Lalong sumama ang pakiramdam niya matapos mapanood ang nakahahalinang pagtatanghal ng dalawang taong pinakaiinisan niya ngayon.
They look good together, parehong mataas ang katayuan sa lipunan. Parehong gwapo at maganda, parehong maraming talent. Lucas and Mariya, just perfect.
Sa pinanggalingan niya ay maraming naiinggit sa kaniya, she graduated receiving the highest latin honor in Harvard sa dalawang kurso, Business management and Astronomical Science.
At hindi lang utak ang mayroon siya, she got beauty too pero sa lugar na ito isa siyang katawatawa. She hissed and drink another glass of wine, hindi man lang siya tablan ng alak, lalong nakakainis, kailan kaya titigil ng pagbubulungan ang mga taong ito.
Alam niyang siya ang topic ng mga ito, umismid siyang muli at masama ang tinging ipinukol niya sa ilang kababaihang nakapalibot kay Lucas ilang dipa ang layo sa kaniya.
"May pagligaw-ligaw pang nalalaman, bastard." Pabulong na himutok niya bago muling lumagok ng alak.
""Hindi pa sa tanang buhay kong narinig ang awiting inawit mo kanina binibini, isang kakaiba at may malalim na nilalaman ukol sa mga taong mapanghusga, at ang higit na nakakamangha ay ang paraan ng iyong pagawit, isa iyong napakahusay na palabas." Lyra almost rolled her eyes sa papuring narinig, napailing siya, maging sa panahong ito pala ay mayroon ding binatang may mabulaklak na dila.
Naramdaman niya ang paglapit nito kanina at nagpaalam itong makikiupo sa laniyang tabi at tumango lamang siya.
"Supongo que no eres realmente de aquí, ¿puedo darte tu nombre?" Ang hula ko ay hindi ka talaga dito sa siyudad nakatira, maaari bang malaman ang iyong pangalan binibini. Patuloy nito.
"Inday ang pangalan ko." Aniya at tiningnan ito ng masama, the poor guy look a little shock in the hostility in her voice.
Naalala niya, ito ang lalaking nakabasag ng baso kanina matapos niyang kumanta o kanta nga bang matatawag yun.
Kita niyang totoo ang ipinakita nitong pagkamangha kanina hindi tulad ng sa iba, hindi tulad ni Lucas na pinagtatawanan siya.
"A-ako si Valentin Diaz. Maaari mo akong tawaging Valentin." Alanganing pakilala nito. Guwapo, matangkad at halatang mataas din ang katayuan sa lipunan.
He has brown eyes at maputing balat, medyo maliit ang katawan kumpara kay Lucas at mayroon itong kulot na buhok at maayos ang gupit at parang binuhusan ng mantika sa kintab.
She widthraw her claws at masayang ngumiti, mukhang mabait ito, sa wakas mayroon na rin siyang makakausap, kung suswertehin ay maari pa niya itong mapakiusapang ihatid siya pauwi sa bahay ng mga De la Torre. Hindi na niya nais pang magtagal dito.
"Nagbibiro lamang ako Ginoong Valentin, Kallyra ang totoong pangalan ko, at natutuwa akong nagustuhan mo ang kinanta ko." Lumawak ang ngiti ng kausap.
"Kakaiba rin ang iyong pangalan, parang sa banyaga, ng minsang nagpunta ako ng Espanya ay mayroong mga Ingles na may pagkakahawig sa iyong pangalan at iyong hitsura.
Noong una ay akala ko ikaw ang aking kaibigan subalit ng matitigan kita ng malapitan ay nalaman ko kaagad na hindi ikaw siya, mas maputi ka at iba ang kulay ng inyong buhok at mata." Natutuwang wika nito, kumunot ang noo niya.
'Yeah yeah narinig ko na yan, tanggap ko nang ordinaryo ang muka ko at marami akong kamuka.' Inikot pa niya ang mata sa isip.
"Kung gayon ay nakarating na kayo sa ibang bansa ginoo?" tanong na lamang niya.
"Kinailangan kong ipagpatuloy ang aking pag-aaral doon upang maging dalubhasa. Ngayon ay napakinabangan ko ng husto ang mga natutunan ko sa ibang bansa maraming natutulungan ang mga klinikang ipinatayo ko, nakabase ako dito sa Maynila, ikaw, gusto rin kitang makilala binibining Kallyra."
"Wala namang interesanteng bagay tungkol sakin." Kibit balikat niya.
"No estoy de acuerdo, eres una dama muy interesante, y eres tan Hermosa y eres muy diferente en comparaciόn con todas las chicas que conocí." Hindi ako sumasang-ayon, isa kang napakainteresanteng binibini, bukod pa sa napakaganda mo ay ibang-iba ang kilos mo sa mga binbining nakilala ko.
