webnovel

Chapter 2

I saw Moma and Dada after I parked my car in the garage. Malaki-laki rin ang pinagbago ng bahay dahil nga pinarenovate namin ito ng parents ko last month. Simula din noong tinanggap ko yung project, kinausap ko sila Moma at Dada na lumipat ng tinaharan para hindi hassle kung papasok ako ng trabaho.

I talked to them at pumayag naman sila, pero dapat daw ay umuwi-uwi parin ako kapag day-off ko. Wala namang problema sakin yun, dahil sure naman na mamimiss ko sila, specially my sister Karen.

Nang mabuksan ko ang pinto ng kotse ay nakita ko silang nag-aabang saakin. Sakto namang pagbaba ko ng sasakyan ay bumukas ang pinto ng bahay at iniluwa nito si Karen and my two friend Argen and Rein.

"Ate! Welcome back!"si Karen, nakangiti ng sobrang tamis saakin kaya napangiti rin ako. I missed her so much. Sino bang hindi, e kaming dalawa lang ang anak ng parents namin.

Nagsimula akong maglakad sa direksyon kung saan ang mga magulang ko, kapatid at kaibigan ay naghihintay na saakin. Palapit na ako sa kanila nang, humakbang si Karen para batiin ako ng yakap.

I know, I know she really missed me because I've been busy these past few months for the project. At ngayon ko lang talaga sila nakasama ulit.

Imagine yung limang buwan mong hindi nakasama ang pamilya mo? Noong una namamahay ako. Halos hindi ako makatulog dahil nga sa sinanay nila akong kasama sila. But the past few days na pamamalagi sa condo naging routine ko na rin na mag-isa.

Hindi naman pala ganun kahirap. Tumatawag rin sila moma. Sometimes naman nag-sskype kami. Para kahit papanu makita ko sila kahit malayo sila, and that's okay with me.

"Hindi nga ako nagkamali noong sabihin kong ikaw ang magiging best writer of the year ate!" masaya si Karen ng sabihin niya iyun saakin, habang nakayakap parin ito. Tumango-tango naman ako sa kanya bilang pagsang-ayon.

Una akong humiwalay sa pagkakayakap sa kanya.

"At maraming salamat sa hula mong ako ang magiging best writer." biro ko naman sa kapatid ko na sumimangot na sa harapan ko.

"Hindi kaya yun hula lang alam kong sisikat yung gawa mo ate."

"Oo na nga. Huwag ka ng sumimangot lalo kang pumapangit e..." nagtawanan naman ang nakarinig ng biro ko yun.

"Welcome back anak and Congratulations for the success of your project" si Moma, sabay halik sa pisngi ko.

"Thanks, Moma!" I replied and kissed her both chicks.

"Congrats anak" si Dada naman ang sumunod na bumati and I thanked him and hugged him.

"So pasok na tayo?" anyaya ko sa kanila. They nodded before entering the house.

At last, I'm home! I should spend the whole day with my family. Dahil bukas na bukas din, babalik na ulit ako para sa trabaho.

Sabay kaming anim na pumasok ng dinning area para sa kaunting celebration "daw" para saakin. Kanya kaya na kaming umupo. Si moma and dada ay sa kanan kasama si Karen. While ako at ang dalawa kong kaibigan ay nasa kaliwa. Handa na rin ang mga pagkain dahil sabi ni moma ipinahanda na niya daw sa kasambahay bago pa ako nakarating.

Hindi halatang excited sila sa pagdating ko. hihi. Nagsimula na kaming kumain.

"Argen and Rein wag muna kayong umuwi mamaya ha? Magbonding muna tayo." si Moma. Nagkatinginan naman kaming tatlo dahil dun.

"No problem mother dear!" si Argen.

"Sasabay sila saakin bukas pag-uwi moma, kaya makakasama mo pa sila."

"That's good anak, alam mo naman nandito lang ako. Minsan nabobored na rin dahil hindi ko naman minsan nakakasama si Karen. You know naman she's busy na for her thesis." tumango-tango naman kami.

