webnovel

Kabanata 27

Scent POV

3 months later...

Excited kong ibinalita kay Brenda na kami na ni Zion. Dahil nga madaldal si Brenda pati kila Nicole ay nakarating ang balita. Agad silang tumawag sa akin at sinabi ko din naman na kami na ni Zion. Hindi naman lingid sa kaalaman ng mga friends ko ang hiwalayang Zion at Candy.

Nagbigay pa ng advice si Nicole sa akin. "Scent, basta siguraduhin mo lang na hindi ka panakip butas ni Zion. Saka huwag mong hahayaan na lumandi pa yan sa iba. "

"Oo naman, Nicole. Subukan n'ya lang talaga at si daddy at mga kuya ko makakalaban n'ya, "panay pa ang tawa ko habang nagkukwento sa kanya.

"Oo nga naman bhe. Ikaw na yata ang napapaligiran ng barako brothers at isama pa si Tito. Oh paano update na lang sa mga susunod na kabanata. Basta mahalin n'yo lang ang isa't isa. Be loyal, okay? "

"Thanks, Nicole. I love you, sis. Loyal naman talaga ako. Wait lang sis, may incoming call. "

"Sige sis sagutin mo muna yan at baka si Zion yan. "

***

"Hello,sino 'to? "

Isang pamilyar na boses ang sumagot.

"Hello, Scent. Pwede ba tayo magkita ngayon? "

"Candy?!"Bulalas ko.

"Yeah ako nga ito. Gusto ko lang sanang makipagkita sayo. Babalik na kasi ako ng Spain next week, may mahalagang sadya lang kasi ako sayo. Sana mapagbigyan mo ako? "

"Sige, exact location? "

"Itetext ko sayo ang address. "

"I'll wait. Send it ASAP. "

I don't know the reason kung bakit n'ya ako gustong makita at makausap. Palaisipan sakin ang lahat lalo na at may mahalaga s'yang sadya sakin. Tungkol ba ito kay Zion?

No! Hindi ko na ibibigay sa kanya si Zion. Mahal na mahal ko si Zion. He's mine now and I'll protect our relationship till the last breath of my life.

Malapit lang ang address na binigay ni Candy sa location ko ngayon kaya narating ko kaagad.Nandoon na si Candy, likuran palang nito kabisado ko na. Mag isa lang ito, tumayo ito ng makita ako.

"Hi Scent, long time no see "pagbati n'ya sa akin at nag beso-beso pa kami.

"Hello, Candy. How are you? "

"I'm doing great.Congrats nga pala. Nakarating sa akin ang balitang kayo na ng ex kong si Zion. "

"Thanks. Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Anong mahalagang sadya mo sakin? "

"Well kumain muna tayo and saka natin pag usapan ang sadya ko sayo. "

"Pwede mong sabihin habang kumakain tayo. "

"Sure. Are you ready? Baka naman ma shock ka? "

"Hindi ako masa shock kung hindi naman nakakagulat. Please direct to the point. "

"Okay. "May kinuha ito sa bag at inilapag sa mesa. "Envelope yan at may mahalagang mga files yan."

"Files for? "Kinuha ko ang envelope at  binuksan agad. Tumambad sa akin ang mga pictures ni Zion na may kasamang babae at parehong nakahubad ang dalawa.Familiar ang mukha sa akin ng babae, isa itong modelo pero hindi naman ganoon kasikat.

Nanlomo at nanginginig ako sa galit.Biglang nasira ang mood ko sa mga pictures na nakita ko

"Bakit may mga pictures ka nila? Anong motibo mo? Kanino mo nakuha ang mga to? "Taas boses kong tanong.

"S'ya na lang tanungin mo. Good luck. Bye for now. Ayaw ko lang kasi magmukha kang walang alam sa mga pinag gagawa n'ya. Noong nakaraang buwan pumunta siya sa Spain.Alam mo kung bakit? "

"Bakit? "

"Dahil pinuntahan n'ya ako doon. Hanggang ngayon ako pa rin ang mahal n'ya. Panakip butas ka lang n'ya at yang babaeng kasama n'ya girlfriend n'ya rin yan.Pinagsasabay n'ya kayong dalawa.Aalis na ako. Please drive safe. "

Hindi ko s'ya pinigilang umalis. Hindi ako umiyak. Ayaw kong umiyak sa maraming tao kaya kahit nanghihina ako, pinilit ko pa ring makarating sa kotse. Pagkapasok palang ng kotse ay humagulhol na ako ng iyak.

Bakit n'ya nagawa to sakin? Bakit n'ya ako niloko? Ako lang pala ang nagmamahal sa kanya. Ang tanga ko kung bakit naniwala agad ako sa kanya! Bakit hanggang ngayon si Candy pa rin ang gusto n'ya! Pumunta pa talaga s'ya ng Spain! Ang sabi n'ya may business trip s'ya doon. Business trip with side trip pala! Mukha n'ya!

Naka recover na ako sa pag iyak kaya tinahak ko ang lugar pabalik sa office. Binati ako ng mga empleyado ngunit dire-diretso lang ako sa opisina ni Zion.

Nadatnan ko s'ya na may kausap sa phone at nagulat pa ito ng makita ako. Binaba agad ang phone,tumayo ito at sinalubong ako.

"Sweetie your here. Where have you been? "Yayakapin n'ya na sana ako ngunit malakas na sampal ang sinalubong ko sa kanya.

"Don't you ever call me Sweetie! Break na tayo! Hindi lang ikaw ang lalaki dito sa mundo! "

"Scent, what's wrong? "

"You are the biggest mistake of my life. Malandi ka, manloloko ka Zion! "humagulhol na ako ng iyak. Sobrang sama na ng loob ko. Pilit akong niyayakap ni Zion pero pilit ko din s'yang itinutulak.

"Don't touch me! Liar! "Ibinato ko sa kanya ang envelope na may lamang mga pictures  at agad ko s'yang tinalikuran. Patakbo kong nilisan ang office na umiiyak. Wala akong pakialam kong pinagtitinginan man ako ng mga empleyado.

Sumakay ulit ako ng kotse at pinaharurot iyon.Gusto ko munang mapag isa kaya nag rent muna ako ng hotel room somewhere in Makati. Inoff ko muna ang phone. Ayaw ko muna ng kausap. Gusto kong magpakalasing kaya nagpadala ako ng inumin sa room.

****

Hala ano kayang balak gawin ni Scent ngayong nalaman n'ya na hindi loyal sa kanya si Zion? Mahanap kaya s'ya ni Zion? Oh no! Totoo kayang mahal pa ni Zion si Candy o gawa-gawa lamang ni Candy yun?

Well abangan ang susunod na Episode.

Next chapter