Maaga pa lang ay nagtatalo na agad kami ng Lolo Patricio ko. Paano ba naman ayaw n'ya akong payagan na mag enroll sa university na exclusive for all girls only. Hindi man masyadong sikat pero mataas naman ang kalidad ng school at saka tahimik.
"Hindi pwede. Huwag matigas ang ulo, Margarita! "
"Lolo, hindi po ako si Mommy Margarita. Maganda po ang pangalan ko. MARGARETTE LYNX po, lolo. Naku baka bumangon po si Mommy nyan. Sige ka, lo. "
"Pilosopo ka pang bata ka! Basta ako ang masusunod. Bukas na bukas din sasamahan kita mag entrance exam sa Lynux University! "
"Lo, ayaw ko doon. Hindi ako genius. Mga genius lang doon at saka mixed ang mga estudyante doon. "
Ang Lynux university ay isa sa pinaka famous na university sa Pilipinas. Open for all gender ito.Kung ang iba pangarap makapasok dito kabaliktaran naman ako, hindi ko talaga bet ang university na'to.
Ah basta kelangang mapapayag ko si Lolo by hook or by crook.
"Lolo, ayaw ko po talaga doon. Sa ibang university na lang please" umiyak ako kunwari pero waley pa din.Hindi pa rin umobra ang drama ko.
"Alam ko na yang drama mo Margarita! Matulog ka na at umayos ka bukas".
"Lolo----".Naputol ang iba ko pang sasabihin ng may tumawag sa cellphone nito. Wala akong nagawa kundi padabog ako na umakyat sa kwarto.
Since 5 years old ako si Lolo na ang aking naging guardian. Pumanaw na kasi sila Mama at Papa dahil sa car accident. Spoiled brat ako ni lolo pero sa ngayon parang hindi nya mapagbibigyan kahilingan ko. First time talaga ito na si lolo ang parang masusunod, pakiramdam ko sya ang magwawagi.
Dinial ko na lang ang number ni Maxi. Si Maxi bff ko sya. Kasabwat sa lahat ng bagay.
"Hello, Max. May sasabihin ako sayo."
"Anu yun, Lynx?"Halata sa boses na ngumunguya ito ng bubble gum.
"Max, mukhang malabo na maging klasmyt tayo. "
"Bakit?! "Lumakas boses nito na akala mo bingi ang kausap n'ya.
"Mag entrance exam ako bukas sa Lynux University. ",malungkot na balita ko.
"Hahahahaha, best! Exciting yun! "
Yung sagot n'ya iba sa inaasahan ko. Ang layo!
"Paano naging exciting?! Hay naku hindi ko ipapasa ang entrance exam! "
"Best, doon din ako mag eenrol! "
"Talaga?!"Napadapa ako sa kama.
"Kaya wag mo ng kontrahin ang lolo mo! O pano see you tomorrow. "Binabaan n'ya agad ako ng telepono. Salbaheng bata!
Masaya ako sa nalaman ko na mag entrance exam din si Maxi. At least may kasama na din ako doon. Malungkot lang ako dahil baka hindi maging masaya ang college life ko doon. Hay makatulog na nga lang. Ok fine talo ako ngayon! Huhuhu. Aabangan ko na lang ang susunod na mangyayari sa mga susunod na araw.