webnovel

Capitulo Treinta y ocho

Gigil na binagsak ni Maxwell pasara ang pinto ng kaniyang kotse. Nagiging punching bag na niya ang kawawang brand new sports car na kailan lamang niya binili dahil dito niya palagi nabubuhos ang kaniyang inis he can just buy a new one anyway.

"Magandang gabi po sir!" ang masiglang bati ng malaking lalaking nakabantay sa entrance ng Elixir, ang pinakasikat na club sa Bagio. Tulad ng huli niyang punta dito puno na naman ang sikat na club, he can smell the sweat and sex in the air, maging ang pinaghalong amoy ng usok at sigarilyo. The music is so loud, it vibrates on the glass floor.

Ilang beses siyang umiwas sa mga babaeng nagyayang makipagsayaw sa kaniya at ilang beses din siyang tumanggi sa ibang nag-aalok ng indecent proposal. Wala siya sa mood makipag-flirt ngayon, he is here to drink.

"Gin Martini up on the twist." he immediately ordered to the bartender when he reach the counter. Naupo siya sa isa sa mga high stool na naroon.

"Coming up!" he heard the bartender said, binitiwan nito ang pinupunasang baso at inihanda ang inorder niyang alak.

"Hey man, what brought you here--whoah! what happened to your eyes man, nakipag-away ka ba?" si Helium, anak ng kaibigan at business partner ng kaniyang ama.

He is one of his tutor he teach him social etiquette, sa tingin niya ay matanda lamang siya ng isa o dalawang taon dito. He has a boyish charm, like a boy next door type. A typical metro man na mahilig mag-party at laman ng mga sikat na club. He would say katulad ito ng pinsan ng babaeng kinaiinisan niya na ngayon ay nasa kaniyang bahay at malamang nagsasaya dahil wala siya doon.

Inisang lagok niya ang laman ng basong hawak at pabagsak na binaba iyon sa marble counter. Nanliit ang kaniyang mga mata at kinuyom ang kamao ng maalala ang nangyari kanina. Muntik na siyang makatulog sa lakas ng suntok ng amasonang asawa. Pasalamat ito at hindi siya pumapatol sa babae. That woman needs to learn how to be submissive, prim and proper. Naramdaman niya ang pag-kirot ng kanang mata, naaaninag niya sa salaming sahig ang malaking pasa niya roon.

"It was an accident." tipid niyang sagot. Nagngingit-ngit ang kaniyang kalooban.

Tila hindi naman kumbinsido ang katabi, lumagok din ito ng inorder nitong alak. "Sure, it looks like you were punched by a huge and muscled man, that looks seriously hurts." ngumiwi pa ito, tiningnan niya ito ng masama.

Ano kaya ang magiging reaksyon nito kapag nalaman nitong ang amasona niyang asawa ang sumuntok sa kaniya. He will probably laugh his ass off and he will never hear the end of it.

"How's your married life, damn, until now I can't believe you were married. Humor me." tinagilid pa nito ang ulo at ngingisi-ngising nakatingin sa kaniya. "Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang si Kallyra ang asawa mo pare, you are one lucky bastard." palatak nito.

Natawa siya, marahan niyang inalog ang alak sa hawak niyang baso at muling lumagok. Isang linggo pa lang silang magkasama sa bahay ni Kallyra. Noong mga unang araw ay napakalamig pa rin ng pakikitungo nito sa kaniya subalit nitong nakalipas na dalawang araw ay parang sinapian ito.

He needs to remind himself every f**king time why he have to live with her. It's part of his revenge so he needs to keep his cool and make sure she will not see his facade. But the woman always testing his patience.

"She was and still the hottest female in history, kung nakilala ko siguro siya ng mas maaga." ang naiiling na palatak ng kaibigan. Tinapunan niya ito ng matalim na sulyap.

"You will never get a chance." he said darkly, hindi nagugustuhan ang takbo ng kanilang usapan.

Ngumisi ito. "I will, once you're done with her, I will be her crying shoulder, I will be anything she wants me to be, I'll do her everyday." nanigas ang kaniyang balikat, agad ang pagsulak ng galit hinaklit niya ang kwelyo ng suot nitong itim na polo shirt.

"Ulitin mo ang sinabi mo!" gigil na singhal niya sa muka nito.

"Hey.. hey relax man, don't worry I will not ruin your plan." anito na tinaas pa ang dalawang palad.

"Don't come near her." malamig na bigkas niya. Padarag niyang bintiwan ito at malalaki ang hakbang na lumabas sa maingay na club na iyon. Marahas ang kaniyang paghinga ng makasakay sa loob ng kaniyang sasakyan, Pinukpok niya ng tatlong beses ang inosenteng manubela at marahas na sinuklay ng daliri ang buhok.

Hind niya alam kung bakit siya nagagalit, but f**k! he wanted to kill his friend, he will definitely kill him if he tried anything with his wife. That f**king vulture! Gigil na binuhay niya ang makina ng kaniyang sasakyan at mabilis na pinaharurot iyon palayo.