Gagraduate na pala ang kapatid ko, kaunting kembot nalang wala nang alalahanin sila Dada. Pareho na kaming makakatulong sa kanila. We are not a burden anymore, dahil tapos na ang mga anak nila at magtatrabaho na rin si Karen after makagraduate.

"Oh, mother dear, 'wag kang mag-alala dahil susulitin namin yung araw na'to kasama ka, right Rein?"

"Yes naman, yes! Namiss ka kaya namin mother cecil. Tagal na rin kaming hindi nakadalaw dito e." si Rein.

Masaya namang tumatango-tango si moma sa kanilang dalawa. Dahil gutom ako, hinayaan ko na silang mag-usap habang patuloy lang sa pagkain.

Noong nandito pa ako umuuwi galing trabaho, madalas sila Argen at Rein dito sa amin. Kaya naman laging may kausap at katawanan si moma. Gusto kasi nito may kausap dahil nga nasa bahay lang naman siya.

Ayaw ni Dada na pagtrabahuhin pa siya. Medyo may katandaan narin at mabilis mapagod si moma. Kung ako lang rin ang tatanungin agree ako sa gusto ni dada. Minsan na kasing na ospital si moma dahil sa sobrang trabaho. Masipag siya kung trabaho lang ang pag-uusapan, ganun rin si Dada, kaya nga nakapagtapos ako sa magandang paaralan. Ganun rin si Karen, ngayon ay patapos na sya sa unibersidad na pinapasukan ko rin noon.

Hindi ko rin masasabing mayaman kami. Hindi rin sobrang mahirap. Basta nakakakain kami ng tatlong beses sa isang araw. Si Dada ang syang nagpapatuloy sa pagmamanage ng little business na tinaguyod nila ni moma noon.

Dad has been managing his little business in Tagaytay. Isang coffee shop yun. He visited thrice a day to check the shop. Nandun rin naman si Tito Bern, my mother's younger brother. Siya ang katuwang ni dada sa shop.

After we finished our lunch I went upstairs to my room. Sila naman ay nasa guess room, sinamahan yung dalawa kong kaibigan. Binigyan ko muna sila ng time para makapag kwentuhan sa dalawa. Mamaya na ako bababa.

"How's my room? Hindi ba kayo ginugulo ni Karen?" tanong ko pagkapasok ng kwarto. Kinaka-usap ko ang loob nang kwarto. Mukha naman akong baliw na kumakausap sa mga walang buhay na upuan, kama, cabinet at etc.

"Nililinisan ba kayo ng maayos dito? Na miss ko kayo" naisalampak ko ang aking mukha sa kama at pansamantalang naidlip.

Nagising ako dahil sa katok na narinig ko sa labas ng kwarto. Kinusot kusot ko muna ang aking mata gamit ang kaliwang kamay, bago tumayo at naglakad para pagbuksan ang pinto.

"Hija, sabi ng mommy mo bumaba kana raw" si manang, kasambahay naming.

"Osige po manang, pasabing magpapalit lang ako sandali at bababa narin. Salamat." Tumango naman si manang at tumalikod narin para bumaba.

Dumiretso na ako sa cabinet at kumuha ng damit na pamalit at sinimulang maglakad sa cr para makapagpalit.

Pagkababa ko sakto namang nasa sala silang lima na nagkakatuwaan. Dumiretso ako sa kaliwa kung saan nakaupo doon si moma kasama si dada. I hugged her tightly she responds the same.

"Miss you moma..." bulong ko, hinaplos niya ang buhok ko at napapikit ako. I feel like I'm back from being a little girl, gawain ni moma noon sakin.

"I miss you too darling..." ani niya. "We really missed you, especially your sister." Napamulat ako sa sinabi niya.

"I know moma. I missed her too."

Tumingin naman si Karen ng marinig niya iyon. Pumunta siya sa tabi ko. Medyo nakita ko pa yung mata niyang parang iiyak na.

