webnovel

Capitulo Decíotcho

Tatlong-araw ang nakalipas bago nabalitaan ni Kallyra na maayos na ang kalagayan ni Lucas. Narito siya ngayon sa kubong kaniyang nabili sa Calle Azcarraga, kung saan sila lihim na nagpupulong ng kaniyang mga tauhan dito sa Maynila.

It became their second headquarter and they called it "Pugad". To avoid anyone from noticing the place, pinanatili nila ang orihinal na hitsura ng kubo sa loob at labas, subalit mayroon na itong lihim na lagusan patungo sa ilalim ng lupa at tanging ang mga taong pinagkakatiwalaan niya ang nakakaalam at isa na doon and ilustradong binata na nakilala niya sa Batanggas. Isa ito sa mga lider ng rebeldeng grupo na iniligtas niya sa kamay ng mga gwardiya sibil.

"Natutuwa akong maayos na ang kalagayan ni Ginoong Lucas, pinuno." matipid siyang ngumiti at hindi nagbigay ng kumento. She felt happy and relieve as well.

"Ano ng nangyari sa espiya?" she inquired.

"Pinaghihinalaan siya ng Gobernadorcillo at nakakulong siya sa lihim na piitan ng pamilya Zamora ng mahanap ni Apolinario." tukoy nito sa kasamahang rebeldeng ilustrado. "Pinahirapan at halos wala ng buhay, subalit wala silang nakuhang impormasyon."

She probably underestimate the braveness and loyalty of these people. She actually believe otherwise and she felt a little guilty because of it. Tila naman nabasa ng kausap ang kaniyang iniisip at ngumiti ito sa kaniya.

"Huwag kang mag-alala binibini, nailigtas siya ng grupo nina Apolinario at ngayon ay na sa kampo sa Batanggas at ginagamot nina Jose."

"Mabuti kong ganoon." Tumayo siya at itinakip sa muka ang itim na tela. Tanging ang sa may bahaging mata lang ang nakalabas. "Tayo na." Tumayo na din ito at sumunod sa kaniya.

The night was already dark when they went outside the headquarter, they strode towards the deep forest to meet with the group. Kaagad na nagsitayuan ang grupo ng mga kalalakihang naroon, lahat ay tahimik at nag-aabang ng utos mula sa kaniya na may kislap ng antisipasyon sa mga mata. Lahat ay may mga itim na telang takip sa muka at nakaitim din na kasootang katulad ng sa kaniya.

She smirked. They looked like a group of deadly assassins. Sila ang unang grupo na dumaan sa mahusay na pagsasanay sa kamay ni Jose na siyang tumatayong lider ng mga rebeldeng ilustrado.

She teach them to learn combat, how to use different weapons including guns. She provided written instructions so Jose can train them day and night even without her assistance. And now both of their effort will be put on a test tonight. And this mission will serve as their first step to become a qualified agent from being an amateur.

She can feel her chest swelled with pride while watching the unconcealed excitement and anticipations in their eyes. It was just a silly idea of her to create a group of assassins for her own amusement and not to create a mess in this era.

Noong una ay para lang madali siyang makakilos at upang walang maging balakid sa mga nais niyang gawin at nang hindi niya isipin ang kaligtasan sa bawat oras na pananatili niya sa lugar na ito.

Pero nagyon ay aalis sila para sa isang misyong walang kinalaman sa kaniyang kaligtasan o sa kaniyang planong makaipon ng halagang magagamit upang makarating sa bansang Amerika.

"Sa pagpatak ng alas doce ay sisimulan natin ang napag-usapan. Tandaan niyong tatlong oras lamang ang mayroon tayo upang maisakatuparan ang misyon. Kahit anong mangyari ay kailangan ninyong bumalik dito tagumapay man o hindi at alam kong alam niyo na ang mangyayari sa mga susuway." she said coldly.

"Masusunod pinuno!" she heard them answered in unison. Nilingon niya si Andres at iminuwestra ang kamay. Tumango ito at nagtungo sa unahan paharap sa grupo ng labing tatlong kalalakihan.

