapaalam at dumiretso sa Valenzuela City kahit gabi na. One week akong nagkulong sa bahay ng mga magulang ko.

Lahat ng social media account ko ay deactivated. I want peace. I want silence. I want to be alone that's why I deactivated all my accounts.

Halos hindi ako maka-usap ng mga kaibigan ko. Ni ang pamilya ko hindi ko kayang kausapin. Lugmok ako hindi dahil nagkautang ako kundi dahil nawasak ang puso ko.

Nagtataka nga noon sila dada at moma kung bakit ako nagka ganun. Iniisip nila that time na weird ako dahil hindi ako makausap. Oo, alam kung curious sila sa nangyayari sa buhay ko. Sinubukan nga nilang kausapin ako, ngunit wala silang makuhang sagot.

Every time na may tatawag sa landline namin sinasabihan ko silang huwag sagutin. Mabuti nga at sinusunod nila.

Matapos ang isang linggong pagmumokmok nakuha ko ring pagtibayin ang sarili ko. I gathered all my strength and energy. I faced my parents and tell them what happen to me at that time.

Kung bakit ako umuwi at nagmukmok. Kung bakit hindi ako makausap ng maayos. Na enlighthen naman sila dahil sa eksplinasyon ko. Matapos ko silang kausapin, tumawag ako sa boss ko. Si Laz.

Lazaro knows everything because I told him what happen. Inalam ko rin mula sa kanya ang tungkol sa kaibigan niya. Hindi na nga ako nagtaka sa sinagot niya saakin. Pero grabe ang iyak ko habang kausap sa telepono si Laz. Sinabi ko sa sarili ko na iyon na ang huling pag-iyak ko na ang dahilan ay siya.

I resign.

Palihim ang ginawa kong pag-alis sa kompaniya ni Lazaro. Siya at ako lamang ang nakakaalam. Hindi ko pinaalam sa mga kaibigan ko. Humingi ako ng pabor sa kanya tungkol sa kontratang pinagkasunduan noon. I lost the project. I lost my dream and choose the other way. I lost everything in just a minute.

Pero okay na ko. Okay na okay.

Namulat ako sa katutuhanang masarap palang mabuhay ng wala kang nararamdamang sakit.

Naghilom na. Masaya na ulit ako.

Masaya ako sa buhay ko ngayon. Kaya nga nagtagal ako ng limang taon sa Naga. Ramdam ko ang kapayapaan. Hindi ako stress dahil sa pagtipa ng gagawin kong kwento. Hindi ako stress sa kakaisip ano bang title ang kailangan kong gawin. Hindi ako stress sa ipapasa kong manuscript.

Salamat sa limang taon na pamamalagi ko rito. May nakilala akong mga bagong kaibigan. Nakakapagtaka man dahil wala na akong trabaho e nakakakain parin ako. Well, ang lahat ng inipon ko noon iyon ang ginamit ko para makapag pundar ngayon.

Nagpatayo ako ng karinderiya. Ipinagiba ko anglumang kubo malapit sa gate ng bahay namin at doon ko ipinatayo iyon. Kumuhaako ng mga makakatulong saakin. Mabuti nga at kahit papaano ay dinadayo ang karideryang ipinatayo ko.

Tanda ko pa nun, iisang lugar lang kami ni Blessica ngunit hindi kami nagkikita. I wonder kung natuloy ba sila noon sa outing. Ang saya pa nang-usapan namin noon pero hindi na natuloy dahil sa pangyayari. Kung magkikita man kami dito, hindi ko alam kung mahaharap ko ba siya ng maayos o hindi. Taon na, baka nakalimutan narin nila. Dapat ko naring iwaksi saisip koi yon.

"Manuela tumawag ang mama mo..." bungad saakin ni nanay Lusing pagkababa ko nang trycicle. Galing kasi akong palengke kasama si Begail bumili kami nang lulutuin para bukas.

Nagbayad ako trenta pesos sa driver bago humarap sa matanda.

"Salamat neng..." sabi ng driver tumango lamang ako at ngumiti.

"Bakit daw po nay Lusing?" nakakunot ang nook o nang humarap sa kanya. "Pasok po tayo sa loob. Makulimlim narin dito sa labas, Begail paki dala nga nito sa kusina, salamat."abot ko sa kay Begail na mabilis naman kinuha saakin ang mga pinamili.