"Hindi ako mahinhin at marahang magsalita tulad ng tipikal na binibining pilipina, hindi ba? At sa tingin ko ay hindi iyon maganda." Aniya, and for the first time she wished to be like Mariya.
Sigurado siyang pagtatawanan siya ng pinsan niyang si Carlotta.
"Kung mamarapatin mo ay nais kong bisitahin ka sa iyong tahanan sa mga susunod na mga araw binibining Lyra, nais kong mas makilala ka pa." nahihiya nitong sabi.
Naramdaman niya ang init sa kaniyang likuran at ang pagtaas ng balahibo sa kaniyang batok bago dumampi ang mainit na palad ng pamilyar na gaspang ng kamay sa kaniyang balikat.
Bigla ang paninigas niya at ang paglinga sa lalaking nangahas umakbay sa kaniya. Ganoon din ang lalaking kausap.
"Nakilala mo na pala ang aking kaibigan." Matigas na wika ni Lucas, she was not sure kung siya ba ang tinutukoy nito o si Valentin. "Kamusta ka Ginoong Leonardo, hindi nakadalo ang iyong ama, ikinalulungkot ko ang nangyari, hangad ko ang mabilis niyang pag-galing."
Ngumiti ang binata. "Salamat Ginoong Lucas, ginagawa ko ang lahat upang maging maaga ang pag-galing ni papa, hindi ko alam na magkakilala kayo at matalik na magkaibigan ni binibining Kallyra. Hindi ko alam na bukod kay binibining Mariya ay mayroon ka pang ibang magandang babaeng kaibigan."
"Kilala mo din si binibining Mariya, Valentin?" singit niya. Tumango ito.
"Kaeskwela ko si Ginoong Lucas sa Unibersidad ng Sto Tomas at dahil magkababata sila ay madalas ko siyang makita. At ang kapatid niyang si Katrina ay naging kaibigan ko sa Espanya, siyanga pala nais kong ipabatid ang aking pagbati sa kasal niyo ni Katrina, natanggap ko ang liham na ipinadala niya tungkol sa nalalapit niyong pagpapakasal noong Enero." Baling nito kay Lucas. Nanigas siya sa kinauupuan.
Naramdaman niya ang paghigpit ng kapit ng kamay nito sa kaniyang balikat. She suddenly felt cold and distant.
"Hindi natuloy ang kasal." Iyon lang ang isinagot nito. Hah! The asshole did not even explain himself, but then again, wala naman itong dapat ipaliwanag sa kaniya.
Tila nabigla din ang lalaking kausap. "Lo siento. No lo sabía..." Paumanhin. Hindi ko alam... "Ano ang nangyari, halos lahat ay inaasahang kayo ang ikakasal."
"Paumanhin Ginoong Valentin subalit kailangan kong putulin ang ating usapan, kailangan ko ng magpaalam sa Gobernador Heneral, malalim na ang gabi at kailangan na naming umuwi." S Lucas, halatang iniiwasan nito ang tanong ng binata.
"Walang problema, maari nating ituloy ang naudlot nating kwentuhan sa susunod nating pagkikita binabalak kung magtagal dito sa pilipinas dahil sa aking ama, nais ko ring dalawin si binibining Kallyra." Matipid na tango lamang ang isinagot ni Lucas. "Saan ka nga pala nakatira bini------"
"---Sa amin, sa bahay ko siya nakatira." Matigas na putol ni Lucas.
Bumakas ang pagtataka sa hitsura ng kaibigan nito, maya-maya ay namilog ang mga mata at umawang ang bibig. "K-kung ganon ay asawa mo si binibining Kallyra, k-kaya ba hindi natuloy ang kasal niyo ni bnibining Katrina?" nanatili siyang tahimik at hinintay ang sasabihin ni Lucas.
Kanina pa parang hinahalukay ang sikmura niya at parang may kung anong mabigat na bagay nakadagan sa dibdib niya at nahihirapan siyang huminga.
"Hindi." Matipid at malamig na tugon nito. Tila nakahalata naman ang kaibigan nito sa namumuong tensyon sa pagitan nila ni Lucas at hindi na muling nagtanong pa. "Lyra, hintayin mo ako, kailangan ko lang magpaalam upang makauwi na tayo, sumabay ka na sa amin ni Mariya." Baling nito sa kaniya.
Hindi siya tumingin dito, hindi niya ito gustong makita o makausap, napakaraming tanong sa isip niya, si Katrina, siya ba ang sinasabi ng lahat na kamuka niya?
"Mayroon akong inupahang kalesang maghahatid sa akin pauwi Lucas, at wala pa akong balak umuwi." Malamig niyang tugon.
