CAROL'S POV
Nagulat ako sa alarm at kinapa-kapa ko pa ang gilid ng lamesa at hinanap yun ng kamay ko na kanina pa nag-aalarm pero tulog pa ring yung diwa ko.
Maya-maya pa ay bumangon nako at naghilamos atsaka nag-mumog para makapag-prepare nako.
Dumeritso muna ako sa kusina at nagsaing na, habang binabantayan ko yung sinaing ko ay niluto ko na yung adobo.
Pagkatapos maluto nung sinaing ko ay nagluto na naman ako ng fried rice, hinalo yung itlog at naka-chopped na na manok.
Pagkatapos maluto lahat ay kumain nako't lahat at kinuha na yung leche flan sa ref at nilagay yung mga prinepare ko kanina sa maliit na paperbag.
Lumarga nako at pumunta na ko sa kompanya. Pagkarating ko sa kompanya ay dumeritso nako sa elevator at tinignan ko nang maigi kung elevator ba toh ni Lancelot at salamat naman ay hindi.
Dumeritso agad ako sa office nang walang hiyang Lancelot para ibigay yung nirekwes niya kahapon.
Pagkarating ko sa opisina niya ay, naabutan ko na dun yung sekretarya niyang si Sir Carl.
"Wala pa si Sir Lance" biglang usal niya sakin
"Wala paba.. pwede ko bang ihabilin at paki-lagay na rin ito sa ref" tukoy ko sa leche flan na dala ko
"Okay sige, pumasok ka na sa loob, ako nang bahala rito" sabi niya sakin at pinigilan ko muna siya.
"P-Puede bang manghingi ng sticky notes? para alam niyang ako nagdala nito at yang dala mo" nag-aalangan at nahihiyang tanong at pahiwatig ko sa kaniya
Bumalik siya sa table niya at kinuha ang sticky note at binigay sa'kin.
"Salamat sir ha, iiwan ko lang toh sa loob"
Pumasok siya sa isang room at pumasok na rin ako sa opisina niya at dumeritso sa table niya at nilagay yung paper bag at nagsulat ng note.
Nang may mapansin ako sa table ni Lancelot ay may nakita ako maliit na picture frame at kinuha ko yun.
Si Sir Lance at si Theo kasi ang nasa frame at inakbayan naman ni Theo si Sir Lance.
"Hindi pa ring nagbabago yung mo dito" malungkot na bulong ko.
Biglang kong naalala yung mga nakaraan namin ni Theo na naging 'EX' ko na.
Hinaplos ko bigla yung kanang bahagi ng frame dahil nandon yung naka-ngiting mukha niya. Napangiti ako ng mapait.
Nabigla ako dahil may biglang kumatok sa pinto at dali-dali ko namang ibinalik yung frame sa dating lagayan.
LANCE'S POV
Pumasok ako bigla sa opisina ko nang mapansin ko si Carol, medyo naka-tagilid kasi siya sa'kin at hindi man napansin yung pagdating ko.
Napansin kong hawak niya ang isang maliit na frame at hinaplos niya ang bandang kanang bahagi at may binulong at napangiti siya ng mapakla... Nakita kong malungkot yung mukha niya at parang maiiyak.
Alam niyo yung nakakahawa yung lungkot niya para na rin kasi akong nalungkot... kahit na good mood pa ko ngayon.
Bigla kong kinatok yung sa likod ko at dali-dali naman niyang nilagay yung frame sa dating lagayan. Nabigla kasi siya sa ginawa kong biglaang pagkatok ko.
"K-Kanina p-pa po ba kayo d-diyan sir?" utal na tanong niya at kita pa rin yung lungkot sa mukha niya.
"Uh... Hindi naman, kapapasok ko lang" medyo napayuko pa siya at may binulong, lumapit nako sa desk ko at umupo na.
"Ito na po yung request niyo at may hinabilin po ako sa sekretarya niyo" medyo inis na sabi niya.
"At initin niyo na lang po yan, kung gusto niyong mainit yung kakainin niyo... tumaba ka sana" bulong niya sa huling sinabi niya at hi ko na lang pinansin yun.
CAROL'S POV
"K-Kanina p-pa po ba kayo d-diyan sir?" utal na tanong ko.
"Uh... Hindi naman, kapapasok ko lang" sagot niya "Sinungaling" dagdag bulong ko pa.
"Ito na po yung request niyo at may hinabilin po ako sa sekretarya niyo" pigil na inis ko sa kaniya
"At initin niyo na lang po yan, kung gusto niyong mainit yung kakainin niyo... tumaba ka sana" bulong ko sa sinabi ko at sana hindi niya narinig yun.
"At bakit nandito ka pa?" di ko na lang pinansin yung tanong niya
"K-Kapatid niyo po ba siya sir" tukoy at turo ko sa maliit na frame na kinuha ko kanina
"Oo at bakit mo naitanong?" sarkastikong tanong pero hindi ko rin pinansin yun
Ang sungit, umagang umaga, madali ka sanang tumanda, sarap niya tuloy batukan.
"S-Siguro sir, m-marami na siyang pina-iyak na b-babae?" nag-aalangang tanong ko sa kaniya
Tinignan niya pang ako at tumango-tango, mukha siyang tanga sa ginawa niya.
"Paano mo nasabing marami na siyang pina-iyak na babae?" walang ganang tanong niya.. sarap talagang tirisin eh
Ang sarap talagang isiwalat na ako yung 'ex' ng kapatid niya
"Mukha palang niya sir, babaero na yung aura niya" pormal na sagot ko
Tumango naman siya sakin, mukha talaga siyang tanga eh..
"Yes, my brother is a Playboy but.. binago siya nung huling 'EX' niya" mukhang tangang sabi niya.
"May fiancée na kasi siya ngayon at bumalik na naman yung bisyo niyang di namin gusto" seryosong sabi niya.
Natigilan ako sa sinabi niya at ilang beses na nagpabalik-balik yung huling niya.
"May fiancée na kasi siya ngayon at bumalik na naman yung bisyo niyang di namin gusto"
"May fiancée na kasi siya ngayon at bumalik na naman yung bisyo niyang di namin gusto"
"May fiancée na kasi siya ngayon at bumalik na naman yung bisyo niyang di namin gusto"
Parang huminto sandali yung puso at yung mundo ko dahil sa huling sinabi ni Lance... Naghalo-halo yung nararamdaman ko, lungkot, sakit at panghihinayang ang nararamdaman ko ngayon.
"S-Sige p-po, m-mauuna n-na po a-ako, m-may a-aasikasuhin p-pa k-kasi a-ako s-sir" utal na sabi ko at nagmamadaling
Pasensya na po sa mga TYPO
God Bless po sa inyo
Please Vote, Follow and Comment to my Story
Please Follow me to my Account:
twitter: @taoclaire16
instagram: @abrokenart
facebook: @facebook.com/PurpleClaire16
Love You so Much Guys
😊💕😍😳