"Nangangamusta sila sayo Manuela, tinatanong nga ako kung kailan kaba raw magkakaroon ng oras upang lumuwas ng maynila." Namaywang si nanay Lusing sa harapan ko. "Hindi kaba nasasabik na makita sila? Kay tagal mo nang hindi nakakabalik doon." Aniya.

Tumikhim naman ako at napaiwas nang tingin kay Nay Lusing. 

"Hindi ko po alam kung kailan ako makakabalik sa maynila. Kapag po siguro nagka oras na ako." Pagdadahilan ko.

Umingos siya na ikinatingin ko "Ikaw talagang bata ka. Kailan kapa magkakaoras ha? Kung ang mga magulang mo ay wala na? Anak, matagal kanang hindi nakikita nang mga magulang mo. Alam mo naman kung bakit hindi sila makapunta rito hindi ba?" tanong nito na ikinatango ko. "Kaya nga dapat ikaw ang pumunta sa kanila. Nasasabik na ang mga iyon sayo. Si Karina nakapagtapos nang kolehiyo hindi mo man lang hinatid sa intablado. Noong birthday nang ama mo hindi ka nakapunta, maging anniversary nila ganun din." Patuloy niya.

Napapakamot nalang ako ng batok. Oo, alam kong hindi na ako nagkakaoras sa kanila. Nakakalimutan ko na rin ang mga importanteng araw na dati sama-sama naming pinagdidiriwang.

Alam kong sabik na sila sakin, ganun din naman ako. Hindi ko lang maiwasang alalahanin ang mga nangyari noon. Bumabalik kasi sa isipan ko sa tuwing nagpapasya akong lumuwas ng maynila. Kaya hindi ako makaalis-alis. May pumipigil.

May iniwang sugat ang nakaraan. Pinipilit ko at pinapaniwala ko ang sarili na humilom na. Pero ang totoo hindi pa pala.

I sighed.

"Anak Manuela, oras na para bumalik ka doon. Oras na para dalawin mo sila. Kahit isang lingo lang. Bigyan mo naman sila ng pagkakataong makita ka anak." Pukaw ni Nay Lusing sa lumilipaad kong isipan.

Tumingin ako sa mga mata niya. "Pag-iisipan ko po Nay Lusing..." walang kasiguraduhan kong sagot. "Sa kwarto muna po ako, magpapahinga lang sandali." Ani ko sa kanya. Nakita ko naman kung paano bumagsak ang kanyang balikat para siyang nalugi sa sagot na nakuha mula saakin. Ngumiti lang ako sa kanya ngunit hindi abot mata at tsaka nagsimulang humakbang.

Hindi pamang ako nakakalayo narinig ko pa ang sinabi niya.

"ano bang nagawa ng mga magulang mo at ayaw mong bumalik doon anak? Naawa tuloy ako sa kanila." Bulong nito.

Tumingin ako sa gawi ni nay Lusing ngunit nang makita ko ay naglalakad na siya papunta sa likod ng bahay.

Kagat labi akong pumikit habang nakatingala sa makulimlim na ulam. Mahigpit ang pagkakatikom ng dalawang palad.

"Wala po silang ginawa na ikinaayaw kong bumalik nay Lusing" bulong ko sa hangin "wala. Hindi sila ang dahilan kung bakit ayaw kong bumalik doon. Hindi sila..." parang pinipiga ang puso ko habang sinasabi iyon.

Makalipas ng ilang minutong pananatili sa labas at nakatingala sa makulimlim na ulap. Nagpasiya na akong pumasok ng kwarto at ipagpahinga ang sarili.

Hawak-hawak ko parin ang sinabi ni nay lusing kanina. Ngunit dahil narin sa pamamalengke kanina kasama si begail, dinalaw ako ng pagod na nauwi sa antok, unti-unti akong kinain ng dilim hanggang sa hindi ko na alam ang sumunod na nangyari.

------------------

"ATE." Pukaw sakin "Ate gising na po. Kakain na..." aniya.

Hindi ko maaninag ang mukha niya. Kinusot-kusot ko pa ng dalawa kong kamay ang mata ko para lang maaninag ang batang gumigising saakin.

Sumikdo ang puso ko sa nakita ko.

"Karen?" hindi ko inaasahang lalabas sa labi ko ang pangalan ng kapatid ko. Nakikita ko siya ngayon sa harapan ko.

