AMIRA'S POV
Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang bumabyahe kami ni mr.linc sa lugar ng pinaglamayan kay kuya.
I-I still can't believe it. M-mabait si kuya mabait siya! Bakit siya nawala?!! Who did this?! S-sana hindi tama ang iniisip ko dahil kung ganun tuluyan ko na siyang kamuhian sa g-ginawa niya. Mabait si kuya! Wala siyang ibang ginawa kundi ang magpakabait sa amin--sa akin!
Tumingin ako sa langit. Sana yung masasama na lang ang kinuha niyo at hindi ang kuya ko!! This is wrong but I can't stop from blaming!!
"W-we're here" tumango lang ako sa kanya kaya mabilis siyang bumaba para pagbuksan ako ng pinto "Do you need something?"
"Nothing. I just want to see him alive please" habang naglalakad kami papunta sa loob ay unti unti ding lumalakas ang tibok ng puso ko. Ayoko siyang makita, n-nasasaktan ako kuya na makita ka diyan!!
Agad akong inalalayan ni mr.linc nang tuluyan ng lumambot ang tuhod ko. T-tinignan ko ang ataul na nasa harap at hindi pinansin ang mga tao sa paligid. Nang masilayan ko ang natutulog na mukha ni kuya ay sabay ding bumagsak ang mga luha ko. Hindi ko kaya!
"KUYA!!!!!!"
"My princess"
"KUYYAAA!!"
"Ma'am! Ano po ang nangyari?! Maaari mo bang sabihin?" napatigil ako sa tanong nung babae sa likod namin.
Mabilis akong napapikit dahil puro flash ng camera ang bumungad sa akin. Hinarangan din ako ni mr.linc kaya tumingala ako sa kanya.
"Lumabas kayo dito!!!" sigaw ni papá at lumapit din dito sa harap "Guards!! Guards!!!"
"Ma'am sabihin niyo po anong nangyari!?"
"Ma'am diba ikaw yung bunsong anak ng smith?? Ma'am ano pong masasabi niyo sa gumawa sa kapatid mo?"
"Ahhh!!!" nagulat ako nang may humila sa kamay ko. Agad namang tinulak ni mr.linc yung lalake at tinago pa ako sa mga bisig niya.
"Ma'am kayo po ba yung kasama niya bago siya namatay?!!"
"N-no" mahinang sagot ko. Nagulat na naman ako nang may humila ulit. Tumingala ulit ako dahil pati siya nahihirapang harangin para hindi ako tuluyang mahila.
"Lumabas kayo!!" galit na sigaw ni papá pero parang hindi siya pinapansin at nakipagsiksikan pa ang iba.
"Sino po yung kasama niyo nung gabing iyon? Ikaw po ba ang gumawa?!!"
"No!" sigaw ko habang tinutulak na sila ng mga security guard palabas.
"Marami po ang nagsasabi na kayong tatlo magkakapatid ang inabutan nila nung gabing yun?! Kung sinasabi mong hindi ikaw yung isang kapatid niyo po ba?!"
"H-hindi!"
"Bakit wala pa rin kayong ginagawa ngayon para kasuhan siya? Papalampasin niyo po ba to?!"
"LUMABAS KAYO!!!"
"Marami pong nagsasabi na may malaking galit si ms.zaira smith sayo at napagbuntungan niya yun kay sir ethan smith dahil malapit siya sayo. Ano pong masasabi niyo dun?!" tuluyan na silang nailabas nina papá kaya yumakap na lang ako ng mahigpit kay mr.linc at tumingin kay kuya.
"I-I believe that ate zai c-c-can't do this to you kuya!! Who did this?!!"
"Everything will be alright" bulong niya sa akin at hinimas ang likod ng ulo ko.
***
Nakaupo lang ako habang tulalang nakatingin sa direksyon ni kuya. Ayaw kong iproseso sa utak ko ang nangyayari ngayon!!
"How could they do this to you kuya. Hinding hindi ko mapapatawad ang gumawa nito sayo"
"Let's eat" tumingin ako saglit kay mr.linc na tumabi sa akin habang may dalang pagkain.
"Ayos lang ako" inakbayan niya lang ako kaya humiga ako sa balikat niya. Nandun sa harap sina tita flora dahil kakarating lang nila.
"Kawawa talaga ang pamilya niya"
"Oo nga, lalo na't ikakasal na siya"
"Rinig ko nagdadalang tao daw si margarette" si ate marg???
"Talaga?! Kawawa yung bata kung ganun! Hindi pa sinilang nawalan na ng isang magulang" kuya!! You should wake up!! May dalawa kang iniwan dito kuya!! Please kuya!!!
Tumulo na naman ang luha ko kaya naramdaman kong hinigpitan ni mr.linc ang pagkakahawak niya sa braso ko. Hinawakan ko din ang isang kamay niya matapos itabi ang dalang pagkain.
"Bestfriend?" hindi ko pinansin si bea na lumuhod sa harap ko. Hinayaan ko lang siyang turukan ako ng injection sa braso at tumingin lang sa malaking litrato ni kuya.
"Balita din sa lahat na nawala yung pangalawang anak na babae ni alejandro kaya pinaghahanap na siya ngayon" nawala ang atensyon ko kay kuya at nalipat na naman yun sa likod namin. S-si ate nawawala?!!
