"It's raining hard." Sabi ko kay Erine. Kanina pa kami hindi makauwi at makaalis ng hallway dahil sa lakas ng ulan. Ganoon din ang iba pang mga estudyante.
"May bagyo kasi." Sagot naman ni Erine. "I don't have an umbrella"
"Meron ako." Hinanap ko sa bag ko ang payong ko. Kaagad ko itong binuksan at saka lumapit kay Erine. "Lets run." Nginitian naman niya ako. Bigla namang dumating si Ciro bago pa man kami umalis, may dala siyang payong at kaagad niya itong inabot kay Erine.
"Gamitin mo." Abot tenga ang ngiti nito habang iniaabot ang payong kaya hindi na nakatanggi si Erine.
"Paano ka?" Tanong ni Erine.
"It's fine, tatakbo na lang ako." Inilagay ni Ciro ang bag niya sa ulo niya.
"No, baka magkasakit ka." Ibabalik pa sana ni Erine ang payong ni Ciro pero sinenyasan ko siya na magshare na lang silang dalawa. Nagets naman siguro iyon ni Erine kaya nginitian niya ako. Pinagmasdan ko na lamang sila habang naglalakad palayo, sa ilalim ng malakas na ulan. Nagpaiwan na ako para magkaroon naman sila ng moment hehe.
Pagkalipas ng ilang sandali, i decided na umalis na rin dahil baka hinihintay na ako ni Dice sa kotse niya. Habang naglalakad ako ay bigla na lang may lalaking sumilong sa payong ko. Nagulat ako dahil sa Dice pala 'yon. Basang basa ang uniform niya. Todo taas naman akong payong dahil sa sobrang tangkad niya. Nakakangawit huhu. Kaagad naman niyang kinuha ang payong mula sa kamay ko at siya na ang humawak.
"Baka may makakita sa atin." I whispered.
"Di naman siguro nila to bibigyan ng malisya," he answered. Tama naman siguro siya dahil malay mo, wala lang talagang payong si Sir Dice kaya ganito. Pinagdasal ko na lang na sana walang nakakakita. "Bakit ba ang layo mo?"
"Ha? Hindi naman ah?" Sabi ko. Kasi kapag lumapit pa ako sayo... baka di kayanin ng puso kong hopeless romantic.
"Tsk" inilapit niya ako sa kaniya sa pamamagitan ng pag-akbay sa akin. Wag mong bigyan ng malisya Shihan! Ayaw lang niyang mabasa noh. Ilang linggo na ang lumipas simula noong aksidente kaya magaling na ang kamay niya at naghilom na rin ang mga sugat at galos na natamo niya. Tinake advantage pa nga niya yung mga panahon na yon para alilain ako. Ako lang naman ang gumagawa ng lahat ng chores sa bahay. Madalas din si Key sa condo noong mga panahon na iyon kaya pakiramdam ko ay mas lalo kaming naging close.
"We'll attend to an event the day after tomorrow, related sa business ni Dad at ni Mr. de Dios." Sabi ni Dice. Inihatid niya ako sa mansion ng parents to get ready for tomm.
Pagdating naman namin sa mansion ay agad kong nadatnan si Mama sa sala habang nakatitig sa napakaraming formal dresses na nakadisplay sa paligid.
"Ma, bakit ang ang dami naman po nito?" I asked at parang nagulat pa siya.
"Nandyan ka na pala, my dear daughter~ namimili lang ako ng bagay sa iyo."
Tiningnan ko rin ang mga ito at masasabi kong sobrang mahal ng mga ito dahil karamihan sa nakita kong brands nito ay Ralph Lauren, Hermes, Louis Vuitton, Oscar de la Renta at iba pa.
"Pili ka na my dear daughter, sigurado akong bagay ang lahat ng mga iyan sa 'yo~"
Kaagad naman akong nilapitan ng mga babaeng nakasuit na kanina pa pala dito at tinulungan akong magsukat. Napakarami ko nang naisukat at napapagod na ako pero hindi pa rin nasasatisfy si Mama. Kapag hindi pa nagandahan si Mama sa isang 'to, baka magcollapse na ako.
Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Sa lahat ng isinukat ko ay dito lang din ako nasatisfy. Kulay red ito at medyo fitted din kaya naeemphasize ang figure ko. Sakto lang naman ang haba at komportable naman ako sa paggalaw.
"Wow, my dear daughter, wow. You look so gorg in that dress. Sukat na sukat, as if it was made only for you." Inayos ni Mama ang buhok ko at iniharap ako muli sa salamin. "Sigurado akong maiinlove sayo lalo si Dice."
"Ma naman e."
"Anak ha, wag masyadong mapusok, remember, you're too young." Napakunot tuloy ang noo ko. E sila 'tong nagpakasal sa amin at nagpatira sa amin sa isang bahay.
"Yes ma." Sumang-ayon na lang ako dahil baka kung ano pa masabi ko kay Mama.
"Dapat maging mas maganda ka pa sa makalawa, dapat mapanganga sayo ang asawa mo."
Mali ma. Baka ako ang mapanganga. Yun sana ang gusto kong sabihin.
"Minsan ka na lang dumalaw dito, namiss tuloy kita~"
"Ako din po Ma, miss ko na din kayo ni Papa."
***
Light make up lang ang inilagay sa akin dahil maganda na raw ako. Ganoon ba talaga ang hitsura ko? Bakit hindi ko makita huhu? Kaunting oras na lang ang natitira at magsisimula na ang event. Kararating lang namin sa venue at ang una kong ginawa ay ang hanapin si Dice.
Ilang sandali pa ay nakita ko na sila sa isang table, nandoon na din sina Mommy at Daddy, at may kasama pa silang iba na sa tingin ko ay sina kuya Anthony and his wife.
Doon kami naupo sa tabi ng table nila. Dahil di pa naman nagsisimula ay nakipag-usap muna si Papa at Mama sa mga kakilala nila samantalang ako naman ay naiwan sa table namin. Ilang segundo pa lang akong naiiwan sa table ay may lumapit na sa akin at inilahad nito ang kamay niya sa tapat ko.
"Hi," Hinead to toe niya ako kayo ganoon din an ginawa ko. "You look familiar." Anito. Matangkad siya at maamo ang mukha, pero sa tingin ko ay mas matangkad si Dice sa kaniya. Tumawa siya ng medyo awkward, narealize ko na kanina pa nga pala nakalahad ang kamay niya, kaagad ko naman itong hinawakan at nakipagshake hands. Yun nga ba ang dapat kong gawin? Huhu. "Parang nakikita kita sa USJ..." Dagdag pa niya. Hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko, at hindi ko alam kung paano ko ito babawiin.
Huh? Schoolmate ko ba siya? Sumulyap ako kay Dice sa kabilang table. Nakikipag-usap na rin pala siya sa iba pang mga panauhin. Kapag nagkataong kakilala ako ng lalaking kausap ko ngayon at kilala niya rin si Dice...
"Ah! right! You are that cutie in Usj, you are Shiha—"
"Why are you holding my wife's hand for so long?" Patay. Hinila ni Dice ang kamay ko.
"What?! Shihandra is already married?" Gulat na sabi ng lalaki.
"You know her?" Tanong ni Dice.
"Yes! She's popular on USJ, I'm studying there. Btw, I'm Roi Domingo, from Domingo Corp." Pakilala ni Roi.
"I'm Dice Lucrenze of Lucrenze Group, and this is my WIFE." Ngayon ko lang napansin na hawak pala ni Dice ang kamay ko. Nagblush tuloy ako.
"Is he really your husband?" Roi asked. Inaamin ko, nagdadalawang isip ako if i'm gonna answer his question honestly. Timingin ako kay Dice na diretso lang na nakatingin kay Roi. Mukha namang hindi kilala ni Roi si Dice kaya...
"Y-yes." Sagot ko.
"Paanong hindi alam ng buong campus na you're already a married woman? I can't believe this." Napakamot si Roi at ibinalik ang tingin kay Dice. Napaisip tuloy ako, sinadya ba talaga ni Dice na ipakilala ang sarili niya kay Roi? Kapag nagkataon, pwedeng maging si Roi ang dahilan para mabunyag ang sikreto namin.
"Mr. Domingo, may i take my wife now?" Ngumiti si Dice, his annoying pretentious smile. He's talking calmly and nicely, kagaya ng pagpapanggap niya kapag may kaharap na ibang tao.
