webnovel

T W O

  

      "Huy? Sorry na kasi," sambit ni Arlyn habang kumakain kami ng tanghalian sa loob ng room. May baon kasi kami kaya hindi na namin kailangang lumabas.

Tinignan ko lang sya at inirapan. Hindi ko sya pinapansin mula pa kanina.

"She? Wag ka na kasing magalit??," nakalabing sambit nya habang nakatingin sa akin.

"Penge akong hotdog ah?,"

Napasimangot ako lalo dahil bigla nalang nyang kinuha yung baon kong hotdog. Kakaiba sya talaga. Wala nang tatalo sa kanya. Nakalahati kolang ang kanin sa baunan ko at hindi ko naubos dahil wala na akong ulam.

Bakit ba naging kaibigan ko to?

"Bakit ba kanina ka pa nakasimangot?," tanong ni Lorraine, isa mga kaklase namin na naging kapalagayan namin ng loob.

Bago pa ako nakasagot ay nagsalita na ang aking bibig. Si Arlyn.

"Hindi kasi sya pinansin nung crush nya dyan sa kabilang classroom," sagot ni Arlyn para sa akin.

"Sa grade 8?," tanong naman ni Lorraine.

"Maraming pogi doon,"

Hinayaan ko nalang silang magkwentuhan. Parang wala din naman ako sa tabi nila kung pag-usapan ako eh. Dumukdok nalang ako at pipiliting matulog habang hindi pa namin klase.

Nagising lang ako nang makarinig ako ng maingay. Agad akong napaayos sa pagkakaupo sa pag-aakalang nagkaklase na.

"Uy totoo ba? Crush mo si Cj?," nanlalaki ang mga matang tanong ni Jenny isa sa mga pabebe naming kaklase. Number one din yan pagdating sa chismisan.

Hindi pa man ako nakakasagot ay may nagtanong na naman. Kunot noong napatingin ako sa gawi ni Arlyn na busy sa pakikipagkwentuhan sa iba pa naming mga kaklase. Napansin nyang may nakatingin sa kanya at nang makita nya ako ay kumaway pa sya. Napailing nalang ako. Pabida kasi si Arlyn mula elementary palang kami. Minsan nga sabi ko sa kanya balang araw baka maging reporter sya. Binansagan ko na nga sya ng balitang amianan dahil sa pagiging dalahira nya.

Sinimangutan ko lang sya at isinawalang bahala lahat ng mga tanong nila sa akin. Hindi naman ako talaga ang may crush sa mga grade 8 na iyan. Bakit ako ang pinupuntirya nila??? Kasalanan ni Arlyn to eh. Hahanap ako ng paraan para makaganti sa kanya.

  ~~

   Kung gaano kabilis lumipas ang araw ay ganuon din kabilis kumalat ang chismis na ginawa ni Arlyn kaya sa bawat araw na daraan si Cj sa harap ng room namin ay tinutukso nila ako. Noong una ay hindi ko lang sila pinapansin pero ng tumagal ay naapektuhan na ako. Siguro dahil sa araw-araw na panunukso nila ay nagkaroon ako ng interes para alamin kung sino at kung ano ang ugali niya, ang mga hilig niyang gawin. At doon na nga nagsimula ang pagkakagusto ko sa kanya.

Sa paglipas ng panahon ay unti-unti na talaga akong nahuhulog sa kanya hanggang ang chismis ni Arlyn na may crush ako sa kanya ay naging totoo na.

Grade 8 na kami ni Arlyn. Magkaklase parin kami. May mga bago kaming kaklase na galing sa ibang section at may iba naman kaming kaklase na nawala. Ang kasinungalingan ni Arlyn ay nauwi sa katotohanan dahil ngayon ay talagang crush ko na sya.

Si Cris Jhon Marcelo, o Cj kung tawagin nila. Ang lalaking palaging nagpapatibok sa puso ko kapag nakikita kong nagdadaan sya sa harap ng room namin. Marami na akong nalaman tungkol sa kanya sa tulong nadin ni Arlyn. Magaling syang sumayaw at mahilig sya sa aso. Marunong syang tumugtog ng trumpet at magaling syang magitara. Napapanaginipan ko pa nga sya tuwing gabi eh.

"Hala sya,kasalanan ko to eh," sabi ni Arlyn habang pinagmamasdan akong napapangiti sa kawalan.

