"Shi? Ano bang sinasabi niya?"
Nag-isip ako ng pwedeng idahilan. Tumingin ako sa relo ko. Sakto namang mag-aala una na, kaya malapit nang magsimula ang klase.
"Erine, 12:56 na pala, baka malate tayo sa klase!" Sabi ko sabay lakad palayo. Naramdaman ko naman sumusunod sa akin si Erine.
"Ano bang sinasabi niya, Shi?" Tanong ni Erine. Hindi na lang ako sumagot. "Shi, never kang naging tahimik kapag ako ang kasama mo, there's no point kung hindi ka magsasalita, alam kong may tinatago ka."
"Saka ko na lang ipapaliwanag sayo, mahabang kwento kasi." Iyon na lamang ang sinabi ko.
Buong afternoon period, lumulutang ang isip ko dahil sa nangyari. May isang tao na ngayon na nakakaalam ng sikreto ko bukod sa mga taong kinausap ni Papa para itago ito. Maaari pa itong madagdagan kung hindi ako mag-iingat. Dapat ko bang sabihin kay Erine? Mapagkakatiwalaan naman siya kaya lang natatakot ako sa magiging reaksyon niya.
Five PM na kaya uwian na namin. Nagmadali akong lumabas ng room namin para iwasan si Erine.
"Shi! Hintayin mo ako!"
Tsk. Paano ako makakaiwas niyan?
"Mauna na ako sayo, Erine. Marami pa kasi akong gagawin." Dahilan ko.
"Sandali na lang 'to, sabay na tayong umuwi." Dagdag niya.
"Bakit? Hindi naman tayo magkalapit ng bahay ah?" Pagdadahilan ko pa.
"Oo nga pero pupunta ako kina Tita Ana, diba malapit lang bahay niyo doon." She said.
Paano ko ipapaliwanag na hindi na ako doon nakatira? Habang patagal nang patagal ang usapan na 'to, mas lalo akong nahihirapang makalusot.
"May pupuntahan pa kasi akong importante, so I won't be able to come home right now." Sana umepekto to huhu.
"Ah, ganoon?" Tinitigan ako ni Erine. Parang nakakahalata na siya. "Okay." Sabi niya saka umalis na.
Nakahinga ako ng maluwag dahil doon. Hinintay ko muna na makaalis siya bago ako lumabas.
Hindi ko na siya nakikita kaya umalis na rin ako. Baka kasi kapag nakita niya si Dice ay maghinala siya.
Pagkalabas ko ng gate, nakita ko agad ang kotse ni Dice kaya dali-dali akong sumakay.
"What took you so long?" Tanong ni Dice. Sumasabay na naman ang pagiging moody niya.
"Naaalala mo ba yung lalaking tumulong sa akin noon sa Balesin noong hinahabol tayo ng tatlong goons?" Panimula ko.
"Oo, why?"
"You said Im your wife, and he heard it."
"So?"
"Nandito siya sa. Dito siya nag-aaral sa University of Saint Joseph!"
"Ano naman ngayon?"
Kabado na ako pero siya naman ay kampante lang.
"Diba napag-usapan na natin na hindi muna irereveal sa mga schoolmates ko na may asawa na ko? It will only cause trouble!"
"Then tell him to keep it a secret."
Hindi naman 'yon ganoon kasimple.
"M-me? Paano ko ipapaliwanag sa kaniya?"
"Kailangan pa bang magpaliwanag ka? Just tell him it's complicated."
Maya maya pa ay biglang may kumatok sa bintana ng kotse ni Dice kung saan siya nakapuwesto.
Binuksan naman ito ni Dice.
"Can you please move your car?"
Ah. Si Erine pala.
What?!
Si Erine?!
Kaagad akong dumukdok para magtago.
"Nahulog kasi yung keychain, it went under your car." Pagpapaliwanag niya.
"Oh, is that so?" Bait mode na naman si Dice. Sa 'kin lang naman kasi siya masungit at moody. "Okay, I'll move it, paalis na rin kami."
"Erine!"
Naloko na.