"Yeah, of course." Nag-usap pa sila sandali, pero di ko naintindihan kung anong pinag-usapan nila. Nagshake hands sila at pagkatapos ay hinila na ako ni Dice papunta sa table nila ng pamilya nila.
"Oh, you must be my brother's wife." Ani kuya Anthony.
"Y-yeah." I stuttered, medyo nakakaintimidate kasi siya.
"We're sorry, hindi kami nakarating sa kasal niyo dahil we're so busy kase e." Sabi naman ng babaeng katabi niya. "By the way, I'm Bella, Anthony's wife."
"It's okay, don't worry about it. I'm Shihandra, nice to meet you." I said.
"You're so cute! And so gorgeous!" Nahiya tuloy ako dahil sa papuri ni ate Bella.
"T-thank you, i think you are gorgeous too." Oo, ang ganda ni ate Bella, maputi, medyo skinny pero fit. Nginitian niya ako, kaya bahagya rin akong ngumiti sa kaniya.
"So, how's my brother? Is he giving you a hard time?" Tanong ni kuya Anthony. Nagdalawang isip na naman ako.
"No, he's very easy to get along with." Yun na lamang ang sinabi ko. I gazed at Dice at sakto naman na nagtama ang paningin namin, ako ang unang umiwas ng tingin. Kaagad kong kinuha ang tubig na inilagay kanina ng waiter sa table at dahan dahan itong ininom. Kalma, shi, hindi sadya yun.
"Kelan niyo ba planong bigyan kami ng pamangkin?" Halos maibuga ko ang tubig na iniinom ko dahil sa tanong na 'yon na nagmula kay kuya Anthony. Nasamid ako, nagmukha tuloy akong bata dahil muntik na akong mabasa. What kind of question ba naman yon? Ni minsan hindi pumasok sa isip ko 'yon dahil ang bata ko pa at hindi ko alam kung— kung ano... basta.
"That's too early, still not part of our plans." Sagot ni Dice. Inabutan niya ako ng tissue mula sa table, at kinuha ko naman ito kaagad. I'm embarassed.
Ilang minuto pa ay nagsimula na ang event. Pagkatapos magspeech ng host ng event ay si Dice naman ang nagsalita sa harapan. Nakatingin lamang ako sa kaniya. Ang mature na talaga niya tignan, malayong malayo sa akin. Nakasuot siya ng itim na tux, sobrang lakas ng dating ng presence niya. Karamihan din ng mga babae babae dito ay nakapako ang mga mata sa kaniya. Sa dami magagandang babae dito, baka ipagpalit niya ako huhu. Alam kaya nilang lahat na i'm his wife? Or if he's already married, at least?
Natapos nang magsalita si Dice, sinundan naman ito ng malakas ngunit eleganteng palakpakan mula sa mga nakikinig.
Mag-isa ako sa table ngayon, si Mama at Papa ay nakikisamuha sa mga kapwa nila businessman, ganoon din sina Mommy, Daddy, kuya Anthony, ate Bella, at Dice. Nagpaiwan na lang ulit ako dahil wala naman akong kakilala dito at isa pa, hindi ko alam kung paano makipag-usap or even start a conversation with these sophisticated people surrounding me.
Nauhaw ako kaya tinawag ko ang waiter at nagpaserve ng dala niya. Tinitigan ko muna ito. Iniangat ko ang wine glass at inamoy ang kulay pulang likido na nasa loob nito. Is this a wine? Or just juice? Meh, whatever. Ininom ko ito at nakapagtataka namang nakaramdam ako kaagad ng pagkahilo. Pero ang satisfying ng feeling, parang gusto ko pa. I called for the waiter again, and that kept going for 10 more times. Nahihilo ako, parang umiikot ang buong paligid ko. Ni hindi ako makatayo sa upuan ko pero bakit yung iba sa mga tao dito ay nagagawa pa ring makatayo at maglakad? Bakit hindi sila natutumba?
Pinilit kong tumayo pero bigla nalang nagdilim ng bahagya ang paningin ko kaya muntik na akong matumba, sakto naman na may sumalo sa akin mula sa likod ko.
