Lunch na. Papunta na kami sa bakanteng room na pinuntahan namin dati kung saan nagconfess si Ciro.
"Mag-ccr muna ko, mauna na kayo." I said.
Palagi akong sinasamahan ni Erine kapag mag-ccr o kung saan man ako pupunta, pero ngayon ay hindi. Nakapagtataka.
"Sige, hintayin ka na lang namin doon." Sabi niya saka nginitian ako. She's really acting so strange.
Dumiretso na ako sa CR. Sakto namang nandoon din sina Aina. Bahagyang nanginig ang tuhod ko habang pumapasok.
"Ang lakas talaga ng loob mong magpakita pa sa school na 'to." Bungad niya. Hindi ko na lang siya pinansin at pumasok na ako sa dulong cubicle. This is the best that I can do.
Pagkatapos kong gawin ang pakay ko dito sa CR, inayos ko ang sarili ko bago lumabas ng cubicle at huminga ng malalim. Pero bago pa man ako makakabas ay biglang may bumuhos na tubig mula sa itaas ng cubicle. Nakarinig ako ng tawanan sa labas. Kaagad ko namang binuksan ang pinto, at tumambad sa harapan ko sina Aina. May hawak siyang timba at ang mga alipores naman niya ay may hawak na mop.
"Eww. Ang baho." Sabi ni Ella, isa sa mga alipores ni Aina.
Tama siya. Ang baho nga, at nagmumula ito sa akin. Ibinuhos pa nila sa akin ang natitirang laman ng timba na tiyak akong pinagbabaran ng maruming mop. Basang basa ang buong katawan ko at nangangamoy na.
Hindi ko na lang ulit sila pinansin. Nilampasan ko na lamang sila. Bigla namang hinila ni Aina ang braso ko at hinigpitan ang pagkakahawak dito.
"Hindi pa kami tapos." Aniya saka tinulak ako sa sahig. "You look pathetic." dagdag pa niya.
Tumayo naman ko na para bang walang nangyari saka dumiretso sa sink upang maghilamos.
"Still playing cool huh, you're really pissing me!" Singhal niya.
"Then stop bothering me if you're pissed." I muttered.
"You wench!" She shouted and grabbed my hair tightly.
Hinawakan ko naman ang braso niya upang pigilan ito sa paghila. "Hindi ka ba napapagod Aina? This is not fun anymore." I said. Pinigilan ko ang panginginig ng boses ko. I need to get out of here as soon as possible.
"HAHAHAHA what are you saying? this is much more fun kaysa random person lang ang pagtripan namin." -Aina.
I laughed at her. "Seriously, gaano ka ba kastupida?"
"You're so annoying!" singhal niya. She grabbed the mop from Ella. Pumorma siya na para bang hahampasin ako pero hindi ako gumalaw para umiwas. Hindi niya ito itutuloy, alam ko, dahil nasa school kami.
Wait... I'm wrong!
Napapikit ako sabay hawak sa ulo at napaupo upang sanggahan ang sarili ko. Nagtaka ako dahil ilang segundo na ang nakalipas ay wala pa ring tumatama sa akin.
"O-OH MY GOOOOSH!" Narinig ko ang pagsigaw ni Aina at bulungan mula sa labas ng CR. Kahit nanginginig ay sinilip ko kung anong nangyayari.
There's someone standing in front of me, shielding me from Aina. Umalingawngaw ang pagbagsak ng mop sa sahig at kahit sina Aina ay natahimik.
"S-sorry Sir Dice! I didn't m-mean to—" Ani Aina. Napatakip siya sa bibig saka tumakbo palabas. Sumunod naman ang mga alipores niya.
"Man, that hurts." Dice said habang hinihilot ang kanang braso niya. Nakatulala pa rin ako habang nakatitig sa kaniya. Iniabot naman niya ang kamay niya sa akin, nawala yata ako sa sarili kaya hindi ko ito inabot. Hinawakan nalang niya ako sa braso at tinulungang makatayo. "I knew it. Something like this would happen." Bulong niya. Speechless pa rin ako.
He dragged me palabas ng CR. Lahat ng nadadaanan namin ay napapatingin sa amin. "Everyone is looking..." Bulong ko. Nakayuko lang ako at nagpapadala sa paghila niya.