Nakita ko si Ciro na tumatakbo papunta kay Erine. Buti na lang talaga tinted ang car ni Dice.
"Oh, it's you?" Sabi ni Ciro. Napahinto siya nang makita si Dice.
"Bilisan mo na paandarin mo naaaa!" Bulong ko habang pumapadyak.
"Hindi pwede, hindi ako makakaatras dahil nandoon yung lalaking 'yon." Bulong naman ni Dice.
May lalaki palang nakasandal sa likod ng kotse ni Dice at naninigarilyo pa ito.
Bakit ba ganito, bakit ayaw umayon ng swerte ko ngayon?!
Tuluyan nang nakalapit si Ciro.
"Are you here para sunduin si Shihan?" Tanong ni Ciro.
Wala na, narinig lahat 'yon ni Erine.
Wala na akong takas!
"Magkakilala kayo? At bakit naman niya susunduin si Shi?" Pagtataka ni Erine. "Hindi ko naman siya namumukhaan, at hindi naman siya mukhang driver."
Kilala ni Erine lahat ng Driver namin, pati mga maids. Siya kasi ang palagi kong kasama.
"He's not a driver. He's Shihan's husband." Ciro stated.
Tumawa naman ng malakas si Erine.
"Grabe ka naman magbiro Ciro, 17 pa lang si Shi, saka alam ko lahat ng ganap sa buhay niya." Sabi ni Erine.
"Actually, I'm really her husband." Sabat ni Dice.
Nanlaki ang mga mata ko. Why is he so stupiiiid?
"In fact, she's sitting behind me."
Bigla namang bumukas ang bintana kaya wala na akong takas.
"What is this all about, Shi?" Halatang nagulat si Erine. Hindi ko lang mabasa sa reaksyon niya kung galit ba siya o hindi.
"E-erine..."
---
"So, you're married huh..." Sabi ni Erine. "...with this guy." Tiningnan ni Erine ng masama si Dice.
Ipinaliwanag na namin lahat sa kaniya. Ngumiti naman si Dice.
"You don't need to do that, I know you're just pretending." -Erine.
Sinabi ko din kasi kay Erine na hindi naman talaga siya mabait.
"What a relief. Nangangawit na ko e." Ipinakita na ni Dice ang tunay niyang ugali. Yung pagiging snippy niya. "Btw, kanina ko gustong itanong kung bakit kasama natin 'tong lalaki na 'to."
"Ah," Nagulat si Ciro. "Hindi ko rin alam." Sagot niya.
Napakaplayful naman pala ng ugali ni Ciro. Nakakatuwa siya.
"Y'all..." Nagsalita si Dice. "When would y'all disappear."
"Dont mind him haha." Sabi ko naman.
"Ilang taon ka na ba Dice?" Erine asked out of nowhere.
"I'm 23."
"23?!" Sabay pa sina Erine at Ciro.
"So, yun ang dahilan kung bakit laging kid ang tawag mo kay Shi." -Erine.
"Child abuse!" Bulong naman ni Ciro.
"I'm just obeying what my parents want." He paused. "Of course I don't wanna be married to this kid. She's not my type." Walang reaksyong pagpapaliwanag niya.
"You're also not my type, sugar daddy!" Pang-aasar ko.
"Say, kinasal na kayo so, naghoneymoon na kayo?" Tanong ni Ciro.
Naramdaman ko naman ang pag-init at pamumula ng mukha ko.
"Hindi no! Walang ganon!" Depensa ko.
"That's true." Pagsang-ayon ni Dice.
"But you two are living together under one roof." Dagdag pa ni Ciro.
"What about 'you may kiss the bride' thingy?" Tanong pa ni Erine.
Hindi ko alam pero naglalag na ang isip ko sa sunod sunod nilang tanong.
"Kung ano man ang iniisip niyo, wala naman masama do'n dahil mag-asawa na kami, pagbali-baligtarin man ang mundo." Kampanteng sagot ni Dice. "Don't worry, I dont have any interest in that kid, be rest assured that I won't do anything to her."
Napayuko at napatahimik. Ganoon din sina Ciro at Erine. Siguro naman tapos na ang question and answer portion na 'to.
