webnovel

Love

Natagpuan ko ang sarili ko sa isang waiting shed. Hindi ako pwedeng umuwi kila mama. Ayokong magpakita na ganito ang itsura ko. Sobrang bigat ng pakiramdam ko, wala akong mapagkatiwalaan na tao na pwedeng kong pagsabihan ng nangyayari sa akin, doon ko narealize na kay Jared lang umiikot ang mundo ko.

[BEEP BEEP] Kinabahan ako ng may humintong kotse sa harapan ko. It's Margareth.

Dinala nya ako sa isang restaurant para makapag usap.

"Anong nangyari sayo, Elaisa?" Tanong nya.

"Naglayas ako sa amin." Natatawang sabi nya.

"Hindi na ako magtatanong, naiintindihan ko kung hindi mo kayang sabihin ngayon. May mapupuntahan ka ba?" Umiling ako.

"I can help you. I have this place in Antipolo. Ipapahiram ko sayo ang rest house ko doon." Nabuhayan ako sa sinabi nya.

"Salamat, Margareth. Wala kasi talaga akong matutuluyan." Naiyak na ako.

"Okay lang yun. Basta kapag kaya mo ng magkwento, nandito lang ako."

After naming mag kwentuhan ay pinahatid nya ako sa driver nila sa Antipolo. Ang ganda ng lugar at napakalamig ng hangin.

And I think, this is the right time to love myself.

---

Jared's POV

Nagising ako ng wala na sya sa tabi ko. Sumilip ako sa Cr, guest room at kitchen pero wala sya. Napatingin ako sa side table and I saw her ring, wedding ring.

Umalis sya.

Kaagad akong lumabas ng bahay at nagdrive sa loob ng village para hanapin sya. Saan ba sya pwedeng magpunta. And then I realized, wala akong alam tungkol sa kanya, tungkol sa hilig nya. Dahil wala akong ibang alam gawin kundi ang saktan nya.

Ang tanga ko talaga! Tinawagan ko si Jessa, pero hindi daw sya tinawagan ni Elaisa. I tried to tracked her phone, but it's off. Nasuntok ko ang manibela ng sasakyan.

Yung sinabi ko sa kanya kagabi ay totoo, that I kissed Tricia, I do that to get even. Someone sent me a photo of her with Nate, para akong sasabog sa galit. Pero walang nangyari sa amin. After kong umuwi ng Pilipinas ay nag stay ako sa isang hotel, hindi ko kasi sya kayang makita, kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko. That he make out with Nate habang wala ako.

Pero I was wrong. So damn wrong. Naunahan ako ng galit, aminado ako, mainitin talaga ang ulo ko. And I hated that.

Wala na. Wala na akong magawa. Paano ko hahanapin ang babae na nagturo sa amin kung paano magmahal?

Pinuntahan ko si Nate sa bahay nya at pagbukas nya ng pinto ay sinalubong ko sya ng suntok.

"Tarantado ka! Trinato kita bilang kapatid, tapos ito ang igaganti mo sa akin?!" Sigaw ko sa kanya. Nakabawi naman sya at kaagad akong sinuntok.

"Wala kang kwentang asawa!" Balik sigaw nya.

"Wala kang kwentang kaibigan! Nagawa mong halikan ang asawa ko! Saan mo sya tinago?" Sigaw ko sa pagmumukha nya.

"So you knew it. It's my fault, I initiated that kiss, Jared. You didn't believe her, right? Sarado ang utak mo! Ang alam mo lang ay manakit!" Natauhan ako sa sinabi nya.

"Saan mo tinago ang asawa ko?" Nanghihinang tanong ko.

"Kung nasa akin sya Jared, hindi mo kami maaabutan dito." Sabi nya sabay tulak sa akin.

I guess hindi nya alam kung nasaan ang asawa ko. Elaisa, I'm so sorry.

