webnovel

Capítulo Onse

Mukhang hindi nga simple ang problemang kinakaharap ng mga negosyo ni Donya Juliana, sa tingin niya ay babagsak ang korporasyong ito kung hindi mapipigilan, sa totoo ay wala naman talaga siyang pakialam, subalit naging mabuti sa kaniya ang ginang at maging ang pamilya nito, hindi naman makakaapekto sa kaniyang plano kung tutulungan niya ang mga ito.

Panahon na siguro upang pakilusin niya ang mga pyesa sa kaniyang laro na kaniyang binuo ng magsimula siyang buoin ang kaniyang plano.

Bukas pa sila magkikitang muli ni Diego. Pero nagpadala siya ng sikretong liham sa isa mga taong nirekomenda ng binata, nakasaad doon ang nais niyang pagpupulong kasama ang mga tauhang binuo. Narito siya ngayon sa Laguna, kailangan niyang magtungo sa lugar na pagdadausan ng kanilang pulong.

She rerecieved Diego's reply with the location but she don't have any idea where it is. She take a deep breath ang look for someone who can help, nagtanong siya sa matandang ilustradong nakasalubong.

"Disculpe per favor." Excuse me, please. Nakangiting tawag niya sa atensyon nito, magalang itong ngumiti sa kaniya.

"¿Sí señorita?" yes senyorita?

"¿Para ir al kalye Cecilia señores?" Paano makarating ng kalye Cecilia ginoo? Ang tinutukoy ay ang bayan ng Calamba kung saan gaganapin ang pulong.

"Vaya todo recto." Dumeretso ka diyan. Tinuro nito ang daan sa kaliwa niya, lumingon siya sa tinuro nito, isang deretsong kalye iyon at may mga punong manggang nakahilera sa gilid. "Tome la segunda calle a la derecha, es la calle del sol. " pagkatapos ay lumiko ka sa pangalawang kalye sa kanan, iyon ang kalye del sol.

Tumango-tango si Kallyra at matamang nakikinig sa kausap. "¿La segunda a la derecha?" Pangalawa sa kanan? Kumpirma niya.

"Sí justamante." Oo tama. " Entonces tome la primera calle a la derecha, vaya todo recto." Pagkatapos ay lumiko ka ulit sa sunod na kalye sa kanan.

"İGracias! ¿Entoces ese lugar es kalye Cecilia entices?" Salamat iyon na ba ang kalye Cecilia?

"No, eso no es kalye Cecilia." Hindi, hindi iyon ang kalye Cecilia "Ahora estás en kalye Cecilia." Narito ka na sa kalye Cecilia.

Ang nakangising wika ng matandang ilustrado pagkatapos ay basta na lamang umalis. Naiwang natitigilan si Kallyra, habang nagpoproseso ang utak.

5 seconds, 10 seconds, one minute... "What!" asar na singhal niya. Tingin niya ay nabawasan ng limang puntos ang IQ niya dahil sa pakikipag-usap sa pilosopong matanda.

Inis na iginala niya ang tingin sa paligid at masama ang tinging ipinukol sa malaking karatula sa harapan niya. 'Kalye Cecilia.'

Kinutusan niya ang sarili sa isip. Nagpalinga-linga pa siya at hinanap ang kubong may bangkito at maraming kopras ng niyog na nakapatas sa harap ng bakuran, naglakad-lakad pa sya ng kaunti at nakahinga ng maluwag na makita ang hinahanap.

Isang mapanganib na ngiti ang sumilay sa kaniyang labi, humugot siya nga malalim na hininga pagkatapos ay inalis ang lahat ng emosyon sa kaniyang mukha.

Lumapit siya sa isang kubo, yari sa pawid ang bubong at yari sa kahoy mula sa niyog ang haligi, at sa dahon naman nito ang dingding, may mga inahing manok na nagkakahig at naghahanap ng pagkain sa paligid kasunod ang nagsisiyapang mga inakay.

Tahimik ang lugar maliban doon, sa unang tingin ay aakalain mong walang tao sa loob ng kubo. Walang pagaalinlangang lumapit siya sa pintuang yari sa kahoy na may bakas ng kalumaan at marahang kumatok.

Makalipas ang ilang segundo ay bumukas iyon at tumambad sa kaniya ang isang lalaking sa tingin niya ay nasa edad trienta, magalang itong yumukod sa kaniya matapos alisin ang sumbrerong yari sa buli, "Tumuloy kayo pinuno." Ang isang ordinaryong babae ay hindi magtatatangkang lumapit man lang dito, sa hitsura ng lalaki ay mahahalata mo ng halang ang kaluluwa nito.

May pagkakahawig kay ginoong Fausto subalit di tulad ng huli ay mapanganib at matalim ang mata ng lalaking kaharap niya ngayon. Subalit hindi siya. Pantay ang tibok ng kaniyang puso at walang nararamdamang pagkatakot.

