webnovel

Kabanata 1

Sobra akong na hurt ng harap -harapang sabihin sa akin ni Zion na humanap na lang ako ng ibang lalaking mamahalin. Hindi ko alam kong paano at bakit n'ya nasabi yun sa akin samantalang hindi ko naman sinabi sa kanya na gusto ko sya at lalong wala akong sinabihan na mahal ko s'ya. Hindi ko rin naman pinapakita sa kanya na gusto ko talaga s'ya at hindi ko rin naman pinaparamdam sa kanya na mahal ko s'ya.

Ayaw ko din naman pumasok sa complicated relationship lalo na at alam kong may girlfriend na s'ya. Kaibigan ko pa naman si Candy, ang kanyang first and last love na paulit-ulit n'yang sinasabi sa mga kaibigan n'ya.

"What are you talking about, Zion? "Tinaasan ko talaga s'ya ng kilay. Pero marunong akong umarte kaya alam ko kung paano magtago ng tunay na nararamdaman.Feeling artista kaya ako lagi lalo na kapag nasa harapan n'ya.

"Huwag ka ng mag deny. You like me a lot. Am I right? "Hirit  pang tanong sa akin ni Zion.

"What the hell are you talking about? Ako may gusto sa'yo? Wow huh! Mahiya ka naman sa balat mo ".Tiningnan ko s'ya ng masama. Nagtitigan kami. S'ya ang unang sumuko. Magaling talaga ako makipagtitigan lalo na at gusto ko yung guy. Baliktad nga diba? Kasi yung iba pag gusto nila nahihiya silang makipagtitigan.

Well to tell you the truth, I like and love Zion a lot even though may girlfriend na s'ya. Ilang beses kong pinigilan ang sarili ko na huwag ko s'yang gustuhin pero  mahirap talagang kalabanin ang sariling damdamin.

"Don't wait for me because I'm already taken and magiging daddy na ako. Dapat alam mo kung saan ka lulugar, " Zion added.

Lalong ikinasama ng loob ko ang sinabi niya pero nagawa ko pa rin na ngumiti at sabay bati sa kanya ng "Congratulations. Soon to be dad ka na pala! " Anyway may sasabihin ako sa'yo. Ang lakas ng bilib mo sa sarili mo.Pero pasensya na ah, hindi kita type, Zion Ram Padilla! Nananaginip ka yata or may jetlag ka pa. Excuse me ! "Tinalikuran ko na agad s'ya pero sumunod s'ya sa akin.

"Hey don't get mad. I'm just catching you if may gusto ka nga sa akin. I'm sorry if na offend ka sa sinabi ko." Inakbayan n'ya ako. Syempre kunwari ayaw ko ng akbay n'ya kaya iwinaksi ko ang kamay n'ya.

"Don't touch me! Go back to your chair. Hindi ko gusto yang mga pa catch catch na sinasabi mo. "

"Please accept my apology. Sorry na, Scent Sandoval. "

"Shut up! "High tone ang boses ko. "Mag sorry ka sa mukha mo ".Tuluyan ko na s'yang iniwan at tinahak ko na ang way going to parking lot.Kahit nakalayo na ako, narinig ko pa rin ang pagsigaw nya ng katagang "ingat ka, Scent! "

Matagal ko bago inistart ang kotse. Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ay umiyak na lamang ako. Wala namang makakapansin sa akin dito sa loob dahil tinted naman ang salamin. Nakarinig ako ng sunod-sunod na katok sa pinto ng kotse ko. Nagmamadali kong pinunas ang mga luha ko at tiningnan ang kumakatok sa pinto. Si Zion pala! Hindi ko s'ya pinagbuksan. Inistart ko na ang sasakyan at iniwan ko s'ya.

Malamang makikisakay na naman ito tapos yayayain na naman akong kumain sa labas kasama si Candy. Magmumukhang driver na naman ako! Well hindi na mauulit yun!

Haist isa pa pala. Buntis na nga pala si Candy!Kailangan ko na talagang magpakalayo-layo. Lalayo ako para makalimot. Makalimutan ang isang tao na minamahal ko ng palihim kahit na may mahal na s'yang iba.Tama si Zion! 'Wag na akong umasa, wag ko na s'yang hintayin! Kamalas naman kahit na joke n'ya lang yun pero super sakit talaga.Mas masakit pa sa kagat ng bubuyog. Nakagat na kasi ako kaya alam ko yung pakiramdam. Hay life! Hay pag-ibig! Broken hearted kahit walang jowa!

Next chapter