webnovel

CHAPTER 3

AMIRA'S POV

"AMIR! Ayusin mo kasi ang paghawak sa akin!" mangiyak-ngiyak na sigaw ni bea habang hinahawakan ko siya sa magkabilang paa niya.

"Halos humiga na nga ako dito para hindi ka mahulog! Kunin mo na agad! Biliiis" sigaw ko pabalik habang inaayos ang mga paa ko na pumipigil para hindi tuluyang mahulog sa kanal.

"Ang liit ng pusa!!" nagroll eyes lang ako dahil kanina pa siya nagrereklamo. Pataas na ang tubig at sobrang lalim ng kanal na ito tsaka kawawa yung pusa kapag hinayaan namin siyang mamatay dyan.

"Baka naman kasi iniinom mo pa ang tubig dyan!! Marami kaming malinis na tubig sa bahay!"

"Ang hirap naman kasi niyang kunin! Natatakot sa ganda ko!"

"Hindi naman natatakot yan"

*meow*

"NAKUHA NA!!" hinila ko agad siya at mabilis na tinignan ang pusa na nanginginig pa sa lamig.

"Humanap tayo ng masisilungan niya!!" sigaw ko at kinuha siya tsaka tumakbo sa malaking puno.

Umuulan kaya dumiretso na kami sa pagligo dahil nangangamoy araw kami kanina.

"Uyyy~ kawawang pusa" sabi ni bea habang hinihimas ang likod ng pusa.

Kung hindi kami nagbalak na maligo sa ulan hindi namin siya masasagip! Nandito pa naman kami sa subdivision namin kaso tumakas nga lang ulit ako. Ang isa sa pinaghihigpitan nila sa akin ay ang maligo sa ulan, nagkakasakit agad ako.

"Ano pwede nating ipapangalan sa kanya?" tanong ko at umupo sa lupa.

"Ming ming na lang!!"

"Ay pangit! Ano na lang sun dahil kulay yellow siya!"

"Mas pangit naman! Sa kulay na tayo mag base ahmm yelo imbes na yellow ang pagpronounce, tapos nanginginig din siya hahahaha" nagkatinginan kaming dalawa at nag-apir.

*pak*

"Galing!!--- Hi! Yelo" bati ko habang tinatabunan siya ng malalaking dahon para mabawasan ang lamig.

*beepbeep* napalingon kami sa kotse na huminto sa tabi ng kalsada. Lumabas doon sina yaya habang may dalang payong at tuwalya.

"Miss Amira! Magkakasakit po kayo! Bumalik na po kayo sa mansyon!" see? Mabilis nilang nilagay sa akin ang tuwalya at pinayungan pa ako. Hindi pa pinansin si bea kaya natawa ako.

"Ops nahuli na tayo hahaha sige amira byebye!" paalam ni bea at tumakbo na palayo. Napakamot lang ako at sumunod sa kanila sa kotse.

"Dumiretso po tayo sa opisina ni ate zaira" sinunod agad nila kaya umayos ako ng upo. Matutuyo naman siguro ako nito habang bumabyahe kami?

Tumingin ako sa labas. Ang lakas ng ulan baka may bagyo sa ibang lugar.

Sa totoo lang kaya nila ako hinihigpitan at di pinapatrabaho kasi iniisip nila hindi ko kaya ang sarili ko pero kasi nga sa mga kakaibang bagay na hindi karaniwang ginagawa nina ate at kuya. Iniisip nilang hindi ko pa kayang buhayin ang sarili ko. Admit naman ako sa sarili ko kasi ako mismo sa sarili ko hindi alam kung ano talaga ang gusto kong gawin.

May komplikasyon daw si mom nung pinagbubuntis niya ako kaya namatay siya nung ipinanganak ako. Pagkatapos nun nakilala ni papá si tita elisa.

"Hello miss??" napatingin ako kay manong driver na may ka-tawag "Opo miss papunta na po kami dyan... natraffic po miss... Okay po... pasensya na po"

"Kuya bakit daw?"

"Pinapabilis na tayo, miss amira" sagot niya kaya napatingin ulit ako sa labas na sobrang haba ng traffic pero nakikita ko na mula dito ang building ng kompanya ni ate.

"Mauuna na po ako hahaha" sabi ko at mabilis na lumabas.

"Miss!! MISS!! MISS!!" tawag nila habang tumatakbo ako palayo.

"Ang saya maligo sa ulan! Woo!" sigaw ko at sinipa ang tubig sa tabi.

"Ayyy ano ba!!"

"Sorry!!" tumakbo pa ako ng mabilis dahil natalsikan ko yung babae "HAHAHA"

"Good afternoon miss amira" bati sa akin ng mga empleyado ni ate. Pumunta na ako sa elevator kaya ngayon ko na nafeel.

"Ang lamig woo~" sabi ko habang pinipindot ang floor ng opisina ni ate. Maswerte kapag hindi ako magkasakit pero kung mangyari nga--hays ewan!! Hihigpit pa yan sila sa akin!!

*ting* tumakbo na ako papunta sa office ni ate. Halos isang taon din akong hindi pinapunta ni ate dito. Ay oo nga naman! Kasi nandun lang siya sa italy.

Binuksan ko na ang pinto pero dumiretso lang ang mga mata ko sa lalakeng nakatayo sa harap ng table niya.

