Sinalubong ako ng yakap ni Aeron.He didn't say anything.Hindi niya ako sinermonan pero sa yakap niya,alam kong nandito siya sa tabi ko para makinig.Alam kong masasandalan at malalapitan ko siya sa oras na nanghihina ako dahil kilalang kilala niya ako.
Hinagod niya ang likuran ko and that gesture makes me calm.I wipe my tears away before facing him.Sabihin ko man o hindi pero alam kong alam na niya ang dahilan ng pagluha ko dahil rinig na rinig ang mga halinghingan nila.Alam kong alam niya kung bakit ako umiiyak dahil may nararamdaman ako kay Ryder.Hindi siya nagsalita pero tiningnan niya ako sa mata.He stare at me before he sighed.
Hinila ko siya patungong Guest room dahil nag-aamba ng tumulo ang mga luha ko.Kahit hindi ko sabihin,alam kong alam niya kung gaano ako nasasaktan.When we entered the guest room,Agad niya akong niyakap at doon nanaman nagsimula ang mga luha ko.My tears won't stop.The pain continue consuming my heart at hindi ko alam kung maiinda ko pa ang sakit dahil kung ako ang tatanungin?Hindi ko na kaya.
"Hindi ko alam kung bakit gustong gusto ko siya kahit ilang beses niya akong nasaktan."I said and sobs escape from my lips.Gusto kong ikuwento ang lahat pero bawat salitang lumalabas sa labi ko ay dumadagdag lang sa sakit na nararamdaman ng puso ko.Pakiramdam ko durog na durog na ako at hindi ko na makakayanan kung masaktan ulit ako.
"Masasaktan ka talaga kapag nagmamahal ka,pero it doesn't mean na susuko ka agad dahil lang sa sakit,Kung kaya mo siyang husgahan dapat kaya mo rin pakinggan ang side niya dahil iyon ang tama."He whispered at pakiramdam ko isa iyon sa mga sagot sa tanong na gumugulo sa isipan ko.Hinuhusgahan ko siya pero hindi naman ako nakikinig kung anong opinyon niya.I'm scared that he will reject me after knowing my feelings towards him.
"Iam his wife pero parang ako pa yung nakikihati ng oras.."Lalong bumuhos ang luha ko dahil sa sinabi kong iyon.If possible,Gusto kong si Ryder ang nayayakap ko ngayon."Pakiramdam ko hindi ako sapat sa kanya.Pakiramdam ko kulang ako.Pakiramdam ko mali ang ginagawa ko.Pakiram---"
"Kung iyan ang pakiramdam mo,natanong mo na ba kung ano ang pakiramdam niya?Lahat ng bagay may explanation at hindi mo malalaman iyon dahil hindi ka naman nagtatanong.Hindi mo naman inaalala ang iniisip niya dahil puro pakiramdam mo ang inaalala mo."He cut me off.Tila isang bombang sumabog iyon sa harap ko dahil alam ko sa sarili ko na tama siya.Tama ang sinabi niya dahil ni minsan hindi ko siya hinayaang mag-explain.Hindi ko siya pinapakinggan tuwing magpapaliwanag siya.
"Natatakot akong malaman ang totoo,Aeron."I shooked my head at napaupo sa sahig.My knees are trembling at nanginginig din ang mga kamay ko.I wipe my tears pero hindi iyon matigil.Gulong gulo na ako kung anong dapat kong paniwalaan at unahin dahil hindi gumagana ng maayos ang utak ko.Gusto kong iuntog ang ulo ko ng ilang beses para lang matauhan pero alam kong hindi iyon makakatulong dahil kahit anong gawin ko,kahit bali-baliktarin ko pa ang mundo,Asawa ko lang si Ryder sa papel at alam kong kahit kailan hinding hindi niya ako mamahalin.Alam kong hanggang iyak ng patago ang magagawa ko dahil wala akong karapatang magreklamo na nasasaktan na ako dahil wala siyang pakielam.
Dinaluhan ako ni Aeron at nakaupong niyakap ako.Hindi ko alam na ganito palang magkagusto sa isang taong walang pakielam sayo.Ganito pala ang pakiramdam na mabalewala ang nararamdaman mo.Ganito pala kapag wala kang karapatan sa kanya.Ganito pala kapag hindi ka niya mamahalin dahil walang wala ka kumpara sa iba.
"Gusto ko munang magpalamig.."I said between my sobs."Punta tayo ng Club.Gusto kong uminom,Para mawala ang sakit na nararamdaman ko kahit panandalian lang."
Tinulungan niya akong tumayo.Hinang hina na ako at hindi ko narin maramdaman ang sarili ko.Pakiramdam ko namanhid ang buong katawan ko dahil sa sakit na bumalot sa puso ko.Pakiramdam ko libo-libong kutsilyo at karayom ang humihiwa sa puso ko.Hindi ko kaya pero kaylangan kong magpakatatag dahil kahit anong gawin ko,sarili ko lang ang makakaramay ko sa oras na umalis na si Aeron.Sarili ko lang ang mayayakap ko sa oras na wala na akong makakapitan.Sarili ko lang ang kakampi ko kapag tinalikuran na nila ako.
