webnovel

CHAPTER 1

AMIRA'S POV

"Bestfrieeend bilis!" sigaw ko sa kanya na ngayon pa dumating. Alas-nuwebe akong tumawag tapos ngayon ala-una na ng tanghali!

"Sandali lang kasi! Sobrang layo kaya ng pinanggalingan ko tapos papuntahin mo ako dito nang may dalang hagdan!?" reklamo niya habang inaayos ang hagdan sa tapat ng malaking pader.

"Bakit kasi hindi ka nagtaxi? Babayaran ko naman dito tsaka saan ka ba galing? Hindi pa ako nakapunta pero hindi naman malayo ang lugar ninyo dito ah?" tanong ko habang bumababa ng hagdan. Tinulungan naman niya ako para hindi ako mahulog.

"Sorry ha! Tricycle lang meron sa amin at syempre mahal na mahal ko ang bestfriend ko kaya hinanapan kita ng pwede mong pagtripan ngayon--bagong bukas!" nakangiting sabi niya habang tumataas-baba ang mga kilay.

"Talaga?! Oh edi, what are we waiting for!?" tumakbo na kami palabas ng subdivision at pumara agad ng taxi. Hindi talaga ako pinapalya nitong si bestfriend! Alam niya talaga ano trip ko sa tuwing naiisip kong tumakas ng bahay.

*beeeeeep*

"Ahh! Kuya bilisan mo!!" sigaw namin nang makita ang dalawang kotse na sumusunod.

"Miss Amira!! Miss Amira!! Comeback!!! Your father will scold us!!" hindi namin pinansin iyon. Mabilis na pinaandar ni manong driver ang sasakyan.

Kahit ilang yaya ang kunin nina papá at ng step mother ko para sa akin, lalabas at lalabas pa rin ako!

"Ma'am nawala na po natin sila" anunsyo ni manong driver.

*Pak*

"HEHEHEHE" nag-apir kaming dalawa ni bestfriend dahil hindi na nga namin sila nakikita sa likod.

"Wala talagang tatalo sa bestfriend kong napakagaling kung tumakas sa mansyon de smith, AMIRA! Tada~"

"HAHAHA syempre nagmana ako sayo BEATRICE ANNALISE de la vega! Tadaaa~" nilakasan ko pa ang first and second name niya. May dalawang maliliit na kapatid siya kaso namatay na yung tatay nila kaya todo kayod silang tatlo ng nanay at kuya niya.

"Bea laaaaang~"

"Hahahaha alam ko~" paggaya ko at pareho kaming natawa.

"Hindi ko alam paano kita naging bestfriend. Langit ka lupa ako! Hanggang tanaw na lang ba tayo~"

Sa totoo lang nagkakilala kami nitong si bea kasi dinadala siya ng nanay niya sa bahay noon. Matagal ng naninilbihan ang nanay niya at siya yung parating dinadala nina papá kapag umaalis sila.

"Anong langit? Tao rin ako! Baliw to! Hahaha ang pangit ng kanta mo!"

"Hahahaha oo nga"

"Patingin nga ng dslr mo" sabi niya habang nilalaan ang palad sa akin. Nilayo ko agad sa kanya ang bag ko at sinamaan siya ng tingin.

"Swerte mo!" hindi naman sa madamot ako kaso kilalang kilala ko na tong si bea. Lahat ng hinahawakan nasisira agad kaya nga yung nanay niya ay pinagkakatiwala sa akin yung mga gamit minsan para daw magtagal pa.

"HAHAHAHA joke lang!" tumawa lang kami tsaka pinuntahan agad ang lugar na sinasabi niya.

***

"Bea! Tumabi ka kasi! Parang magkamukha kayo haha" sabi ko habang tinatapat sa kanya ang camera.

"ANG GANDA KO LANG KAYA!!!" sigaw niya pero tumabi pa rin sa kulungan ng gorilla. Nandito kami sa zoo at mukhang bagong bukas lang talaga to.