"Wag mo akong dramahan Karen. Alam kong na miss mo ako, pa hug nga ulit." I spread wide my arms. Hinintay ko siyang lumapit para yakapin ako. Sinunod naman niya ang request kong kayap...

"Oh~ naiinggit ako!!" si Rein.

"Ako rin mother dear payakap! huhu" si Argen naman ang nagsalita. May paiyak-iyak pang nalalaman si bakla sabay punas kunwari ng mata niyang wala namang luha.

"Ay! kay father dear nalang kami yayakap!" nagtawanan kami sa biro ni Argen. Baliw talaga to kahit kailan.

"O sya group hug guys!" si moma, minsan talaga mas bagets pa samin to e.

"Not group hug but family hug!" pagko-correct naman ni Karen.

"Yeah, family hug." sambit ko...

Sinulit namin ang isang buong araw na magkakasama ng aking pamilya kasama ang mga kaibigan ko. Nanuod kami ng movie nung una.

Pagkatapos nun ay nagmeryenda kami. Napag-usapan din namin ang tungkol sa plano ni Karen pagkatapos niyang grumaduate. Marami pa kaming napag-usap, hanggang sa nagyaya si moma na magmall daw kami. Syempre pumayag naman kami. Minsan lang magkaroon ng time para sa ganitong gathering sa pamilya kaya sulitin na.

I went upstairs again to change clothe. It's a white simple dress na above the knee ang napili ko. I wore doll shoes with the same color as my dress. Put some light lipstick color on my lips and tie my hair into a pony tail. Mahaba ang buhok kong kulay itim, na umabot hanggang bewang. Hindi narin ako naglagay pa nang kung anu-ano sa mukha ko. Hindi naman din kasi ako sanay sa ganun. Mas gusto ko yung parang natural look lang. Bumaba na rin ako pagkatapos.

They eyed me to head to foot when I saw them waiting outside.

"You look more beautiful darling..." si moma, papuri niyang sabi saakin. Napangiti naman ako.

"Thank you moma. May pinagmanahan yung ganda ko e." She smirked.

"Of course, You know darling your father wouldn't notice me kung hindi ako maganda" natawa si dada sa biro ni moma sa akin.

"Maganda kaman o hindi Mahal. Nakuha mo parin ang puso ko at hindi na iyun mababago pa." kinilig naman kaming nakakarinig sa dalawang nasa harap namin ngayon.

Naki epal naman si bakla.

"Naku! Mother dear and Father dear, ha. Tama na po yan. Nilalanggam yung mga walang jowabells dito oh..." turo nito sa aming apat. Inirapan siya ni Rein, si Karen naman tahimik lang na nakangiti sa kanyan. Habang ako taas kilay siyang tinignan.

"Excuse me bakla! Wag mo kaming idamay kung wala kang jowa." pairap na tinapunan siya nang tingin ni Rein.

"Excuse me rin babaeng walang hinaharap! Wag kanang magpa-inosente jan. I know naman na matagal kanang umaasang magkaroon nun, kaya wag mo ng ideny pa! kaloka to!" maarteng sabi ni Argen sa kaibigan.

"tse!" yun nalang ang naging tugon ni Rein sa kanya.

"O sya, tama na yang bangayan na iyan. Baka hindi na tayo makaalis." Si dada.

"Ikaw kasi bakla e..." sisi ni Rein. Inirapan naman siya ni bakla habang pilantik nitong ipinapaypay ang kamay sa kanyang mukha.

"Karen, dun ka sumabay sa kotse nila dada. Sila argen dito sasabay saakin e" tumango lang ang kapatid ko at pumasok narin sa kotse.

Pinalabas ko ang kotse sa parking area ng bahay. Kasunod naman na lumabas ay ang gamit ni dada na kotse. I signal them and drive first. Until we reached our destination.

Kanya kanyang babaan ang aming ginawa nang nasa parking area na kami ng mall. Which is the ground floor. We need 3 minutes of walking to reach the elevator. Medyo hindi naman kalayuan yung pinag parkingan namin ng mga sasakyan, kaya mabilis lang din kaming nakarating sa harap nang elevator. Dada is the one who pressed the button to open. After that we went inside.

