webnovel

CHAPTER 35

AMIRA'S POV

"Miss amira are you okay?" tumango lang ako kina yaya habang nakayakap sa magkabilang tuhod ko. Hindi na kami makakaalis dito. Hinding hindi na! Kanina pa sila naglilibot sa buong kwarto pero wala man lang kahit anong gamit!

*clag* napatayo ako nang marinig ang pinto na parang may nagbubukas sa labas.

"Tulong!" sigaw nina yaya. Lumapit kami doon at saktong bumukas agad.

"A-ate?" agad na lumapit si mr.linc sa akin kaya nakahinga ako ng maluwag.

"May sugat ka ba? Anong masakit? Are you okay?" mahinang tanong niya pero hindi na ako sumagot dahil tumalikod na si ate.

"Let's go" inalalayan agad nila ako habang nakaturo si mr.linc sa kabilang sasakyan.

"Doon kayo sa kabila ebeth. Ako na ang bahala sa kanya"

"Okay sige kuya" pinagbuksan muna ako ni mr.linc ng pinto sa likod bago siya pumunta sa harap. Sumusunod lang ako dahil inaantok at pagod pa ako. 

Nasa passenger's seat si mr.linc habang may taga maneho kami. Tahimik lang ako dito sa likod ng driver at napapatingin din kay ate na nasa tabi ko. Ang layo ng agwat namin. After what she did! Susunduin pa niya ako? Ang sama niya!!!

Tumingin na lang ako sa bintana at pilit na inaliw ang sarili. Inakala ko talagang aatakehin ako sa puso dahil sa takot at kaba.

*cough*

"Do you need something miss amira?" napalingon agad ako sa salamin ng kotse kaya nagtama ang tingin namin.

"Nothing mr.linc" binuksan ko ang bintana at pinakiramdaman ang hangin.

"Sh!t"

"Bakit L?" napatingin ako sa kanilang dalawa ni ate dahil biglang nataranta.

"Sir ma'am n-nasira po ang preno!"

"Ano?!!" sabay kaming napaayos ng upo ni ate at tumingin kina mr.linc.

"Do something! Do something!" natatarantang sigaw ni ate. Naiiyak lang akong nakatingin sa kanila dahil wala akong magawa. Napatingin ako kay ate na may tinatawagan "K-kuya!! K-kuya!! Help!!"

"He can't help us" umiiyak na sabi ko. Tinignan ko yung harap namin at wala na ang van na sinakyan nina yaya kanina.

"GET DOWN!!!" nagulat kami nang sumigaw ng malakas si mr.linc----

***

"Miss amira"

"Hmm"

"M-miss amira" lumingon ako sa kabilang direksyon dahil may tumatapik sa pisngi ko.

"Mr.linc?" unti unti akong dumilat at napadaing agad dahil sa sobrang sakit ng paa ko "Mr.linc!?"

"Shh" dahan dahang lumabas ang luha ko habang takot na nakatingin sa paligid. T-tubig!! N-nasa ilalim kami ng tubig?!!

"Alisin mo ang nakaipit sa paa ko!!" hanggang dibdib na namin ang tubig na patuloy pa ring pumapasok dito. Kanina pa ba kami dito? Mamamatay na ba kami??! Hindi ko maigalaw ang kanang paa ko dahil nakaipit siya sa upuan!!

"S-shhhh sandali" huminga siya ng malalim tsaka sumisid sa ibaba. Tinignan ko saglit si ate na duguan habang walang malay. Lumipat din si manong sa tabi namin para maalalayan si ate.

*gaaasp* umahon saglit si mr.linc at bumalik ulit. Hinawakan ko siya sa pulsuhan dahil takot din ako para sa kanya.

Nararamdaman ko ang mga kamay niya sa baba na hindi maalis alis ang paa ko sa ilalim ng driver's seat.

"M-mr.linc! Iwan niyo na ako dito!!!"