May sasabihin pa sana ito pero napigil ng masiglang pagtawag dito ng kanyang ama, naroon ito sa umpukan ng iba pang ilustradong may mataas na posisyon sa lipunan kabilang na ang lider na kumakatawan sa Espanya na siyang may kaarawan.
Yumuko ito at bumulong sa kanyang tenga, naramdaman niya ang marahang pagdampi ng labi nito sa kaniyang balat, at ang pagpisil sa kamay nito na nanatiling na sa kaniyang balikat. "Espérame." Hintayin mo ako. Matigas na utos nito at iniwan na sila doon ng binata. Ikinuyom niya ang palad at tumayo.
Magalang siyang nagpaalam kay Leon at mabibilis ang mga hakbang na tinungo ang labas ng bulwagan. Malapit na siya sa kalesang naghihintay sa kaniya pauwi ng may pumigil sa braso niya. "Saan ka pupunta?" Mababa at matalim na asik ni Lucas.
She took a deep breath and looked at him. "Nahihilo na ako dahil sa ininom kung alak gusto ko ng umuwi." Malamig niyang tugon. Matagal nitong pinagmasdan ang mukha niya na tila nanantiya.
"Sige, umuwi na tayo." Hinila siya nito pasakay ng kalesa, inis na binawi niya ang kamay. She glared at him ng makasakay na sa kalesa, he glared back at her.
"Bumaba ka na Lucas, kaya kong umuwing mag-isa." Gigil na singhal niya. Subalit tila wala itong naririnig at inutusan ang kutserong patakbuhin na ang kabayo. "Ano ba Lucas, sino ang maghahatid kay Mariya, hindi ba at kasama mo siya papunta rito you shoudn't left her!"
"Hindi umiinom ng alak si Mariya, kaya niyang umuwi mag-isa. Tampoco debes beber alcohol, eres una dama." At hindi ka dapat umiinom kababae mong tao.
Sarkastiko siyang tumawa. "Nadagdagan na naman ba ang listahan ng mga ayaw mo sa akin?" She sounded hurt and accusing and she didn't like it. Tumitig ito sa kaniyang mga mata, malamlam at nangungusap, nawala ang talim doon.
Hindi niya hinintay na magsalita ito dahil pareho nilang alam na totoo ang sinabi niya.
"Hindi mo nasabi sakin na kamuka ko pala pinakamamahal mong kasintahan na iniwan ka. Now I remember, sinabi mong kaya mo ako sinundan sa gubat ay dahil kamuka ko siya."
"Hindi iyon mahalaga." Matigas na wika nito.
She bit her lower lip to stop herself from saying something she will regret. "Tama ka, but I don't want to hear you saying those stupid things you said to me the previous night. Let me tell you why you are feeling this way, naaalala mo ang girlfriend mo sakin, ang sabi ng mama mo ay hindi lamg kami magkamuka, may pagkakapareho din kami sa ibang mga bagay, I heard she was smart and lovely and you love her so much." Mariin niya itong tinitigan. "Ang pinakaayaw ko ay kinukumpara ako sa iba."
"Hindi---"
"Don't you dare lie to me about it. I saw you, I saw you were comparing me to her a lot of times, kahit kanina. Katrina never drinks alcohol, hindi niya kayang manakit ng iba and I kill people, hindi ba, ibinubuko ka ng yung mga mata Lucas. But if you can't help it wala akong magagawa pero wag mo na ulit susubukang magsinungaling at magpanggap na may gusto ka sakin. Don't be a hypocrite."
He glared at her, nakita niyang nagpipigil ito ng galit. "Hindi mo alam ang nararamdaman ko." he snapped.
"I don't care." Tila nawalan ito ng sasabihin at matagal na napatitig sa kaniya. Iniiwas niya ang tingin at itunuon iyon sa kalsadang dinaraanan, madilim na madilim ang paligid at ang ilaw na nagmumula sa kanilang kalesa at iilang bituin ang nagsisilbing tanglaw nila dahil natatakpan ng mga ulap ang buwan sa langit.
"Kailanman ay hindi ko nakita si Katrina sayo, hindi pa niya ako ginalit gaya ng nararamdaman ko ngayon sayo, hindi ako kalianman nag-alala sa kaniya gaya ng pag-aalala ko sayo dahil hindi ka umuwi ng minsang magtalo tayo, at kahit kalian hindi pa kami nagtalo ni Katrina. Hindi niya napabilis ang tibok ng puso ko... samantalang ikaw, kahit wala kang gingawa kahit ilang dipa ang layo mo sakin pakiramdam ko ay lalabas ang puso ko sa dibdib dahil sobrang bilis ng tibok at kapag tumatawa at ngumingiti ka sakin tumitigil ito sa pagtibok at kinakapos ako ng hininga. Kung kinaya kong nawala siya, ikamamatay ko kung ikaw ang mawawala sakin Lyra."