******

"Where have you been?" nakahalukipkip na salubong niya sa asawa. Nagulat ito at natitigilang napatitig sa kaniya. Nakahawak ito sa hamba ng pintuan at nanatiling nakatayo roon. Bahagya siyang napangiwi ng makita ang malaking pasa nito sa mata, hindi naman niya iyon sinasadya, she just did that to protect herself from his sexual advances. She cannot trust herself to stay cool and unaffected kapag malapit ito.

Lumapit siya dito upang sipatin ang nagkukulay-ubeng paligid ng mata nito, bahagya itong umatras at itinaas ang dalawang braso na para bang handang sanggahin ang anomang atakeng gagawin niya.

"What are you doing?" natatawang tanong niya. Mabilis nitong binaba ang dalawang braso at tiningnan siya ng masama. Inilapit pa niyang lalo ang mukha dito agad na naamoy niya ang alak at usok ng sigarilyo sa katawan nito. She scrunched her nose and glared at him. "You're drunk, nagpunta ka ba ng bar?"

Hindi pa din ito umiimik, nakatitig lamang ito sa kaniyang mukha. she can't read what's going on in his mind. Kumunot ang kaniyang noo at nilabanan ang titig nito. "Hindi ka ba papasok?" tanong niya ng hindi niya matagalan ang matiim nitong titig.

Saka lamang ito kumilos, sinara nito ang pinto at ni-lock iyon. Mag-aala-una na ng madaling-araw kanina pa rin tulog ang kanilang mga kasambahay. Hindi siya makatulog dahil sa paghihintay dito gusto niyang subukan ang kaniyang plano so she patiently waited for his return. Ayon sa nabasa niyang article ang isa sa mga dahilan ng paghihiwalay ng mag-asawa ay ang pagging nagger ng asawang babae.

Una ay pera, but since they both have money she crossed it out. So that is how she was able to come up with this plan, bubungangaan niya ito upang mapilitan itong palayasin siya sa bahay nito at pirmahan ang kanilang annulmment paper.

She can do that, she just have to talk and talk until he cannot take it anymore. Humugot siya ng malalim na hininga at inilagay ang dalawang kamay sa bewang muli niyang ni-recite sa isip ang script na napanood niya sa teleseryeng paboritong panoorin ng kanilang mga kasambahay.

"Bakit ka nag-inom? Gawain ba yan ng matinong asawa, kanina pa ako naghihintay sayo siguro nambababae ka ano! ahmm.. ahmm.." sh*t! ano nga ang kasunod noon?

Ah!

"Ang sabihin mo sa babae mo ay wag siyang makati at may asawa ka nang tao, maghanap siya ng ibang lalaking kakamot sa kaniya!" tinaas pa niya ang baba, she was trying so hard to look more intimidating so he would feel annoyed and so he would talk back at her.

Subalit nanatili itong tahimik, he has a small smirk on the side of his lips and she saw amusement dancing in his eyes. Nagsalubong ang kaniyang mga kilay. Hindi siya umatras ng lumapit ito kahit na ng yumuko ito, subalit napaigtad siya ng maramdaman ang pagdampi ng labi nito sa labi niya, muli niyang nalanghap ang mabango nitong hininga na may halong amoy ng alak.

"I don't have other woman." He whispered in between his kisses. She felt his hands snaking in her waist she immediately withdraw and step back. Nakita niya ang pagbagsak ng kamay nito at ang pagdilim ng mata, subalit agad din nitong naitago iyon.

"Well, I.. I don't really care, I mean, you can have as many as you want!" kaagad niyang sambit. Way to go Lyra. Now he will think she was weird, kanina lang ay nagbubunganga siya dahil inaakusahan niya itong nambababae ngayon naman ay binubugaw niya itong mambabae.

"Is this your time of the month?" he asked amused.

"What? No." tanggi niya na may kasama pang iling. "Kumain ka na ba? I cooked something for you..." she asked.

He went silent for another moment again. "Hindi pa."

She grinned and grab his big hands. "Then let's go to the kitchen! I'll prepare your food, kumain na ko pero sasamahan na lang kita hindi ako makatulog eh." She lied. An evil smirk showing on her face nang tumalikod na siya dito habang hila-hila ito.

Kaagad niyang hinanda ang kaniyang nilutong kare-kareng sobrang maalat at maanghang. It was on the article she read, that a way to a man's heart is through her stomach, so kung malalaman nitong masama siyang magluto ay madidisappoint ito sa kaniya. She trust the article so much kahit pa nga ba parang nababawasan ang IQ points niya sa mga pinaggagagawa lately.

Well she doesn't have any choice either, she can't force her way out kaya gagawin niya ang lahat upang ito ang kusang mag-papalayas sa kaniya sa bahay nito. She will pester him and make his life a like a living hell with her.

Inihain niya sa harap nito ang ininit niyang ulam at kanin. She saw the small smile on his lips when she look at him. Nginuso niya ang pagkain trying to encourage him to start eating. She was almost out of breath because of too much anticipation ng simulan nitong sumandok ng kanin na may kasamang ulam. She follow his movements and watched the spoon with food enter his mouth.