Napansin niya ang telang may bahid ng dugo na nakabalot sa may binti at braso nito. Ilang araw na ang lumipas ay mukang hindi pa gumagaling ang sugat na siyang may-gawa.

Isa ang lalaking ito sa mga nang-abang sa kanila sa Batanggas. Isa sa mga tulisan at tauhan ng mangagalakal na intsik na hanggamg ngayon ay nakakulong sa sikat na kulungan sa Maynila.

Bahagya lamang siyang tumango dito at tumuloy sa loob ng kubo. Mukhang karaniwan lamang ang loob ng kubong iyon may isang mahabang yantok na upuan at isang lamesang bilog na may nakapatong na gaserang may mahinang sindi ang isang maliit na bintana ay nakasara at may puting kurtina. "Sumunod kayo sa akin pinuno."

Natigil ang pagmamasid niya sa paligid sa tinig ng lalaki, sumunod siya dito, isang silid ang kanilang pinasok.

At doon tumambad ang mga kalalakihang nasa loob ng silid ng binuksang pinto nasa bilang na pito.

Nagsitayuan ang mga ito, iginala niya ang paningin sa lahat ng nasa loob, leader ng mga rebeldeng ilustrado at indyo, ang dalawa ay heneral sa batanggas at Laguna. Isang prayle at isang representante ng matabang tsinong ipinakulong niya.

Muling tumaas ang isang sulok ng kaniyang labi nang makita ang pagkamangha ng mga taong kaharap.

Halatang hindi inaasahang siya ang haharap sa mga ito, kahit ilang beses na rin siyang nakikipag-ugayan sa mga ito hindi pa sila nagkakaharap. Gamit ang mga tauhan ng intsik, mga kasamahan nitong grupo ng mangangalakal mula sa iba't-ibang rehiyon at ilang mga rebelde na ngayon ay kaniya ng mga tauhan, maging ng kaniyang mga liham ay nagawa niyang makapagbigay ng instraksiyon sa mga ito.

After a little bit of information from her paid spies. She was able to get and understand these people's profile. Based on her experience and knowledge she was able to have them as her qualified chess pieces with no time. Although they don't have any idea who she is, they probably thought she was an old aristocratic man who have high position in the government.

Ilang beses ng humingi ng tulong sa kaniya ang mga ito at panahon na para anihin niya ang kaniyang mga tinanim, kahit medyo hilaw pa ay pipitasin na niya at saka na lamang buburuhin.

Pinaupo niya ang mga ito pagkatapos ay nagpakilala, nagsimula na siyang magsalita at ipaliwanag ang dahilan ng pagpapatawag niya sa mga ito. Inihayag niya ang kaniyang planong pagpapabagsak sa balakid na nakaharang sa daan ng pamilyang tumutulong sa kaniya.

Sa loob ng mahabang pulong na iyon ay napapansin niyang bakas pa rin ang hindi pagkapaniwala na siya ang tinatawag ng mga itong pinuno sa mga mukha ng mga kasama.

"Sa tingin ko ay kapalpakan ang kalalabasan ng planong tinutukoy mo, para tayong bumabangga ng pader binibini, kung hindi mo naiintindihan, malaking tao ang gobernadorcillo at kaibigan nito ang Alkalde Mayor ano ang laban naming sa kanila, at ano ang laban ng isang mahinang binibining katulad mo." Naniningkit ang mga mata at may pang-iinsulto sa tinig ng prayle.

"Paano kong gipitin si Donya Trinidad sa pagpapagawa ng Polyeto at Bibiliya, hindi sila magigipit sapagkat marami silang mapagkukunan kahit na nga ba hindi sila bentahan ni Donya Juliana na imposible ring mangyari sapagkat magkaibigan ang kanilang pamilya. Magulo ang iyong mga plano."

"Sang-ayon ako, hindi ko, at papaano ko naman dadakipin ang gobernadorcillio. Kahit pa mapatunayang siya nga ang utak ng pagpapabagsak sa mga negosyo ng asawa ng alkalde mayor ay hindi natin basta-basta siya mapapakulong. Mayaman sila at makapangyarihan lalo na sa Maynila." Ani ng heneral.

"Wala akong pakialam kung wala kayong tiwala sa planong ito, ang gusto ko ay gawin nyo ang mga pinapagawa ko sa inyo at ako ng bahala sa iba pa." alam niyang hindi makatatanggi ng mga ito sa mga utos niya, dahil hawak niya ang mga ito sa leeg sa mga ibidensiyang kinalap ni Diego at mga tauhan ng matabang intsik tungkol sa mga lihim ng mga ito.

Dahil ang mga ibidensyang iyon ay sapat na upang manghuli ang mga gwardiya sibil at sila ay magarote. "Hindi ako tumatanggap ng kapalpakan, at higit sa lahat hindi ko gustong tinatraydor ako." Sa matigas at malamig na tinig niyang banta sa mga kaharap.

