webnovel

Capítulo Dos

Naaalimpungatan si Kallyra sa huni ng mga ibon sa paligid, iminulat niya ang isang mata, nasilaw siya sa sinag ng araw na nakalusot sa munting siwang ng mga dahon, kinusot niya ang mata at umupo, kumunot ang kaniyang noo ng mahawi ang mga malalapad na dahong nakapatong sa kaniya, she remembered she fell asleep last night na nakasandal sa puno at hindi nakahiga.

Then she remember the man she was with last night, iniikot niya ang paningin sa paligid, looking for him, well mukang umalis na ito, mabuti naman dahil hindi niya kailangan ng baggage makakasagabal lamang ito sa kaniya.

Now she have to eat, kailangan niyang humanap ng makakain, sigurado namang maraming mapagkukunanan sa rain forest na 'to. Napakamot siya sa braso, looks like her blood became a sweet delicacy for the mosquitos last night, f*cking vampires. Dahil sa pagod ay hindi niya naramdaman.

Uminat muna siya bago tumayo at pinagpag ang mga dahon at damo sa kaniyang marungis at baduy na kasuotan, she really hate the dress but she will be the talk of the town if she wear her space suit here, mukhang mas sibilisado pa ang mga Indians sa Pocahontas kesa sa mga ito, and of course she was just exaggerating.

Mukang kailangan na rin niyang maligo. Ang lagkit-lagkit na niya ang lansa pa ng amoy dahil sa mga tilamsik ng dugo sa damit at balat.

Goodness! She did not sign up for this. Himutok niya, hinawi niya ang makulit na nanlalagkit niyang buhok palayo sa kaniyang maruming pisngi, dinaig pa niya ang mga amasona sa gubat!

Naglakad-lakad siya, she can hear the crunched of the dry leaves na naapakan niya, medyo basa naman ang mga dahong nasasagi niya mula sa malalaki at payat na puno maging ang mga matataas na damo, may mumunting patak ng hamog sa mga talutot ng bulaklak na nagkalat sa paligid, wild flowers in different sizes and different colors.

Maging ang mga devil vines ay mukhang malulusog, she can also smell the fresh woods, the strong fragrance of the wild flowers and the rain forest itself, the place is astonishing subalit wala siyang panahon na magmasid at humanga sa paligid, she needs food kung hindi ay magiging baliw na amasona ang kalalabasan niya.

Nakarinig siya ng kaluskos sa direksyong tinatahak niya, and she suddenly became alert, agad naghanap ang kaniyang mata ng maaring gamiting pangdepensa, it could be wild animals, or the freaking stupid soldiers! Pero sino at ano pa man ang makakaharap niya ay kaawa-awa dahil ang gutom na Kallyra ay walang inuurungan.

Handa na siya ng unti-unting nahawi ang mga dahong limang dipa ang layo sa kanya, humigpit ang hawak niya sa hawak na matigas na sangang kahoy.

"Binibini!" kumunot ang kaniyang noo, kung ganoon ay hindi pa pala umaalis ang lalaking ito, kailangan na niya itong itaboy, but not before she eat all the foods he is holding right now nakasilid iyon sa sumbrerong suot nito kahapon, kulang na lang ay maglaway siya. She could kiss him again, she excitedly run towards him, napaatras ang isa nitong paa sa gulat.

"You are heaven sent!" tuwang-tuwang wika niya at inagaw ang mga prutas na hawak nito, hinog na mangga, star apple, saging na maiiksi at saging na mahahaba, how the hell did he get this, well hindi na niya sasayangin ang IQ points sa pag-iisip tungkol doon, she gave him a quick smack on the lips to express her gratefullness.

Agad umakyat ang dugo sa mukha nito, pulang-pula maging ang tenga, mas mapusyaw ang kulay ng balat kumpara sa mga karaniwang Pilipino dahil may spanish blood kaya halatang-halata ang pamumula, a blushing macho man, she smirks.

Nakatitig lamang ito sa kanya na parang nabatubalani, lumayo siyang muli at naglakad pabalik upang sumandal sa puno at inihagis sa kung saan ang hawak niyang patpat, binalatan niya ang saging na galing dito at kumagat ng malaki na hindi hinihiwalay ang tingin dito.

"Who are you, ¿cόmo se llama usted?" Anong pangalan mo? Tanong niya sa pagitan ng pagnguya, yes she can speak spanish as well but not as good as him, she was required to learn the language. Isa pang kagat at ubos na ang saging na hawak, walang sinayang na sandali at muli na namang nagbalat ng isa pa habang hinihintay ang sagot nito.