"Wow" kinikilig ba ako?? Pogi niya!~ Halatang purong pinoy pero ngayon ko lang siya nakita dito! Sa italy ba nakilala ni ate tong kasama niya??? Gwapo niya promise! Yung piercing niya sa kaliwang tenga niya!! Crush ko na ata siya! Maybe magkaedad lang sila ni ate, 26 na kase si ate, si kuya 29 na.

"Hi ate" bati ko at napangiti nang humarap ang poging lalake sa akin.

"Weird Amira! What took you so long!?! And you're still wet!" daig pa ang init ng bulkan sa umuusok niyang ilong! Pumunta na ako sa tabi para kunin ang inabot niyang plastic folder.

"Sino siya ate?" tanong ko habang nginunguso yung lalake.

He just wear simple black tshirt but still have the style--o.m.g! Yung timberlake na sapatos niya!! Sobrang bagay sa kanya! Tapos may earpiece sa kanang tenga niya. Ikukwento ko to kay bea! Maiinggit yun!!

"It's linc my personal buddy, don't mind him" umalis saglit si ate kaya humarap ako kay Mr.linc tsaka ngumiti.

"Hi! Mr.linc!" pacute ka lang amira!!

Tumikhim lang siya at humarap sa kabilang direksyon. Ay basted agad? Maganda naman ako ah?! Nagulat ako nang tapunan ako ni ate ng tuwalya sa mukha.

"Dry yourself! How could you come inside with that look!? I wonder if papá saw you!" bumalik siya sa upuan kaya doon ako umupo sa harap ng table. Napangiti ulit ako dahil ang lapit ko na tuloy kay Mr. linc "What--what's that stink?!! Is that your perfume?!!"

"I already played in the rain, ang lakas naman dumikit ng pabango ko hehehe" sabi ko habang binabasa ang mga papel sa folder.

"Playing?!! You will turn 24 soon and you're still immature!--stand up! Nababasa mo yung magandang upuan ko!!!" mabilis akong tumayo habang nakatutok pa rin sa folder.

Hindi ko alam kung ganyan ba ka strict si mom at baka doon siya nagmana tsaka mabait MINSAN hinahaluan niya lang ng maldita na may pagkastrict attitude niya.

"Can I ask what is this for? Hindi ko talaga magets anong point sa nakasulat o ayoko lang talaga intindinhin"

"L can you just leave us, please"

"Okay" sinundan ko siya ng tingin habang lumalabas ng opisina. Waaaaaaag~

"Amira you know we are sharing this company and you did nothing but to pass all your responsibilities to me. I want you to sign it so I will have the full ownership of this company" malapit ko ng idikit ang ballpen sa papel kaya binitawan ko agad yun. Buti nga pala nagtanong ako.

"Huh? Why so sudden ate zai? That's for me, papá gave it also to me"

"Are you nuts? I was the one who made this company work!"

"But you said you will take it for me---"

*click* napatigil kaming dalawa nang bumukas ang pinto at pumasok si dunkan.

Naikwento ni ate noong medyo close pa kami, na crush na crush niya si dunkan. Kilala kase ni papá ang mga magulang niya at nagkakasama sila minsan sa casino hanggang ngayon. Kumaway ako sa kanya kaya ngumiti siya pabalik.

"Leave us first" tumayo si ate zaira kaya napangiti ako ng dumiretso agad sa kanya si dunkan. Yays si crush lumapit! Naglakad na ako palabas at nakita si Mr. linc.

"Hi! Mr. linc, I'm Amira Smith"

*ahem* hindi niya ako pinapansin! Diretso lang ang mukha niya!! Dedma!!

"Ahmm ano, did my sister and you met in italy? Or somewhere? Are you pure italian? But somewhat I have this guts that you're pure pinoy or 50/50?" tumikhim ako saglit at lumapit pa ng konti.

*krrukruuu* ay! Ignore again! Pumunta ako sa harap niya at nilahad ang kamay.

"Ciao signor linc, bello per incontrarvi!(Hi Mr. linc nice to meet you)" lumipat ang tingin niya sa akin kaya ngumiti pa ako.

Ahem! Ahem! Hindi naman sa nagmamayabang! Italy lang naman kasi ang summer vacation namin noon kaya natuto akong magsalita ng italian.

*click* humarap ako kay dunkan nang lumabas na siya.

"Amira? What happened to you?" tanong niya habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa.

"I played in the rain haha"

"Oh hahaha nice, I'm sure you're cold, mind if we have some coffee??" tumingin muna ako kay ate sa likod niya na nakatingin din sa direksyon namin. Umiiling siya kaya tatanggi na sana ako nang akbayan ako ni dunkan at hinila na paalis.

"Yah stupid! Weird!" told ya! Mas maganda ng tumanggi.

"Ahh dunkan next time na lang" sabi ko pero patuloy pa rin siya sa paghila.

"Ngayon na! Nababad mood ako kapag nakikita ang ate mo"

"A-ah? Ganoon ba?"

"Wait!! Before you leave--" napatigil kami sa paglalakad nang magsalita si ate zaira "Weird amira! Come again tomorrow! 9 am SHARP! We still have something to talk with!"

"O-okay ate" pumasok na sila ni Mr. linc sa loob at malakas na sinara ang pinto.

Next chapter