"I don't care." He stated.
I don't understand why this guy keeps on showing tuwing nasa alanganin ako. Pero I'm thankful...
Kasi kahit parang naulit ang nangyari noon, this time, I have someone by my side.
Huminto kami sa tapat ng isang room saka pumasok sa loob. Medyo maliit lamang ito at puno ng mga libro. Mayroon ding tatlong table.
"You can find me here from now on." He said. So hindi na siya doon sa faculty room? "Teka, bakit ka umiiyak?!"
Huh? Ako? I touched my cheeks, at basa nga ito.
"Wait right here." He said then left me dumbfounded.
Basang basa pa rin ako at nangangamoy. Bigla tuloy akong nahiya. Ilang sandali pa ay nakabalik na rin si Dice. May dala siyang damit at towel.
"Hiniram ko 'to sa student ko," He pointed at the skirt, "And this is mine." itinuro naman niya ang dala niyang white polo. "Wash up and change your clothes. There's a comfort room right beside you."
"T-thank you." Yun na lamang ang nasabi ko.
Pumasok ako na ako sa CR saka naglinis ng sarili.
Paglabas ko ay nakita ko si Dice sa table niya at busy sa pag-aasikaso sa mga papeles.
"Oh, You're done." Sabi niya ng mapansin niya ako.
"Thank you." I said.
"You literally said that, 2 times." Aniya. Lumapit siya sa akin saka kinuha ang towel sa kamay ko. "Dry your hair, you'll catch a cold." Ipinatong niya ito sa ulo ko. He's... drying my hair.
"B-baka may makakita..."
"No, don't worry. Ako lang ang gumagamit ng room na 'to." Ani Dice.
"Bakit?" Tanong ko.
"May bagong hired na teachers, there aren't enough cubicles so I volunteered to move here." Sagot niya.
Habang pinapatuyo niya ang buhok ko ay napansin ko ang right hand niya. May malaki itong pasa. Tiyak ako na dahil 'yon sa pagsangga niya sa mop kanina. I can't help but blame myself.
I grabbed his right arm. "S-sorry..." I said.
"Bakit ka nagsosorry?" Tanong naman niya.
"You got injured because of me, dalawang beses na." Paliwanag ko.
"Ewan ko ba. I can't help but look after such a troublesome kid like you." He slightly giggled. Kahit papaano ay gumaan ang loob ko. "Now, stop clinging, I have to dry your hair."
Inalis ko ang pagkakahawak sa kamay niya dahil sa hiya. Sobrang clingy ko na ba?
Hinintay ko na lang na matapos siya sa pagpapatuyo ng buhok ko. Nang matapos siya ay kaagad ko inayos ang sarili ko. Napansin kong tumingin siya sa relo niya, naalala ko tuloy sina Erine. Nakalimutan ko na naghihintay nga pala sila!
"Let's go." Ani Dice. Huh?
"Saan?" Tanong ko.
"To the Principal's office."
---
Nang makarating kami sa Principal's office ay nakita ko agad sina Aina na nakayuko sa tabi ng Principal's kasama ang mga parents nila.
Wait... does it mean nandito rin si Mama? Tumingin ako sa paligid. Kinakabahan ako, ayokong malaman nila 'to. Bigla akong pinagpawisan, at parang nanginginig na rin ang mga kamay ko.
Isang pamilyar na boses ang narinig ko inside my head.
'You're a disgrace in this family!'
I don't want to hear it again right in front of me.
Nagulat ako nang hawakan ni Dice ang magkabilang balikat ko bago pa man kami makalapit ng tuluyan kay Mr. Principal.
"Just answer their questions, You've done nothing wrong." He whispered while looking directly into my eyes.
"So, you're saying na my daughter is a bully?!" Aina's Mom shouted. "My daughter could never do that!"
"That's why we're here, Mrs. Castillo. Lilinawin po natin kung ano talaga ang nangyari." Ani Mr. Principal.
Mahinahon namang nagsalita ang isa pang Nanay. "Shiela won't do something like that too, Mr. Principal. I know my daughter."
"We'll see, Mrs. Lopez. By the way, Lucy, makakarating ba si Mrs. Hernandez?" Tanong ni Mr. Principal sa isang Alipores ni Aina. She looks scared, sobra.