"Lucas... me llamo Lucas Cain De La Torre" tsk, pati boses ay gwapo din, raspy and deep.

"Hindi ka kasama ng mga rebelde, maaring kasabwat ka ng mga rebelde, o espiya ng mga sundalo, alin ka sa dalawa?" napaubo siya nang mabilaukan, tsk nawawala talaga ang poise niya kapag gutom.

"W-wala sa dalawa." Tumango siya at iminuwestra ang kamay sa paraang inuutusan niyang magpatuloy ang kausap sa pagsasalita, patuloy pa rin siya sa pag-ubo, nakita niya ang pag-aalala sa mata nito at nag-aalinlangan kung lalapitan siya o hindi, muli niyang iwinasiwas ang kamay.

"İEstoy libre!" I'm fine! "So you are neither both... ano ang papel mo sa nangyari kahapon?" she was not really curious she just want to start a civil conversation with him because he brought her fruits.

"Nakita kita, akala ko ikaw... ikaw ang binibining kilala ko, pero tatlong buwan na siyang pumanaw, k-kahawig na kahawig mo siya kaya sinundan kita, hinahabol ka ng mga gwardya sibil."

Tumango-tango siya, ipinagkamali siya nito sa isang kakilala, tss.. ganoon ba ka-karaniwan ang magandang mukha niya. Anyway hindi siya interesado sa kwento nito, meron siyang problemang kailangang sulusyonan. "Tell me, nasaang bahagi ba tayo ng Pilpinas?"

"Hindi ka lumaki sa lugar na ito?"

"Yeah.." she nods. Itinuro niya ang kalangitan, kahit natatakpan ng mga dahon ay alam niyang kulay asul at kakaunting ulap lamang ang humaharang, based on the heat of the sun and the kind of weather, mabilis na nagkalkula ang utak niya, perks of being genius. "Doon ako galing, sa kalawakan."

"Nagbibiro ka ba binibini?" may alinlangan sa tinig nito.

"Mukha ba akong nagbibiro, at wag mo akong tawaging binibini ang sakit sa tenga." Humakbang siya palapit dito. "Hindi mo sinagot ang tanong ko, nasaang bahagi tayo ng Pilipinas Lucas?" aniya habang patuloy ang paghakbang, napansin niya ang paninigas nito.

"B-batanggas." Nagawa nitong isagot.

"Batanggas.." she nods her head, she don't have any idea where is that. Tinapik niya ito sa balikat ng makalapit at nilampasan ito, narinig niya ang malalim na paghugot nito ng hininga. Ang wirdo naman ng lalaking to, iiling-iling siya sa isip.

"¿Qué día es hoy?" anong taon ngayon? "Sa tingin ko ay 2093... sí?" yes?

Umalis sila sa Earth year 2019 at naglakbay ng mahigit 70 years, patuloy ang paghakbang papalayo dito. Narinig niya ang mabils na yapak ng paa nitong pasunod sa kaniya.

"Hoy es veintisiete de marzo de mil ochocientos sesenta y nueve." March 27 1869. Naguguluhang sagot nito.

Natahimik siya, how was that possible? 18 freaking 69! Did she travel through time? She really thought na kaya iba ang formation ng mga bituin ay dahil sa maraming taong lumipas, but it was not the case right? Ipinilig niya ang ulo, she dont want to think about it right now, kailangan muna niyang makaalis sa lugar na ito.

"Saan ka pupunta, mali ang tinatahak mong daan binibi-Señorita."

Hindi niya ito pinansin, patuloy siyang naglakad habang hinahawi ang mga nakaharang na mga maninipis na sanga at dahon, maging ang mga baging na nakabitin sa kanilang nadadaanan.

"Maliligaw tayo, huminto ka Senyorita kung hindi mo alam ang daan pabalik ay maari kang sumunod sa akin." Ani pa nito, ngunit nagpatuloy pa rin siya sa paglalakad at nagpanggap na walang naririnig.