"Maiwan ko na kayo."
Tumayo si Dice mula sa kinatatayuan niya saka dumiretso sa kwarto niya.
"So.. you're not sharing the same room." -Erine
"Looks like he really doesn't have any interest in you." -Ciro.
"Please keep it a secreeeet, please?" Pakiusap ko. "Kapag nalaman kasi to ng mga estudyante sa USJ, it will cause a huge ruckus."
"Yeah, tama ka. Popular ka pa naman." -Ciro.
"Wala akong pagsasabihan, swear." -Erine.
"Thank you, guys."
Pagkatapos ng pangyayaring iyon masasabi kong naging normal na ang lahat. Natapos na ang anxiety ko tungkol sa pagkabunyag ng sikreto ko. Wala naman din kasing pakialam si Dice kung malaman man ng lahat na kasal na kami, so ako lang talaga ang nag-aalala.
Nagpatuloy lang ang normal na araw araw ko, kasama ang bugnutin kong asawa. Ganoon pa din naman ang turingan namin, pero aminado akong mas napapalapit na kami sa isa't-isa.
"Hey kid! Bakit may alikabok pa dito sa mga corner? Don't tell me hindi ka nagvacuum?" -Dice. "Please, don't forget to clean the kitchen after cooking. Can you also not forget to fvcking turn off the TV after watching? You're so troublesome, so annoying!"
"Bleh!" Sagot ko naman.
Binabawi ko na pala 'yung sinabi ko. This man is crazy, and I think we won't get along forever.
---
Nasa cafeteria ako ng school ngayon habang hinihintay si Erine. Nag-cr kase siya e. Bigla naman dumating si Snow saka naupo sa tapat ko.
"Where's Erine?" Tanong niya.
"CR." Sagot ko naman.
Ilang sandali pa at dumating naman si Ciro. Nakiupo siya sa table namin.
"Here, sit beside meee." Pag-aaya ni Snow kay Ciro. Magkakilala nga pala sila.
Naupo naman ito sa tabi niya.
"Hi, Shihan!" Bati nito sa akin.
Biglang nagvibrate ang phone ko kaya kaagad ko itong kinuha.
Nagtext pala si Erine.
Erine: Sorry Shiiiii, nauna na ako, nakalimutan ko kasing may meeting nga pala kaming SSG officers ngayon. Kailangan ko talagang umattend.
"Hindi pala makakarating si Erine ngayon, may meeting daw sila." Sabi ko.
"Ganoon? Then, let's start eating." Snow said.
Nagsimula na kaming kumain. Napansin ko na close pala si Snow at Ciro, nag-uusap kase sila na parang matagal na silang magkakilala. Hindi naman ako makasali sa pinag-uusapan nila, kaya nagpatuloy na lang ako sa pagkain.
"Gosh." Sabi ko. Aksidente kasing natapon 'yung ulam ko sa uniform ko kaya nagkamantsa na ito.
"Ayos ka lang?" Kaagad tumayo si Ciro para iabot sa akin ang panyo niya pero naunahan siya ni Snow.
"Oo, im okay." Tinangihan ko na lang ang tulong nila, palagi naman akong may dalang extra na white t-shirt dahil madalas akong pawisan.
"Ganon ba? May extra akong t-shirt dito, kaya lang baka oversized kapag sinuot mo." Offer ni Ciro.
"No its ok—" Bago pa man ako tuluyang makasagot ay nagsalita si Snow.
"Shihan, pwede mo bang kunin 'yung orange juice sa bag ko? Pakibuksan na rin, thank youuu~" Aniya.
Inilipat nga pala niya ang bag niya kanina sa table sa tabi ko dahil naupo sa tabi niya si Ciro. Kinuha ko ang orange juice saka ko binuksan. Iniabot ko ito sa kaniya.
"Oh my gosh!" Mahinang sigaw ni Snow. Natapon kasi ang juice sa katawan niya.
"Im so sorry, di ko sinasadya.." Sabi ko.
Hindi ko alam kung anong nangyari. Maingat ko namang binigay sa kanya 'yung bote, nasa pagitan na ito ng kamay niya at kamay ko pero bigla itong natapon.