*gaasp* umahon na siya. Ilang segundo kaming nagtitigan hanggang sa itapat niya ang baril sa bintana na nasa side nina ate.

"Huminga ka ng malalim" ginawa ko agad kaya pahigpit na ang hawak namin sa isa't isa.

*bang* tuluyan ng napuno ang kotse ng tubig matapos sikuhin din ng manong ang salamin para makadaan sila doon. Tinitignan ko lang sila na lumalangoy palabas. 

"Hmm!!!" taranta kong hinihila ang paa ko na naipit ng sobra. Wala na akong pag-asa!!! Tinakpan ko ang mukha ko at umiyak na lang. This will be my last!!!!!

***

Napaubo ako at agad na dumilat matapos ilabas lahat ng tubig na nainom ko. Tumingin ako kay mr.linc na pumaibabaw sa akin.

"Miss amira!" pumikit ako dahil lumabo saglit ang paningin ko. I-I'm a-alive--??? "Tumawag ka ng tulong!!"

"Dyan lang kayo hijo" dumilat ulit ako nang tapikin niya ang pisngi ko. 

"Miss amira! Naririnig mo ko?!" tumango ako kaya bigla niya akong niyakap at bumagsak sa gilid "Bilisan niyo po!"

"A-ayos na ako mr.linc" hinawakan niya ang mukha ko at sinuri.

"Anong pakiramdam mo?? Ayos ka lang??" yumakap na naman siya pagkatapos kong tumango.

"Pinagalala ba kita mr.linc?" naramdaman ko sa balikat ang pagtango niya kaya hinawakan ko siya sa braso.

"S-sobra"

ETHAN'S POV

FLASHBACK

Palabas na ako ng kwarto ko para puntahan si papá pero napahinto ako sa tapat ng kwarto ni nathalie--she's in out of town for whole month imposibleng nandito siya!

"Anak kamusta ka na?" umayos ako ng tayo dahil may sumagot. Hindi sa tawag kundi nandito mismo sa loob.

"Ayos lang ako mom"

"Anak yung papeles na pinapagawa ko sayo?"

"Ayos na mom, magiging smith din ako balang araw"

"Magiingat ka anak ha, sige lumabas ka na baka makita ka pa ng iba" mabilis akong pumasok sa kwarto ni zaira at pinakiramdaman ang labas. 

"I will" nakarinig na ako ng pagbukas-sara ng pinto. Lumabas na din ako at saktong nagkasalubong kami ni mom. Tumingin lang siya sa akin kaya ganun din ang ginawa ko.

"Her little tricky secret" mahinang sabi ko tsaka nilagay sa bulsa ang mga kamay.

"Ano anak? May sinasabi ka?" hindi ko siya sinagot at dinaanan lang ng tingin para pumunta na sa kwarto ni papá.

*bzzzzt* hindi pa ako nakapasok nang tumunog ang cellphone ko.

"K-kuya!! Kuya!! Help!!--He can't help us ate!!" nanlaki ang mga mata kong tumingin sa screen dahil sa sigaw nilang dalawa.

"Son? Why?" tinignan ko si papá kasabay nang paghawak ko ng mahigpit sa doorknob. They are in danger. Sinara ko ang pinto at tumakbo pababa.

"Tawagin niyo yung mga tauhan ko!"

END OF FLASHBACK

Nakatayo lang ako dito habang tinitignan ang dalawa na nasa tabi ni papá. Hindi ko sila masisisi, alam kong natakot sila ng husto.

Buti naabutan pa namin sila doon. Maayos sila maliban kay zaira na may benda sa noo habang wala pa ring malay. Sa kabilang side ni papá si amir. 

Nakiusap si papá na dalhin silang dalawa dito. Ginawa ko na din agad dahil alam kong hindi lang ako ang nagalala ng sobra.

"Papá! I was so scared!" tumingin si papá sa akin kaya tumingin din ako kay linc sa tabi ko.