"Señorita por favor!" pakiusap senyorita! "Bakit napakatigas ng iyong ulo mas masukal sa parteng ito ng gubat na tinatahak mo, maraming mababangis na hayop bukod pa roon ay mas makakapal ang mga puno at mas madilim, hindi na kaya pang sikatan ng araw ang bahaging ito ng gubat, at kapag minalas ka pa ay mahuhulog sa kumunoy, wala kang makakapitan at lulubog sa putik hanggang sa malibing ng buhay, kung hindi ka man mahulog sa bitag ng kumunoy ay matutuklaw ka ng ahas, ang bali-balita'y marami rin daw na naninirahang maligno at mga kapre sa gubat na ito kagabi ay hindi ako nakatulog sa pagbabantay sa paligid, hindi ko nais na makitang mapahamak ang isang binibini, kailangan mong makinig sa akin at sana'y wag matigas ang iyong ulo, kahit na malakas ako'y mahihirapan kitang iligtas sa nag-aambang panganib sa tinatahak mong daan Señorita!" mababa at malalim ang boses nito, ngunit napakabilis magsalita na kumukulili sa kaniyang tenga, "Señorita İUn momento!" sandali senyorita!

Huminto siya at hinarap ito. "Huwag kang sumunod sa'kin." Walang anumang wika niya at muli itong tinalikuran upang magpatuloy sa paglalakad.

"Susundan kita sapagkat mapanganib sa daang tintahak mo, hindi ako nagbibiro hindi mo alam ang lugar na ito, kung babalik tayo ay walang magiging problema, kailangan na nating bumalik Señorita, Sa ayos mong yan kailangan na ring matingnan ang iyong sugat at malapatan ng medisina!" gusto na ni Kallyra na sabunutan ang sarili sa pagkayamot sa lalaking sumusunod sa kaniya. Napakalaking lalaki ay napakadaldal! Muli siyang huminto at hinarap ito.

"I'm not stupid nor blind and I can hear you." Akmang magsasalita ulit ito ay itinaas niya ang kaliwang palad upang pahintuin ito. "Huwag mo na akong sundan umuwi ka na kaya ko ang sarili ko"

"Ngunit babae ka!" kunot na kunot ang noo nito at sa hitsura nito ay parang nawawalan na ito ng pag-asa, he looks very frustrated.

"At lalaki ka, hindi dapat sumama ang isang babaeng tulad ko sa lalaking tulad mo." Nanatili pa rin ang pakakalmado niya. Bahagya itong natigilan.

"Subalit... subalit babae ka. Kailangan mo ng tulong ng isang lalaking tulad ko upang makalabas ng gubat."

"Kung ganon ay ipahiram mo na lang sa akin ang paa mo Lucas para may magamit akong panglakad, ipahiram mo rin sa akin ang kamay mo para may panghawi ako ng mga damo para makalabas ng gubat." sarkastikong turan niya.

Bumuka at sumarado ang bibig nito, animo'y isdang inalis sa tubig. Frustrated nitong sinuklay ng marahas ang sariling buhok, its thick and dark as ebony she had the sudden urge to run her fingers through it to see if its soft as it looks.

"Hindi ako babalik doon dahil sigurado akong maraming sundalong nagbabantay, kung dadaan tayo dito, aabutin lamang tayo ng walong oras, at kung bibilisan ko ng lakad maaring mabawasan ng isa o hanggang dalawang oras, hindi ako aatakehin ng mga mababangis na hayop dahil hindi ako aabutan ng gabi, at kung mag-isa ako ay makakarating ako sa loob ng anim na oras sa labas ng gubat na ito."

Tahimik ito at napaisip. "Sasamahan na lang kita." Ang tanging nasabi nito.

"Hindi na kailangan, gusto kong mag-isa para tahimik, para hindi ako mapansin ng mga maligno at kapreng sinasabi mo." She said flatly.

Maligno at kapre?

Her lips stretched for a mocking smile. sa tagal niyang nag-aral ng siyensya wala ni isang nakapagpatunay na nag-eexist nga ang mga ito.

It was just made up by those people who are afraid of the dark, they wanted to create a non-existing creatures and monsters to justify and swathe their fear and cowardness. She sneered again.

"Hindi ako mag-iingay!" medyo napataas ang tinig nito, humalukipkip siya at tinaasan ito ng isang kilay. "Sasama ako." Matigas ang anyo ng mukha nito, a kind of look na handang makipagtalo at hindi makakapayag hanggat hindi siya sumasangayon sa gusto nito.

"Bahala ka." Ang tangi niyang sinabi pagkatapos ay muling tinalikuran ito at nagpatuloy sa paglalakad. Maymaliit na ngiti na namutawi sa kaniyang labi, although he stop talking she can feel him sulking. Parang bata, natatawang wika niya sa isip.

Next chapter