Hindi ito kumibo ng sandali, she was dying to see how he will react only to be disappointed. Nagpatuloy lamang ito sa pagnguya at wala man lang nagbago sa anyo nito, not even a slight rection. Laglag ang balikat na pinagpatuloy niya ang pagmamasid dito habang patuloy itong kumakain.

"How was it?" payak niyang tanong ng matapos ito. Naroon pa rin ang maliit na ngiti nito sa labi na para bang napakasarap ng kinain nito. Palihim siyang umingos sa inis.

"Not bad. Thank you for the food." Babarahin niya sana ito but he looks really sincere. Marahan na lamang siyang tumango. "I wished you could cook sinigang and adobo. Those are my favorites." He is grinning now. Parang pumalya na naman ang pagtibok ng puso ni Kallyra.

Isang ala-ala ang pumasok sa kaniyang isispan, paborito din ni Lucas ang mga pagkaing binanggit nito. Ipinilig niya ang ulo upang iwaksi ang kalungkutang unti-unti kinakain ang kaniyang sistema. Napag-aralan na niyang tanggapin ang sakit, naghilom na ang mga sugat sa kaniyang puso at nag-iwan na lamang iyon ng mga pilat na mananatili doon habang nabubuhay siya.

Lucas was the most beautiful thing she ever had and she will treasure all the memories she had with him forever. But she will not able to completely move on kung palagi niyang nakikita ito sa katauhan ng lalaking kaharap. Maxwell always reminds her of Lucas, halos walang ipinagkaiba ang dalawa

Now she wonders, ganito rin ba kalaki ang resemblance nila n Katrina, ang unang naging kasintahan ni Lucas?

Does Lucas felt the same thing she felt every time she is with Maxwell towards Katrina before?

Kumirot ang kaniyang dibdib, dahil ang nararamdaman niya kay Lucas ay nararamdaman din niya kay Maxwell. It was actually more intense this time, para siyang bagang nag-aapoy sa tuwing madidikit siya sa lalaki. She wished it was just a physical thing subalit nararamdaman niya ang mabilis na pagtibok ng puso sa tuwing nasa malapit lamang ang asawa.

Pakiramdam niya ay nagtataksil siya kay Lucas.Kaya kailangan niyang makalayo kay Maxwell as soon as she can. Pero parang hindi gumagana ang kaniyang mga plano, she have to think of another way to discourage him.

"Mauna na ako sa taas." matamlay na paalam niya dito pagkatapos ay tumayo.

"Dito ka muna.. thirty minutes lang." wala na ang ngiti nito, napatitig siyang muli sa maitim nitong mga mata. He really had the blackest eyes she had ever seen, and its like a black hole in the outer space, it was pulling her and it was always a struggle for her every time she tried to look away. Tila nahipostismo muli siyang bumalik sa pagkakaupo.

She opened her mouth to start a conversation with him subalit wala siyang maisip na sasabihin kaya muli niyang tinikom ang bibig. Lumipas ang ilang minuto at pareho silang walang imik, hinintay niyang magsalita ito subalit nanatili itong tahimik habang matamang nakatitig sa kaniya. Nakaramdam siya ng pagkailang.

"Did you.. ahm.. nagamot mo na ba yan?" tanong niya ng hindi makatiis, ang tinutukoy ay ang pasa sa paligid ng mata nito.

"Hindi pa." sagot nito hindi inaalis ang titig sa kaniya.

"Ah.. teka kukunin ko yung first aid kit." mabilis siyang tumayo at iniwan ito ng hindi lumilingon. Napahawak siya sa dibdib ng makalabas sa kusina parang lalabas ang puso niya sa bilis ng tibok noon. Nagdalawang isip pa siya kung babalikan ba ito o hindi na.

'You can do it Lyra you are brave and you're a big girl already!' aniya sa sarili, she took a deep breath to calm her nerves. Agad niyang hinalukay ang isip kung ano ang maari nilang pag-usapan, anyway 30 minutes lang naman ang ni-request nito magpapanggap na lamang siyang antok na antok na siya para ito na lamang ang gumamot sa sugat nito at iiwanan na niya ito doon. Muli siyang humugot ng malalim na hininga.

"Bakit ang tagal mo?" napasigaw siya sa gulat at nanlalaki ang mga matang humarap dito. "Anong ginagawa mo?" nagtatakang tanong nito.

"Ah.. ano.. nanalangin." mabilis siyang nag-sign of the cross. "Amen." aniya pa, Tinaasan siya nito ng kilay. "I always pray every time, don't ask why. Bakit sumunod ka pa dito, tara na sa baba." inunahan niya itong lumabas ng kwarto niya at nagtuloy na sa kusina narinig niya nag yapak ng mga paa nitong nakasunod sa kaniya.

She can feel his eyes staring at the back of her head. Ramdam niya nag pag-iinit ng kaniyang pisngi sa isip ay kinukutsan niya ang sarili. 'Really, nananalangin? hah! nakakahiya ka Kallyra Romanov!'

Next chapter