webnovel

Kabanata 29

Here i am alone. Drinking margarita with my self. I'm tired... almost tired. Ganti ba ito sa akin ng tadhana? Dahil ba sa niloko din namin noon si Candy? No! Niloko n'ya rin si Zion kaya quits lang kami!

"Zion, how can you do this to me? Bakit niloko mo pa rin ako? "Yung iyak ko talagang hagulhol. Mabuti na lamang at sound proof ang room, hindi ko maiistorbo ang nasa kabila.

"Pwede bang kunin mo na lang ako Lord kasi ang sakit-sakit na po talaga. Parang di ko na po kaya. "

Then I saw a knife in the table and something weird and bad idea sink into my mind. "Can I end my life? "

But my conscience say "No! It's a mortal sin! "

"Cheers myself! Let's celebrate! "Nilaklak ko na ang isang klase ng alak. Champagne naman ngayon. Sa pangalawang pagtungga ko may biglang humawak sa kopeta. Nalaglag ang kopeta sa sahig... at ito ay nabasag.

"Stop it,Scent! I said stop! "

Galit na boses ni Zion ang umalingawngaw.

"Oh dear Z-zion! "Lasing na ako ,nabubulol na ako. Naniningkit na mata ko, nahihilo na ako. "B-bakit ka nandito? Ayaw ko na s-sayo! Your a liar... I hate you! "

Pero pinilit n'ya akong yakapin at nagtagumpay s'ya. Mas malakas pa rin siya kesa sa akin,syempre lalaki.

"Please talk.Hindi ako sinungaling and never akong pumunta ng Spain para hanapin si Candy at makipag landian sa ibang babae. Matagal na ang mga photos na yun!"

"Ayaw ko ng makinig sa explanation mo. Please leave me alone, "pilit kong tinakpan ng kamay ang dalawang tainga ko. Senyales na ayaw ko talaga s'yang pakinggan.

"Please Scent pakinggan mo naman ako. Ikaw na yung mahal ko at hindi na si Candy. "

"Please nakikiusap ako, ayaw ko muna ng kausap. Sana maintindihan mo yun, Zion. Leave me and lock the door or else ako ang aalis and you will never see me. I will talk to you kapag okay na ako. Sa ngayon di ko pa kayang makipag usap sayo. "

"Okay. Okay. Hands down na ako kung yan ang gusto mo.Ito lang lagi mong tatandaan, mahal na mahal kita, Scent at ikaw ang gusto kong makasama hanggang sa pagtanda. "Hinalikan n'ya ako sa noo at niyakap ng mahigpit. "Take care of yourself. I love you".

Then he left me.

Ako naman ay lutang ulit. Umiiyak na naman habang umiinom ng alak. Praning lang ang datingan.

Hindi ko kayang i-let go si Zion! Mahal na mahal ko din s'ya.

Si Candy? No! Hindi si Candy ang makakapaghiwalay sa amin.Kakalbohin ko si Candy kung sakaling di totoo sinasabi n'ya,

Zion is mine! He's mine!

"Mahal kita, Zion! "

At mabilis kong tinakbo ang pinto.Hinabol ko si Zion at pagdating ko sa elevator, under maintenance pa ito.Napilitan akong gamitin ang hagdan kahit na ang taas ng aking dadaanan, lakad takbo pa rin ginawa ko. Paglabas ko ng hotel, hinanap ko sa parking lot ang sasakyan ni Zion ngunit nanlumo ako at napaupo na lang habang humihikbi.

"Zion, mahal kita! Mahal na mahal. Hayop na Candy yun, kakalbuhin ko s'ya, tang -ina n'ya! "

"Kakalbuhin mo talaga si Candy? "Isang pamilyar na boses ang narinig ko at pag angat ko ng tingin, si Zion ang nagsalita habang nakahalukipkip ang mga kamay nito. Gwapong-gwapo  na naman ako sa kanya.

"Zion! "Agad akong tumayo at niyakap ko s'ya. "Mahal na mahal kita! Huwag mo akong iiwan. "

"Sinong may sabi na iiwan kita? Ikaw nga itong nagsalita dyan na iwanan kita. Mahal kita, Scent. "Niyakap din ako ni Zion. "Ikaw nga d'yan ayaw makinig sa explanation ko. "Pinaghalik-halikan niya ang noo ko.

"Sino yung kasama mong babae tapos pareho pa kayong nakahubad? "

"Sweetie, matagal na ang picture na yun, "natatawang sagot ni Zion.

"Pero totoo yung picture na yon? Hindi edited? "I'm not really contented with his answer.

"Edited photos, sweetie. You want a proof? "

"Nevermind. Basta ang importante your mine Zion! "Kinurot ko s'ya sa may bandang abs. "Subukan mo lang talaga at makakatikim ka sa akin. Ilang timba ng luha ko ang ipinuhunan ko dahil diyan sa mga pictures na yan. "

"Yes boss. Anong gusto mong gawin natin sa ex ko? "

"Wala. Siraulo sya! Huwag na siyang magpapakita sa akin or else kalbuhin ko talaga sya. "Gabriela Silang kaya ito!

"Sweetie, peace na tayo okay? Ayaw kong ma stress ka.Let's get inside and papawiin ko 'yang stress mo. "Sabay buhat niya sa akin.

"Aba ikaw Zion ah",at pinitik ko ang matangos niyang ilong.

Next chapter