"Walang duda na talagang siya ang gumawa"
"Oo nga, bakit kailangan pa niyang tumakas?"
"Grabe hindi ba siya nakonsensya sa pagpatay niya sa kapa--"
"STOP!! PLEASE STOP!!!" tumayo ako at humarap sa kanila. Tinignan ko lang silang lahat na gulat na nakatingin sa akin habang hinihila ako nina bea at mr.linc paupo.
"Shhh" pinahiga ulit ako ni mr.linc sa balikat niya kaya napahikbi na naman ako. Umalis agad si bestfriend nang lumapit sina tita sa akin.
"Huwag mong ipapahiya ang smith" mahinang sabi ni tita veronica at yumuko pa ng konti. Medyo natakot ako kaya hinigpitan ko ang paghawak sa kamay ni mr.linc "Huwag kang magalit sa totoo kung may marinig ka ulit. Sabihin mong ibang tao ang gumawa hindi ang umiyak ka nang umiyak. Hmm? Naiintindihan mo?!"
"O-opo" yumuko lang ako. Hindi ko kayang salubungin ang tingin nila.
"Watch her! We will leave" nagkatinginan kami ni mr.linc na hinahagod ang likod ko. Hinalikan niya din ang noo ko kaya madiin akong pumikit.
"You'll be alright"
"Tell me this is a dream"
"N-no"
"He's just sleeping, right?"
"Y-yes but---"
"But he'll be sleeping forever?" pinahid niya ang luha ko gamit ang daliri niya. Basang basa na ang mga kamay naming magkahawak. They are only one I have now. Papá, bea, nanay, yaya, at siya.
Parati siyang nandyan sa tuwing nasasaktan ako. Nagpapasalamat ako na dumating siya sa akin dahil may karamay ako ngayon. Alam ko nandyan din naman sila bestfriend.
"Condolence amira" napatingala ako nang makita si ace sa harap. Tumayo din ako at niyakap siya. Matalik na magkaibigan sila ni kuya kaya masakit. Masakit mawalan ng kapatid, kuya, anak at kaibigan.
"Salamat ace--duns" yumakap din ako kay dunkan tsaka umupo ulit.
"Kanina pa kami nandito. Magpakatatag ka, kung kailangan mo ng tulong nandito lang kami" tumango lang ako kay ace bago sila umalis.
LINC'S POV
"Jay, I am begging you please not now" sabi ko nang sagutin niya ang tawag. Nakita ko sila kanina sa labas kaya si amira agad ang inisip ko.
"Anak bumalik ka na doon" mabilis akong humarap kay mama na nasa pinto. Nandito ako sa likod para walang makarinig sa akin.
"Oh sige ma" tinuon ko na ulit ang atensyon sa kabilang linya.
"Linc, we are waiting for too long!! This is the right time!! It might be a big disaster if they found out they took the wrong smith!!"
"Cj. N-not now, she's not in a good condition"
"Good condition?! Linc wala tayong ganun basta lang makuha ang kailangan natin! Tapos!"
"Please" naikuyom ko ang kamao at napasuntok na lang sa pader. Kasalanan ko to!! N-nasasaktan pa si amir. Ayaw kong dagdagan yun a-at wala na din akong b-balak na kunin siya.
"Linc, diretsuhin mo nga kami. May gusto ka ba sa babaeng yan?!" napatigil ako at sumandal sa pader tsaka tumingin lang sa lupa"Linc sumagot ka!!!"
"I want to protect her cj" naramdaman kong may tumulo mula sa mukha ko kaya naisip ko na naman si amira. She's special for me. I want her but not for money.
"You're not like this before linc!!! Kampanti kami sa sinabi mo noon na hindi kaya hindi linc!! Hindi!!!"
"Please n-not now. I will--I will tell you when we are g-going to move"
"You're not sure to your words linc!! WE will do it! Nilalampasan mo ang magandang pagkakataon natin. Ngayon tama na! Kami na!!"
"Hindi! J-just a-after the funeral"
"Kami na ang gagawa sa trabaho mo!! Huwag na huwag ka lang humarang dahil hindi mo magugustuhan ang gagawin namin sa babaeng yan!" binaba na nila kaya tinapon ko ng malakas ang cellphone sa pader.
*blag*
"Anak?!! Si amira puntahan mo na! Nagwawala na naman!!" mabilis akong pumasok at hinanap siya.
"KUYA!" umiiyak lang siyang nakatingin sa loob ng kabaong. Ganito ba talaga? Mas n-nasasaktan ako ng sobra para sa kaya. I don't want her to be like this.
"Amira" lumapit ako sa kanya kaya niyakap niya agad ako.
"KUYAAAA!!! PLEASE!!! BUHAYIN NIYO SIYA!!! KUYAAAA!!!"
"Shhhh" niyakap ko siya ng mahigpit at napatingin na lang kay sir ethan. Takot ako na baka--baka hindi niya din kakayanin, na bibigay siya dahil--sa sakit. She need someone in her side and I am willing to be her side forever. Ayokong mangyari to sayo amira "P-please h-huminahon ka"
"Mr.linc! Help me!!! Hindi pa siya patay!!!!" alam ko masakit. Nawalan na kami ng ama kaya nararamdaman namin nina bea at mama ang sakit.
"Anak" humiwalay na ako nang lumapit din si tito alejandro. Pinagmasdan ko siyang hindi pa rin tumitigil.