Alam niya talaga mahilig ako sa bagong tanawin, bago sa mata at bago sa lahat. That's me, no one can't do anything to change me even my parents surrender.

"Dito tayo!!" tumakbo kami doon sa mga box na salamin. Nakahilera sila kaya naaamaze akong tignan bawat species na nasa loob.

"What the!! May beetle!!" sigaw ko at isa isang pinicturan.

"Eww kadiri kaya tignan tsaka look oh! Nakakatakot! Parang hands ng crab yung ulo!" reklamo niya habang tinuturo pa.

"Pabebe ka! Ganda kaya tignan, gusto mo kunin ko at ipakain sayo?! Hahaha" tumayo siya ng maayos at lumipat sa ibang hayop.

"No thanks I'm full" walang ganang sagot niya. Pffft. English english pa! Ngumiti na lang ako at dahan dahang binuksan. Gusto ko hawakan! Pero no touch daw!--pero!

"Nga pala amira! Wala na akong mapagbigyan na iba kaya yan na ang sobra" humarap ulit siya sa akin at inabot ang invitation card "Tuloy pa rin ba ang 'day' pool party na ginawa mo?"

"Oo naman! Pumayag ba ang mga highschool friends natin?"

"Syempre! Excited na nga pumunta sa bahay ninyo! Sama din ako ah! Magpapaalam ako kay nanay"

"Sure!! Mas maganda sa bahay tayo may swimming kasi boring!" tapos na kami mag-aral kaya nililibang ko na lang ang sarili ko sa ibang bagay at isa tong pool party sa naisipan ko. SUPER BORING talaga sa bahay!

*criiiiing*

"Hello?" bungad ko nang masagot na ang tawag. Nagsign naman ako ng 'wait' kay bea kaya bumagsak ang balikat niya at tumingin muna sa ibang hayop.

"M-miss Amira, pakiusap po umuwi na po kayo"

"Yaya?~ I'm busy, uuwi ako maya maya lang"

"Pero Miss Amira, maggagabi na po, kanina pa po namin kayo hinahanap"

"Yaya, I'm just somewhere else--- sige na ibababa ko na"

"Pero Miss amira nasa bahay na po ang papá mo"

"Ano?! Ang bilis naman nila sa bakasyon?! Oh sige na uuwi na ako ngayon" binaba ko agad ang tawag at tumingin lang kay bea.

"Uuwi na tayo?" tanong niya dahil inaayos ko na ang gamit ko sa bag.

"Oo, nasa bahay na sina papá baka magkagyera pa!" nagsimula na kaming maglakad pa labas.

"Pwede mo namang sabihin sa kanila na palabasin ka rin minsan!" nakabusangot na sabi niya kaya tinulak ko siya ng KONTI.

"HAHAH hayaan na natin at least nakalabas ako! Bukas ulit ha tsaka doon tayo sa restaurant na nakita ko!" tumango lang siya at pumara agad ng taxi.

Hinatid niya muna ako sa bahay bago siya umuwi sa kanila. Hindi ko naman kasi pwede ibahay si bestfriend para lang malibang ako pero sayang yung bonding time namin! Nakakalungkot dahil limited time lang meron ako! Bantay sarado!

"Miss buti dumating ka na!" bungad sa akin ng yaya ko nang makapasok na ako sa gate. Sumunod pa ang tatlo at hinila din ako kaya wala akong nagawa kundi ang sumama.

"Yaya naman~ sarap ng pambungad niyo" natatawang sabi ko.

"Malalagot talaga kami nito kay madam at sir!!!" tinungo agad namin ang dining area kaya tumigil muna kami para ayusin ang damit ko.

Nakikita ko na sina papá. Dapat maayos akong haharap lalo na kay tita.

"P-papá" bati ko at nagmano sa kanya. Umupo ako sa harap ng step mom ko kasi nasa dulo ng mesa si papá.

"Where did you came from?"

"Ah ano papá k-kase" hindi ko alam kung kanino ako titingin sa kanilang dalawa kaya tumingin na lang ako kina yaya na tahimik lang na nakatayo sa gilid.