"Ate si Begail po ito...gising na po." Aniya.

Malalim ang buntong hinihang pinakawalan ko. Namamalik mata na naman ako. Hinilot ko ang noo, umahon sa pagkakahiga at umupo ng maayos. Napapahikab pa ako.

Tiningnan ko si Begail na nakatayo parin sa gilid ng kama. Naghihintay na makatayo ako. Nginitian ko siya, ngumiti rin siya pabalik.

Hindi ko maikakaila na may pagkahawig sila ng kapatid kong si Karen. Bukod sa mahilig silang pareho sa malalaking damit. Balingkinitan din ito, mahaba ang buhok at katamtaman ang tangkad. Matanda nga lang ng anim na taon ang kapatid ko sa kanya.

Galing sa pagkakaupo sa kama, tumayo ako. Ipinatong ko ang isang kamay sa kanyang ulo ang marahang ginulo ang buhok na ikinabusangot niya.

"Ginulo mo na naman ang buhok ko ate Manuela." Aniya na parang batang inaasar.

Natawa ako "Na sanay kana ring tawagin akong Manuela, e hindi naman Manuela ang pangalan ko." Sabi ko sa kanya.

"Tawag po kasi sa inyo ni lola yun kaya ginaya ko na rin." Pagdadahilan niya.

Napabuntong hininga nalang ako sa kanya. Bakit naman kasi tinatawag ako ni Nay Lusing ng ganun. Sinabi ko naman sa kanya ang buo kong pangalan pero patuloy niya akong tinatawag na manuela. Hanggang sa nakasanayan ko din, minsan hinahayaan ko nalang.

"O siya sige. Ikaw bahala..." ani ko sa kanya na ipinagkibit balikat niya.

"Nga pala ate Mauela ginising kita kasi kakain na. Si lola naghihintay sa kusina, inutusan niya akong puntahan ka at baka daw po gutom na kayo." Magalang niyang pagkakasabi.

"Ganun ba?"

Tumango siya "opo tsaka gutom narin po ako." pahabol niyang sabi na ikinailing ko. "Naamoy ko kasi yung niluluto na adobo 'yun tuloy tumunog ang tiyan ko. Alam mo naman ate na masarap magluto si lola, nakakagutom talaga." Pahabol niya ulit. Natawa kaming pareho.

"Talaga?"

"Oo nga ate"

"hindi ka ba kumain kanina pagkadating natin?"

Lumabas kaming dalawa sa kwarto ko at tinungo ang kusina.

"Kumain naman po. Pero kanina pa yun ate, nagutom ulit ako..." natatawa niyang sabi saakin.

"Lakas mo a. Hindi ka naman tumataba..." biro ko sa kanya.

Tumingin siya saakin ng nakanguso. "Si ate talaga, kasalanan ko bang hindi ako tumataba? E sa ganito na ang katawan ko e." rason niya sabay kamot sa ulo niya.

"Oo na. sige na ganyan na talaga ang katawan mo." Ani ko na parang ganun nalang ang isasagot.

"Pero sexy naman ako ate..." pahabol niya.

Napatingin ako sa kanya at ibinalik din sa harap ang tingin. Napacross arms dahil sa sinabi niya.

"Oo na. Sexy na." sabi ko sa kanya. Pigilpigil mo naming huwag ma tawa.

"At maganda..." bungisngis niyang dagdag.

I rolled my eyes "Oo na maganda na..." wala sa sariling sagot ko.

Pumasok kami sa kusina at naabutan si nay Lusing na naglalatag ng kutsara at tinidor.

"At mabait diba ate?" patuloy naman sa pagdaldal si Begail sa tabi ko.

Si nay Lusing napatingin saakin pagkatapos ay lumipat ang tingin kay Begail na patuloy sa pagsasalita. Ako naman natatawa lang.

"Sinong mabait?" biglang tanong ni nay lusing.

Tinuro ko si Begail na nasa tabi ko parin. Sunod ng sunod kung saan ako pumupunta. "Siya daw nay mabait sabi niya." Pagkasabi ko nun pumunta ako sa pinaglalagyan ng mga baso, kumuha ako ng tatlo at inilapag sa lamesa. Nakasunod parin siya sa likuran ko.

