Grammatical and Typographical errors ahead.
KUMUNOT ANG NOO ni Freya ng makitang sumusunod sa kaniya ang sasakyan ni Zander. Anong problema ng lalaking 'yon?
Nagpatuloy nalang siya sa pagdrive hanggang sa makarating siya sa parking lot ng condominium building niya. Nagtaka siya nang nagpark din ang sasakyan ni Zander sa tabi ng sasakyan niya.
Dali-dali siyang bumaba at kumatok sa bintana ng sasakyan ni Zander, nang bumukas 'yon ay tumaas ang kilay niya, "bat ka andito?"
Zander just smirked and opened his car's door. She was about to walk away when he pulled her and snaked his arms on her waist. Isinandal siya nito sa sasakyan bago bumulong.
"Gusto kitang makasama, bakit may angal ka? Remember my rule?" He sexily whispered while kissing and licking her earlobes.
Napadaing si Freya sa ginawa nito, at bago pa siya madarang ay tinulak na niya ito. "Fine," sabi niya. Gusto din naman niya makasama ang binata. "Pumasok ka na sa unit ko, dito ka na magdinner. I'll cook for you."