"H-hindi ko po a-alam kung makakarating si Nanay." She answered, stuttering.
"How about you, Shihandra?" Nabaling naman sa akin ngayon ang atensyon ng lahat. Masama ang tingin sa akin ng kabilang panig. Ano mang oras ay baka sugurin na ako ng mga Nanay nila.
"I d-dont kn—"
"I'm her guardian, Mr. Principal." Dice said.
"Oh, okay. Let's start."
"What can you say about those pictures na kumakalat sa buong campus, Shihandra?" Bungad ni Mr. Principal.
"Those p-pictures were... real." I paused, tumingin ako sa muka nila. They're all shocked.
"What do you mean? Then this is solved, inosente ang mga anak namin!" -Mrs. Castillo
"Wait, what?" Bulong ko. Akala ko tungkol lang ito sa bullying?
It seems like Dice heard me. "They are the culprit. Sila any nagpakalat ng picture niyo ni Ciro."
How?
"Siya na po ang nagsabi Mr. Principal. Totoo ang nasa picture, she's a slut, kaya pwede na ba kaming umalis?" -Mrs. Lopez
"W-wait. As i said, totoo po yung picture. Totoong ako 'yun at si Ciro, pero nagkakamali po kayong lahat. It's just a m-misunderstanding." Paliwanag ko.
"How can you say so?" Pagsingit ni Aina.
"We didn't kissed. It's just... dahil lang po iyon sa angle ng camera. N-napuwing po si Ciro, tinulungan ko lang po siya because he's struggling." Pagpapatuloy ko.
"Do you have any evidence?" Ani Mrs. Castillo. Napayuko ako, di ko alam kung paano ko papatunayan, dahil kahit si Dice ay muntik nang maniwala noon. It even caused an argument between us.
"How about tanungin muna natin kung saan nakuha ng mga anak niyo 'yung picture? At bakit kailangan pa nilang ipakalat?" Tanong ni Dice. Ikinatahimik ito ng lahat. He's right, saan nila 'yon nakuha?
"Sheila, answer them! Tell them you're innocent!" -Mrs. Lopez
"I just helped Aina dahil ang sabi niya gusto niyang nakaganti kay Shihandra." -Sheila
"What?! Ella? How can you— I thought we're friends?!" -Aina
"Not anymore, Aina, you dragged us into this. And dont call me ella." -Shiela
"Still, kasabwat pa rin kayo!" -Aina
"Stop, calm down. So saan nga nanggaling ang picture, Aina?" -Mr. Principal
"Yes! Sa akin! Ano, masaya na kayo? pero I'm not the one who took it, someone gave it to me. Ang sabi niya, it's a win-win situation for the both of us." -Aina
"Aina? What are you talking about?! Stop this!" -Mrs. Castillo.
"Shut up for a second, mom. The one who sent me... is S—"
Nanlaki ang mata ni Aina pagkatapos bumukas ang pinto ng Principal's office. Hindi na niya naituloy ang sinasabi niya.
"Ciro, Erine, Snow, nasaan na ang pinadala ko sa inyo?" -Mr. Principal.
"Here," May iniabot na flash drive si Ciro kay Mr. Principal. Kaagad naman itong ipinlug-in sa laptop.
"While we're waiting, you may continue, Aina." -Mr. Principal.
Pumunta sina Erine, Ciro at Snow sa tabi ko. Erine held my hand tightly. Napatingin ako sa kaniya, she then smiled at me.
Hindi ko maintindihan, bakit sila nandito? And what's on that flash drive?
"The p-picture... was sent by s-some random person on the internet. Hindi ko alam kung sino siya, it's a dummy account at saka bigla na lang niya akong inapproach!" Pagpapatuloy ni Aina. Nagtaka ako, something felt off. "Still, how can you prove na hindi malandi si Shihandra? How you prove na hindi nila niloloko si Erine? Sinisira nila ang reputasyon ng USJ!"
"Right, my daughter's right. This kid is a slut!" Sigaw ni Mrs. Castillo. Sa lakas ng sigaw niya ay umalingawngaw ito sa buong office.