"San pala tayo Moma? Magdidinner naba agad?" si Karen, she asked mom where to go. Umiling si moma bago nagsalita.

"No darling, after nalang ng pamimili natin." Mom said.

"Ililibre mo ba ako ma?" mataman lang akong nakikinig ganun rin si dada. My friends are talking about other things pero di ako nakisali.

"of course, but it will be deducted to your allowance" mom smirked. Busangot naman ang kapatid ko. Si dada ay natawa.

"Moma naman!" asik niya dito

"Just kidding." Yun lang ang tugon ni moma kay karen

Umaliwalas naman ang mukha ng kapatid ko. Tumingin naman siya sa direksyon ko. Don't tell me magpapalibre din to sakin?

"Ate?" papacute nito.

"Oh" kunwaring tugon ko

"Ikaw, hindi mo ba ako ililibre?" nagtu-twinkle-twinkle little star na yung mata niya sa harap ko. Hindi nga ako nagkamali.

"Ililibre kana ni moma bakit pa kita ililibre?"

"Ate naman! Iba yung libre ni moma sa libre mo no."

"Anong pinagkaiba ng salitang libre? Iisa lang yun."

"Hmp! Daya naman ni ate e!"

"Haha, stop that Karen. Don't be so spoiled" suwestyon ko sa kanya.

"Ate naman!"

"Dada, why did you spoil her? Tignan nyo ang nangyari namimilit na..." kunwariy sumbong ko kay dada.

"I'm planning nga anak na bawasan na yung pang-sspoiled ko sa kapatid mo e..." birong sagot ni dada habang iniignora lang ang busangot na mukha ni karen.

"Grabe dada ha! Ganyan kana sakin, di mo na ako mahal ganun?" sabi nito sa ama namin, tumingin naman siya sakin "Ikaw rin ate di mo na ako mahal, di naman ako spoiled e!" sabi nito.

"Just kidding!" sabay naming sabi ni dada. Mom laughed at Karen's reaction. She brushed my sister's hair using her right hand. After that conversation, we heard the sound, bumukas yung elevator hudyat na pwede na kaming lumabas.

"We go first to the women's section" si Moma.

Pagkatapos nang isang oras na pag sho-shopping. We went to a fine restaurant. We ordered what we like and we then eat. We have a little conversation about something, of course, hindi naman nawawala yun. After that namasyal pa kami nang kaunti and then we decided to go home.

Nang nakarating na kami. I gathered the item that I bought. Ganun rin sila, nilibre kami ni moma and dada. Binilhan ko rin si Karen kasi nga namimilit kanina. Hindi naman ako makatanggi dahil nga makulit. Natuwa naman ang dalawa kung kaibigan ng may matanggap sila mula kay moma. Hindi ko nga lang alam kung ano yun dahil kanina, habang namimili sila. Namili na rin ako ng para saakin at kay Karen. Kaya di ko namalayan yung pinamili nya for us.

"Thank you sa libre ate Em" ngiting wagi si Karen ngayon. Marami siyang natanggap e.

"You're welcome. Pero sa susunod wala na."

"Ay! Ansama!"

"Talaga!"

"O tama na yan Eman, Karen. Matulog na tayo. Gabi na rin." Si Dada

"Oo nga mga anak. Pagod na rin ako buong araw. Tsaka babalik pa si Eman sa trabaho bukas, kaya dapat lang magpahinga na" sabi ni Moma.

"Goodnight everyone! Thank you ulit ate" Karen said and kissed my right chick. Humalik din siya sa magulang namin at sa mga kaibigan ko. Then went to her room. Same with us, nagkanya kanya na ring puntahan sa kwarto para matulog.

Thanks, God, for this wonderful day. The best day is that when you're with your family.

Ipinikit ko na ang aking mata. Unti-unti ko na ring nararamdaman ang antok....

Next chapter