Umingos naman si nay Lusing wari tutol sa sinabi kong 'mabait' ang apo niya. Alam na alam kasi nito ang ugali ng apo kaya ganyan nalang kung makakunot ang noo.

"Wee, kahapon lang may nagsumbong sakin napaaway ka daw." pagbibitaw sang salita ni nay Lusing kay Begail. Tinignan ko naman ang bata. Nakataas lang ang kilay tapos nakakunot ang noo. Laking katanungan sa kanya kung bakit alam ni nay lusing iyon. Maging ako nakabalita rin ng ginawa niya kahapon. May nakaaway daw ito sa plaza. Hindi ko alam kung bakit.

"E lola pinag-uusapan kasi nila ako." kaya naman pala siya napaaway 

"Syempre ako naman tinanong sila kung bakit nila ako pinag-uusapan." Pagdadahilan niya. "Ang sabi nila, kasi daw malandi ako halos lahat ng kaibigan ko lalaki." Patuloy niya. "Kasalanan ko bang mga lalaki ang kaibigan ko?" nanlalaki pa ang mga mata habang nagsasalita. Animoy pinapaintindi samin ang nangyari kahapon "Hindi ko sila hinayaang ganun ganunin ako no. Hindi kaya ako malandi, ayan tuloy nakatikim sila ng suntok." nag-ala manny pa kung makasuntok sa hangin wala namang kalaban.

Nagkatinginan kaming dalawa ni nay Lusing. Hindi makapaniwala sa sinabi ni Begail. Sabay din kaming napailing na dalawa.

"Hinayaan mo nalang sana sila Begail. Tinalikuran mo nalang sana sila at umalis na." Sabat ko.

"E ate, kung hinayaan ko sila nun. Baka napuruhan na ako ng mga yun. Balak nila akong sugurin, sa dami ba naman nila at mag-isa lang ako. Mabuti nalang mabilis ang paggalaw ko." may pa suntok ulit siyang nalalaman.

"at nanuntok ka ka agad?" masungit na tanong ni nay Lusing. Tumango naman ang bata, confident sa ginawa niya. Bilib din ako sa batang 'to.

"Self-defense ang tawag dun La, self-defense." wari parang nakikipag-usap lang siya sa mga kaidad niya. Mukha namang hindi nagustuhan ni nay Lusing ang kanyang sagot.

Nilapitan ito ni nay lusing at kinurot ang tagiliran na ikina tili niya. Ngayon natin tignan ang kaastigan mong bata ka. Isang kurot sa tagiliran niya, tumili na siya agad. Hinaplos nito ang tagiliran habang nakabusangot at parang may ibinubulong.

"Self-defense ka diyan! Maupo kana nga doon!" Pasigaw na pagkakasabi ng matanda "Hina-high blood ako sayong bata ka! Talaga naman." Dagdag pa nito sa apo, nagpipigil na huwag ulit makurot. Itong makulit namang ito e, dumidistansya dahil baka makurot siya ulit.

Palihim na ginagaya ni begail ang mga sinasabi ni nay Lusing. Hanggang sa matapos ang dinner namin walang humpay na talak ng matanda sa kanyang apo.

Bumalik ako sa kwarto ko, hinayaan ko silang maglola na makapag-usap. Minsan talaga napakakulit nung batang iyon. Mabuti nalang at hindi ganun ang kapatid ko kahit spoild yun.

Matapos kong gawin ang night routien ko tuwing gabi, nahiga narin ako. Wala naman akong gagawin na kaya panatag ang isip ko. Tanging kisame ng kwarto naka focus ang mga mata ko, hanggang sa nilipad ng nakaraan ang isip ko. Naaalala ko na naman ang dati kong buhay noong nagtatrabaho pa ako bilang silang writer.

Oo, nakakamiss magsulat pero sa tuwing sinusubukan kong magtipa ng isusulat ko, nabablanko ako. Nawawala ang mga nakatatak sa isip ko. Lilipas ang araw at sinusubukan ko ulit pero ganun parin. Nawala ang gana kong magsulat ng kwento. Wala kasi akong inspirasyon. Sa ngayon wala.

Bumabalik din sa alaala ko ang mga night out namin nila Argen at Rien. Naalala ko rin yung mga araw na dadalaw kaming tatlo sa bahay ng magulang ko kapag wala kaming trabaho.