"Okay lang Shihan, magpapalit na lang ako." Anu Snow. Kaagad naman niyang ipinaabot sa akin 'yung bag niya para tingnan kung may extra siyang damit. "Gosh, wala pala akong dalang extrang damit." Bulong nito, ngunit sapat pa rin para marinig namin.
"Ah, Ciro, diba sabi mo may dala kang extra?" Tanong ko naman.
"Ah, o-oo." Sagot naman niya.
"Bakit hindi na lang kaya siya ang pahiramin mo?" Suhestyon ko.
"B-but"
"Don't worry about me, palagi akong may dalang extrang damit." Sabi ko.
"O-okay."
Nilabas niya ito agad saka ibinigay kay Snow.
"T-thank you." Ani Snow.
Nagpaalam na ako sa kanila. Dumiretso ako sa CR para magpalit ng damit. Nagsalamin muna ako, grabe, ang laki ng mantsa, paano ko kaya ito tatanggalin mamaya?
Dumiretso na ako sa isang cubicle para magpalit. Binuksan ko ang bag ko para hanapin ang extrang damit ko pero nang ilabas ko ito ay nanibago ako.
Oh. My. God.
Maling damit pala ang nadampot ko! Ang laki kasi ng size ng white T-shirt na nadala ko, at sigurado akong hindi ito sa akin. Kay Dice 'to!
Kinuha ko ang phone ko saka hinanap ang pangalan ni Dice sa contacts. Kaagad kong pinress ang call. Nagring naman ito kaagad.
Umabot pa yata ng isang minuto bago siya makasagot.
"Hello?"
["Ba't napatawag ka?"]
"May problema akooo."
["What's new? You're a troublemaker, remember?"]
Ugh. Hindi ito ang tamang oras para mang-asar.
"Im serious!"
["What is it?"]
"I took the wrong shirt kaninang umaga!"
["So?"]
"It's your shirt!"
Bumuntong hininga siya.
["Kaya pala nawala."]
"Dalhan mo 'ko ng damit dito please?" Pakiusap ko.
["Ha? Why?"]
"Natapunan kasi ako ng pagkain kanina."
["Clumsy"]
"Hey, I heard that!"
["Bakit mo ba ko inuutusan."]
"Di kita inuutusan. Kaya nga nagplease ako diba?"
["Then, anong kapalit?"]
"I'll..." Napaisip ako, ano bang gagawin ko para hindi niya ako matanggihan? "Ah! Ill do the dishes for today!"
["..."]
Ugh.
"Then, for two days!"
["..."]
"Fine. One week!"
["Deal."]
["By the way, where should I get your clothes?"]
"Inside my room, nandoon yung closet ko. Basta hanapin mo, baka nakahanger o kaya nakatupi. Nakalimutan ko na. Basta, mahahanap mo din 'yan. White shirt ha."
["Bakit white shirt pa, uniform na lang."]
"Oo nga noh, di ko naisip 'yon hehe."
[*Blag*]
Isang malakas na tunog ang narinig ko mula sa kabilang linya.
"Bakit? Ano 'yon?"
["Nothing. F-found it."]
Kaagad naman siyang naghang-up.
Lumabas muna ako ng cubicle para magsalamin. Hindi na talaga matatakpan ang mantsa. Higit pa doon, baka mahirapan akong tanggalin 'to.
Maya maya pa ay biglang nagring ang phone ko kaya sinagot ko ito agad.
"Hello?"
["Where are you?"]
"Nasa CR ako ng mga babae."
["Okay."]
Sandaling katahimikan ang nagdaan.
["Come out."]
"Ha?"
["Do you expect me to go inside?"]
"N-no! I'll come out in a few second."
Lumabas naman ako kaagad. Pagkalabas ko ng CR, ay ikinagulat ko ang nakita ko.
"Bakit parang nakakita ka ng multo?" Tanong ni Dice sa akin.
"W-why are you wearing a teacher's uniform?" Tanong ko.
"Di ko ba nasabi sayo? I'll be teaching here from now on."