"Shi? Okay ka lang?" Nakilala ko lang ang lalaking sumalo sa akin dahil sa boses nito.
"I-im... perfectly f-fine, hehe. Nandito ka rin pala, Key." Sagot ko.
"Huh? You're drunk? Nasaan ba si Dice, ba't iniwan ka dito?" Inalalayan ako ni key pabalik sa kinauupuan ko kanina.
"You look so handsome tonight..." Hindi ko alam kung bakit lumabas iyon sa bibig ko. Hindi sumagot si Key pero nanatili siyang nakatitig sa akin. "I think I'm ugly, hindi nga pinansin ni Dice ang hitsura ko ngayon. Tell me, am I not attractive at all? Huhu." Hindi ko alam pero parang feel kong gayahin ang mga napapanood kong cute na anime girls ngayon.
"N-no, you're so... stunning." Napangiti ako dahil sa papuri ni Key.
"Then why is he ignoring me?" Nagpaawa ako sa harap niya. Hindi ko mapigilan ang ginagawa ko, parang hindi na ako 'to.
"Who? Dice? Maybe he's just busy..."
"BUSY? Huhu, he doesn't love me." Nagdabog ako, dahilan para pagtinginan kami ng mga tao sa paligid.
"Shh, don't say that."
"Tell him that i hate him! Lagi na lang niyang pinapabilis ang tibok ng puso ko, sometimes I feel like I can't breathe, I think... he's going to kill me." Tahimik lang na nakatingin si Key sa akin at para bang inuunawa ang sinabi ko.
"So... You hate me? Really?" Mabilis akong napalingon sa direksyon ni Dice. Nasa gilid ko na pala siya.
"Yes! I hate you! Key told me I look stunning... ikaw kanina mo pa ako kasama pero di mo man lang pinansin ang suot ko!" Talagang pinagtitinginan na kami dahil sa pagtatantrums ko. Pero wala akong pakialam.
"Oh. You like him more than me now?" Sandali akong napaisip sa tanong niya. Binabaligtad ba niya ang sitwasyon?
"Dice, your wife is drunk, sa tingin ko kailangan mo na siyang iuwi." Ani Key.
"Wife?"
"His wife looks so young."
"Akala ko single pa siya, sayang, he's so handsome pa naman."
"Totoo pala na he's married na pala."
Ilan lamang iyan sa mga narinig ko mula sa mga tao sa paligid.
"Yeah, that's right." Inalalayan ako ni Dice. Kahit sa sandaling pagdidikit lang ng balat namin ay parang nakukuryente na ako. Ang bilis ng pangyayari, naipagpaalam na pala ako ni Dice sa parents ko na kailangan ko nang umuwi. Hindi ko na narinig ang mga sinabi nila dahil sobrang nahihilo ako at kung ano-anong pumapasok sa isip ko.
Nasa kotse na kami. Nasa passenger seat ako at nakasandal sa tabi ng bintana. Pinanood ko na lamang ang mga street lights na nadadaanan namin, pero parang lalo pa yata akong nahihilo.
"Oh and I've got all that I need~
Right here in the passenger seat~
Oh and I can't keep my eyes on the road~
Knowing that she's inches from me~" wala sa wisyo kong kinanta ang kantang iyon. Namiss kong kumanta. Naiiyak tuloy ako dahil naalala ko si Lola.
"You're really drunk." Tumingin ako kay Dice, at nagtama muli ang mga mata namin bago niya ibalik ang paningin niya sa daan.
"No, I'm not!" Tanggi ko.
"Who told you that you can drink alcohol? You should wait until you turn 18. You're still underage."
"Please stop talking to me like that. I can handle this, I'm not drunk." Pagpapaliwanag ko. Hindi naman kasi ako lasing. Nahihilo lang ako, hahaha.
"You should not drink again, you're giving me a hard time babysitting you." Hay, heto na naman tayo. Mukha ba akong bata ha? Ano bang gusto niya? Anong bang hindi bata sa kanya? 'yung katulad ng mga kausap niya kanina na kita na ang cleavage?
Ibinaba ko ang suot ko para lumabas ng kaunti ang cleavage ko. Bwahahaha. "Does that mean... I'm your baby?"