Bumabalik din ang mga alaala ko noong sinama ako ni Laz papuntang Paris para sa distribution ng mga libro, hanggang sa makilala ko ang mga kaibigan niya. Those people who once be my friend too, specially Blessica,Lilou, and Trisha.

Hanggang sa makilala ko siya. Ang lalaking binigyan ko ng pansin bukod sa pagsusulat ng kwento. Nakakatawa ang una naming tagpo noon. Ang pagkikita namin sa  elevator bilang stranghero, suplado pa siya nun. Ang unang pag-uusap naming dalawa bilang mga stranghero noong nasa Paris kami, ang larong nagtulak sakin para halikan siya, ang paghatid nila saamin sa airport, ang pag-iyak ko sa bar dahil sa selos dahil gusto ko na pala siya nun. Hanggang sa nagkaaminan, nagkagustuhan, nagkaroon ng malamin na ugnayan at hanggang humantong sa hiwalayan. 

"Hindi man lang kami nagtagal, hindi man lang umabot ng one year." kusa nalang lumabas sa bibig ko. Mariin akong napapikit. "Ran please lang! Kalimutan muna ang nakaraan please lang talaga!" patuloy kong pagkukumbinsi sa sarili.

Pero sabi nga diba kahit gaano pa kabilis o katagal ng pagsasama ninyo mauuwi lang din naman sa hiwalayan kung ang relasyon ay hindi matibay. Hindi matibay ang relasyon namin kaya humantong sa hiwalayan. 

Bakit ba naman kasi sa babaeng yun pa siya na engaged hindi ba pwede sakin? Mas maganda naman ako dun kung nakaligo ako ng mga tatlong beses. Ang bitter diba? Bitter parin ako. Pero joke lang yun. Hindi ko na maibabalik pa yun kaya dapat ko na talagang kalimutan.

"Sabi ko sayo Ran kalimutan mo na e" nakakapanikip ng pusong alalahanin. "Mas mabuti pang itulog mo nalang yan..." pangungumbinsi ko sa sarili. Inabot ko ang unan at inilagay sa mukha ko. Sa gayon ay makatulog ako.

But instead na makatulog, naubusan ako ng hininga, kung hindi ba naman ako kalakhating bobo. Sinong baliw ang makakahinga kung itinakip sa mukha ang unan?

Pinilit ko nalang na makatulog dahil gabi na at naisip ko rin na bukas maaga pa akong gigising dahil magbubukas pala kami ng karinderya.

------------------

I woke up around 4:15 in the morning when a flashes of thunders entering my room. Grabe ang kaba sa puso ko nang tuloy-tuloy ang pag kulog sa labas. Napahawak ako sa noon ko, may mumunting pawis akong nahawakan kahit malamig naman ang simoy ng hanging pumapasok sa kwarto dahil nakabukas ng kaunti ang bintana. Nabasa pa nga nang kaunti ang floor dahil pumapasok ang ulang nanggagaling sa bintana.

Bumaba ako ng kama, pumunta malapit sa bintana at tinan ang labas. Nabahala ako dahil sa lakas ng ulan. Magbubukas pa naman kami ng karinderya around 6 o'cklock tapos malaman laman kong umulan pala.

"May bagyo ba ngayon? Bakit hindi ko nabalitaan to kagabi?" tanong ko sa sarili "Ah, hindi nga pala ako nakapanuod ng balita..." ng maalala ko.

Napag desisyonan kong lumabas ng kwarto at pumunta ng kusina. Magkakape, hindi narin kasi ako dinadalaw ng antok dahil sa lakas ng kulog at bugso ng ulan.

Matapos kong makapag timpla pumunta ako sa sala at binuksan ang tv tsaka naupo. Napabaling ako sa pinto ng kwarto nila nay lusing. Dito narin kasi sila sa ancestral house namamalagi dahil wala akong kasama. Mabuti nga iyon at may nakakasama ako dito.

"Ayon sa ulat ng panahon Manong Erns, tuloy-tuloy hanggang maghapon ang pagbugso ng bagyong ceceles. Maaari daw itong maghatid ng pagbaha, lalo na sa mga lugar na dinadaanan talaga ng bagyo."

"Anu-anong mga lugar ang syang apektado ng bagyong ito, Jessy?" tanong ng broadcaster sa reporter.