----

Elaisa's POV

Sa pagsstay ko dito ng one month ay naging healthy ako. Fresh air, fresh food, wonderful view. Kasama ko sa bahay ang katiwala ni Margareth, si Aling Susan, ilocano sya at sobrang sarap nyang magluto.

"Elaisa, mukhang maputla ka." Napatingin ako kay Aling Susan ng magsalita sya. Kasalukuyan akong kumakain ng suman.

"Po? Maputla lang po talaga ako." Sagot ko.

"Ganoon ba? Ay sya nga pala, birthday ng kumare ko mamaya. Papapuntahin ko na lang si Sarah dito para may kasama ka." Kumuha si manang ng suka at nilagay sa mangkok ko. Nangasim ako lalo.

"Hindi na po, kaya ko naman po mag isa." Napakabait talaga ng pamilya nila, hindi na ako nagtataka kung bakit sobra ang pagtitiwala ni Margareth sa kanila.

"O sige. Basta tawagan mo ako kung may problema ka dito." Iniwan ako ni Aling Susan dahil maglalaba pa daw sya.

I take a deep breath. Hindi ko na itatanggi, namimiss ko talaga si Jared, kamusta na kaya sya ngayon?

I scanned my phone, hindi ako nagpalit ng number. I just off the locator. Hanggang ngayon ay tinatry pa rin akong tawagan ni Jared, I ignored all of that. Then someone caught my attention, it's tita Daniella, she's calling, I take a deep breath before I answered the call.

[Take God! Elaisa! Where are you?] Naiiyak na boses ni tita ang sumalubong sa akin.

"T-Tita." Naiyak na ako.

[Nasaan ka Elaisa? Pupuntahan kita.] Pagmamakaawa nya, wala na akong nagawa kundi sabihin sa kanya kung nasaan ako. Sinabi ko sa kanya na sana, walang ibang makakaalam.

After three hours ay nagkita din kami ni Tita Daniella, she hugged me tight.

"Anong ginagawa mo dito? Bakit ka naglayas?" Hinawakan nya ang kamay ko.

Napahagulgol na ako. "T-Tita." And there, alam ko ito ang kailangan ko, kwinento ko na sa kanya ang lahat. Sa buong kwentuhan ay nag iyakan kaming dalawa.

"I-I'm so sorry, Elaisa. Hindi ko alam na ganito ang ginagawa sayo ni Jared. That man! Hindi ko sya pinalaki ng ganon!"

"I know po, naging mabuti kayong nanay. Siguro ay hindi nya naman talaga ako mahal." Parang may karayom na tumusok sa akin ng sabihin ko 'yun. Hanggang ngayon pala, masakit pa rin.

"I'm not saying this para balikan mo si Jared. He's so wasted. Nakipag away pa sya kay Nathaniel. There's one night na pinuntahan ko sya sa kulungan dahil nagwala sya sa bar."

Nalungkot ako sa sinabi ni tita. Nagawa nya talaga 'yun? Bakit? Nakaramdam ako ng pagkahilo.

"Tita, please. Sana po ay walang makaalam na nandito ako." Pagmamakaawa ko.

"Sure. It's a lesson for Jared." Tatayo sana ako ng bigla akong matumba, mabuti na lang ay nakakapit ako kay tita.

"Okay ka lang?" Tumango ako sa tanong nya.

"Opo, madalas po akong ganito simula ng maaksidente ako at tumama ang ulo ko sa pavement. May oras na nahihilo ako at sobrang sakit ng ulo ko, pero mawawala din po ito." Pagpapaliwanag ko. Sa hirap kasi ng buhay namin noon ay hindi ko na natuloy ang monthly check up sa ulo. Baka daw kasi may namuong dugo kaya kailangan i-monitor akong noon.

Hindi ako tinantanan ni tita hangga't hindi kami ng papacheck up, baka daw bumalik ang sakit ko dati. Natakot din ako.

And the result makes me go weak. Paano na ako?

Next chapter