Napanganga ako. Kinuha ko naman agad ang pinapadala ko sa kaniya saka tumalikod na.
"Di ka manlang magthathank you?"
"Hindi, may kapalit 'to diba?"
Pumasok agad ako sa loob ng CR.
Ugh. This is crazy!
---
Last period na. At sobrang ikinagulat ko kung sino ang pumasok sa room namin. Lahat ng mga kaklase ko ay nakatitig sa kaniya. 'Yung mga babaeng classmates ko ay parang nagkakaroon na ng puso sa mga mata.
"Mrs. Reyes took a maternity leave, so temporarily, I'll be your teacher in FABM 2" he paused. "I am Dice Lucrenze. You can call me Sir Lucrenze, Mr. Lucrenze, or Professor Lucrenze. Originally, sa college department ako kabilang pero, as a said earlier, I'll be teaching you temporarily because of Mrs. Reyes."
Tumingin siya sa direksyon ko. Napaiwas naman ako ng tingin.
Nagbubulungan ang mga kaklase ko.
"OMG! Ang gwapo!"
"Kung siya ang teacher sa Funda, baka mamaster ko pa lahat ng lessons!"
"He looks so young!"
Hmp. What's the big deal? Si Dice lang 'yan.
"Sir, Ilang taon na po kayo?" Tanong ng isa sa mga kaklase kong babae.
"Im 23." Sagot niya sabay ngiti.
Wag kayong papaloko sa ngiti na 'yan!
"Sir, may asawa na po ba kayo?" Napatingin naman ako sa nagtanong ng tanong na iyon. Hindi ako maaaring magkamali, si Erine 'yon! Nanadya ba talaga siya?
"Unfortunately, yes."
Unfortunately? UNFORTUNATELY? He's right.
"Awwww." Sagot ng karamihan sa mga babae. Natawa naman si Dice. Isang pekeng tawa. Alam na alam ko 'yon, hindi diya makakatawa ng ganyan sa maliit na bagay. Ang sadista kaya niyan sa moody.
"That's certainly a lie."
"Sinasabi lang niya siguro 'yon para hindi siya kulitin ng mga babae."
"Ang bata pa niya para maging kasal."
Bulungan ng iba.
Ano pa bang ayaw niyong paniwalaan? Nanggaling na mismo sa kaniya na kasal na siya ah?
Hay sa wakas natapos din ang klase. Hindi rin naman ako nakapagfocus e.
Nagtext sa akin kanina si Dice na mauna na ako sa kotse at hintayin ko na lang siya. Halos mahigit kalahating oras na akong naghihintay pero wala pa rin siya.
Maya-maya pa ay nagbukas ang pinto sa driver's seat. Sa wakas dumating 'rin.
"Ang tagal mo." Sabi ko. "Bakit di mo sa akin sinabi na dito ka pala magtatrabaho?"
"I just forgot, okay?" Aniya.
"Paano 'yan? Diba bawal ang student-teacher relationship?" Tanong ko. Totoo naman e.
"Oo nga. Pero alam na ng BOD at ng principal ang sitwasyon natin. Naipaliwanag ko na lahat sa kanila bago pa man ako pumasok dito. Besides, kasal na tayo bago ako pumayag sa offer nila na maging proffesor at accountant sa USJ."
"Then, malalaman na ng lahat na kasal na tayo?" Kabado na ako.
"Hindi noh. They'll keep it a secret dahil nga bawal ang student-teacher relationship, maaaring mamisunderstood 'yun ng iba kahit na valid naman ang reason natin. Your father is an important stockholder of USJ, and my father is also planning to buy stocks so I'm sure they cant afford to lose them."
"Ah, i feel relieved." Sabi ko.
"From now on, Im your teacher." He said.
Bigla akong kinabahan.
"Kaya itrato mo ako ng maganda kung hindi, ibabagsak kita." Biro niya.
Pero parang hindi rin biro.
Ugh! Im doomed!
I know it's weird but it's for the plot. If you don't want this kind of story, skip this story na lang hehe. Pero thank you sa mga nagbabasa pa rin! labyuuu