"Cinco!" that was a code name given by her to easily identify each other depending on their ranks and to protect their life in the open. Humakbang ito ng dalawa palapit. "Sa iyo naka-atang ang pag-lilipat ng mga armas sa mga kamalig. Kailangan mong masigurong tahimik at walang maaring makasaksi ng inyong mga kilos, ikaw ang tatayong lider sa grupo niyo." Andres commanded.

"Masusunod Uno!"

"Cuatro!" matapos humakbang paatras ni Cinco ay agad humakbang palapit ang tinawag. "Ang mga gwardiya sibil na nakabantay sa piitan ay kailangang hindi makasagabal sa gagawing pagpapatakas sa tsino." Ang tinukoy ay ang lider ng mga mayamang tsinong mangangalakal na si Qihiro na siyang pinakulong ni Kallyra.

"Sisiguraduhin kong hindi sila makakabalakid sa misyon pinunong uno!"

"Otcho, sa pagpatak ng ala-una ay naipasa mo na dapat kay Dos ang pekeng liham, kailangang makarating sa Gobernadorcillo ang liham anoman ang mangyari."

"Maasahan mo ako!"

"Diez!" Agad lumapit ang tinawag, tinaggap nito ang pangalawang liham na iniabot ni Andres "Mahalaga ang iyong gagampanan sa misyong ito. Siguruhin mong makakarating ang liham kay Padre Gomez, kailangan mong masigurong makakarating siya sa lugar na nakasulat sa liham. Kailangan mo siyang sundan at kailangang masaksihan niya ang mangyayaring pagpupulong."

"Maasahan mong gagawin ko ang utos sa abot ng aking makakaya." paangako nito.

Ang plano ay magpuslit ng mga armas mula sa ambakan ng mga armas sa loob ng Intramuros patungo sa mga lihim na kamalig ng Gobernadorcillo, sa nakalap na impormasyon ng grupo nina Apolinario at Diego ay madalas na magkaroon ng pagpupulong roon ang Don at ang mga kasabwat na bandidong indio na siyang dahilan ng mga panununog ng mga bahay kalakalan at nagnanakaw ng mga materyales na inaangkat ng pamilya ni Lucas mula sa Almanya at Espanya.

Wala silang sapat na kagamitan at mahirap malaman ang magiging sitwasyon ng bawat grupo dahil sa kawalan ng kominikasyon na siyang magiging suliranin nila sa misyong ito kaya't kinakailangang maging istrikto sila sa oras na gugulin sa mga nakatalagang misyon ng bawat isa. If one was delayed, then the mission will fail. They have to be concise and careful to avoid any mishaps.

Tatlong minuto bago magalas-doće nang matapos si Andres tahimik na nag-abang ang lahat. Kallyra raise her one hand and in the air, her palm is open and ready to give the signal. She watch their eagerness to follow her command.

Eksaktong alas-doće. Lyra closed her fist and shouted. "Go!" In just three breath the place became empty and not even one shadow remains.

"Kuya Pedro sa tingin mo ay maniniwala ang Gobernadorcillo sa pekeng liham?"

"Hindi mo na dapat problemahin iyon, ang mahalaga ay nagawa mo ang iyong misyon. Mahusay Otcho, bumalik ka sa may puno ng santol, naroon si Tres at naghihintay ng hudyat para sa susunod na misyon." utos ni Pedro sa binatilyong kausap. Ito ay kapatid ni Apolinario na ngayon ay tinaguriang Tres sa kanilang grupo.

Ang magkapatid ay anak ng kamamatay lamang na kabesa de baranggay sa malayong bayan sa Cebu. Napagbintangan ang kanilang ama na isang filibustero ng itinalagang bagong padre ng mga insulares sa Cebu para sa mga parokyanong Cebuano. Sila ay tunutugis ng mga gwardiya sibil at napadpad sa Batanggas kung saan sila nakilala ng grupo ng mga rebeldeng ilustrado na pinamumunuan ni Ginoong Andres.