"Kung alam ko lang na darating sa punto na ito na mababaliw sya, sana hindi ko nalang sinabi iyon,"

"Ikaw kasi eh, ayan tuloy nagkatotoo," sabi naman ni Lorraine.

"Bukas nga sabihin mo na tatama ako sa lotto, baka magkatotoo din,"

Kasalukuyan kaming nakaupo at namamahinga dahil katatapos lang ng P. E class namin. Kung hindi kolang sya nakita sa gym hindi ko papasukan ang P. E namin.

Wala eh, tinamaan yata talaga ako. Nakangiti ako habang pinagmamasdan sya mula sa malayo. Kung paano sya makipag-asaran sa mga kaibigan nya. Kung paano sya ngumiti.

Bigla akong napatakip ng mukha ng malingon sya sa gawi namin. Tumibok na naman ng malakas ang puso ko.

"Ayan tayo eh, kapag wala hinahanap, kapag nandiyan nagtatago," sabi ni Arlyn ng makitang nagtatakip ako ng mukha.

"Ilang taon na nga ba syang ganyan?," tanong naman ni Lorraine.

"Isang taon at kalahati na," sagot naman ni Arlyn. Napalingon ako sa kanilang dalawa ng nakataas ang isang kilay.

"Inggit lang kayo, wala kayong inspiration," sabi ko sabay lingon ulit sa kinalalagyan ni Cj pero nakita kong paalis na sila kaya napasimangot ako.

"Wow ha? As if namang pinapansin ka nya," lintanya ni Arlyn.

Tinawanan ko lang sila bago tumayo at nag-aya na sa loob ng room.

Bawat araw ay sya palagi ang inaabangan ko mula sa bintana ng room namin. Kapag dumadaan sya kasama ang mga kaibigan nya ay nabubuo na ang araw ko. Ewan ko ba kung bakit. Masaya ako kapag nakikita ko sya. Kahit hindi nya ako napapansin.

Pero minsan,kapag lumilingon sya sa kinalalagyan ko ay ngumingiti sya kaya hindi ko mapigilan na umasa na baka gusto din nya ako. Sa isipin na gusto nya din ako ay sapat na para tumalon sa tuwa ang puso ko.

Pero syempre, katulad ng ibang mga love story, nakakaramdam din ako ng sakit. Ewan ko ba, hindi naman kami pero nasasaktan ako kapag may kasama syang iba.

Minsan nakita ko sya na may kasama, ang saya saya nila, nagtatawanan saka naghaharutan. Hindi ko mapigilan na masaktan kahit wala naman akong pinanghahawakan. Ilang beses ko nang gustong umamin sa kanya kaya lang natatakot ako na baka masaktan lang ako.

Kapag nakakasalubong ko sya sa pathway, hindi ko alam kung saan ako lulusot kaya ang ginagawa ko ay bumabalik nalang kaya minsan nalelate ako sa ilang subject namin. Nakakainis na, hindi na ako makapag focus sa pag-aaral ko dahil sa kanya.

Naiinis na din ako sa mga kaklase ko. Alam na alam nila na crush ko si Cj. Hindi ko tuloy maitago kapag kinikilig ako. Lalo na kapag nakikita nila na lagi akong nakatingin sa bintana kapag daraan si Cj sa harap ng room namin, ang iingay nila. Isisigaw pa. Gusto kong isisi lahat kay Arlyn. Pabida kasi!

Gusto kong kiligin ng walang nakakapansin pero hindi ko magawa. Palaging may nakatingin, palaging may nakakapansin. Nakakaasar, daig pa showbiz.

"She, pumunta ka naman sa practice natin sa sabado," pangungulit ni Arlyn ng minsang nasa canteen kami at nagmimiryenda kasama si Lorraine.

"Oo nga, kagrupo nyo ako, pumunta kana," sabi din ni Lorraine. Napasimangot ako ng maalalang kagrupo din namin si Jenny.

"Kaya nyo na yon, tawagan nyo nalang ako kung may problema," sagot ko na sa cellphone nakatingin. Nag-i-stalk kasi ako sa fb ni Cj.

"Hanggang ngayon ba hindi ka parin nakakalimot?," tanong ni Arlyn kaya napatigil ako sa ginagawa ko.

"Nagsorry naman na sayo si Jenny eh, patawarin mo na?,"

Napatingin ako sa kanilang dalawa bago napabuntong hininga ng malalim. Sa totoo lang kahit dalahira si Jenny, natutuwa ako sa kanya, kaya lang may ginawa sya na di ko talaga makalimutan.