Humigop ako sa tasa habang tutok sa balitang pinapanuod. Maraming papansin sa likod ng reporter na nagbabalita. Napapailing nalang ako. Kahit alam ng mga taong ito na may bagyo nakuha pa nilang magpapansin sa camera.

"Dahil sa lakas ng bagyong ceceles Manong Erns ay damay buong Maynila. Kaya pinapatnubayan ang lahat ng manunuod ngayon na maghanda ng mga pagkain, mag charge kung kailangan dahil hindi natin mahuhulaan kung kailan ang alis ng bagyong ito sa ating bansa." Sabi ng reporter.

Napapaayos naman ako ng upo. Nag-aalala narin ako sa kalagayan nila Moma at dada, maging kay Karen. Kung apektado ang May nila ngayon paniguradong ganun din ang Valezuela.

Tumayo ako upang abutin ang telepono.

"Sa ibang lugar Manong Erns makakaranas lamang ng malakas na pagkulog at kaunting ulan. Kaya hindi dapat sila mabahala dahil buntot lamang ng bagyo ang tatama sa kanilang lugar. Ang dapat na maghanda ay ang mga apektadong lugar na makikita sa ating screen..." muli akong napatingin sa tv.

I search the name of Valenzuela City if it is one of the affected areas because of the typhoon ceceles. Hindi nga ako nagkamali. Mas lalo lang akong kinabahan.

"Salamat sa pagbabalita jessy mula sa Makati! Punta naman tayo kay Marlon mula sa PAG-ASA, pasok!" aniya

"Magandang umaga sayo Manong Erns no, lalo na sa ating mga manunuod." " Kasalukuyan po akong nakikibalita dito po sa PAG-ASA tungkol nga po dito sa bagyong ceceles." Paghihinto niya.

"Talagang binigla tayo ng bagyo umagang-umaga, Marlon ano?" medyo natatawa pa nitong tanong sa isang reporter, iniibsan ang pinagdadaanang kalamidad.

Habang patuloy akong nanunuod ng balita, hinihintay ko rin na sagutin nila ang tawag ko. Naalala ko tuloy ang sinabi ni nay lusing nun. Kung wala pang mangyayaring hindi maganda hindi ko maiisipang tawagan ang pamilya ko.

Ngayon nagsisisi ako.

[ Hello?] nahigit ko ang hininga ng marinig ang boses ng kabilang linya.

[Nay lusing ikaw ba ito?... Kamusta kayo diyan? Si Eman po kamusta nay? Sobrang lakas ng ulan dito ngayon pero huwag kayong mag-alala dahil ligtas naman kami nay lusing...] patuloy nitong sabi. Paniguradong nanunubig na ang mga mata ko sa oras na'to.

"Oo nga po Manong Erns. At ah, pinoproblema ng PAG-ASA ang biglang pagsulpot nito. Kagabi lamang nasabi nila na bukas ang dating ng bagyo ngunit bigla nalang nating naramdaman ngayo. Ang ilan pa sa ating mga kababayan ay hindi nakapag handa. Ito ang isang malaking problema na hindi natin na Malayan."

I miss you Moma. [Nay Lusing? Still there?...][sino kausap mo mahal?] si dada. Nagtataka siguro ito kung sino ang kausap ni moma [... si nay lusing mahal pero hindi naman nagsasalita...hello nay?] siguro naka kunot na ang noo ni moma.

Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita. Patuloy ko paring pinapanuod ang balita kahit nasa telepono na ang atensyon ko.

"Tama ka dyan Marlon. Kaya pinapaalalahanan ang lahat na manunuod kung kayo man po ay nanunuod sa oras na ito. Maghanda na po kayo ng inyong mga emergency supply, kung maaari lamang."

"Moma..." tawag ko sa kabilang linya. Napapa kagat ako ng kuko.

Narinig ko ang pagsinghap nito sa kabilang linya.

[Eman? Anak?! [si Eman?] tanong ni dada kay moma sa kabilang linya. Naiimagine ko ang pagtango ni moma at ang pakikinig ni dada habang nakatingin kay moma [ Oo mahal, teka at kakausapin ko...]

"Tama ka po dyan Manong Erns."