"Be careful on your words, Mrs. Castillo." Ani Dice. I can tell thay he's fuming mad.
"That's right... you should be careful about your words when you're talking to my daughter."
"P-papa..." Halos manlambot ang tuhod ko nang makita ko si Papa. He's smiling pero kitang kita ang inis sa mukha niya. G-galit kaya siya sa akin?
"Oh, Ikaw pala yan, Mrs. Castillo. How's your husband? You're the owner of Castle resorts, right?" Bungad ni Papa. Parang naestatwa naman si Mrs. Castillo dahil bigla siyang natahimik.
"Mom?" -Aina.
"A-ah, he's fine Mr. de Dios... uhm I A-APOLOGIZE FOR THE BEHAVIOR OF MY DAUGHTER." -Mrs. Castillo.
"Huh? Mom?!" -Aina.
"Apologize, Aina!" She lowered her voice. "bakit hindi mo sinabing anak siya ng ajsnjsjskasjjs"
"WHAT? uhhh... I mean I-Im sorry, Shihandra." Sabi ni Aina. I know she's insincere. Napilitan lang siya.
"A-ako na rin ang humingi ng tawad dahil sa anak ko, S-sheila..." -Mrs. Lopez.
"Sorry..." -Sheila.
"B-but what about the issue Mr. Principal..." Hirit pa ni Mrs. Lopez.
Napalingon ang lahat nang marinig ang tatlong beses na pagkatok sa pinto at pagpasok ng isang babae.
"Mrs. Hernandez, buti naman po at nakarating kayo." -Mr. Principal
"Magandang araw ho, ano ho bang nangyari at ipatawag ninyo ako? May nagawa ho ba ang anak ko?" Ani Mrs. Hernandez.
Ipinaliwanag naman ni Mr. Principal ang nangyari. Hindi mapigilang umiyak ni Lucy. Humingi siya ng tawad sa akin at pati na rin kay Mrs. Hernandez.
"Teka... Flower shop namin ito..." Ani Mrs. Hernandez nang makiya ang picture. "Sa tingin ko.. totoo ang sinasabi ng anak ni Mr. de Dios."
"Ale?! Natatandaan ko po kayo... kayo po yung tindera ng bulaklak!" Ani Ciro.
"Tama hijo. Natatandaan ko pa noong bumili sila ng bulaklak. Hindi nila nagawa ang iniisip ninyo Mr. Prinsipal. Totoong napuwing ang binatang 'to, tinulungan ko rin sila noong araw na iyon. Inihipan ko pa nga ang mata niya." Paliwanag ni Mrs. Hernandez. Naaalala ko na! si Mrs. Hernandez pa nga ang nagrekomenda sa amin ng bulaklak na ibinigay ni Ciro ay Erine! "Bumibili sila ng bulaklak noon para sa isang kaibigan, magtatapat daw."
"Mukhang malinaw na ang lahat, Mrs. Castillo." Papa said. Hanggang ngayon ay di pa rin ako makatingin ng diretso sa kaniya. Ganon din sina Mrs. Castillo. "I'm going to let it slide as long as you'll keep your mouths shut. Mr. Principal, ipagkakatiwala ko na ito sa inyo."
They all agreed. Humingi lang sila ng tawad dahil sa Papa ko, hindi dahil nagsisisi sila sa ginawa nila.
"Pero Mr. de Dios... meron pa pong isang concern kung bakit ko po kayo pinatawag." -Mr. Principal.
Kinuha ni Mr. Principal ang laptop niya. He showed us a video of me, habang sinasaktan nila Aina sa likod ng abandonadong bahay at isa pang video sa CR, yung nangyari kanina.
Parang nag-aapoy na sa galit si Papa matapos mapanood ang video.
Nilapitan ako ni Papa at saka inililis ang sleves ng suot kong polo. Tumambad sa kaniya ang mga pasa at galos sa braso ko.
"Kelan pa 'to, Shi? Dice, is this what you were saying?!"
"P-pa..."
Sorry for the late update, huhu. I've been feeling down this past few weeks, I even lost my motivation to write and i nearly failed to supress my feelings. I actually have no one to talk to, and I hope that's not the case for you.
I'll try hard to continue writing from now on. Thank you for being patient! xoxo