Nagtipon lahat ng bodyguards na dinala ko kanina at nasa labas sila ng pinto habang yung mga katulong nasa gilid nila. Wala naman silang ibang mas pagsisilbihan ngayon kundi si zaira at si amir lang kaya nandito sila.

"Calm down~ calm down~" tinitigan ko si amir habang pinapatahan siya ni papá "Maraming salamat sa pagligtas mo sa anak ko at sayo"

"Wala po yun" sabi ni manong ben na kasama nila kanina. Malalaman mo talaga ang totoong naninilbihan sa kagipitan. Tumingin si papá sa tabi ko kaya napangiti ako ng konti. We owe them.

"Papá!! Do something! Do something for them!" pagpupumilit ni amir habang umiiyak pa rin. Namiss niya lang ng sobra kaya ayaw bumitaw. 

"My amir, our amir. Our amare. What we can do? That's an accident" sabi ni papá habang nakahawak ang isang kamay kay zaira na bumabawi ata ng tulog.

"Nooo they helped us, do something!"

"We're fine miss amira" napatingin ako kay linc na palihim na nangingiting tumingin kay amira. Lalake din ako kaya alam ko.

"Tama siya hijo, anong gusto niyo? Kahit ano" tanong ni papá.

"Ayos na po kami sir kusa po kaming tumulong"

"Ikaw hijo? Anong gusto mo?"

"Wala po" nakatingin lang siya kay amira na nagpapababy sa tabi ni papá. I never saw someone did this to amir in front of me. Did finally someone saw her?

"Why don't we officially give him to amir papá? Let's just talk to zaira since madami naman siyang personal buddies" napatingin sa akin si amir at parang nabuhayan ng loob.

"Talaga!! Yes!" tumayo siya at nagtatalon sa kama kaya napatingin kami kay zaira "Yes! Yes! Yes!"

"Hmm! Stupid sh!t" mahinang sabi niya pero narinig pa rin namin.

"Leave us first. Princess let's talk later privately"

"Okay papá!" masayang sabi ni amir at hinila si linc palabas.

AMIRA'S POV

"Can't you imagine mr.linc? You will be mine!!" masayang sabi ko nang makapasok kami sa kwarto niya. Tumakbo ako sa higaan at tinuloy ang pagtatalon "You're mine~ you're mine~"

"Masama pa ang lagay ng paa mo miss amira" nangingiting sabi niya at tumigil sa harap ko.

"Let's celebrate mr.linc! You're officially mine!!" napatitig siya sa akin pero agad ding umiwas.

"I-I'm tired" humiga na siya sa tabi kaya tumigil ako.

"I have my own personal bodyguard at first time kong magustuhan ang magiging bodyguard ko!! You are the best bodyguard I will ever had!" lumuhod ako sa gilid niya at hinampas pa siya. Thanks to that accident!! What?? Basta that helped us too!! Yes! "Next time don't leave me again so that minions won't take me!"

"I will" mahinang sabi niya habang nakapikit. My system just went too high when kuya told us that mr.linc will be my official bg!!

"You're mine~ you're mine~"

"I am already yours" tumingin siya sa akin ng diretso dahilan para mawala ang ngiti ko. Hindi ako nagalaw dahil dun!

"Ahh"

"Why did you stop?" napakamot ako sa batok kaya tumingin siya doon, hindi eh! May halong kakaiba yung sinabi niya!! Sincere yun?!

Sh*t!! SORRY PO LORD!!! Gusto ko lang kiligin!! Double meaning ba yun??? Mygad!!! Magkakasala ako nito. Salamat sa aksidente at dumating ka kanina. Thank you po!! Bakit ba ako nasiyahan?? Diba dapat nagpapahinga pa ako lalo na't masama pa rin ang lagay ng paa ko?--I don't care basta ang saya ko!!!

"Ahm--"

"I'm so sleepy, let's take our rest miss amir" sabi niya at tumalikod sa akin.

Next chapter