webnovel

CHAPTER ELEVEN

"AYOS KA lang ba, anak?"

Isang kiming ngiti ang iginawad ni Rose sa tanong ng kanyang inang si Hyacinth. Her mother always knew whenever something bothered her. Naroon sila sa hardin, sa kanyang favorite hang-out. Napatingala siya sa langit. Lalo siyang napangiti nang bigla niyang maalala si Thorn at ang naging pag-uusap nila kanina.

"Sabi ng mga kapatid mo ay nabasted ka raw kay Baileys. Pero bakit habang tinitignan kita ngayon, pakiramdam ko ay hindi ka naman nagluluksa?" tanong nito.

"Kailangan po ba talagang magngangangawa para maipakitang malungkot ako?"

Hyacinth smiled and patted her hand. "Something happened, right?"

Napabuntong-hininga siya. "`Ma, what is love?"

"May nangyari nga," ngiti nito. "Bakit hindi mo ikwento sa akin, anak?"

"Kanina, noong makita ko si Baileys na nagpo-propose sa iba, pakiramdam ko ay sinipa ako ng kabayo sa mukha. Ang sakit sakit `Ma. Para akong pinapatay."

"Pero?"

"Pero may nakausap ako kanina. Bigla ko na lang narealize na hindi ako sigurado kung love ba ang nararamdaman ko para kay Baileys. O baka naman dahil lang iyon sa katotohanang wala na akong pag-asa kay Baileys kaya sumusuko na ako? Ano sa tingin mo, `Ma?" Naibalik niya ang kanyang tingin sa kalangitan upang maiwasan ang matamang tingin ng kanyang ina. "Ang gulo ng love ano? Hindi ko pa kasi nararananasan."

"Hindi mo kailangang maranasan ang isang bagay para malaman mo kung ano iyon. Bakit, kailangan mo bang masunog para malamang nakakasunog ang apoy? Kailangan mo pa bang mahiwa sa kamay para malamang nakakasugat ang patalim? Minsan, hindi na, `di ba?"

Ginagap nito ang kanyang kamay. "Ganoon din sa pag-ibig anak. Hindi mo kailangang maranasan muna ang magmahal para masabi mong pagmamahal nga iyon. One look, one heart thump, one tear and you'll know it is love. Basta mo na lang mararamdaman iyon."

"Pero paano ko malalamang pagmamahal iyon kung hindi ko naman alam kung ano ba talaga ang love? I mean, I have never loved someone before," naguguluhang tanong niya.

"Do you love me?"

"`Ma, of course I do!"

"Paano mo nalamang mahal mo ako? Nagmahal ka na ba ng iba bago mo ako minahal? Did I ever ask you to love me? Did I ever tell you that what you feel about me is love?" Ngumiti ito. "No, I never did. But you know in your heart that you love me. Why? Because you feel it."

Itinuro nito ang kanyang dibdib. "Love is just in your heart, honey. Hindi kailanman nawawala ang pag-ibig sa ating mga puso. Nagkakataon lang na may mga taong dumarating sa ating mga buhay at ginigising ang "love" na nakatago roon."

Ipinagpasalamat niyang nauna nang pumasok ang mga kapatid niya upang matulog. Halos kahahatid lamang ni Thorn sa kanila. Dahil hindi siya makatulog kaya siya napunta sa hardin, then her mom came to her and was now preaching what love was to her.

"Ngayon, tatanungin kita, anak. Have you ever shred a tear for Baileys?"

"Yes," she nodded.

"Napangiti at napasaya ka na ba niya?"

Napaisip siya. Marahan siyang napatango. "Kapag dumadalaw siya sa shop."

"Would you give up everything you have for him?" tanong nito. Natigilan siya. Everything? Her eyes wavered. "Would you give up the flowershop for him?"

Napaayos siya ng upo. "Hell no!" she blurted out.

"See? That's not love. Infatuation, maybe. Kasi ang love, pagbibigay iyan. You'd do everything just o make someone happy, kahit pa ang ibigay ang sarili mong kaligayahan."

Napangiti na siya. A combination of Thorn's words and her mom's made her feel better. Parang halos hindi na niya iniinda ang sakit ng pagkabigo niya kay Baileys. Oo at masakit pa rin ngunit hindi na iyon kasingsakit ng naramdaman niya kanina sa Isla Mi Amante.

"Do you want to hear my story about what true love is?"

She silently nodded. Iyon ang kauna-unahang nakausap niya ang kanyang ina tungkol sa pag-ibig. Just by lokng at her mom, batid niyang isang mahalagang bagay ang nakatakda nitong ibahagi sa kanya. Tahimik niyang hinintay ang kwento nito.

"Fifty years ago, your grandfather fell in love with a very beautiful woman, si Mela. Siya ang first love ng Lolo mo. She fell in loved with him too. Ngunit mayaman ang pamilya ni Mela. Sobrang yaman. Samantalang nasa middle class lamang ang pamilya ng lolo mo. Tauhan lamang ng pamilya nina Mela ang pamilya ng Lolo mo. Mela's parents didn't want your gradfather for her. Tinutulan ng mga ito ang pagmamahalan nilang dalawa. Napakaraming pagbabanta ang binitiwan ng mga ito noon para lamang maghiwalay ang dalawa ngunit nagmatigas si Mela. She really loved your grandfather. So she fought for their love."