Grade 7 palang kami noon, 3rd grading. Binilan ako ni Mama ng cellphone dahil matataas ang mga nahuha kong grades. Lahat ng mga kaklase ko kinuha ang number ko. Syempre ibinigay ko naman sa kanila. Noong mga panahon na iyon nahuhulog na ako kay Cj dahil sa mga asar nila. Syempre bagong cellphone, kailangang makuha ko yung number ni Cj. Kaya lang hindi ko kaya kasi nakakahiya, kaya umaasa nalang ako sa mga nakukuha ni Arlyn, pero syempre palaging palpak. Kung sino-sino tuloy ang nakakuha ng number ko sa sobrang daming number na ibinibigay sa akin ni Arlyn na number daw ni Cj. May mga naging katext ako sa mga kaklase nya pero nahihiya naman akong kuhanin ang number nya.

Lunch break noon ng may magtext sa akin. Unknown number, hindi ko na sana papansinin kaya lang, nagpakilala na sya daw si Cj. Kinabahan ako na parang ewan.

Hindi ko na naisip na baka nanloloko lang o ano. Nireplyan ko agad, at ayon, naging katext ko sya ng halos isang linggo. Kinikilig ako kasi nga yung crush ko katext ko na, binibigyang pansin nya ako. Kahit nga nagkaklase nakikipag text ako. Pero isang araw, breaktime namin ng malaman ko ang totoo.

Napansin ko na nagkakasiyahan sila Jenny saka iyong mga kaibigan nya sa isang gilid ng room. Pinapanuod ko sila habang nagtatawanan at may tinitignan sa cellphone. Hindi ko nalang sila pinansin dahil nakikipagtext din ako. Nang makapagsend ako ng message kay Cj saktong tumunog yung cellphone ni Jenny. Akala ko noong una coincidence lang, pero noong nagtagal na palaging ganoon ang nangyayari, magsesend ako ng message tapos tutunog yung cellphone nya. Nakahalata na ako, hindi lang sa tunog ng cellphone nya sa tuwing magsesend ako kundi pati narin sa mga itsura nila. Nagsisimula na akong kabahan saka mainis kaya ang ginawa ko tinawagan ko yung number na nagpakilalang Cj at boom, tumunog ang cellphone ni Jenny. It made sense then.

Nakatingin silang lahat sa akin habang pinapatay ko ang cellphone ko. Kaya pala tawa sila ng tawa.

"Sana naman napasaya ko kayo," mariin na sabi ko bago kuhanin ang bag at tuloy-tuloy na umalis palabas sa room.

Habang naglalakad ay hindi ko mapigilan ang maiyak dahil sa mga nangyari. Wala naman akong ginawang masama sa kanila. Bakit nagawa nila yon?

Nagdiretso ako sa sakayan at nagpasya nalang na umuwi. Sinabi ko nalang kay Mama na masama ang pakiramdam ko. Simula noong araw na iyon ay hindi ko na kinausap ang kahit na sino sa kanila na alam kong kasama sa kalokohan na iyon.

"Hoy?," napabalik lang ako sa kasalukuyan ng kalabitin ako ni Arlyn.

"Pumunta ka na kasi,"

"Oo na," tipid na sagot ko bago ibalik sa pagkain ang atensyon. Ilang sandali pa ay biglang dumating si Alvin, classmate namin sya ni Arlyn noong grade 4 .

"She?," sambit nyang nakatitig sa akin.

"Wala akong dos," sagot ko agad.

"Hindi ako pulubi," nakasimangot na sagot nya.

"Pahiram nga ng isang sim mo?,"

"Bumili ka nalang, mura lang naman," nakaismid na sagot ko. May kasalanan pa sakin to eh. Noong minsan, kinuha nya yung panyo ko kasi kailangan daw nya ng kulay violet na tela. At dahil mabait ako pinahiram ko sya kaya lang noong kinukuha ko na ang sabi nya ibinigay daw nya kay Cj yun pala, naiwala nya. Nakakaasar lang! Naniwala ako kasi kabanda sya ni Cj.

"Sige na ibabalik ko din mamaya," pagmamakaawa nya kaya pinahiram ko sya ng sim na hindi ko ginagamit. Napabuntong hininga nalang ako nang bigla nalang syang tumakbo paalis.

    ***

Next chapter