"Subalit hindi ko mapigilan ang maging kuryoso, kanina'y ilang beses akong inuudyok ng aking isip na basahin kahit isang talata lamang ng liham, kung hindi lamang ako natatakot na mahuli sa itinakdang oras ni Uno ay hindi ko mapipigilan ang aking sarili." himutok ng binatilyo. Sa tantiya ni Pedro ay labindalawang taong gulang pa lamang.

"Isa iyong kapangahasan at huwag mo ng uulitin, alam mong hindi gugustuhin ng binibini kung malalaman niya." suway na babala niya dito.

"Alam ko iyon kuya Pedro." kahit may nakatakip na itim na tela ay alam ni Pedro na nakasimangot ito. "Hindi ka man lamang ba naakit na basahin kahit sa isa sa mga sulat na pinapadala ng binibini?"

Sinamaan niya ito ng tingin, hindi siya marunong mag-basa kaya kahit subukan niya ay wala naman siyang mapapala. Malaki ang pasasalamat niya na nakilala niya sng binibini, dahil nabayaran niya ang ilang taong utang nila kay kabesang Mario at naiwasan nilang makulong ang kaniyang butihing amain. "Hindi. At tawagin mo siyang pinuno!"

"Napakasungit mo naman kuya Pedro! mabuti pa si kuya Apolinario mabait, kaya ka pangit kasi masungit ka!"

"Aba't napakapilyo mong bata, at hindi ba ay dapat mo akong tawaging Dos at Tres naman ang kuya mo, isusumbong kita sa kapatid mo!" pananakot niya dito.

Dinilaan lamang siya nito at tumakbo na paalis doon. Naiiling na ibinalik niya ang pagmamasid sa paligid. Naruon siya sa liblib na bahagi ng mga puno malapit sa kamalig kung saan pumsok ang ilang mga kalalakihan.

Malapit ng mag alas tres ng madaling-araw subalit hindi pa rin dumadating ang kaniyang inaabangan. Nagsimula na siyang makaramdam ng pamamawis sa kabila ng malamig na simoy ng panggabing hangin na tumatama sa kaniyang balat.

Samantala, ang grupong kinabibilangan ni Kallyra ay naroon na sa Intramuros, nahati sila sa dalawa pang grupo, ang una ay patungo sa tahanan ng Gobernador Heneral samantalang ang pangalawa ay patungo sa Port Santiago na pinangungunahan ni Uno.

Kallyra points her two fingers forward to give signal to her team and they moved like an experience assassins in the dark. The soldiers were standing straight in front of the locked doors and still oblivious of their presence.

Mula sa bubong ng kamalig ay walang ingay siyang tumalon at saktong bumagsak sa likuran ng gwardiya sibil. She hit the back of the man's neck and carefully place him down. Nilingon niya ang kasama na maingat din na inilapag sa lupa ang pinatulog na isa pang gwardiya sibil.

He nod his head at her and continued to move forward. Ganoon din ang ginawa ang ilan pa nilang mga kasama. Papalayo na sila sa kamalig kung saan nakaimbak ang mga armas. Matagumpay nilang nahakot ang lahat ng laman doon at ngayon ay kailangan na lamang nilang ipuslit palabas ng kampo ng mga sundalong espanyol.

Kallyra once again raised one of her hand to stop the group when they succesfully leave the place. Nakatago sila sa mga matataas na talahiban ilang dipa ang layo sa pinangglingan. She grab the knife tightly and move alone to the same direction, her black dress perfectly blend in the dark. She carefully studied the place and calculate the distance from where she stand. After a few seconds she looked back at her team and signalled them to move away.

Another few minutes have passed and Kallyra was left alone in that field. She waited patiently and when she saw the black kite in the west, she smiled.

She expertly threw the dagger that successfully hit the target rope.

Sa kabila ng distansiya ay rinig niya ang malakas na tunog ng kampana na bumuhay sa tahimik na gabi. Sandali niyang pinanood ang ilang mga gwardiya sibil na nagsilapit sa sanhi ng malakas na ingay subalit ilang minuto matapos mapahinto ang kampana ay muling nagambala ang katahimikan ng gabi ng malalakas at sunod-sunod na pagsabog mula sa silangan kung saan naroon ang sikat na piitan.