Tikom ang mga bibig at nakaiwas ang mga tingin ng mga kaharap. Kahit hindi makapaniwala at labag sa kanilang loob ang pagsunod sa utos ng dalagang pinuno ay hindi sila makapalag at ang mas nakakagulat ay ni hindi nila magawang tagalan ang malamig at walang emosyon nitong maga mata na tila kayang basahin ang kanilang mga isip.

Pwede naman nilang hindi sundin ang utos ng dalaga subalit may kung anong takot silang nararamdaman na pumipigil sa kanilang gawin iyon. Ang pakiramdam na isang Gobernador Heneral ang kanilang kaharap sa halip na isang napakagandang dalaga ay nakadaragdag ng misteryosong dating nito.

Agad silang nagsipagtayun ng tumayo na ito at magalang na nagpaalam sa kanila at muling nilisan ang kubong pinagdausan ng kanilang pulong.

"Huwag niyong sabihing susundin niyo ang walang kwentang utos ng babaeng iyon!" Galit na singhal ng prayle ng makaalis si Kallyra.

"Hindi tayo dapat magpadala sa pananakot niya, at hindi natin kailang sundin ang mga utos niya. Wala naman siyang magagawa libang mapuputol lamang ang ating ugnayan, oo nga at marami siyang naitulong upang maiwasan ang pag-lubog ng ating mga kabuhayan subalit hindi naman natin iyo utang na loob sapagkat hindi tayo ang lumapit sa kaniya." Ang sabi ng isang mangangalakal na dayuhan.

"Subalit ilang beses tayong humingi ng tulong sa kaniyang mga tauhan na ipatumba ang mga ilang balakid sa ating daan." Ang may pag-alalang wika ng gobernador ng Batanggas. Hindi itong purong kastila, anak lamang ito sa labas, sa isang katulong ng pamilya ng kaniyang kastilang ama. Isang buwan pa lang ang nakakalipas ng mapalitan niya ang kapatid sa posisyong matagal na niyang pinangarap.

Matagal na niyang balak ipapatay ang kapatid subalit hindi siya makakuha ng pagkakataon at dahil isa siyang duwag ay natatakot siyang iskatuparan ang maitim na binabalak. Subalit isang araw ay may lumapit sa kaiyang isang misteryosong lalaki at inalok ang isang pangarap na noon ay inakalang hindi niya kailan man makakamit kapalit ng kaniyang pagsunod at pagpapasailalim sa kapangyarihan ng taong tumulong sa kaniyang mapangahas na ambisyon.

"Bakit hindi tayo magsumbong sa Gobernadorcillo, ilahad natin ang kaniyang mga plano. Hah! tingnan natin kung hindi siya ipapatay ng ginoo, akala mo'y kung sinong may mataas na katungkulan sa gobyerno kung makapag-utos sa atin, samantalang isa lamang siyang mahinang babae!" Gigil na singhal ng heneral ng Laguna. Halatang kanina pa nito tinitimpi ang galit.

"Bakit hindi mo subukan at tingnan natin kung makakarating ka sa tahanan ng mga Zamora na may natitirang hininga." Ang malamig at malalim na tinig ng binatang kanina pa walang imik sa isang sulok.

Lahat sila ay natuon ang pansin sa matanda, hindi nila ito kilala subalit sa uri ng pananamit ay at hitsura ay alam nilang isa lamang itong indyo.

"At sino ka naman?" Asik ng matandang prayle. "Malakas ang iyong loob binata na makisali sa usapang hindi mo dapat sinasalihan." May pagnabanta sa tinig nito subalit hindi iyon pinansin ng binata.

"Ang pangalan ko ay Andres mga ginoo. Isa akong esgudyante sa unibersidad ng maynila." Magalang na pakilala ng binata.

"Isa kang rebelde!" Ang galit na akusa ng gobernador ng Laguna.

"Tama ang iyong sinabi Heneral. Isa nga akong rebelde subalit wala sa.sitwasyon natin ngayon ay walang pagkakaiba ang ating katayuan." Hindi nito hinayaang makasabat ang mga kaharap at nagpatuloy. "Sa inyong palagay ba ay hindi naisip ng pinuno ang maaari kayong sumuway o magtraydor? Nagawa niyang ipapatay ang dating Gobernador ng Batanggas, ang pamilya ng mayamang dayuhan na pinagsamantalahan ng mahal na prayle, ang pagpapatahimik niya sa mga saksi at mahusay na pagbura sa mga ibedensiya ng karumaldumal na pagpapatay mo sa mga mamamayan ng isang purok sa Laguna upang makamkam mo ng walang balakid ang malawak na lupaing pinagbuhusan ng dugo at pawis ng mahihirap na indyo na minana pa nila sa kanilang mga ninuno, lahat ng iyon ay kaniyang nagawa ng malinis, tahimik at walang ibedensiya. Sa inyong palagay mga ginoo, magagawa niyo kayang maiparating sa Gobernadorcillo ang impormasyong ito nga may natitirang hininga?"

Natahimik ang lahat matapos ang mahabang litanya ng binatang nagngangalang Andres.

Next chapter