"Wala ng bago alejandro, tumakas na naman yan" singit ni tita elisa.

"Papá kase nabored ako dito kaya tinawagan ko si bea--sa totoo lang papá pumunta kami ng zoo!~" nakangiting paliwanag ko kaya umiwas na ng tingin si tita at kumain ulit.

"Okay, I can't argue with you now, I'm so tired"

"Salamat papá" inaayos ko na sa lap ang table napkin habang nangingiti.

"Hija, rule no.11. Change your clothes first before you eat, you looked rebel in your outfit" nagtataka akong tumingin kay tita na parang nandidiri sa suot ko. Napapakamot na lang akong humarap kay papá para hingin ang pagsang-ayon niya.

"Papá magpapalit pa ba ako?"

"Just do what your mom told you" huminga ako ng malalim at tahimik na tumayo.

"Yaya tawy, samahan niyo siya para hindi na naman makatakas" pahabol pa ni tita. Nang makalabas na ay humarap muna ako sa malaking salamin.

"Psh anong problema niya sa damit ko? Si bestfriend pa nagsuggest ng damit na to, ganda kaya. Ripped jeans at loose shirt? Rebel daw!?"

"Miss amira dalian niyo na po" sabi sa akin ni nanay tawy at hinila ako paakyat sa kwarto ko.

"Nay pwede niyo po bang payagan si bea na pumunta dito sa susunod na araw?" tanong ko habang kumukuha siya sa wardrobe ng susuotin ko.

"Kayo talaga! Palagi na lang kayong gumagawa ng kalokohan kapag magsama kayo" natawa ako ng konti kasi hindi niya alam na PARATI kami nagkikita ni bea.

"Sige na po naaaay~"

"Oh sige basta magpalit ka na, mapapagalitan na naman ako ni madam elisa" kinuha ko na lang ang dress na pantulog.

Siya ang nanay ni bea na binanggit ko kanina. Tinatawag ko na siyang nanay simula noon kase nagagandahan akong magsabi ng 'nanay'. Dito sa amin, kapag kung sino ang yayang nakaassign sayo yun lang dapat ang utusan mo at si yaya tawy kay tita elisa siya.

Nakapagpalit na ako kaya bumaba agad kami at bumalik sa inuupuan ko kanina.

"Papà tapos na po" sabi ko pero sumenyas lang siya na kumain na ako.

"Papá! Mommy! I'm home!" napatingin ako sa kababatang kapatid ko. Anak siya nina papá at tita pero hindi kami close, napakalaking hindi! Tumabi siya kay tita elisa at mataray akong dinaanan ng tingin.

"Kumain ka na dyan" tumahimik na ulit ang paligid kaya magsasalita na sana ako ng maunahan ako ni nathalie.

"Ahh papá tuloy pa rin po ba ang debut party ko?"

"Of course, you can start giving your invitations"

"I already did papá" tahimik lang ako dahil wala naman akong pakialam sa debut niya.

Pagkatapos kong umattend aalis din agad kami ni bea. Panigurado puro mga kaklase niya ang nandun at baka mapagkamalan pa akong kaklase nila hahaha sa edad kong 23 baby face pa ako nu!

"Ahhh papá what happened to your eyes?" sa pagka-alala ko nung huling kita namin dito wala siyang eyeglasses at hindi pa sira ang eyesight niya.

"Maybe it's because I am getting older that's why my eyes started to blur"

"Ahhh okay po, and your casino papá?"

"Doing well" patapos na siyang kumain dahil pinupunasan na niya ang bibig.

"Okay po"

"By the way amira, If you can make it please do visit your sister at her office, she needs something from you"

"Okay po papá"

"I know what you will going to do amira, I will tighten my security around" tumawa ako ng konti nang ayusin niya ang buhok ko.

"Hehe I will try my best papá"

"Silly my princess! Your sister will scold you" ngumiti lang ulit ako at kumain na.

Next chapter