Pinunasan ni Diego ang kaniyang pawisang noo at nagpatuloy sa pagiipon sa sinulid na nakakabit sa sarangolang itim na kanina lang ay malaya niyang pinalipad sa hangin. Kanina ay halos maihi siya sa kaba ng hindi pa dumarating sa tagpuan ang Gobernadorcillo, kaya naman muntik na siyang mapasayaw ng dumating ito gaya ng inaasahan ni binibinig Kallyra.

Matapos maisukbit sa kaniyang likuran ang saranggola ay mabilis siyang umalis sa munting burol na iyon at nagtungo sa lokasyon kung saan sila magkikita-kita sa oras na matagumpay nilang maisakatuparan ang kanikanilang misyon.

Sa ibaba ng burol ay naghihintay ang ilang mga kasama na agad siyang sinalubong. "Maayos na nailipat ang mga armas." imporma ni Cinco ng siya'y makalapit.

"Mahusay. Nasiguro niyo bang walang naging saksi?" kumpirma niya.

"Nakakasiguro ako, subalit may munting aksidenteng nangyari sa grupo nina Tres." pagbabalita nito.

"Anong nangyari?" kinabahang tanong ni Diego sa kasama.

"May mga nakasalubong silang mga gwardiya sibil kasama ang dalawang opisyal. Pinahinto nila ang grupo nina Tres at nagkaroon ng sagupaan."

"Paanong nalaman ng mga opisyal?" gulat niyang tanong.

"Ang hula ko ay nanggaling sila sa probinsya at may mahalagang sadya dito sa Maynila. Patungo sila sa Intamuros. Sa aking palagay ay umiral ang kanilang natural na kasakiman at nais nilang mangolekta ng bigay."

Dala ang kalahati ng mga ninakaw na mga armas ay pinangunahan ni Tres ang pagpupuslit noon patungo sa kanilang kuta sa Batanggas. Hindi nila maaring ilagak ang mga iyon sa Pugad sapagkat bukod sa mas malaki ang kanilang kampo sa Batanggas ay iyon din ang kanilang orihinal na kuta. Mas ligtas kung doon nila itatago ang mga ninakaw.

Nagpanggap ang grupo nina Tres na mga mangangalalakal at ang kanilang karaban ay mag-hahatid ng mga produktong inangkat mula sa bansang Tsina. Sa kanilang grupo ay naroon din ang pinatakas na mayamang mangangalakal na si Qihiro.

"Nasawi ang mga gwardiya sibil at ang dalawang opisyal, samantalang isa sa mga kasama natin ay nadaplisan ng bala sa tiyan. Kaagad namang nalapatan ng paunang lunas at napahinto ang pagdurugo, dinala siya nina Treće at Doće sa Pugad."

Nakahinga si Diego ng maluwag sa kaalamang walang nasawi sa mga kasama. "Sino ang nasaktan?

"Ang nakababatang kapatid ni Tres na si Otcho." napasinghap siya at nakaramdam ng pag-aalala. Sa kabila ng kapilyuhan ng binatilyo ay itinuturing niya itong kapatid kaya naman ay hindi niya maiwasang maawa sa sinapit nito. "Wag kang mag-alala, mahusay ang manggamot na nasa kampo." ani ng kasama ng mapansin ang pag-aalala sa kaniyang muka. Tipid lamang siyang tumango at inaya na ang mga kasama. Sa kabila ng nangyari ay naging matagumpay ang kanilang unang misyon.

Ang pakiramdam na nagawa nila ang isang bagay na noon ay hindi man lamang pumasok sa kanilang isipan sapagkat napakaimposible ay kanilang napagtagumpayang isakatuparan ngayon. Kung magkukwento siya sa kaniyang ama na nakapagpuslit sila ng daan-daang mga armas mula sa Intramuros at sa kuta pa mismo ng mga sundalong Espanyol ay tiyak na makakatikim siya ng malakas na batok at iisipin ng ama ay nababaliw na siya.

Next chapter