"Handang mawalan si Mela ng mana, maitakwil ng mga magulang niya at maghirap makasama lamang niya ang Lolo Alejandro mo. Hanggang sa malaman ng mga magulang niya ang balak na pagtatanan nila ng Lolo mo. Noon biglang sumuko ang mga magulang ni Mela. Tinanggap ng mga ito ang lolo mo. Her parents even planned their wedding."

"Ngunit hindi nila alam na patibong lamang pala ang lahat. Lingid sa kaalaman ni Mela ay pinagbantaan ng mga mabulang nito ang lolo mo. Sinabi ng mga ito na mawawala ang lahat ng kasaganaang kinalakhan ni Mela sa oras na magpakasal ito sa Lolo mo. Na pahihirapan ng mga ito ang dalawa. And because your grandfather loved her so much, he let Mela go."

"Sa araw ng kasal nila ay hindi sumipot ang Lolo mo. Pinalayas siya ng mga magulang ni Mela sa kanilang bayan at pinagbantaang papatayin sampu ng pamilya niya kapag hindi siya umalis. Ang hindi alam ng Lolo mo ay ipinagkalat ng mga magulang ni Mela na nakipagtanan daw siya sa kanyang matalik na kaibigang si Camelia."

Napaawang ang mga labi niya. "K-kay Lola?" bulalas niya.

"Oo, kay Mama," malungkot na sagot ng kanyang ina. "Isang tunay na kaibigan ni Papa si Mama. Hindi niya iniwan ang Papa lalo na noong wala itong malapitang iba. Nang malaman ni Mela ang pag-alis ng Lolo mo kasama ang Lola mo ay nagalit siya. Sa sobrang galit ni Mela ay pumayag itong magpakasal sa lalaking matagal nang inirereto ng mga magulang nito sa kanya."

Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksiyon niya sa lahat ng mga sinabi ng kanyang ina tungkol sa nakaraan ng kanyang lolo. Nanghihinang napatingala siya sa langit. Her grandfather's face suddenly popped up. She couldn't help but sympathize with her grandfather.

"Pero mahal na mahal nila ang isa't isa," tukoy niya sa kanyang lolo at lola.

"I know. Walang duda na nagmahalan nga sila. Pero kailanman ay hindi naging lubos ang kasiyahan ng Lolo mo. Ang Lola mo nga ang pinakasalan niya ngunit kailanman ay hindi nabura sa kanyang puso at isip ang pagmamahal niya sa Mela na iyon. Your grandfather believed that Mela was his destiny, his soulmate."

"H-hindi ka nagagalit kay Lolo? Hindi po ba kayo nasasaktan para kay Lola?"

Umiling ang ina niya. "Kung ang Mama nga ay tanggap ang sitwasyon, ako pa ba? Isa pa, ni minsan ay hindi tayo pinabayaan ng Lolo mo. Minahal niya tayo. Sapat na iyon."

"`Ma, m-minahal ba ni Lolo si Lola Camelia?"

"Nagpakasal sila, anak. Hindi pa ba sapat na katibayan iyon para masabi nating nagmahalan sila noon?" ngiti nito.

Napangiti siya. Limang taon lamang siya nang magkasunod na namatay ang lolo't lola niya, kaya wala siyang maalala sa mga ito. Ngunit kung aalalahanin niya ang mga kwento ng kanyang Mama tungkol sa mga ito ay masasabi niyang naging mabuti naman ang pagsasama ng dalawa. Nagkaroon din ng maayos na buhay pag-ibig ang kanyang Mama, ibig sabihin ay lumaki ito sa maayos na lugar kung saan nakaramdam ito ng pagmamahal.

"Love is mysterious. Huwag mong hanapin ang pag-ibig anak, kusa iyong darating sa iyo. And when you finally find it, huwag mo sanang pakakawalan kagaya ng ginawa ng Lolo mo. Fight for it, no matter what. Iyan ang pakabilin-bilinan niya sa akin noon. I did, kaya heto, kasama ko ang Papa mo. Masayang masaya kami sa piling ng tatlo naming mga anak."

Napayakap siya sa kanyang ina. "I will fight for my true love `Ma. Promise ko po iyan."

"Now, tell me about this guy whom your sisters were talking about when they got home."

Napangiwi siya sa panunukso nito. "`Ma, kung anuman iyong sinabi ng dalawang iyon sa iyo, huwag mo na lang pong pansinin," ingos niya.

"Gwapo raw eh. Tsaka may secret daw kayong ginawa. What is it?" ngisi nito.

Namumulang napatayo siya. "`Ma!" she screeched incredulously.

Natatawang kinindatan siya ng kanyang ina. "Malay mo, siya pala talaga ang nakatadhana para sa iyo? Dumating siya kung kelan bigong bigo ka. Huwag kang magsalita ng patapos anak. Love moves mysteriously. Just wait and see," wika nito bago umalis.

Naiwan siyang tulala at hindi makapaniwala. Si Thorn, destiny niya? Patawa!

Next chapter