Nagpa-alalay akong maglakad kay Aeron papuntang kuwarto namin ni Ryder.Hindi niya man sabihin pero alam kong nandiyan siya lagi para lang damayan ako.He always there when I felt alone and depress.He always there when no one does.He always there when I need someone who knows me better.Hindi ko akalain na ganito pala ako kasuwerte na may isang kaibigan akong maasahan.May isang tao na handang iparamdam na mahalaga ako at hindi ako isang basura o laruan.Pinaparamdam niya na worth it akong mabuhay.
I clean myself pero natagalan ako sa loob ng banyo dahil paulit ulit na bumabagsak ang mga luha ko.When I finish cleaning myself,I wore a black tube dress that ended just five inches above my knees and perfectly hugging my body.Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko na ganito ang isinuot ko pero isinawalang bahala ko nalang iyon.Walang makakapigil sa gusto ko dahil wala silang karapatan.May karapatan man sila pero hindi sa punto na pati damit ko ay sila na ang pipili.Nadatnan ko si Aeron na naghihintay sa labas ng kuwarto ko.Ngayon ko lang napansin na nakapolo at pants parin siya marahil dumiretso siya dito pagkatapos ng trabaho niya.
"Kanino lamay?"He teased then laugh.Inirapan ko nalang siya dahil bumalik ang dating aeron na mahilig akong asarin sa kahit anong bagay."Sexy mo,tih!"
"I know right."I said before I chuckled.Kahit papaano gumaan ang bigat sa dibdib ko dahil sa mga sinasabi ni Aeron.Kahit anong lungkot ko basta nandiyan si Aeron para patawanin ako,mawawala ang lahat.He knows how to make me smile and laugh.
Nadatnan namin sa salas si Ryder.Wala na iyong babaeng kasama niya siguro umalis na.When he saw us,His gaze dropped on Aeron arms on my waist.I saw some emotions on his eyes that I can't name.I looked away when he look directly on my eyes.Naaalala ko nanaman kung paano sila nagtalik ng babae kanina.I feel the urge to cry but I stop myself dahil baka mahalata pa ako.
"S-saan kayo p-pupunta?"He was stuttering when he asked that question.Hindi ko pinansin ang pagka-utal niya dahil baka wala lang iyon.
"Diyan lang."I answered.I don't know but I saw some pain on his eyes pero baka imahinasyon ko lang iyon dahil anong dahilan para masaktan siya?It's impossible na nasasaktan siya dahil mahal niya ako dahil hindi naman iyon totoo.Wala siyang nararamdaman para sa akin.WALA!
"B-bakit b-ba ganyan yung suot mo?"He asked before he walk towards my direction.May kinuha siyang jacket sa sofa at ipinatong iyon sa balikat ko.He pulled me towards him before hugging me.Nabitawan ako ni Aeron dahil sa ginawang iyon ni Ryder.Gusto kong umiyak.Gustong-gusto kong sabihin sa kanya yung sakit pero hindi ko magawa dahil hindi ako sigurado kung may tiwala pa ako sa kanya sa nakita ko kanina.
"Let me go."I commanded pero parang wala siyang narinig.Hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin at isinubsob ang ulo sa balikat ko.Tumayo lang ako at walang ginawa.I don't hug him back dahil sa tuwing nakikita ko siya,paulit-ulit lang na pumapasok sa isip ko na hindi ako sapat.Hindi siya makukuntento sa akin.Dahil I'm nothing compared to her women."I said,Let me go!"I shouted at itinulak siya palayo.I saw how he was shocked pero sa ngayon,wala na akong pakielam.
"T-takpan mo yung hita mo,scarlett.I D-don't want them to see that."He said,pleading but I choose to ignore him.Ayaw kong sumunod sa kahit anong sasabihin niya.I don't want him to command me like he was the boss.
"Aeron,let's go."I said before holding Aeron's arms infront of Ryder.Gusto kong malaman niya na hindi sa lahat ng oras,siya ang masusunod.Hindi sa lahat ng pagkakataon,siya palagi.Hindi sa lahat ng oras,siya lang ang may karapatang humawak ng iba.Gusto kong malaman niya na wala lang siya sa akin.
Tinalikuran ko siya at hinatak si Aeron palayo sa kanya.Aeron didn't say anything.Wala siyang angal kahit hilahin ko siya.I heard Ryder calling me pero hindi ko na siya pinansin.Kahit ngayon lang hindi muna ako lilingon sa kanya.Kahit ngayon lang gusto kong sarili ko muna ang unahin ko dahil anumang oras,bibigay na ako.
Sa kotse ni Aeron ako sumakay.Kahit isang gabi lang,ayoko ng bagay na makakapag-paalala sa akin sa kanya.Isang pahinga lang muna sa nakakapagod na sakit.Isang gabi lang na sumaya kahit alam kong panandalian lang.Gusto ko munang ipahinga ang sarili ko para may lakas ulit ako kung sakaling may dumating ulit.Bibigay na ako,susuko na ako.Unting-unti na lang.
Huminto ang kotse ni Aeron sa tapat ng isang Bar.I don't know kung saang lugar ito pero ang naiisip ko ay kung paano mawawala ang lahat ng bigat sa dibdib ko.
I hope that this pain will be gone.
**