[Darling we miss you.]ganun palang ang nasasabi ni moma pero feeling ko sobra sobra na ang galak sa puso ko. I miss you too. Sagot ng isip maging ng puso ko. [Kamusta kana diyan? I tried to call you every single day darling, but every time na tumatawag ako ang laging nakakasagot ng tawag ay si nay lusing... minsan nagtatampo na ako alam mo ba 'yun?] tumango naman ako kahit hindi nila nakikita. Para lang akong nakikipag-usap sa kanila ng malapitan.

Hindi ko narin nasundan ang ibang sinasabi sa balita dahil naka focus ako sa sinasabi ni moma.

[Katulad nung 28th anniversary namin ng dada mo hindi ka namin makausap. Ganyan mo na ba kami kinakalimutan?...[mahal, baka hindi na tayo kausapin ni Eman kapag pinaalala mo pa yan...] singit ni dada na ikinatawa ko. Medyo gumaan ang pakiramdam ko ngayon. I talked to them na kasi.

"Hindi naman po ako nakalimot..." sabi ko kahit na ang totoo ay nakalimutan ko talaga.

[ako nga ang kakausap sa anak natin...][anak...] si dada.

"Po?" magalang at mahinahon kong sagot.

[Okay kana ba?] hindi iyon simpleng tanong lang. Alam ko na rin kung ano ang tinutukoy niya.

Huminga ako ng malalim, pumikit at dumilat din. "It's been years dada. Okay na ako..." labas sa ilong na sagot.

Feeling ko naman tumatango si dada sa sagot ko. [Mabuti naman kung ganun. Marami pang lalaki sa mundo anak, marami ding nagmamahal sayo. Kung alam mo lang, may inireserved akong kakilala. Irereto ko sana sa'yo...] natawa siya sa huli niyang sinabi.

Kunot naman ang noo kong napatingin sa telepono. Nabingi ata ako sa sinabi ni dada. Teka!

"Dada!" reklamo ko.

Excuse me lang talaga! Hindi pa ako ready sa another relationship no.

[Ano? ] inosenteng tanong niya. Akala talaga ng tatay kung to wala siyang sinabing ikinakunot ng noo ko. Tumikhim siya sa kabilang linya [ Anak... kami ng moma mo matanda na...] mas lalo lang kumunot ang noo ko. At ano naman ang gusto nilang iparating aber?

"Ano na naman po yan dada? Saan na naman mapupunta ang usapan 'to?" kunwari'y tamad kong tanong. But deep inside attentive ako sa gusto nilang sabihin. Napapatingin ako sa kuko ngayon.

[sabihin mo na mahal] singit ni moma, may pa bulong pang nalalaman.

[Eman...] biglang sumeryoso ang boses... [Hindi habang buhay makakapiling ka namin. Ang gusto kong sabihin ay kailan pa kami magkakaapo?...] napabuka pa ang bibig ko sa pag-intindi ng sinabi ni dada.

But then nag sink-in sakin ang huli niyang sinabi.

"Dada!" napalakas ko tuloy ang pagkakasabi. "Apo na agad?! Ni wala nga akong boyfriend, ni asawa wala din! Apo pa kaya?!"

Nakalimutan ko na tuloy na may bagyo. Kung makapag-usap kami ngayon para walang kalamidad sa labas na nangyayari.

[Kaya nga may irereto ako sayo anak... at ng magkaroon na kami ng Apo...] napapatirik nalang ang mata ko sa kawalan dahil sa patuloy na pag banggit ni dada sa apo niya na malabong mangyari.

"At sino naman ang inerereto mo saakin?" pakikisakay ko sa trip ni dada. Walang sigundo na hindi naikot ang mata ko dahil sa salitang apo, kakainis.

[Binata to anak. Walang sabit di tulad ng ex mo...] aniya na ikinataas ng kilay ko. Pinagsasabi ni dada? Parang ewan lang. Hindi na ako nagkomento pa.

Kailangan din bang banggitin ang salitang ex? Nababanas lang kasi ako e.

"O tapos?" tamad ko na naming tanong. Gusto ko sanang idugtong 'pakihanap ng pake ko' kaso baka pagalitan ako ni dada at sabihing wala akong modo.

Natawa nalang ako sa naisip. "Ano ba ang pangalan nun?" tanong ko ulit.

[Samuel anak. Samuel Montanari] sabi ni dada sa kabilang linya.

Teka parang familiar ang pangalan na iyon sakin ha? Saan ko nga yun narinig? Teka, ang hirap namang alalahanin....

Next chapter